Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Discarded Wife

The CEO's Discarded Wife

Sa loob ng siyam na taon, buong pusong ginampanan ni Isabelle Reyes-Santiago ang pagiging isang perpektong ina at asawa. Tahimik siyang sumuporta kay Lucas—sa kanyang negosyo, sa kanyang reputasyon, at sa kanyang ambisyon. Nanahimik siya sa likod ng camera, sa mga board meeting na hindi siya inanyayahan, at sa mga sandaling kailangan niya ng karamay pero wala ni isang halik o salitang ginhawa ang kanyang nakuha. Ang mas masakit? Wala siyang lugar sa sariling tahanan. Hindi lang si Lucas ang may paboritong kasama. "Mas gusto ko si Tita Karina kaysa kay Mommy!"—sambit ng anak nilang si Marcus habang nakangiti si Lucas, tila sang-ayon. Ginawa na ni Isabelle ang lahat para mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Pero imbes na pagmamahal at respeto, ang gantimpala niya’y pagtataksil at pangungutya. Habang binubura siya mula sa buhay ng asawa’t anak, si Karina Sison—ang ex ng kanyang asawa—ang inilalagay sa pedestal. Ginawang presidente. Ginawang reyna. Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang nagising sa katotohanan—na minsan, kahit gaano mo kamahal, hindi mo na kayang manatili sa isang lugar na matagal ka nang hindi pinipiling mahalin pabalik. Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang maging tanong sa pamilyang matagal nang may sagot—at hindi siya iyon. Kaya handa na siyang magpalaya. Handa na siyang iwan ang tahanang dati niyang ipinaglaban, sa piling ng mga taong mas masaya nang wala siya. Ngunit nang sa wakas ay iniabot na niya ang annulment papers sa kanyang asawa… Hindi galit ang sumalubong sa kanya. Hindi rin pakiusap. Kundi isang malamig na titig lang. Isang mapanganib na ngiti. At ang mga salitang… “You’re not going anywhere, Isabelle.”
Romance
332 viewsOngoing
Read
Add to library
MAFIA'S BLOODY LOVE

MAFIA'S BLOODY LOVE

WARNING! Read at your own risk! Contains scenes and languages that is not suitable for young readers.. Adam Nicollai Evans, isang tanyag na architect sa buong mundo, isang jet fighter pilot captain ng airforce at isang secret agent ng isang organisasyon na tumutugis sa mga halang ang bituka. Pero ang hindi alam ng lahat, isa s'yang mafia successor ng kanilang pamilya sa father side- ang pamilya Devochë - Evans mula sa Italya. Lumaki si Nicollai sa karahasan mula sa mga kamay ng kan'yang lolo na ama ng kan'yang ina. Maagang namatay ang kan'yang ama dahil sa aksidente, kung kaya ang lolo nila ang kasa-kasama nilang tatlo ng ina at kapatid na lalaki. Ginagamit nito ang kan'yang ina para mapasunod s'ya sa gusto ng matanda. Sa murang edad isa na s'yang halimaw dahil sa kagagawan ng kan'yang lolo. Along the way of his revenge to his grandfather, he meet Michelle Antonette, isang simpleng nurse na nagtatrabaho sa isang hospital sa Cebu. Nagkaroon sila ng ugnayan at naging magkasintahan. Naging masaya, ngunit dumating sa punto na kailangang iwan ni Nicollai si Michelle para sa kaligtasan nito. Binalaan s'ya ng kan'yang lolo na papatayin nito si Michelle kapag ipinagpatuloy n'ya ang pakikipag relasyon dito. Iniwan n'ya ang dalaga ng walang pasabi. Pero paano kung ang babaeng pilit n'yang iniligtas mula sa kan'yang lolo ay s'ya pala ang may malaking kaugnayan sa kan'yang nakaraan? Paano nila mapapatawad ang isat-isa kung masyado nang malalim ang sugat na idinulot ng nakaraan. Mangingibabaw kaya ang pagmamahal sa galit nila sa isat-isa? Ano ang mga pagsubok na haharapin nilang dalawa.
Romance
10217.5K viewsOngoing
Show Reviews (76)
Read
Add to library
Romary Nepunan
come on guys basahin nyo to kung gusto nyo ng sakit ng ulo..i have mine already lso how about you.............ssama kna ba smin mg pa admit s mental dhil sa otor na to??? we have unlimited slots.ma iihi ka sa kktawa im sure ma iiyak kdin s sakit lalo nat virgin ka...choss lng.basa na guys u gonna love it
Xhymich25
hi guys sa katong Wala pa naka basa Ani na story please basaha intawon ni ninyu ... dri mo makabalo why sikat ang neon green color... ... kudos otor... . bitaw highly recommend this story and sa otor namin na kulot ang ubos aw buhok diay ...️... basa and follow na guys ...... peace otor bisaya ta now
Read All Reviews
Thank Your Stars

