Love Between Chaos
'Yung tawa niya, parang musika sa aking pandinig'
"Bakit ka natatawa?" Tanong ko sa kanya. Wala naman kasing nakakatawa sa sinabi ko, eh.
Tiningnan niya ako ng nakangiti pa rin.
"Kasi hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyari, eh. Kasi ang pangit ng una nating pagkakilala, hinahabol ka ng mga fans mo, saktong may dala kang kape at nasagi mo ako, natapunan ako ng bagong kulong kape, nainis ako sa'yo nun kasi hindi ka man lang nag-sorry, kaya hinabol kita, tapos hinila mo naman ako, hahaha. Sinabihan pa kita nun na mukha lang gorilla, hahaha. Tapos naging magkaaway tayo, nakipagkaibigan ka sa'kin tapos naging manliligaw kita, hahaha" pagkwi-kwento niya.
Bab Populer