Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Married with a Stranger

Married with a Stranger

Walang nagawa si Ada nang pumayag ang kaniyang ama na ipakasal sa lalaking hindi kilala. Ang alam lang niya 'tungkol sa kaniyang magiging asawa ay isang bilyonaryo, matagumpay sa pagpapatakbo ng negosyo at nag-iisang anak ng isang kilalang business tycoon. Natapos ang paghahanda para sa kasal, na hindi man lang nagpakita ang mapapangasawa at nagpakilala ng pormal sa kaniya. Sa araw at sa mismong kasal ay nakilala niya ito subalit laking gulat ni Ada, na si Nik pala ang taong iyon. Ang taong nagligta kay Ada nang may magtatangkang gumahasa sa kaniya sa party ng kaibigan at sa lalaking nakasama ng isang gabi sa pagbabakasyon sa La Union. Pero ang Nik na ngayong naging asawa ay ibang-iba sa nakilala at ang tingin nito sa kaniya ay isang babaeng kayamanan lang ang habol kaya nagpakasal dito. Matapos ang unang gabi ng pagiging mag-asawa nila ay iniwan na siya nito kinabukasan at isang taon ang nakalipas ay uuwi na ito subalit para makipaghiwalay sa kaniya. Hindi sila maaring maghiwalay ni Nik dahil magagalit ang Papa niya sa kaniya at kailangan nila si Nik upang iligtas ang palubog na nilang negosyo. Kahit ayaw niyang maging tama ang paningin ni Nik sa kaniya ay kailangan niyang iligtas ang negosyo para sa amang minamahal.
Romance
1011.6K viewsOngoing
Read
Add to library
His Criminal Heart

His Criminal Heart

Pxnxx
Justice and revenge. Iyon lang ang nasa isip ni Alexandria hanggang sa tumuntong siya sa edad na bente-sais. Desi-otso anyos siya nang magulantang siya sa kaniyang nasaksihan sa mismong tahanan nila. Pinatay ang Mommy at Daddy niya habang ang kaniyang kapatid naman na babae ay walang sawang inangkin at binaboy. Dahil sa kagustuhang maipaghiganti ang pamilya. Nakilala niya si Raul. Ang dahilan ng unti-unting paglimot niya sa nakaraan. Ang lalaking nagpagulo sa natutulog niyang puso. Pero bato naman pagdating sa salitang pagmamahal. Isang bagay ang nalaman niya tungkol sa binata. Isang bagay na naging dahilan para muling sumibol ang galit, poot, at pagkamuhi sa kaniyang puso.
Romance
105.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Ugly Maid

The Billionaire's Ugly Maid

Maejin
Muntik ng mamatay ang CEO ng Ziff Corporation na si Seven Ziff dahil sa isang ambush kung hindi lang dahil sa pagkakaligtas sa kaniya ng mag-asawang napadaan sa pinangyarihan ng krimen. Subalit namatay din ang mag-asawa dahil sa pagtulong sa kaniya. Hindi nagtagumpay ang mga taong nais pumatay sa kaniya at nagpasya ang kaniyang lolo na dating chairman ng Ziff Corporation na manatili muna siya sa mansiyon at pansamantalang iwan muna ang pagiging CEO habang inaalam pa kung sino ang nais magpapatay sa kaniya. Habang nasa mansiyon ay nag-utos naman si Seven ng tao upang hanapin ang anak ng mag-asawang tumulong sa kaniya. Nais niya itong bigyan ng gantimpala ngunit nagulat siya nang malamang nalalagay din pala sa panganib ang anak ng mag-asawa sa hindi niya malamang dahilan. Dahil doon, gumawa siya ng paraan upang mapunta sa poder niya ang babae sa pamamagitan ng pagiging isang katulong. Hindi niya maaaring ipaalam sa babae ang tunay na dahilan para na rin sa kaligtasan nito at kailangan niyang alamin nang paunti-unti kung bakit pati ito ay ipinapapatay din ng mga taong gustong pumatay sa kaniya. Si Filippa, may malaking bukol sa mukha na siyang naging hadlang upang kakitaan siya ng ganda ay magsisilbing katulong sa mansiyon ng mga Ziff at walang kaalam-alam kung bakit nasa panganib ang buhay niya at kung ano ang tunay na kailangan ng guwapong bilyonaryong si Seven sa kaniya...
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unforgettable Night With You

The Unforgettable Night With You

YlatheDreamer
Wala sa bokabularyo ng isang Clement Kit ang pagpapakasal, kahit nga ang salitang "commitment" ay hindi sumagi sa isipan niya. Everyone calls him a playboy, but not for so long dahil nakatakda na siyang ikasal. Natagpuan niya na lang ang sarili sa isang bar bago ang araw ng kaniyang kasal. Sa hindi malamang dahilan ay naagaw ng isang babaeng nakatayo sa entablado ang kaniyang pansin. Sa kabilang banda, nakatayo si Fauvine Lavar sa isang entablado. Sa dami ng taong naroon ay humihiling siya na sana ay may tumulong sa kaniya. Kaya laking gulat na lang niya ng may lalaking humila sa kaniya at inalalayan siya pababa. Nauwi sila sa isang mainit na gabi. Isang gabing kapwa hindi nila malimutan. Kapwa tumatak sa isip ng bawat isa pero tumatak din kaya sa puso ng bawat isa? Ngunit paano si Fauvine kung nakatakda na ikasal si Clement?
Romance
3.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Craving For Love

