Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Arrange Marriage To My Boss

Arrange Marriage To My Boss

Isang araw nagising ako sa katotohanan naay asawa na pala ako. kung hindi niya lang binili ang nalulugi namin na kompanya hindi ko gagawin ito. Lalo na't kung alam ko na siya na Boss ko pala ang nakabili nun.
973 viewsOngoingAdded to Library 28 Times as popular na panitikan
Read
+Library
The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?

The Wife's Crushing Strike: You Rejected Me First, Remember?

Sa araw mismo ng prenatal check-up ni Arabella, nahuli niya ang asawa niyang si Nathaniel Monteverde na may kasamang ibang babae. Mas masakit pa roon, malamig siyang itinanggi nito sa harap ng kabit. Akala ni Nathaniel, pagbubuntis lang ang dahilan kung bakit sila nauwi sa kasal. Kaya matapos maisilang ni Arabella ang kanilang anak, tahimik siyang pumirma ng annulment at tuluyang nawala sa buhay nito. Ngunit limang taon ang lumipas, hindi na ang dating mahina at api-apihang Arabella ang bumalik. Isa na siyang matagumpay at magandang businesswoman na hinahangaan ng marami. At habang unti-unti na siyang masaya sa buhay na wala si Nathaniel, saka naman muling bumalik ang lalaking unang gustong kumawala sa kanilang kasal. Ngayon, ayaw na siyang pakawalan nito—lalo na nang balak na niyang magpakasal sa ibang lalaki. “Arabella, huwag na huwag mong iisipin na magpapakasal ka sa ibang lalaki.” Napabuga ng hangin si Arabella. “You rejected me first, remember?”
149 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as popular na panitikan
Read
+Library
Inima Luna

Inima Luna

Seirinsky
( Mature Content Inside ) Si Serenety ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay, na kahit imposible ay naniniwala siyang matutupad iyon. Isa na doon ay ang makapunta ng kabayanan at makapasyal sa kapatagan, dahil lumaki siya at nagkaisip sa isla kasama ang kanyang ina na ni minsan ay hindi siya isinama paalis ng isla upang magbenta ng kanilang ani. Nauunawaan niya iyon ayaw ng kanyang ina na makatagpo siya ng masasamang tao. Pero isang araw ay may dumating na bisita sa kanilang tahimik na tahanan ang lalaking natagpuan niya sa dalampasigan walang malay at may mga sugat katawan na halos ikamatay na nito. Mula ng araw na iyon ng makilala niya ang lalaki ay nagkaroon na ng kulay ang kanyang buhay dahil marami itong naituro sa kanya isa na doon ang kung paano umibig ang bata niyang puso. SEIRINSKY Book cover design by: Hera Venice Arts ALL RIGHTS RESERVED JUNE 2020
103.8K viewsCompletedAdded to Library 80 Times as popular na panitikan
Read
+Library
NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir

NO MORE CONTRACTS: The CEO’s Hidden Heir

“Sa loob ng pitong taong pagsasama natin, naging sunod-sunuran ako sa pamilya mo. Umaasang balang araw mararamdaman ko rin ang pagmamahal mo—ang mahalin ng isang Draven Morris.” Ako si Scarlet Ferguson. Itinago ko ang lahat ng sakit, pati na ang anak na hindi alam ng asawa ko na nag-e-exist. Akala ko sapat na ang pagiging tapat na maybahay para mabago ang nakatakdang paghihiwalay na nakasaad sa aming kasunduan. Ngunit isa lang pala itong isang malaking biro. Habang ibinibigay ko sa kanya ang lahat, mayroon na pala siyang ibang itinatangi. Ngayong tapos na ang pitong taon, ako naman ang magbibigay ng bagong kontrata. Sa aming paghihiwalay, magiging malaya na kami—pero hinding-hindi ko ipapaalam ang tungkol sa aming naging anak. Pipirmahan kaya ni Draven ang kasunduang magpapawalang-bisa sa lahat ng kanyang karapatan, o huli na ang lahat bago niya mapagtanto ang malaking bagay na mawawala sa kanya?
10100 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as popular na panitikan
Read
+Library
Pregnant With Her Boss

Pregnant With Her Boss

WennieWrites
Tatlong araw pa lang nagtatrabaho sa kompanya si Cresilda ay hindi na niya maiwasan ang hindi mainis sa boss nila. Ubod ito ng sungit, at hindi man lang ngumingiti. Parating galit at perfectionist pa. Kaya naman ng dumating ang araw ng ika-78th anniversary party ng kompanya ay wala siyang balak na dumalo. Pero ipinag-utos ng boss nila na ang hindi dumalo ay walang Christmas bonus na matatanggap. Kaya naman, walang choice si Criselda. Halos ubusin na niya ang wine sa wine counter sa sobrang inis habang nasa party. Pero ganon na lamang ang gulat niya nang magising siya kinabukasan na walang suot na damit at katabi ang boss nila.
865 viewsOngoingAdded to Library 30 Times as popular na panitikan
Read
+Library
THE SEVEN DORK'S BOSS.

THE SEVEN DORK'S BOSS.

