Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
RIGHTFUL HEIR OF A BILLIONAIRE

RIGHTFUL HEIR OF A BILLIONAIRE

SHERYL FEE
Tommy Saavedra, bunsong anak ng business tycoon na si Don Felimon Saavedra. Hindi sumunod sa yapak ng amang negosyante at mas hindi sumunod sa inang mambabatas. Bagkus ay sinunod niya ang bulong ng damdamin, ang maging marine engineer. Until he found himself that he's one of the marine engineers of the famous international cruise ship MARGARITA. Sa unang tingin pa lang niya sa kapatid ng Boss niyang halos kaedad nila o mas tamang sabihin na mas bata pa sa kanilang mga tauhan ay nabighani na siya sa angking kagandahan. Idinaan niya ang lahat sa panunukso sa takot na mabasted ng dalaga. Cassandra Keith Mondragon, isa sa mga kambal na anak ng mag-asawang MaCon at Clarence. Sa murang edad ay namulat sa responsibilidad sa kumpanya nila. Siya ang namahala sa Herrera Ticketing Booth dahil ang kambal niya ay sa Herrera Theater, ang Kuya ay sa MARGARITA. Nang dahil sa kani-kanilang kabiguan sa buhay ay magsasangga ang landas nila sa pamosong barko ng mga Mondragon.
Romance
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire

Contract And Lies: Marrying The Cold Billionaire

Nakatakdang magpakasal si Derrek Lucero sa anak ng amiga ng kanyang ina. Naisagawa ang kasunduan bago pa man pumanaw ang ina niyang may taning ang buhay. Halos tatlong taon na namuhay si Derrek at nagpakasaya at iniwasan ang tungkol dito.Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makilala ang babae na kinamatayan na ng ina. Tanging si Attorney Luciano lamang ang nakakakilala. Hanggang isang araw ay nag asawa muli ang kanyang ama na walang ibsa kundi ang malanding sekretarya nito. Natuwa si Derrek ng sabihin ng ama na hindi na isasagawa ang kasal sa kaibigan ng kanyang ina pero ang sinabi ng ama na itutuloy pa rin ang kasal ngunit hindi sa babaeng itinakda ng kanyang ina kundi sa anak ng kanyang madrasta niya sa unang asawa nito na si Lilibeth. Nilukod ng poot ang puso ni Derrek dahil ang ama niya ay naging sunod sunuran na lamang sa bagong asawa. Samantala si Monigue naman ay halos nakalimutan na ang bagay na ibinulong sa kanya ng kanyang ina bago ito nalagutan ng hininga sa ICU. Dahil nangiisang anak ay pinasan ni Monique an responsabilidad.Hirap man sa araw araw, ang tangi niyang dasal na lamang ni Monique ay ang makaahon sa kahirapan kahit sa anu pa mang paraan.
Romance
10628 viewsOngoing
Read
Add to library
Great Revenge of the Lady CEO

Great Revenge of the Lady CEO

Si Tiffany Chua ay lumaki sa hirap at laging napapabayaan ng kaniyang ama at lola dahil sa dugong Chinese na nagtatangi sa kaniya mula sa kanilang paboritong anak, ang kapatid niyang si Ronald. Sa kanyang pagsisikap na mabuhay at umasenso, natanggap siya bilang sekretarya ni Lincon, isang istrikto, malamig, at walang pakialam na boss na may lihim na pagkatao sa likod ng kaniyang matigas na anyo. Isang araw, inalok siya ni Lincon na magpanggap bilang asawa niya para sa isang personal na dahilan, at dahil sa kawalan ng pagpipilian, tinanggap niya ang alok. Ngunit hindi naging madali para kay Tiffany ang mapabilang sa mundong ginagalawan ng kaniyang boss, lalo na nang bumalik ang dati nitong nobya, si Jillian, na nagbigay ng hamon sa kanilang kasunduan. Sa kabila ng mga pagdurusa, nagawa pa ring ibuhos ni Tiffany ang buong pagmamahal kay Lincon, kahit alam niyang may ibang laman ang puso nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman ni Lincon na nagdadalang-tao si Tiffany sa anak nila. Sa isang trahedyang nagdulot ng panganib sa buhay ni Tiffany, napilitang ipanganak ang kanilang anak via C-section habang siya ay nasa coma. Kasabay ng pagsilang ng kanilang anak, susubukin ng kapalaran ang hangganan ng pagmamahal at pagsasakripisyo ni Tiffany, pati na rin ang mga damdaming pilit ikinukubli ni Lincon. Pipiliin ba niya ang muling nagtangkang magbalik na si Jillian, o ang babaeng nag-alay ng lahat para sa kaniya—si Tiffany?
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Vampire's Tale

