Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Scream Your Name

Scream Your Name

Pagkagising niya ay sumalubong agad sa kanya ang galit na galit na si Xavien. Pagkagulat, pagkalito at takot ang una niyang naramdaman. Para sa kanya ay hindi siya ang babaeng kinagagalitan nito. Hindi siya ang Andrina na tinatawag nito at lalong hindi siya ang asawa nito. Paano niya matatakasan ang galit at poot ni Xavien kung pati siya ay hindi maalala ang mga nangyari sa kanya? Sino ang tutulong sa kanya upang makaalis sa poder ng lalaking nagsasabi na siya ang asawa nito?
Romance
105.6K viewsCompleted
Read
Add to library
My Mysterious Baby

My Mysterious Baby

Sa hindi inaasahang pagkakataon dahil sa kanyang kalasingan naibigay niya ang kanyang katawan sa isang misteryosong lalaki na hindi niya kilala. Naglasing siya dahil sa walang kwenta niyang kasintahan na matagal na niyang boyfriend. Nagbabalak na rin silang magpakasal sana pero dahil sa natuklasan niya itong nakikipagtalik sa kanyang kababata. Hindi niya akalain na magagawa nila ito sa kanya kaya sa galit niya nag bar siya at doon niya naibigay ang kanyang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Inalok siya nito na magpakasal sa kanya na kanyang tinanggihan pero dahil sa lagi siyang inaabangan ng kanyang dating kasintahan tinanggap niya ito. It's a contract marriage na kanilang napagkasunduan. Isa itong kwento na magpapatawa at magpapaiyak sayo. Lot of thrills in this story.
Romance
1024.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Hostile Takeover (of My Heart)

Hostile Takeover (of My Heart)

Hindi natatalo si Joaquin Hernandez — hindi sa negosyo, at lalong hindi sa isang babaeng sumulpot sa boardroom na naka-heels at punung-puno ng attitude. Si Erena Maden, sa kabilang banda, ay hindi basta-basta babae. Siya ang tagapagmana ng Maden Industries, isang legacy empire na itinatag ng pamilya niya bago pa man matuto si Damian magbasa ng stock reports. Palaban, matalino, at may bibig na parang lason kung makipag-debate. Nagsimula ang lahat sa corporate war — may merger na nakataya, media scandals, at boardroom betrayal — mas lalo rin silang hinihila sa isa’t isa. Ang problema? Hindi nila alam kung alin ang una: ang halik o ang suntok. Sa larong ito ng pag-ibig at kapangyarihan, sino ang unang magpapatalo? Dahil minsan, ang pinaka-hostile na takeover… ay 'yung hindi mo kayang pigilan — lalo na kung puso mo ang pinapasok.
Romance
482 viewsOngoing
Read
Add to library
My Naughty Boastful Boss

My Naughty Boastful Boss

Onyx
Kylee Nicole Montenegro, ako 'yun. Labing-walong taong gulang na at malapit ng mag-kolehiyo. Hindi na ako nagho-homeschool; malapit na akong maging normal na estudyante, tulad ng pangako ni Dad. Homeschooled ako mula nung ako'y limang taon dahil sa isang aksidente. Madalas sabihin ng mga tao na marami daw nangyari sa buhay ko noong bata ako, pero isang bagay lang ang matandaan ko — isang panyo. Isang hindi kakilalang bata ang nagbigay sa akin nito, at hindi ko alam ang pangalan niya. Malamang, hindi ko na siya makikilala matapos ang maraming taon, pero umaasa ako na isang araw ay makakita ako sa kanya para magpasalamat. Ang hindi kakilalang ito ang tumulong sa akin nang mawala ako sa mall. Naalala ko ang bahagi ng pangyayari, pero hindi lahat. Napapangiti ako nang hindi ko namamalay. Pagkatapos kong lumabas ng banyo, napansin ko ulit ang panyo at ngumiti. Mukhang may kaunting paghanga ako sa taong nagbigay nito sa akin. Ilang taon na itong nasa akin at hindi ko pa ito nalalabhan. May nakasulat ding salitang "TRIST" dito. Iniisip ko kung pangalan ba ito. Nagtango na lang ako dahil wala akong alam. Nahulog sa malalim na iniisip, isang katok sa pinto ang bumalik sa akin sa realidad. "PUPUNTA NA!" sigaw ko nang marinig ko si Ate Lena na nagpapaalam na ang almusal ay handa na. Isinilid ko ulit ang panyo sa aparador, may kakaibang tanong pa rin sa aking isipan. SINO KA?
Romance
104.5K viewsOngoing
Read
Add to library
When The Mafia Falls In Love

