Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
When The Mafia Falls In Love

When The Mafia Falls In Love

Ipinambayad si Angel Anzores ng kanyang tiyahin at tiyuhin sa kanilang pagkakautang matapos nilang itago ang kanyang nakababatang kapatid na si Angelo at pagbantaang ito ang ibebenta kung hindi siya papayag. Kaya walang nagawa ang dalaga kung hindi ang sundin ng mga taong umako sa kanilang magkapatid matapos mamatay sa isang car accident ang kanyang mga magulang. Si Salvatore Ravalli ay 35 years old at kilala sa tawag na “Tore” sa underground at isang malupit na mafia na siyang inutangan ng tiyuhin at tiyahin ni Angel at mahuhulog ang loob sa dalaga. Matatanggap kaya ni Angel ang lalaki na noong una ay nang-alipin sa kanya at tinakot gamit ang buhay ng sariling kapatid? Ano ang gagawin ni Salvatore kapag nalaman ni Angel na sangkot siya sa aksidenteng kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang na naging dahilan upang masadlak silang magkapatid sa buhay na ibinigay sa kanila ng mga taong kumupkop sa kanila? Magagawa kaya ni Salvatore na mailigtas ang babaeng minamahal sa kamay ng mga malupit din niyang kaaway?
Romance
1067.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MARRY ME, MR. BILLIONAIRE

MARRY ME, MR. BILLIONAIRE

MATAPOS ang kanyang business trip, nagulat na lang si Eloisa Sandoval nang makauwi siya at natuklasan na nakabalik na ang ate niya na matagal nang hindi nila nakakasama. Isa pang balitang nakagimbal sa kanya sa pagbabalik niya ay nang malaman niya na ang kanyang long-time boyfriend ay engaged na. Ang malala pa, engaged ito sa ate niya na matagal na nawala sa piling nila. Pakiramdam niya ay nilapastangan siya ng lahat at pinagtaksilan. Nawala sa kanya ang lahat. Maging ang kumpanya na matagal niyang pinaghirapang mapalago ay napunta sa ate niya. Pero sa isang hindi inaasahang pangyayayari, she found a knight in shining armour in the identity of Maximo Walton. Ang mismong uncle ng kanyang ex-boyfriend. Hindi siya nag-atubili na alukin ng kasal si Maximo. Ikinagulat niya ang pagpayag nito nang walang pag-aalinlangan. Nang mawala ang lahat sa kanya, sisikapin niyang kumapit sa isang taong malapit sa lalaking nangwasak sa puso niya. Walang ibang nasa isip niya kundi ang paghihiganti. Babalik siya at babawiin niya ang lahat.
Romance
1052.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
HIS PLEASURE FULFILLER

HIS PLEASURE FULFILLER

MATURE CONTENT| READ AT YOUR OWN RISK Dahil sa kasalanan ng kaniyang ama ay napilitan siyang makipagkasundo sa may ari ng rancho sa kanilang bayan. Upang mabayaran ang kasalanan, siya ay namasukan bilang isang personal na tagasilbi. Ngunit hindi lang basta isang normal na tagasilbi, alipin, iyon ang pinakamarapat na tawag sa kaniya. Alipin nito sa KAMA...
Romance
1045.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
My Bittersweet Mistake

My Bittersweet Mistake

Si Marion Yuna "Mayu" Selvestre ay bunga ng isang kataksilan. Uhaw sa pag-ibig ng mga magulang. Walang hiniling ang dalaga kun'di maging parte ng pamilya ng kanyang Tatay o Nanay. Ngunit iyon ay naging mas malabo matapos siyang mapiling fiancée ng isang kilalang bilyonaryo na parehong gusto ng kanyang mga kapatid. Hindi iyon matanggap ng kanyang mga magulang sapagkat maging ang mga ito ay naghahabol sa bilyonaryo. At mas lalo pang lumabo ang kanyang kahilingan nang siya ay mabuntis dahil sa isang gabing pagkakamali. Sa takot na ito ay ipalaglag ng kanyang mga magulang at sa takot na malaman ng lalaki na siya ay nagdadalang tao, nagawa niyang lumisan sa kinagisnang lugar at magpalipat-lipat pa sa tuwing siya'y nahuhuli nito. Takot man sa buhay ay mas takot si Mayu na kuhanin sa kanya ang anak ng tuso at tinuturing niyang halimaw na si Aldo Hendrix Castellanos.
Romance
1068.9K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Dangerous Man Weakness