The Vampire's Tale

Isang tipikal na araw lamang iyon para kay Yueno. Ngunit sa isang kisapmata ay natagpuan niya ang sariling tumatakbo para sa kanyang buhay. Hinahabol ng mga nilalang na hindi niya akalaing nabubuhay pala sa mundo. Mga halimaw na nagkukubli sa kadiliman. Mga nilalang na ang mga mata ay kasing pula ng dugo at may mga matatalim na pangil na nagnanais na maitarak sa kanya anumang sandali. Ngunit isang insidente ang siyang magpapabago sa buhay niya. Buong akala niya ay doon na siya mamamatay ngunit nabuhay ang pag-asa niya nang biglang sumulpot ang isang tagapagligtas. Isang misteryosong lalaki na laging naroroon sa oras na nasa panganib ang buhay niya. Ang biglang pagsulpot nito sa buhay ni Yueno ay magdudulot ng kaguluhan sa kanyang sistema at muling bubuhay sa munting piraso ng kanyang nakaraan na kanya ng nakalimutan. Ang kanyang kuryosidad sa misteryosong lalaki ang siyang pupukaw ng kakaibang damdamin sa loob niya at magsisiwalat sa katotohanan at realidad na hindi na niya maaari pang takasan. Ituturing pa kaya niyang tagapagligtas ang lalaking ito sa oras na malaman niya ang totoo nitong pagkatao? O hahayaan nalamang niya ang puso na magpasya? Ang pagbubukas ng isang pinto ang siyang magiging daan sa pagbubukas ng ilan pa, kaakibat ang katotohanang nakatago sa bawat isa noon. Matatanggap kaya ni Yueno ang realidad at ang nakaatang na responsibilidad na siyang naghihintay sa kanya? Makakayanan kaya niyang makaligtas sa mga nilalang na naghahangad ng kanyang kamatayan? Magagawa kayang malampasan ng pag-ibig ang mga nakaambang panganib na dala ng kasinungalingan, pighati at pagtatraydor? O susuko nalamang siya at magpapatianod sa daluyong ng tadhana? Ito ang kabilang panig ng kwento naghihintay na matuklasan. Mga sikretong handa ng ibunyag at ikaw nalang ang hinihintay.
Fantasy
109.5K viewsCompleted
Read
Add to library
True Love, True Heir (Filipino)

True Love, True Heir (Filipino)

Jay Sea
Yumaman na lang bigla si Stella dahil sa isang malaking bag na may lamang five hundred million pesos mula sa lalaking hindi nila kakilala ng kaibigan niya na si Janice na hinahabol ng mga kapulisan. Imbis na dalhin 'yon sa kapulisan ay hindi na lang nila ginawa sa takot na madawit pa sila. Umalis sila ng kaibigan niya sa tinitirahan nila. Gamit ang perang 'yon ay nagbago ang buhay nilang dalawa. Naging mayaman sila. Nagkaroon sila ng sariling negosyo at kompanya. Nakilala ni Stella si Elmo na nagmamakaawa sa kanya na bigyan ng trabaho dahil kailangan nito ng pera para mabuhay. Naawa siya sa lalaking ito kaya binigyan niya ng trabaho. Unang kita pa lang niya kay Elmo ay aminado na siya sa sarili niya na gusto niya ito. Naging malapit sila sa isa't isa hanggang sa magkaroon ng namamagitan sa kanila. Walang kaalam-alam si Stella na ang pagdating ni Elmo sa buhay niya ay ang magbubukas ng pinto sa nakaraan niya upang malaman niya kung sino nga talaga ang tunay niyang mga magulang at nagmamay-ari ng perang ginamit nila ng kaibigan niya na si Janice upang yumaman sila.
Romance
3.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Her Playboy CEO (FILIPINO VERSION)