Thank Your Stars

Iya Perez
Enemies. Iyan ang uri ng relasyon na mayroon sina Georgianna Ramirez at Eliam Sevilla. Ang kanilang mga magulang ay matalik na magkakaibigan kaya isang malaking palaisipan sa mga ito kung bakit lumaking hindi magkasundo ang dalawa. Bata palang sila ay hindi na sila magkaintindihan sa mga bagay-bagay. At ang kanilang diskusyon ay palaging nauuwi sa mga away. Pareho kasing matalino ang dalawa. At walang ayaw magpatalo sa kanila. Bukod kasi sa palaging magkalaban sa mga patimpalak sa kanilang eskuwelahan ay palagi ring nag-aagawan ang dalawa sa pagiging top 1 sa kanilang klase. Ang kanilang hindi pagkakaunawaan ay nagpatuloy hanggang sa kanilang pagtanda. Kahit graduate na ang mga ito at may kaniya-kaniya nang trabaho, hindi pa rin nagbabago ang tingin nila sa isa’t isa. Parehong rin silang galing sa angkan ng mga negosyante. Hindi pa man sila naipapanganak ay may kasunduan na ang kanilang mga lolo na silang dalawa ang siyang magbibigkis at mag-iisa sa dalawang pamilyang pinagtibay na ng panahon ang pagsasama. At kasal din lang ang natatanging paraan para mailigtas nila sa pagkakabenta ang plantasyon ng manggahan na matagal nang pag-aari ng kanilang pamilya. Pero paano nila gagawin iyon kung hindi naman nila gusto ang isa’t-isa? Handa ba nilang iwan ang kanilang mga karelasyon para lang sa kasal na hindi nila inakalang magaganap nang biglaan? At sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, posible nga kayang may mabuong pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

SIMOUN MONTALVO (Irresistible Body Series)

Simoun Montalvo... Panganay sa tatlong magkakapatid na Montalvo. Matalino, mayaman at lahat ng bagay ay nakukuha nito dahil sa dala-dala nitong apelidong Montalvo. Ngunit sa kabila ng mga ito, ang isang katulad ni Simoun Montalvo ay nanatiling nakakulong sa nakaraan na pilit nitong kinakalimutan. Simula ng mabigo ito sa unang pag-ibig ay hindi na ito nagtiwala sa mga babae... at ang gusto na lang nitong gawin ay ang paglaruan ang mga ito. Hanggang sa nakilala nito ang isa sa mga flight attendant nito sa sarili nitong Airline Company, si Samantha Gomez. Isa itong magaling at professional na emplayado. Lingid sa kaalam nito ay lihim na nagbighani si Simoun sa akin nitong ganda at karisma. Pero katulad ni Simoun ay hindi rin ito naniniwala sa totoong kahulugan ng pag-ibig matapos itong iwan ng mga magulang at maging produkto ng isang broken family. Magtatagumpay kaya si kupido na pagsamahin ang dalawang tao na parehong walang tiwala sa pag-ibig? Abangan...
Romance
1011.4K viewsCompleted
Read
Add to library
SEDUCING NINONG AMADEUS

SEDUCING NINONG AMADEUS

Simula pagkabata, humahanga na si Alliana sa Ninong niyang si Amadeus isang propesor. Kaibigan ito ng kanyang mga magulang at isa sa mga taong naging sandigan ng pamilya niya noong bata pa siya. Kahit noon pa man, alam na ni Alliana sa sarili niya na hindi lang basta paghanga ang nararamdaman niya sa kanyang Ninong. Tahimik niyang pinangarap na balang-araw, kapag siya’y ganap nang dalaga, baka sakaling mapansin din siya nito. Lumipat ang pamilya nila sa Vancouver Canada, at doon siya lumaki. Nang bumalik siya sa Pilipinas, isa na siyang kolehiyala. Dahil hindi na makakauwi sa Pilipinas ang kanyang mga magulang, ipinagkatiwala siya kay Amadeus na hindi lang ngayon ay guardian niya, kundi isa rin sa magiging propesor niya sa unibersidad. Sa tabi mismo ng condo unit ni Amadeus siya nanirahan. Mula nang magkita silang muli, hindi nawala ang pagkamangha ni Alliana sa kanya. Hindi pa rin ito nag-asawa. May dalawampung taon ang agwat ng edad nila, pero lalong lumalim ang damdamin ni Alliana sa araw-araw na kasama niya ito. Nakikita niya kung paano ito igalang ng mga estudyante, kung gaano ito ka-organisado at katalino, at kung gaano ito ka-dedicated sa trabaho. Ngunit gaano man siya lumapit, tila may dingding pa rin sa pagitan nila. Turing pa rin sa kanya ni Amadeus ay isang bata. Isang inaanak na kailangang alagaan at ituwid. Nagpasya siyang akitin ito sa kahit paanong paraan na alam niya, at kung hindi pa rin ito bumigay sa kanya tutuluyan na niya itong kakalimutan talaga at ibabaon ang damdamin para rito.
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unfaithful Love