Craving For Love

Sa mundong ang nagpapaikot ay pera, ang tingin ni Samara Licaforte sa mga mahihirap ay laruan lang ng mayayaman. Bagama't hindi legal na anak sa mata ng batas ng business tycoon na si Mr. Frederick Licaforte, CEO ng Licaforte Corp, ay lumaki sa luho si Samara at hindi makakailang siya ang paboritong anak sa pagitan nila ng stepsister niyang Monica. Happy-go-lucky, bully at eskandalosa. Ganyan siya kung ilarawan ng karamihan dahil sa mga ginagawa niyang kalokohan para lang mapanatili ang popularidad niya. Dahil wala na ang kanyang ina, at sa tingin niya ay nakikihati lang siya sa pagmamahal at oras ng kanyang ama mula sa legal nitong pamilya, ay sa atensyon ng ibang tao niya hinanap ang halaga niya. Sa pag-aakalang mananatiling ganun lang si Samara, ay kumatok sa buhay niya ang pobreng bulag na si Marco Villaflor, ang lalaking unti-unting titibag sa mga paniniwala niya.
Romance
1013.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Not Ordinary Love

Not Ordinary Love

Alexie Padilla never thought a simple move to a new network would turn her world upside down. Sa isang hindi inaasahang pagkikita, nakilala niya si Emmanuel “Emman” Villa—witty, charming, at may kakaibang aura na agad niyang naramdaman. Hindi nila alam na sa unang pagkakakilala, nagsisimula na palang magbago ang takbo ng kanilang buhay. Emman carries secrets and a past he tries to keep private, habang si Alexie ay unti-unting nagbubuo ng sarili niyang lakas mula sa mga sugat ng nakaraan. Habang magkasama sila sa trabaho at sa mga simpleng sandali ng pagkakaibigan, unti-unti silang nahuhulog sa damdamin na hindi nila inaasahan. Ang koneksyon nila ay nagiging mas malalim kaysa sa anumang inaakala nila—isang pagmamahal na tahimik pero matindi, na handang labanan ang takot, galit, at sakit ng nakaraan. Sa mundo ng showbiz, intriga, at personal na pagsubok, natututo silang magtiwala sa isa’t-isa at sa sarili nilang puso. Ang kwento nila ay tungkol sa katapangan, sa mga sandaling magulo at kumplikado, at sa pag-ibig na hindi ordinaryo—isang damdaming nagbabago sa bawat araw, sa bawat halakhak at luha, at sa bawat lihim na ibinubunyag sa isa’t-isa.
Romance
103.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Governor's Mafia Bodyguard (De La Fontaine Series)

The Governor's Mafia Bodyguard (De La Fontaine Series)

iampammyimnida
Si Amanda Violet Chua ay isang gobernador sa lalawigan ng Alfonso. Simula nang mamatay ang kanyang ama sa isang engkwentro ay namuo ang galit at pagkamuhi sa kalooban ng dalaga na nagsanhi ng paghihigante at pagtugis niya sa taong pumatay sa kanyang ama. Subalit gano'n na lamang ang takot na namayani sa babae nang naulit muli ang engkwentrong iyon habang tinatahak niya ang daan pauwi sa kanilang mansyon. Mabuti na lang ay may sumagip sa kanya—si Pierre Quintavious De La Fontaine. Sa takot na maulit muli ang trahedya ay agad niyang kinuha ito bilang bodyguard niya. Hindi niya alam na may sekreto pala itong tinatago sa pagkatao niya. Mayroon bang pagmamahalan na mabubuo sa kanila o habang papalapit si Amanda sa katotohanan ay pagkamuhi ang babalot sa kalooban niya?
Romance
102.9K viewsOngoing
Read
Add to library
HER GAME

HER GAME

realisla
THE GAME SERIES Book 1 out of 5 "So better be wise enough in playing because this is much more exciting than her game." Si Akemi Sean Lee, isang babaeng nagmahal, nasaktan at maghihiganti. Matapos ang trahedyang itinuring bangungot sa tanang buhay niya, binago niya ang sarili sa dating siya. Nagsikap, nagtapos, at nagpakadalubhasa siya sa New York sa engineering. Makalipas ang limang taon, bumalik siya ng Pilipinas. Wiser. Bolder. Braver. Bumalik siya para sa tatlong taong nagsukdol sa kanya sa kahirapan. Mata sa mata. Ngipin sa ngipin. Puso sa puso. Nagbalik siya para sa kanyang laro—ang laro ng paghihiganti. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Sa kanyang laro, may malaking bagay pa siyang matutuklasan. Isang bagay na dudurog muli sa kanyang puso at pagkatao. Paano niya kaya haharapin at malalagpasan ang larong inakala niyang kanya?
Romance
102.9K viewsCompleted
Read
Add to library
BOOK 2: Maid For You Too

BOOK 2: Maid For You Too

Si Anna Alejandra ay isang ulirang anak na walang ibang hiling kundi ang mai-angat sa laylayan ang pamilyang siya lang ang inaasahan. Isang probinsyanang nakipagsapalaran sa siyudad para tugunan ang pangangailangan ng mga kapatid. Namasukang kasambahay sa pamilyang Martinez, at nakilala ang isang binatang babago sa kapalaran nya, si Javier Martinez. Kontento na si Anna sa panakaw tingin nya sa binata noong una, ngunit habang tumatagal ay humihiling sya nang higit pa. Nangyari naman ito nang maging malapit sila sa isa't isa, at naging magkaibigan hanggang sa nagkagustuhan. Subalit sa halip na mauwi sa happily ever after, isang bangungot ang kaniyang naranasan.
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
Romance
1024.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status