Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
To love or To kill

To love or To kill

Ginoong Hugotero
Dalawang taong anibersaryo ng mag-asawang Dindo at Annabelle, pinaghanda ni Annabelle ang asawa ng mga paborito nitong pagkain upang kanilang pagsaluhan. Gabi na noon at wala pa rin ang asawa niya, matiyaga siyang naghintay hanggang sa umuwi itong lasing, labis-labis ang pagkainis niya sa asawa sapagkat hindi nito naalala ang mahalagang okasyon ng kanilang pagsasama. Hindi niya inasahan ang pangyayaring bumago sa takbo ng kanilang pagmamahalan. Napagtanto ni Annabelle na mayroong kerida ang kaniyang asawa at ito'y inamin din naman nito sa kaniya. Nang gabing iyon ay pinahirapan siya nito, niyurakan ang kaniyang pagkababae at dangal. Kinulong siya nito sa loob ng basement. Akala niya ay doon na siya mamalagi nang mahabang panahon ngunit sa kabutihan palad ay nakaligtas siya mula sa madilim na basement na iyon sa tulong ng kaniyang pinsan na si Slyvia. Lumipas ang isang taon ay hindi pa rin nakalilimutan ni Annabelle ang masalimuot na pangyayari ng kaniyang buhay sa kamay ng dating asawa. Sa isang grocery store ay nagtagpo ang landas nilang mag-asawa kasama ang kabit nitong si Carla, walang kaalam-alam ito na kaharap na pala nito ang asawa ni Dindo. Hindi naglaon ay bumaliktad ang mundo nina Dindo at Annabelle matapos pumayag ni Dindo na maging drayber ng dating asawa. Nakilala rin ni Annabelle si Mr. Khou at nahumaling ito sa kaniya. Kitang-kita ni Annabelle ang pagngingitngit ng dating asawa kaya naman sinamantala niya ito. Umaayon ang takbo ng panahon sa kaniyang mga binabalak para sa dating asawa. Sa pagpapatuloy ng kuwento ay nais lang naman ni Annabelle na makapaghiganti sa kaniyang asawa dahil sa madilim na karanasan niya rito na siyang dahilan ng pagkawala ng kaniyang kauna-unahang baby. Makakayanan bang mahalin muli ang taong nakapanakit sa iyo? O handa mong dungisan ang iyong mga kamay para makapaghiganti sa kaniya?
102.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 55 kali sebagai quotes about doing what you love
Baca
+Pustaka
Love Language (Queen and CEO)

Love Language (Queen and CEO)

LOVE and HATE are sometimes considered to have the same feeling and effect. It requires the same amount of intensity. When you fall in love you always think about that person while when you hate someone you also do the same. Is it possible that hatred could turn into love? Can love forgive and forget the pain of the past? Queensley Hernandez ay kilalang-kilala sa industry na kinabibilangan niya. Brand ambassador kasi siya ng isang kilalang clothing line at cosmetic company. Magandang mukha, makinis, katawan na may magandang kurbada at marangyang buhay. Halos lahat ay nasa kanya na pero pakiramdam niya ay may kulang pa rin sa buhay niya. Kaakibat ng kasikatan niya ay ang panghuhusga ng mga tao sa paligid niya. Kinababaliwan siya ng mga kalalakihan samantalang sinusumpa naman siya ng mga kababaihan. Wala siyang pakialam sa sinasabi ng ibang tao dahil alam niya na wala naman siyang tinatapakan na tao. Marami ang nagagalit sa kanya at hinusgahan siya ng hindi muna siya kinikilala. Isa sa mga taong iyon ay ang nag-iisang anak ng taong kumupkop sa kanya si Mark Joseph Donovan. Kinababaliwan at hinahabol siya ng mga kababaihan dahil sa taglay niyang kagwapuhan pati na rin sa kanyang reputasyon. Wala siyang panahon makipagrelasyon dahil mas naka-focus siya sa pagpapalago ng negosyo. Kinatatakutan naman siya ng mga tao sa industriya na ginagalawan niya dahil sa pagiging matalino, agresibo at strikto. Iniwan niya ang kumpanya ng magulang niya at nagtayo ng sarili niyang kumpanya. Galit siya sa Papa niya kaya umalis siya at nabuhay mag-isa. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana dahil kailangan harapin niya ang Papa pati na rin ang babaeng kinasusuklaman niya. Ano ang kalalabasan ng paghaharap nila? Posible ba na mabago pa ang pagtingin ni Mark kapag na kasama niya si Queensley?
105.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 149 kali sebagai quotes about doing what you love
Baca
+Pustaka
Si Ceo, Secret Love Ko