@SimplyMarjo
Hindi na nagdalawang isip pa si Yanie Seo-ri na tanggapin ang isang trabaho na inaalok sa kanya ng isang BTS (Bangtan Sonyeondan) Manager. Nakitaan kase siya nito ng galing sa pakikitungo sa mga kpop idols na dumarayo sa isang mamahaling bar kung saan talaga siya nagtatrabaho. Permanente siya roon ngunit mas maganda ang magiging sweldo niya kung ang pagsisilbihan niya ang pinaka sikat na Boy group sa buong mundo. Sa dami rami ang naghangad na pagsilbihan ang pitong binata na ito ay siya na nga siguro ang isa sa pinaka swerte. Maiituring nga ba niyang swerte o kailangan lamang niyang panindigan ang trabahong tinanggap niya?
1.5K viewsOngoingAdded to Library 61 Times as popular na panitikan
Read
+Library
The CEO's Revenge

The CEO's Revenge

Si Xaiqa Qealil Dhal'Pzion na mas kilala sa tawag na Xai ay nakaranas ng labis na kalupitan sa kamay mismo ng sarili niyang ama, hindi pag mamalupit sa mismong katawan niya ngunit sa mga taong mahal at labis na malapit sa kaniya, sa edad na siyam ay iniwan sila ng kaniyang pulis na ama, at walang hiya nitong ipinahiya ang kaniyang ina, sa murang edad ay walang nagawa ang kawawang bata, lalo na't sila ay nagmula lamang sa mahirap na pamilya. Ngunit simula ng iwanan sila ng kaniyang ama, si Xaiqa at ang nakababata niyang kapatid na si Ziekye ay binuhay ng kanilang ina, halos araw araw at madalas gabi na kung maka uwe ang kanilang ina dahil sa labis na pagtatrabho upang mabigyan sila ng magandang kinabukasan, mas naging maayos din ang buhay nila, simula noong hindi na nila nakakasama ang kanilang ama, wala ng nananakit sa kanilang ina. Ngunit sa edad niyang dose ay muling nag pakita ang masamang mukha ng kanilang ama, at sa gabing iyon, tuluyang nawasak ang puso ni Xaiqa, dahil pinahirapan ng labis ang kanilang ina habang nasa harap nila, walang awang pinag hahampas ng latigo, at sa huli ay kinitil ng sarili nilang ama ang buhay nito, sa oras din nayon ay ibenenta ang kaniyang kapatid sa malaking sindikato, walang nagawa si Xaiqa kundi ang umiyak, mag luksa at sumigaw, hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay. 13 years ang nakalipas, ang batang dumaan sa labis na hirap at sakit ay muling magbabalik para sa hustisya, nais niyang tuparin ang sumpang binitawan sa labi ng kaniyang ina, at ang pangako na hahanapin ang kaniyang kapatid, si Xaiqa ngayun na anak na ng mga asawang bilyonaryo sa ibat ibang bansa at isa ng ganap na CEO. makakamit niya kaya ang hustisya? para sa mahal.
407 viewsOngoingAdded to Library 10 Times as popular na panitikan
Read
+Library
UNBREAK MY HEART

UNBREAK MY HEART

Si Sophia Florence ay isang napakagandang babae na may pusong handang magsakripisyo para sa pag-ibig. Limang taon niyang inialay ang kanyang buhay kay Wright William, ang gwapong CEO ng Wright Trading Inc.—isang self-made billionaire na hinubog ng ambisyon at sakripisyo. Ngunit sa kabila ng kanyang tagumpay, ang kanilang kasal ay isang lihim sa mata ng mundo. Si Sophia ang lihim na asawa, ang babaeng laging nasa anino, patuloy na nagmamahal sa isang lalaking hindi kayang ibigay ang buong pagmamahal sa kanya. Sa kanilang ikalimang anibersaryo, pumasok si Sophia sa Wright Tower, dala ang homemade lunch at isang malaking lihim—siya ay buntis. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Sa gitna ng grand marble lobby, nakita niyang hawak ni Wright ang kamay ng isang babae—si Jane Clyde-Wright, ang "opisyal" na asawa sa mata ng publiko. Ang sakit na dulot ng katotohanan ay parang isang matalim na kutsilyo na sumaksak sa kanyang dibdib, habang siya'y umiiyak, nagiging multo sa sarili niyang kasal. Sa pinakamadilim na sandali ng kanyang buhay, lumitaw si Teddy Smith, ang misteryosong business partner ni Wright—gwapo, mayaman, at puno ng galit para kay Wright. Ibinukas ni Teddy kay Sophia ang pinto ng paghihiganti, ngunit sa kanilang paglalakbay ng lihim na pagmamahal, nagsimulang matuklasan ni Sophia ang mas malalalim na lihim na nagtatago sa kanyang pamilya at ang tunay na motibo ni Teddy. Habang ang mga lihim at pagnanasa ay lumalalim, natutuklasan ni Sophia ang mga madilim na katotohanan bakit itinago ni Wright ang kanilang kasal? Ano ang tunay na layunin ni Teddy? Sa bawat hakbang patungo sa katarungan, kailangan niyang magdesisyon: Mananatili ba siya sa sakit ng nakaraan, o susunod siya sa mapanganib na pag-ibig kay Teddy, na may panganib na magbigay ng kaligtasan... o magdala sa kanya ng kapahamakan?
105.2K viewsOngoingAdded to Library 193 Times as popular na panitikan
Read
+Library
PLAYING WITH MY INNOCENT SECRETARY (SSPG)

