Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Kindhearted Revenge

The Kindhearted Revenge

Isang bagay na lang ang gustong tuparin ni Shiela De Guzman sa buhay magmula nang mangyari ang insidenteng nagdulot sa kaniya ng sobrang pighati at nagpabago sa buhay na pinapangarap niya. Hustisya. Iyon lang naman ang gusto niyang makuha para sa mga magulang na walang awang pinatay. Ginawa niya ang lahat matupad lang ang mithiing maging isang pulis para ikulong ang mga pumatay sa kaniyang magulang. Sa paghahanap sa mga taong pumatay sa mga magulang ay natuklasan niya rin ang dahilan sa likod ng pagpatay sa mga ito at ang nakatagong lihim sa kaniyang pagkatao. Ang dating mabuting intensiyon na paghihiganti ay napalitan ng poot at karahasan. SHIELA DE GUZMAN! ELA RICARPIO! RAVEN CRUZ! DIVINE MABISCO! Iisang tao, apat na pagkakakilanlan. Sino nga ba siya at ano nga bang totoo sa tunay niyang pagkatao?
Romance
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
MAYARI

MAYARI

Isigani
Si Mayari na pinoprotektahan ng isang babaylan, ay isang prinsesang niligtas ni Adonis na isang tikbalang. Isang malaking pagsubok ang kakaharapin nito at kakailanganin niya ang isang matinding pagsasanay, malaking sakripisyo para sa misyon ukol sa kapakanan ng bayan ng Maharlika. Pipilitin ni Mayari na makuha ang pamumuno sa palasyo, na hawak ng isang salamangkerong dating kanang kamay ng hari na nagpapahirap sa bayang nasasakupan. Mahihirapan si Mayari sa paghahanap ng mga kasama na aayon sa kanya dahil sa takot ng mga ito na paghigantiahan ng makapangyarihang salamangkero na tumatayong pinuno sa kaharian pagkatapos nitong lasunin ang hari. Sa kaniyang paglalakbay ay makikila niya ang mga kaibigan na tutulong sa kaniya upang magwagi laban sa kay Elyazar na salamangkero. Mahihirapan man, gagawin ng bida ang lahat para maibalik sa kaayusan ang bayan.
Fantasy
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Rival's Mistress

The Rival's Mistress

Dati niyang asawa, hindi lang siya tinalikuran—pinapatay pa. Sa isang gabi ng pagtataksil, muntik nang mamatay si Alina sa kamay ng mga tauhan ng lalaking minsan niyang minahal. Pero sa isang iglap, isang maling liko, at isang desperadong hakbang, napadpad siya sa sasakyan ng pinaka-ayaw ng ex niyang lalaki... si Damian Velasco, ang pinakamalupit na karibal sa negosyo. "Hirap ka bang magpasalamat, Mrs. Montenegro?" malademonyong bulong ng lalaki. "O gusto mong ipakita na lang sa ibang paraan?" Isang kasunduan ang binuo sa init ng gabi: ililigtas siya ni Damian, pero kapalit nito… magiging kanya siya. Sa kama. Sa piling niya. Hanggang sa tuluyan niyang makuha ang kanyang paghihiganti. Pero paano kung sa gitna ng pagkukunwari, may ibang apoy na mamagitan sa kanila? Isa bang laban ito… o isang bagong simula?
Romance
364 viewsOngoing
Read
Add to library
Destined to be Mr. CEO’s Wife

Destined to be Mr. CEO’s Wife

Si Chloe ay ipinagkasundo ng kaniyang mga magulang sa isang Matandang negosyante matapos matalo sa sugal ang kaniyang mga magulang. Pilitin man niya ang kaniyang sarili ay hindi makaya ng kanyang sikmura ang makasama si Valentino ng dahil lamang sa kasalanan ng kaniyang mga magulang. Hanggang mag krus ang landas nila ni Riley at mabuo ang kanilang isang gabing pinagsaluhan. Tumakas si Chloe sa kasal nila ni Valentino Rosso sa tulong ng kanyang kaibigang si Kean, ngunit dahil sa kahihiyan ay sinundan siya nito sa ibang bansa at nag eskandalo sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Dumating naman si Riley para ipagtanggol niya si Chloe sa mga magulang nito at kay Valentino. Abangan ang mga susunod na mangyayari sa pagitan ng mga magulang ni Chloe at mga gulong ihahatid nito ng dahil sa pagpili ni Chloe na manatili sa piling ni Riley .
Romance
1019.9K viewsCompleted
Read
Add to library
BOOK 2: Maid For You Too

BOOK 2: Maid For You Too

Si Anna Alejandra ay isang ulirang anak na walang ibang hiling kundi ang mai-angat sa laylayan ang pamilyang siya lang ang inaasahan. Isang probinsyanang nakipagsapalaran sa siyudad para tugunan ang pangangailangan ng mga kapatid. Namasukang kasambahay sa pamilyang Martinez, at nakilala ang isang binatang babago sa kapalaran nya, si Javier Martinez. Kontento na si Anna sa panakaw tingin nya sa binata noong una, ngunit habang tumatagal ay humihiling sya nang higit pa. Nangyari naman ito nang maging malapit sila sa isa't isa, at naging magkaibigan hanggang sa nagkagustuhan. Subalit sa halip na mauwi sa happily ever after, isang bangungot ang kaniyang naranasan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
Romance
1023.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Condemned Son In Law (Tagalog)

