Ang Runaway Maid Ng Bilyonaryo
"Sabi ko na nga ba. Sabi ko sa'yo, isa kang abala. You're just a useless, clumsy girl from the province. Hindi ka bagay sa bahay na 'to. Pack your things. Umalis ka na bago ko pa tawagan ang mga pulis."
Nalaglag ang puso ko sa narinig ko. Pinalalayas niya ako. Kung aalis ako ngayon, saan ako pupunta? Hahanapin ako nina Berto sa labas. Ibabalik nila ako kay Kapitan Turing. Kakaladkarin ako sa impiyerno.