PLAYING WITH MY INNOCENT SECRETARY (SSPG)

Si Clarissa ay isang simpleng babae lamang, lumaki sa kandili ng kanyang Ama't Ina na nagturo sa kanya ng maganda at mabubuting bagay. Lumaki siyang walang alam sa kung ano man ang makamundong bagay ang nangyayari sa mundong kanyang ginagalawan, wala rin siyang alam kung para saan ginagamit ang mga bagay na nasa ibabang bahagi ng bawat tao. Sa madaling salita, inosente si Clarissa at wala pa siyang karanasan sa mga senswal na aktibidad. Bagama't nasa tamang edad na ay marami pa siyang hindi alam patungkol sa kung ano at paano ginagawa ang mga bagay na minsan niya na rin naririnig sa ibang mga tao. Wala sa isip ni Clarissa ang mga ganoong bagay, mga bagay na nagbibigay init sa katawan, nagpapawala sa isipan at nagbibigay kaligayahan sa bawat taong gumagawa nito. Hanggang sa dumating ang lalaking magpapamulat sa kanya sa kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng bawat makamundong bagay na hindi pa alam ni Clarissa. Makikilala niya si Tyron, isang lalaking nagmamay-ari ng pinakamalaking Jewelry Company sa bansa, kinilala rin na isa sa pinakamayamang tao sa loob at labas ng bansa. Siya ang magiging boss ni Clarissa, at si Clarissa naman ang magiging sekretarya ni Tyron. Dahil sa ugnayan na mangyayari ay ang malinis na isipan ni Clarissa ay mababahiran ng init dahil sa lalaking si Tyron. Mamumulat si Clarissa sa mundong nagliliyab sa init, sa bawat haplos at dampi ng labi ay dala ang pinakamasarap na pakiramdam. Pakiramdam na tanging nagpapaligaya at lulunod sa isipan ni Clarissa at magdadala sa kanya sa isang paraisong hindi matatakasan. Sa pagkakataong ito at dahil na rin sa init na ibinibigay ng mga katawan nila. Malulunod sila sa apoy ng makamundong gawain. Gawaing parehong magmumulat sa kanilang mga puso sa isang bagay na hindi nila lubos akalain na mangyayari.
103.6K viewsOngoingAdded to Library 101 Times as popular na panitikan
Read
+Library
I Wanted a Divorce, Benedict!

I Wanted a Divorce, Benedict!

Sa loob ng pitong taon ng kanilang pagsasama, nananatili si Benedict na malamig sa kaniyang asawa habang si Mikaela naman ay patuloy pa rin sa pagsisilbi rito bilang isang mabuting asawa. Umaasa kasi siyang isang araw ay matututunan din siyang mahalin ni Benedict ngunit hindi niya inakala na ang pagmamahal nito at pag-aalaga ay ibubuhos lang din pala nito sa ibang babae. Gayunpaman nanatili siyang matatag sa kanilang pagsasama. Hanggang sa araw ng kaniyang kaarawan, lumipad siya mula Pilipinas patungong Amerika upang makasama ang kaniyang mag-ama ngunit sinama ni Benedict ang kanilang anak upang makasama ang babae nito habang siya ay naiwan nag-iisa sa apat na sulok ng kaniyang silid. Pagod na siya kaya nagpasya na siyang isuko ang lahat lalo na sa tuwing nakikita niya ang kaniyang anak na mas gusto at mas masaya pa ang babaeng iyon na maging ina nito kaysa sa kaniya na tunay nitong ina. Masakit para kay Mikaela ang lahat ng iyon kaya naman nagpasya na siyang ibigay ang divorce agreement kay Benedict kasama ang kostodiya at bumalik ng Pilipinas nang walang paalam. Mula noon, hindi na pinansin ni Mikaela ang kaniyang mag-ama habang hinihintay na lang ang divorce certificate nilang mag-asawa. Iniwan niya ang kaniyang pamilya at muling itinaguyod ang kaniyang career. Siya na noon ay inaalipusta ng lahat ay nagawa nang kumita ngayon ng bilyon. Sa kabilang banda, sa tagal ng kaniyang paghihintay, bigo siyang makuha ang divorce certificate na hinihintay niya gayundin ang taong matagal siyang iniwasan at ayaw na ayaw umuwi ng Pilipinas ay madalas niyang nakikitang umuuwi sa piling niya. Bukod pa roon bigla itong nagbago at mas naging malapit sa kaniya. Nang malaman nito na nakikipaghiwalay na siya, kinorner siya ng dating tahimik at walang pakialam na asawa at sinabi, "Divorce? impossible."
10789 viewsOngoingAdded to Library 18 Times as popular na panitikan
Read
+Library
PREV
1
...
3334353637
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status