Si Ceo, Secret Love Ko

Pagkalipas ng limang taon, bumalik si Alexa Flores. Gusto niyang maghiganti sa kapatid niyang naglayo sa kanya sa mga magulang nila, at sa kababata niyang minahal pero ipinagpalit siya sa kapatid niya. Gusto rin niyang tuparin ang pangarap niya na maging isang sikat na artista. Pero hindi pa rin tumitigil ang kapatid niya sa paggawa ng masasamang plano laban sa kanya. Isang araw, matapos siyang mabiktima ng isa na namang pakana, nakilala niya ang isang cute na bata at nailigtas ito. Dahil dito, napunta siya sa bahay ng batang may autism—si Lucas Garcia—para tulungan itong maging mas komportable at mas open sa ibang tao. Habang tumatagal, hindi lang si Lucas ang naaapektuhan ng presensya niya. Pati ang ama nitong si Louis Garcia ay unti‑unting nahuhulog sa kanya. Sa gitna ng paghihiganti, pangarap, at mga problemang dumarating, unti‑unting nagbabago ang buhay ni Alexa sa paraang hindi niya inaasahan.
10387 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 14 kali sebagai quotes about doing what you love
Baca
+Pustaka
Stuck on you: The brat and the broken billionaire

Stuck on you: The brat and the broken billionaire

She's twenty-one while he's thirty. She's single while he's annulled. She's a fresh grad student while he's a CEO. She's a brat while he's independent. She's an heiress while he is a billionaire. She's sexy while he's hot. She's gorgeous while he's luscious. Isang uhaw sa pagmamahal ng magulang at isang hindi swerte sa pagmamahal. Melania Yushra Lardizabal, a business tycoon heiress, chose to become a brat, wild and liberated as her way to get her parent's attention who were too busy with their businesses that they forget Era's existence. Jacob Niccolai Sandoval, a CEO and a billionaire became cold and arrogant when he got his heart broken twice by two different women. Two souls with a big hole in their hearts who were forced into marriage and lived together. An arranged marriage with a five-year contract and five golden rules. Mapupunan kaya ng bawat isa ang puwang ng kani-kanilang mga puso? Paano kung sa pagdaan ng mga araw ay unti-unti nilang makilala ang totoong pagkatao ng bawat isa at 'di naiwasang mahulog? Muli kayang isusugal ni Nicco ang puso sa ikatlong pagkakataon? Hahayaan kaya ni Era na mahulog kay Nicco ang puso if the fifth golden rule is not to fall in love with him dahil kailanman ay hindi siya ang tipo ng babae na magugustuhan nito?
1070.4K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 2.6K kali sebagai quotes about doing what you love
Tampilkan Ulasan (34)
Baca
+Pustaka
Gene Darden
sobrang laugh trip.... leteral na romcom to the max hahaha sakit sa tyan ko sa kakatawa. sobrang galing mo Ms. Drey magcomedy at ang galing nyo po magkwento. Napakaganda ng love srory ni Era at Nico.Thank you soooo much for the laugh. Sana marami ka pang story na maisulat dito sa GN. God bless po♡♡♡
Marie Reyes
Ang ganda niya. it has the right mix of humour and romance. also, gusto ko ang characters ng bida. the woman is palaban and with a golden heart. and the man is woaaah....perfect. he fights for his woman and is 100% ideal husband ...
Baca Semua Ulasan
I Will Take Back What's Originally Mine

I Will Take Back What's Originally Mine

Si Jessa Diryln, isang part timer na babae na na-frame-up ng sarili niyang step sister. Matapos niya itong suportahan sa pag-aaral, ang nakukuha niya sa kanyang madrasta ay mga paninisi, pagpapahirap at pang-huli, na-frame-up siya. Upang makatakas sa posibleng pagkamatay na sinabi ng pamilya ng biktima, sinubukan niyang maglakbay nang hindi nililinis ang kanyang pangalan. Gayunpaman, sa halip na makalaya mula sa kamatayan, siya ay talagang namatay. Well, parang ganun nga. Pero bigla siyang nagising sa katawan ni Estacie Somyls. Ang pinakamasama pa, talagang mahirap din ang buhay ng may-ari ng katawan na sinapian niya! Isang babae na iniwan ng sariling ama para makasama ang bagong pamilya. Hindi lang iyon, ginamit pa ang sarili niyang mana mula sa yumaong ina! Ngayong siya na ang bagong may-ari ng katawan na ito, makukuha na ba niya ang orihinal na sa kanya?
101.8K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 51 kali sebagai quotes about doing what you love
Baca
+Pustaka
The Love Story of Novie

