Watch Your Feelings! (Tagalog/Filipino)
Pagkatapos, nag-bow rin kami ni Zaito.
Inilibot ko ang aking tingin. Nakasuot ng kimono ang lahat ng staff ng restaurant, may nakapalibot na mga artificial na cherry blossom sa buong paligid, may malaking painting ng Mt. Fuji sa pinakadulo nito, may mga nakasabit na lantern sa kisame, mababa ang mga mesa, may tatami mats, at hindi lang 'yon... Kinailangan pa naming hubarin ang suot naming sapatos. Pakiramdam ko talaga nasa Japan ako.
Iginiya ako ni Zaito sa bakanteng mesa. Pagkatapos, nag-order siya ng dalawang ramen para sa aming dalawa.
الفصول الرائجة