When The Mafia Falls In Love

Hindi aakalain ni Heaven Langit na magbabago ang buhay niya pagkatapos nang napakalagim na pangyayari sa bar kung saan siya nagtatrabaho. Bilang isang pole dancer ay hindi niya aakalain na darating ang kinakatakutan niya kung saan magkakagulo at maraming tao ang madadamay lalo na't kilalang sikat ang pinagtatrabahuan niya na binibisita ng mga bigating tao. Isang gabi bago ang sakuna, lahat nagbago nang makilala niya si Dark Silva. Isa sa mga pinakamayaman at pinakadelikadong tao sa lugar. Nagkatinginan lang pero iba na agad ang apekto nito kay Heaven hanggang sa napansin niya ang lalaking araw-araw na itong bumibisita sa pinagtatrabahuhan nito at araw-araw na ring may gulong nangyayari. Sa mga titig na pinagsaluhan nila, hindi niya lubos na aakalain na mahuhulog siya sa kadiliman hanggang sa hindi niya namamalayan ay nagugustuhan niya na ang kadilimang ito. Darating ang pag-ibig na siyang hindi nila aakalaing dalawa na pareho silang tatamaan. Mga pangyayaring hindi nila aasahang sabay nilang susuungin. Ang bawat matatamis na luha, mapait na mga tawa at ang nakakalasong pagmamahalan ay siya pa lang magbibigay sa kanila ng labis na tuwa. Bawat pagsubok ay tatanggapin at bawat laban ay hindi uurungan sa ngalan ng kanilang pag-ibig.
Romance
10652 viewsOngoing
Read
Add to library
Marry Me, Mr. Professor

Marry Me, Mr. Professor

Sina Alexis at Manuel ay malapit ng ikasal. Gayunpaman, habang papalapit ang petsa ng kasal, nagsimulang magpakita ang mga bitak. Muling lumitaw ang damdamin ni Manuel para sa kanyang dating kasintahan nang mabasag ni Alexis ang vase na regalo nito. Dahil hindi niya nabalewala ang kanyang hindi mapigil na mga emosyon, hindi namalayan ni Manuel ang kanyang sarili at nasampal si Alexis. Nadurog ang puso at dismayado, ginawa ni Alexis ang mahirap na desisyon na itigil ang kasal, napagtanto na ang kanilang relasyon ay hindi buo. Sa paghahanap ng pang-unawa, nakahanap siya ng hindi inaasahang mapagkukunan ng sandalan kay Alvin, isang matalino at mahabagin na CEO at tagapagturo sa isang sikat na unibersidad. Sa pagpapatuloy ni Alexis sa buhay ay natuklasan niya ang isang mas malalim na pag-unawa sa kanyang sarili at kung ano ang tunay niyang ninanais sa isang asawa. Sa pamamagitan ng kanilang ibinahaging pag-uusap at paggalang sa isa't isa, natagpuan ni Alexis ang paggaling at panibagong pakiramdam ng pag-asa para sa hinaharap. Sa gitna ng kaguluhan ng nawalang pag-ibig at mga bagong simula, ang paglalakbay ni Alexis sa pagtuklas sa sarili ay nagbukas, na humantong sa kanya sa mga hindi inaasahang lugar at nagturo sa kanya ng mahahalagang aral tungkol sa pag-ibig, katatagan, at kapangyarihan ng pagmamahal.
Romance
1012.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's