Her Playboy CEO (FILIPINO VERSION)

Josie frank
Naglalaro sila ng isang mapanganib na laro, naglilikot sa isang lugar kung saan madali silang mahuli ngunit sa tingin ko bahagi iyon ng kilig . Isang mainit na gulo. Isang mainit na boss. Isang napakaraming mainit na engkwentro na may pagnanasa na hindi mapaglabanan. Si Leslie ay parang walking ticking bomb hindi lang literal na "kapus-palad" ang ibig sabihin ng kanyang pangalan, ngunit iyon ang kuwento ng kanyang buhay. Pakiramdam niya lahat ng mahawakan niya ay biglang nagiging kalokohan. Lalo na pagkatapos ng hindi magandang pangyayari sa kanyang dating nobyo, lumipat siya sa studio na kanyang ibinahagi sa kanyang dating dahil sa panloloko na nangangahulugang bumalik siya sa bahay kasama ang kanyang teenager na parang mga magulang. Kaya naman kailangan niya ng bagong trabaho bilang personal assistant ni Damien Cameron Romano para makabangon muli. Ang tagapagtatag ng Boyce industries, Tatlong buwan sa trabahong ito at maaari na siyang lumipat at, sana ay magsimulang muli sa bagong tseke mula sa kanyang bagong trabaho. Sa papel, madali ang kanyang trabaho. Mag kape. Mag-book ng mga appointment. Panatilihing maayos ang lahat. Ngayon, wala na dahil hindi nagpapagaan ang kanyang amo sa kanyang seksing katawan at seksing mga mata. Imbes na tumutok sa trabaho niya ay walang tigil ang iniisip niya tungkol sa biglaang nakakapasong paso ng kanilang atraksyon sa isa't isa. Pero boss niya! Alam mo kung ano ang sinasabi nila tungkol sa paghahalo ng trabaho at kasiyahan: Hindi ito nagtatapos ng maayos.
Romance
108.8K viewsCompleted
Read
Add to library
FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND

FORBIDDEN TO MY MOTHER'S EX-HUSBAND

Tahimik na buhay. Ipinagbabawal na pag-ibig. Isang lihim na maaaring sumira sa lahat. Para kay Elicia Torrez, nagsimula ang lahat sa isang pagkakamali—ang umibig sa dating asawa ng kanyang ina, si Demon Villamor. Ngunit ang pagkakamaling iyon ay nag-iwan ng isang lihim: siya’y buntis, at si Demon ang ama. Ayaw niyang sabihin ang katotohanan. Ex-husband ng ina niya si Demon, at anak ni Demon ang lalaking ngayo’y papasok sa kanyang buhay—si Daniel Valdez. Ngunit si Daniel ay may puso, at handang maging ama ng bata, kahit hindi niya ini-expect na ang pagmamahal na ibibigay niya ay magdadala rin ng panganib at sakit. Dahil si Daniel… anak din ni Demon. Sa pagbabalik ng ina, at sa pagbubunyag ng mga lihim, pipili si Elicia sa dalawang lalaking magdudulot ng kapahamakan sa kanya: Ang lalaking bawal na ama ng kanyang anak… o ang lalaking tapat na magmamahal sa kanya, kahit dala niya ang sugat ng nakaraan?
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Pacifying my Undercover Billionaire Husband

