Lorenzo Montemayor"The CEO’s Twins & Young Beautiful Nanny"
Mhiya Anne, 17 years old, is a hardworking high school student juggling studies and work in the public market just to survive. Wala na siyang pamilya — mag-isa na lang siya sa buhay. Pero isang gabi, sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis siya ng kaklase niya matapos ang isang gabing di niya maalala—isang gabing lasing siya at walang matandaan.
Pinatira siya ng pamilya ng lalaking nakabuntis sa kanya. Sa una, mabait. Pero nang mailabas ang anak niya, nagsimula ang totoong hirap. Pinilit siyang magtrabaho muli dalawang buwan pa lang ang nakakalipas mula sa panganganak, para raw “makabawi.” Ang mas masakit, ang ama ng kanyang anak may iba na — at never siyang pinanindigan.
Hanggang sa isang araw, tumanggap siya ng text na bumasag sa puso niya:
*“Dinala na namin sa ospital ang anak mo. Mataas ang lagnat. Maghanda ka ng malaking pera. Hindi kami magbabayad pang hospital ng anak mo. Kulang pa ang binibigay mo kada linggo.”*
Luhaan siyang tumakbo sa ospital kahit walang-wala.
Pero huli na ang lahat. Hindi na niya inabutan ang anak niya nang buhay.
Doon gumuho ang buong pagkatao niya.
Ang nag-iisa niyang dahilan para mabuhay… nawala.
At sa araw ding ‘yon, wala na rin siyang dahilan para lumaban — hanggang sa isang hindi inaasahang babae ang lumapit sa kanya.
Si Lorainne Montemayor.
At isang alok ang magbabago sa buhay niya
**Lorenzo Montemayor**, 30 years old. Gwapo. Matalino. Mayaman. Kilala sa mundo ng negosyo. Pero sa likod ng tagumpay ay isang pusong sugatan — iniwan ng kanyang long-time childhood fiancée, na nag loko pa at hindi kayang panindigan ang kanilang anak. Ayaw ng babae sa responsibilidad, iniwan ang lahat kay Lorenzo.
Dalawang magkaibang mundo.
Dalawang magkaibang sugat.
Pero iisang dahilan kung bakit sila natutong lumaban — **ang kanilang anak.**