The Dangerous Man Weakness

Dahil sa sobra-sobrang pagmamahal ni Salome sa nakababatang kapatid ay pumayag siya sa kagustuhan ng kapatid na sumunod sa syudad na pinagtatrabahuan nito. Ngunit hindi niya alam na balak siya nitong gawing pambayad sa utang. Huli na ang lahat nang matagpuan niya ang sarili sa kama kasama ang gwapong estranghero. At si Treous Elagrue na isang kilalang walang puso at makapangyarihan sa mundo ng mga mafia ang siyang nakauna sa kaniya at sapilitang umangkin sa kaniya. Ngunit hindi niya aakalaing magbubunga ang kababuyan na ginawa nito sa kaniya. Dahil sa takot ay itinago niya ang bata at pinalaki itong mag-isa. Ngunit mapagbiro ang tadhana dahil nalaman ni Treous ang tungkol sa bata at ngayo'y sapilitan itong kinuha ng lalaki sa kaniya. Ngunit gagawin ni Salome ang lahat upang mabawi lamang ang anak. Kahit pa ibaba niya ang sarili at lumuhod sa harapan ni Treous.
Romance
1066.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
His Battered Wife

His Battered Wife

Napilitang pumayag sa kasalang hindi ginusto si Maxine para lang mabayaran ang utang ng ama niyang namayapa. Pinakasalan niya ang apo ng isa sa pinakamayamang tao sa bansa, si Carl Sarmiento na isang magaling na negosyante at babaero na nakukuha lahat ng gusto. Tulad ng ibang arrange marraige ay akala niya magiging maganda ang pagsasama nila ni Carl pero nagkakamali siya. Unang araw palang nila bilang mag-asawa ay pinagbuhatan na siya nito ng kamay at hanggang sa magtuloy-tuloy ito na parang normal na lang dito na saktan siya. Wala siyang magawa kundi umiyak at magtiis dahil kung umalis man siya ay hindi niya alam kung saan siya pupulutin. She's crying and hoping every night that one day her husband will change. Pero hindi lahat ng hiling ay napagbibigyan. As she slowly falling for her husband despite of his attitude she discover something that broke her into pieces. Paano kung ang kasal na pinanghahawakan niya ay hindi pala totoo? Anong gagawin niya gayong mahal na mahal na niya ito? And what if she's dying? Anong gagawin niya upang harapin ang hamon ng buhay ng mag-isa?
Romance
1050.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
HE IS OLDER THAN ME

HE IS OLDER THAN ME

Si Annie ay isang 16 years old girl nang makilala niya ang isa sa mga VIP client ng company ng kanyang Papa. Na siyang binabantayan naman ng kanyang Kuyang si Edmon. Bagamat hindi naging maganda ang simula nang kanilang pagkikita ay nakadama parin siya ng kakaiba para sa binata. Sa hindi nila inaasahang pangyayari ay natagpuan si Annie sa silid mismo ni Dave sa mismong hotel kung saan ginanap ang kanyang seventeenth birthday. At dahil doon ay kapwa sila natali sa isang kasunduang magdudugtong pala sa kanilang mga puso at buhay. Ano na kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? Matutuhan kaya nilang aminin ang mga damdaming nakatago sa kanilang mga puso? Magawa kayang ibigin at mahalin ni Annie si Dave kahit na ito ay mas matanda sa kanya ng labing anim na taon? Maamin naman kaya ni Dave ang tunay niyang damdamin para sa dalagang noon pa pala niya minamahal?
Romance
1067.0K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Lustful Affair with my Uncle