Pacifying my Undercover Billionaire Husband

Khloe
Isang aksidente ang nagpabago ng lahat. Nawalan ng dalawang buhay. At hindi ito hahayaang mangyari muli ni Ricardo Ford Buenavista, isang makapangyarihan at intelihenteng bilyonaryo. Kung ang aksidente sa kanilang mga pamilya ay bunga ng paghihiganti, ang tanging hiling ng kanyang mga kamay ay ang paghihiganti rin. Ngunit, paano niya ito magagawa kung siya ay nakatali sa isang babae, si Victorina Khae Robles? Magiging hadlang ba ito sa kanyang misyon? Sa gitna ng pag-aalsa ng damdamin at galit, pipiliin ba niyang sumunod sa landas ng katarungan, o matutunton niya ang landas ng pag-ibig at kapatawaran?
Romance
10842 viewsOngoing
Read
Add to library
Claim Me Harder, Mr. Playboy

Claim Me Harder, Mr. Playboy

Madalas sabihin ng marami na ang mga anak ang nagsisilbing angkla ng buhay ng isang ina. Para kay Catriona Lavender Carias, tumimo sa puso ang paniniwalang iyon mula sa sandaling mapag-isipan niya ito—hanggang sa subukin ng panahon ang kanyang tibay at paninindigan. Dumating ang sandaling kinailangan niya ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng kanyang ina. Dahil sa matinding desperasyon, napilitan siyang pasukin ang mundong hindi niya kailanman inakalang kakapitan—ang Dream Fortress, isang lihim na bahay-aliwan kung saan ang mga lalaking may matataas na pangalan sa lipunan ay nagbabayad kapalit ng panandaliang aliw. Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari, ang serbisyong minsan niyang ibinigay sa isang estrangherong naging nag-iisa niyang kliyente ay nagbunga ng isang alaala na hindi mabubura ng panahon—isang anak. Pagkalipas ng isang taon, muling pinagtagpo ng tadhana ang kanilang mga landas. Si Trever de Gracia, ang dating kliyente at ang tunay na ama ng kanyang anak, ay muling pumasok sa kanyang buhay—ngunit hindi siya nakilala nito. Sa halip, inalok siya ni Trever ng isang kakaibang trabaho: magpanggap bilang kanyang kasintahan, at ang kanyang anak bilang sariling dugo, upang pagselosan ang dating kasintahan nito. Ano ang mararamdaman ni Trever kapag nalaman niyang ang batang inaakala niyang bahagi lamang ng isang palabas ay tunay niyang anak? At paano niya haharapin ang katotohanang ang babaeng inupahan niya noon ay ang inang minahal at isinakripisyo ang lahat para sa kanilang anak?
Romance
84 viewsOngoing
Read
Add to library
Luna Rossa

Luna Rossa

Tan Jiro Alvez
Payapang namumuhay si Dea kasama ang kaniyang pamilya sa isang kagubatang malayo sa sentro ng Malefica-ang kaharian ng mga mangkukulam. Ilang taon na silang naninirahan dito upang makaiwas sa namumuong sigalot sa pagitan ng mga kauri niyang mangkukulam at bampira. Ngunit isang madaling araw, isang halimaw ang umatake sa kanilang tirahan at walang awang pinaslang nito ang kaniyang ina at nakatatandang kapatid na babae. Hindi pa nakuntento ang halimaw at ginawaran ng isang sumpa ang kaniyang bunsong kapatid. Naging isang mabangis na halimaw ang kaniyang kapatid at halos hindi na makilala pa dahil sa pagbabagong anyo nito. Sa araw ding iyon, nagtagpo ang landas ni Dea at ang reyna ng mga mangkukulam. Sinabi nito sa kaniyang isang bampira ang halimaw na lumusob sa kanilang tahanan at ang may kagagawan sa lahat ng kaguluhang nangyayari sa buong Malefica. Ang pangalan ng bampirang ito ay Trevor Hemlock. Namuo ang matinding galit sa puso ni Dea at nangakong ipaghihiganti ang sinapit ng kaniyang pamilya.
106.0K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status