The Condemned Son In Law (Tagalog)

"Hindi ko alam kung sasapat ang pagmamahal ko sa iyo sa kabila ng mga nagawa ng pamilya mo sa angkan ko. Sobrang mahal kita, Noelle! Ngunit hindi ko maipapangako kung magagawa ko na palampasin ang kasamaan ng mga magulang mo," puno ng hinanakit na saad ni Kael. Si Noelle ay kabilang sa kilala at mayamang pamilya na nagmahal sa kagaya ni Kael na isang anak mahirap. Pinagbintangan at ikinulong ngunit nagbalik na may magandang buhay na maipapangalandakan. Nagbalik s’ya upang maitama ang pagkakamali na nagawa sa kanya ni Don Mondragon. Ang kanilang pagmamahalan ay napuno ng hinanakit na nagdulot ng malalim na sugat kay Kael na maagang naulila sa kagagawan at kasakiman ng ama ng babae, at si Noelle na naging biktima sa kasinungalingan at pambibintang ng sariling ama upang mapaikot sa mga palad nito at mapasunod sa gusto. May pag-asa pa kaya na manumbalik ang marubdob na pagmamahalan sa kabila ng magulong nakaraan na nagpapahirap sa kanila hanggang sa kasalukuyan? Alin ang mangingibabaw sa kanila, pagmamahal ba o mas mananaig ang galit sa dibdib ng isa sa kanila?
Romance
97.0K viewsOngoing
Read
Add to library
She Once Married The Duke (ZL Lounge Series 05- 2nd Gen)

She Once Married The Duke (ZL Lounge Series 05- 2nd Gen)

Ang maging chef ang pinaka pangarap ni Everlee Moore talaga. Lahat na kasi meron siya kaya nakatutok lang siya sa pangarap niya. Sa ikakasiya niya. Pinanganak siyang may gintong kutsara na sa bibig. Hindi na niya kailangang magtrabaho din sa kumpanya nila dahil nandyan naman ang mga kapatid niya. Gustong-gusto niyang magluto. Para sa kanya, food is life. At iyon ang naging dahilan para mag-enroll siya sa isang cooking school sa England. Dalawang school iyon. Isa sa Bedfordshire, kung saan kasalukuyang Duke si Davey Kristoff or DK Ward Collin. Matalik na makaibigan ang pamilya nila. Kaya humingi siya nang tulong dito nang mawala ang bagahe niya sa airport. Walang natirang gamit sa kanya at walang naibalik. Kinupkop siya nito at pinatira sa palasyong tinitirhan nito. Hindi pwedeng malaman ng magulang niya ang nangyari sa kanya, dahil baka pababalikin siya ng mga ito sa Pilipinas. Kaya inilihim nila ni DK ang lahat. Pero hindi akalain ni Everlee na may mabubuong pagmamahalan sa kanila ni DK habang nasa poder siya nito. Akala niya dahil sa utang na loob lang kaya siya pumayag na maging Duchess ng Bedford. No. Mahal na pala niya si DK. Ngunit isang aksidente ang pumutol sa pagmamahalang iyon. Hindi siya maalala ni DK na pinakasalan siya nito. Dahil sa respeto nito umano sa magulang at kapatid niya, dinivorce siya nito bago pa malaman ng pamilya niya. Kaya nang muli silang magkita sa Pilipinas, tanging sambit lang ni Everlee sa sarili sa tuwing nakikita si DK, she once married that Duke…
Romance
1013.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Abducted By My Father's Enemy

Abducted By My Father's Enemy

Halos pagsakluban ng langit si Ambria nang malaman niyang namatay sa brutal na paraan ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag uuwi ng Pilipinas ay hindi niya sinunod ito at umuwi siya upang ipagluksa ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit nang pabalik na siya sa Europe upang ituloy ang kanyang Buhay ay hinarang ang kotseng sinasakyan niya patungong airport. Kinidnap siya ng armadong mga lalaki at ikinulong sa madilim na kuwarto. Hindi siya nakaramdam ng takot dahil alam niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng mga kumidnap sa kanya at hinanda na niya ang kanyang sarili na mamatay at sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hindi kamatayan kundi kasal sa Isang estranghero ang i-alok sa kanya upang makalaya? Papayag ka siya sa kasunduan? O papayag siya upang mahanap at makapaghiganti sa taong tumapos sa Buhay ng kanyang natitirang magulang?
Mafia
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
TEACHER DAHLIA

TEACHER DAHLIA

"Oo, isa akong guro, at may nais akong turuan ng leksyon." --- Walang ibang tutulong sa kaniyang matinding pagdurusa kundi ang kaniya lamang sarili. Si Dahlia Perez o mas kilala bilang teacher Dahlia ang mismong aalam sa madilim na nangyari sa kaniyang ama sa nakaraan. *** Nagtuturo sa isang paaralang elementarya si Dahlia Perez. Baguhan lamang siya sa isang lungsod. Dahil nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, kinuha niyang trabaho ang maging isang guro. Ngunit sa halip na ang kaniyang propesyon ang kaniyang isinaalang-alang ay iba ang sadya niya sa pamamagitan nito.
Mafia
718 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status