The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's

"Ma, ano ba? Pagod na pagod na akong maging sunud-sunuran sa inyo! Sa buong buhay ko, wala akong ibang ginawa kundi sundin ang lahat ng utos at nais ninyo. Bakit ngayon, isang hiling ko lang, bakit ayaw niyo akong pagbigyan?" Hindi ko na mapigilang umiyak, ang sakit sobra. Anak niya ako, bakit kailangan niyang magdesisyon na ako dapat? Isang malakas na sampal na naman ang natanggap ko galing sa kanya, na hindi ko na ikinagulat pa. Sanay na ako sa pananakit niya simula noong bata pa ako hanggang ngayon, na 23 years old na ako, lalong lalo na pag hindi ko sundin ang gusto niyang mangyari. "How dare you na sagutin ako ng ganyan? Ako ang bumuhay sa'yo kaya ako ang magdedesisyon. Kaya wala kang karapatan na kalabanin ang nais ko!" Inis na sigaw niya sa akin, kulang na lang sabunutan niya ako. "Ma, mali naman kasi kayo, ayaw ko pa pong magpakasal. Ipakasal niyo ako nang hindi niyo man lang ako tinatanong? Ma, please babalik na lang ako ng Paris," pagmamakaawa ko, ngunit tanging titig lamang ang pinupukol niya sa akin at walang bakas na naawa ito sa akin. Bakit, Ma? "Enough!" Isang malakas na sampal ulit ang natamo ko sa kabilang pisngi ko na ikinabagsak ko sa sahig. "Belphoebe Sinclair, sa gusto mo o hindi, magpapakasal ka sa lalaking 'yun." Parang echo ang boses niya na paulit-ulit sa tenga ko. Bakit ganun? Pakiramdam ko, parang ginawa akong bayad sa hindi ko alam na utang. Ano ba ang kasalanan ko? Bakit kailangan ipakasal ako sa taong hindi ko kilala at hindi ko naman mahal.
Romance
206 viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Haplos Ng Bilyonaryo

Ang Haplos Ng Bilyonaryo

“Isang gabi ng pagkakamali sa piling ng estrangherong asawa at isang gabing magpapabago sa kanyang tadhana.” ​Tatlong taon nang kasal si Elena sa isang misteryosong bilyonaryong si Dante Valderama, isang kasalang papel lamang para iligtas ang negosyo ng kanyang pamilya, at isang lalaking hindi pa niya kailanman nakita. Sa gabing desidido na siyang tapusin ang lahat, nagtungo siya sa hotel suite ng kanyang asawa para humingi ng diborsyo. Ngunit dahil sa alak at isang pagkakamaling hindi na mababawi, nauwi ang kanilang paghaharap sa isang mapangahas at mapusok na gabi sa dilim, isang gabing hindi nila alam kung sino ang kanilang kaharap, tanging init at pagnanasa lamang ang nag-uugnay sa kanila. Tumakas si Elena, bitbit ang takot at lihim ng gabing iyon. Ngunit para kay Dante, ang babaeng nagmulat sa kanya ng kakaibang pagnanasa ay hindi basta palalampasin. Hahanapin niya ito, kahit hindi niya alam na ang babaeng hinahabol niya ay ang asawang matagal na niyang binalewala.
Romance
10105 viewsOngoing
Read
Add to library
Ningas NG Atraksyon

Ningas NG Atraksyon

Isang atraksyon na nauwi sa mainit na gabi ng hindi sinasadya. Nagbunga, hanggang sa panagutan ngunit wala sa sentro ang pag-ibig kundi para lamang sa responsibilidad na kailangang magawa. Magkakaroon kaya ng pag-asa ang dalawang taong pinagtagpo sa hindi sinasadyang pagkakataon?
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Memories Of Yesterday

Memories Of Yesterday

Bloodrose
Walang hindi nakakakilala kay Lola Castillon sa bayan nila maliban sa katotohanang siya ang unica hija ni Don Mattias Castillon, ang nagmamay-ari ng Hacienda El Abra. Hindi iilang mga tao ang dumanas ng lupit ng mga kamay niya sa sandaling ginalit siya o inagrabiyado. Ngunit nang makilala niya si Nathaniel Montelibano, isang opisyal ng Philippine Army na nadestino sa bayan nila ay nagbago ang mga layunin niya sa buhay. Si Nathaniel ang tanging lalaking hindi niya napayuko; hindi natinag sa kanyang presensya. Wala itong pakialam kahit anak pa siya ng Presidente ng Pilipinas. Ngunit pursigido siyang bihagin ang puso nito sa anumang paraan. At sa bawat pagtatagpo nila ay itinataboy siya nito palayo ngunit hindi nito alam na lalo lamang siyang ginagahan na lumapit dito. Sisibol ba ang pag-ibig kung sa umpisa pa lang ay wala na itong kahihinatnan?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status