Lustful Affair with my Uncle

WARNING: R18+ Si Savrinna Angel Dela Vega, ang unica hija ng mga Dela Vega. Sa kabila ng pagiging istrikto ng kanyang magulang ay lumaki siyang ginagawa ang gusto niya. Nang magtungo siya sa isang bar ay nakilala niya doon si Markus Axel Policarpio. Sa hindi inaasahang pangyayari ay may naglagay ng party dr•gs sa kanyang inumin na muntik na niyang ikamatay kung hindi siya nailigtas ni Markus. Kumalat ang video ni Savrinna na nagsasayaw sa bar kaya pinadala siya ng magulang niya sa probinsya sa bahay ng kanyang lolo at lola. At doon ay muli niyang nakita si Markus, na nagpakilala bilang uncle niya. Nagulat siya sa nalaman dahil ang lalaking nakahalikan niya sa bar ay uncle niya pala. At mukhang wala itong planong magustuhan siya kaya naisip niyang gumawa ng paraan para makuha ang atensyon nito. Ang simpleng pagpupustahan kung sino ang unang matutupok sa laro ng pag-ibig, ay nagbunga ng hindi inaasahang pagmamahalan. Hanggang sa pareho na nilang hindi kayang layuan ang isa’t isa.
Romance
1066.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Just a Bride, Not a Wife

Just a Bride, Not a Wife

Niloko at pinagtaksilan si Valerie ng kanyang boyfriend na si Ivan matapos niyang maipagkaloob nito ang kanyang pagkababae. Sa kanyang hangaring makaganti, pumayag siya sa isang kasunduan kapalit ng malaking halaga. Magiging bride siya pero hindi magiging asawa ni Lester Montefalcon, isang gwapo ngunit suplado at mayabang na anak ng isang mayamang may-ari ng malaking pabrika. Pareho nilang inaayawan at kinaiinisan ang bawat isa. "Hindi ikaw Valerie ang tipo kong babae kaya huwag kang umasa! Gawin mo ang nasa kontrata". "Hindi ikaw Lester ang lalaking pangarap ko at kahit ikaw na lang ang natitira sa mundo, hinding-hindi pa rin ako magkakagusto sa iyo!" Ngunit mapanindiganan kaya nila ito kung nagdulot ng kakaibang sensasyon ang kanilang bangayan? Paano kung muling magbabalik ang dating nobyo ni Valerie at desidido itong bawiin siya? Alin ang mas matimbang sa puso niya, ang lalaking hindi niya kayang kalimutan o ang taong ayaw niyang pakawalan?
Romance
1021.6K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Loving a Billionaire

Loving a Billionaire

Napilitang huminto sa pag-aaral si Feigh dahil sa kahirapan upang maghanap ng trabaho para makatulong sa mga magulang niya. Nakapasok siya bilang isang katulong sa Hacienda ng mga Montero sa tulong ng kaibigan ng kanyang ina at doon niya nakilala ang suplado, gwapo at mala-diyos niyang amo na si Luke Montero. Luke Montero is a billionaire who owns a huge Hacienda in Valerde and he also own a lot of huge properties and businesses all over the country. Nag-iisang tagapagmana ng lahat ng kayamanan ng mga Montero kaya nakukuha niya lahat ng gusto niya pati ang mga babae. Feigh is a drop dead gorgeous woman despite of her simple and old clothes. Nakuha niya ang atensyon ng isang Luke Montero at aminin man niya o hindi ay may gusto rin siya sa amo dahil sa angkin nitong itsura na mala diyos na tila bumaba sa kalangitan. As they share the heat that they both needed, can Feigh handle her heart? Paano niya haharapin na nahuhulog na siya sa bilyonaryong amo na halatang katawan lang ang gusto sa kanya? How could she avoid falling for the billionaire? Maiiwasan pa ba kung una pa lang ay hulog na hulog na siya? Read at your own risk. R18
Romance
1045.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
454647484950
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status