The Unfaithful Love

Blurb: "YOUR MOTHER IS DYING...." "I WANT YOU TO BECOME MY MISTRESS!"   Hindi inakala ni Rozelle Lynn na ang matapat at totoo niyang pamumuhay at pananaw patungkol sa pagmamahal ay magsisimulang magbago dahil sa mga pangyayari sa kaniyang buhay na ni sa hinagap ay hindi niya inasahan.   Ano ang gagawin ni Rozelle Lynn para muling bumalik sa dati ang lahat sa kaniya?   Paano kung biglang may dumating sa buhay niya na ibig niyang makuha?   Magagawa kaya niyang talikuran ang tao na pinagkakautangan niya ng buhay o makikipaglaro siya sa tadhana para makuha lang ang nais?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Crazy Inlove To My Ninong

Crazy Inlove To My Ninong

"Be my gift sa birthday ko." 'I love my ninong, Ryke Carlos Ferrero' Para sa kaniya totoo ang naramdaman niya para sa kaniyang ninong na si Ryke Carlos. Alam ni Elaine na malaki ang agwat ng edad nila ni Ryke ngunit para sa kaniya age doesn't matter. Unang pagtibok sa puso ni Elaine na magpapagulo sa isip at puso niya at Pagsisimulan ng mga kakaibang pantasiya na inaasam na maganap. Ryke Carlos, kaya ba niyang pangatawanan ang lahat ng mga sinimulan? Nagsimula sa isang halik hanggang sa hindi na kayang mapigilan. WARNING ALERT!! SPG! R-18
Romance
105.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Game: His Brother, My Lover

The Billionaire's Game: His Brother, My Lover

Disclaimer: This book is RATED SPG Ang akdang ito ay naglalaman ng mga temang maaaring hindi angkop para sa lahat ng mambabasa, kabilang ang matinding emosyon, maseselang eksena, at mga paksang maaaring sensitibo para sa ilan. Ang lahat ng tauhan, lugar, at pangyayari sa kwentong ito ay kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya ng may-akda. Ang pagbabasa ng akdang ito ay nangangailangan ng masusing gabay ng nakatatanda. Ang may-akda ay hindi nagtataguyod o humihimok ng anumang negatibong asal o pananaw na maaaring makita sa kwento. Para sa responsableng pagbabasa. Si Sunshine Caparal ay isang maganda, mabait at anak ng negosyante pero walang amor sa kanila ang kaniyang ama. Habang ang kaniyang ina ay namatay sa panganganak dahil sa kaniyang bunsong kapatid. Dahil nailigtas niya ang buhay ng isang mayaman at respectadong tao sa bansa, binigyan siya ng chance maikasal sa tagapagmana nito. Ito lang ang nakita niyang paraan para matustosan ang gastusin sa paggagamot ng kaniyang bunsong kapatid. Pero nalaman niyang ang kaniyang step sister ay may relasyon dito kaya naman nandiri siya. Sa sobrang galit niya nagawa niyang sumiping sa kapatid ng kaniyang magiging asawa. Si Benedict Lorenz Sanmiego. Ang panganay at independent na anak ng Sanmiego Group. Naging Fuck Buddy sila kapalit ng magaling na doctor para sa kaniyang kapatid. Kasabay no'n ang pagkawala ng kaniyang shares at ang mapapangasawa. Ano nga ba ang kahahantungan ng kanilang paggamit sa isa't isa? May maganda nga bang patutunguhan ang walang kwentang relasyon na mayroon sila? Alamin..
Romance
105.7K viewsOngoing
Read
Add to library
She Only Live Twice

She Only Live Twice

yourlin
Ang conyo at kikay na si Lemon Concepcion, magpapanggap bilang isang lalaki para lamang makaligtas sa mga hindi niya kilalang kaaway? Si Lemon Concepcion ay isang anak na nasasanay na sa gulo ng buhay ng kanyang Ina. Kung kaya't kahit kailan ay hindi niya pinangarap na magkaroon din ng sariling pamilya upang hindi magaya sa kanya ang magiging anak. Ngunit nang mamatay at makabalik sa kanyang 'past life', sa panahong malayo sa kanyang nakasanayang buhay, kinailangan niyang magbalat-kayo bilang isang lalaki upang makaligtas sa panganib na maaaring nakaamba sa kanya sa buhay na iyon. Magiging mapayapa ba ang kanyang pamumuhay gamit ang ibang katauhan o lalo lamang siyang maguguluhimnan?
History
107.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire and his Maid

The Billionaire and his Maid

ladyaugust
Si Alexis ay isang dalagang puno ng pangarap sa buhay. Pero paano niya matutupad ang pangarap kung puro naman kamalasan ang nangyayari sa kanya? Nawalan na ng magulang, at ngayon namang binubuhay ng mag-isa ang sarili ay natanggal pa siya sa trabaho? Hanggang panaginip nalang ba ang kanyang mga pangarap? Paano kung isang araw ay makatagpo at makilala niya si Colt isa sa mga top billionaires sa bansa.Subalit sa kabila ng pagiging bilyonaryo nito ay marami ang naghahangad sa kanyang kayamanan at kapangyarihan na naging mitsa ng buhay nito. Ang binata na kaya ang makakapagpabago ng kanyang kapalaran o isa rin ito sa magdadala ng kamalasan sa kanyang buhay?
Romance
103.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status