The Love Story of Novie

Yvaine
After the death of Nathan, Novie fell in love with the man who received a heart transplant from her ex-boyfriend. She’s an old soul spice woman who falls in love by just looking in Miguel's eyes, but how they can get through the circumstances when the world against their relationship.
102.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 86 kali sebagai quotes about doing what you love
Baca
+Pustaka
For the Love of Rafael

For the Love of Rafael

Re-Ya
Papangarapin mo ba ang isang bituin sa langit, kung ikaw ay isang hamak na maglulupa lamang? Si Rada Buenavista - ang bratinelang heredera. Susubukan ang pasensya ng simple at mailap na si - Rafael Samaniego. Saan hahantong ang isang pagtatagpo na babalutin ng samut-saring lihim? Handa ba sila sa isang katotohanan na magsasadlak sa kanila sa lusak ng poot at galit? At magdadala sa kanila sa labis na kabiguan at kapighatian. Saan sila dadalhin ng kanilang katatagan? Kung ang pinaghuhugutan nila ng lakas ang sa kanila'y siya ring dudurog at wawasak.
2.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 92 kali sebagai quotes about doing what you love
Baca
+Pustaka
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
104.1K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 116 kali sebagai quotes about doing what you love
Baca
+Pustaka
The Billionaire's Forced Love

The Billionaire's Forced Love

BellaDonna
Seigfreid Matthews has been in love with Leyla Jimenez since childhood. Hindi maalala ni Seig kung kailan iyon nagsimula, basta namulatan niya na may nararamdaman para sa nakababatang kapatid ng best friend niya. Seig and Ley grew up together, but for some reason, Ley dislikes Sig for his angst and bad boy image. Mas gusto ni Ley iyong lalaki na responsible at mapagkakatiwalaan, katulad ng kaniyang long-time crush na si Emerson Sandoval. In their elementary days, Ley rejected Seig. High school came, Ley hated him more. On their graduation day in college, Ley officially introduced Emerson as her boyfriend. Seig was devastated, but that only made him want her more. Call him obsessed, but he didn't care. He will make her his, and this time, he'll make sure she will say yes to him. "I now pronounce you, man and wife. You may kiss the bride." Matatalim na mga titig na ibinabato ni Ley kay Seig. She doesn't want to be his wife; she only wants Emerson to be the only man she will call her husband. "You should know that I only married you for Emerson. Siya ang dahilan kung bakit pumayag akong magpakasal sa'yo, I love him that much that I'm willing to sacrifice my life for him. Huwag mong kalilimutan iyan, siya ang mahal ko." He wanted her so much that he doesn't care if it will make his heart bleed to death. Basta ang alam niya ay gusto niyang makasama ang babae hanggang sa pagtanda nila. "You can say whatever you want, but you're my wife now. And I'll make you fall for me." He smirked as he stole a kiss from her lips, "Deep and hard. Huwag mong kalilimutan iyan, paiibigin kita, Mrs. Leyla Matthews" Without any warning, he pulled her and devoured her lips.
2.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 68 kali sebagai quotes about doing what you love
Baca
+Pustaka
Her Love Marked Him First

Her Love Marked Him First

“Ako ang nauna sa kanya sa buhay mo… Ako ang unang nagmahal sa ‘yo, Denmark. Hindi siya! Kaya akin ka na, noon pa man!” — Frances Alva Nang magdalagita si Frances Alva, alam na niya ang papel ni Denmark Mondragon sa buhay niya. Ang lalaking pakakasalan niya balang araw, ang magiging ama ng mga anak niya, ang lalaking nakalaan para sa kanya. Ngunit sa mata ni Denmark, isa lamang siyang kapatid ng kaibigan. Walang higit pa roon. Walang pagtingin. Walang puwang sa puso nito ang gaya niya. Subalit hindi niya akalain na ang tadhana mismo ang magbibigkis sa kanilang dalawa. Isang iglap, isang pagkakamaling hindi sinasadya, naabutan sila ng kapatid sa iisang kama, at nauwi sa isang kasalang mali na sa simula pa lang… dahil may ibang mahal ang binata. Ngayon, nakatali na sila sa biglaang kasal. Kasalang walang pagmamahal at puno ng sakit dahil sa paraan ng pakikitungo nito. Magkakapuwang pa kaya siya sa puso ng binata? May pag-asa pa kaya siyang mahalin ni Denmark? O mauuwi lang ito sa pusong sugatan?
72.7K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 67 kali sebagai quotes about doing what you love
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
454647484950
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status