Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Minahal ni Madeline Crawford si Jeremy Whitman sa loob ng labindalawang taon, subalit siya mismo ang nagpadala sa kanya sa kulungan. Sa gitna ng kanyang sakit at pagdurusa, nakita niya pang nahulog ang lalaking ito sa ibang babae… Limang taon ang nakalipas, nakabalik na siya ng may panibagong lakas, hindi na siya ang parehong babae na pwede nilang maliitin ilang taon na ang nakararaan! Sa bago niyang anyo, sisirain niya ang kahit sinong magpapanggap at aapakan niya ang lahat ng sinumang basura. Kaya nga lang, nang sisimulan niya na ang kanyang paghihiganti sa lalaking sumira sa kanya… Biglang nagbago ang ugali nito. Mula sa pagiging isang malamig at walang emosyong tao, naging isa itong mapag-alaga, maalalahanin, at mapagmahal na lalaki! Hinalikan pa nga nito ang kanyang paa sa harap ng maraming tao habang nangakong, “Madeline, nagkamali ako na magmahal ng iba. Mula ngayon, ibubuhos ko ang natitira kong buhay para bumawi sa iyo.” Tumugon naman si Madeline, “Papatawarin lang kita kapag…. namatay ka na.”
Romance
9.41.7M DibacaTamat
Tampilkan Ulasan (1316)
Baca
Tambahkan
Resha Valentine
hahaha naiinis aq s kwento ..not too good to be true,, grabe naman legal wife cya ,e cya p nakulong haysss... 😅,grabe naman ang pagiging maimpluwensya ng pamilya whitman hehe,, npakamartir . tsaka kung gnyanin aq ng lalaki nako.kht mahal ko never aq mgpaganyan ,naloka aq s storya ..pro sayang
Soo Jeong Lee
nakakakawa ang kalagayan ni madie bakit ganito kalupit angbkwentong ito. ang sakit ng dinanas nya sa kamay ng asawa nya. dapat matauhan na si madie at magbagong buhay saka na sya bumalik pag mayaman na sya at maging matapang matutong pumatay para katakutan sya ng mga taong nagkasala sa kanya
Baca Semua Ulasan
I NEED YOU

I NEED YOU

Masarap mahalin ang taong iniidolo mo. Pero hindi akalain ni Jesabell na iyon din ang magdudulot ng pait at lungkot sa kaniyang puso. Umasa siya na higit pa sa alam niyang pagmamahal ang makuha mula kay Tyler, na siyang umaaruga sa kaniya mula nang mamatay ang mga magulang niya. Gusto lang naman niyang mahalin siya ng binata, tulad ng pagmamahal niya rito. Pero hindi nangyari ang inaasam dahil dumating ang tunay na hero sa buhay ni Tyler. Ano ang laban niya sa babaeng ginagaya ang pagkatao niya at mas magaling umakting? Ang sakit at gusto nang palayain ni Jesabell ang sarili mula sa pantasyang binuo sa puso't isipan. Ngunit paano niya takasan ang buhay na mayroon siya ngayon kung ayaw siyang pakawalan ng binata? Habambuhay na lang ba siyang masaktan, at hayaang maging talunan sa mata ng mga taong nagpapanggap upang agawin ang mayroon siya? O ibigay ang gusto ng mga ito at hayaang maging masama ang pagkatao upang makaganti?
Romance
1096.1K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
A Contract Marriage With Abe Dela Torre

A Contract Marriage With Abe Dela Torre

Kinakaya ni Isla Aguilar ang mabigat na hamon ng buhay. Nagtatrabaho sa araw, nag-aaral sa gabi para sa pangarap na mas maayos na buhay at makatulong sa gamutan ng bunsong kapatid na may Down Syndrome at butas sa puso. Sa gitna ng kanyang pagsusumikap, ang kanyang tanging pahinga ay ang lihim na talon malapit sa likod ng kanilang bahay, kung saan isang araw ay iniligtas siya ng isang guwapo at matipunong estranghero sa pag-aakalang siya ay nagpapatiwakal. Hindi niya inakalang ang estrangherong iyon ay si Johan Abraham Dela Torre, ang bagong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya na kilalang istrikto at malupit sa pamamalakad sa kumpanya, at mailap sa mga babae. Kaya’t laking gulat ni Isla nang bigla siyang alukin ng CEO ng kasal kapalit ng tulong para sa operasyon ng kanyang kapatid. May kundisyon ang kasunduan: walang pisikal na relasyon, sikreto ang kasal maliban sa pamilya ng lalaki, at isang taon lamang ang bisa. Habang tumatakbo ang mga araw, unti-unting nahuhulog ang loob nina Isla at Abe sa isa’t isa. Dahil sa angking galing at talino, si Isla ay naging isang asset ng kumpanya, at si Abe, sa kabila ng pagkukunwaring malamig at matigas, ay palihim na sinusuportahan si Isla sa kanyang pangarap. Ngunit paano kung may ibang babae na nagpupumilit maging parte ng buhay ni Abe at palaging minamaliit ng matapobreng ina ni Abe si Isla? Magagawa ba nilang ipaglaban ang pag-ibig sa kabila ng takot, sakit, at mga hadlang?
Romance
1021.4K DibacaTamat
Tampilkan Ulasan (26)
Baca
Tambahkan
Analyn Bermudez
hala!!! grabehhh yung kaba ko Ms Lilian hahaha nakakadala itong scene na ito ahh naku Wawa naman isla nmin na-trauma tuloy siya...mabuti nalang mabilis kumilos si Abe at mga bodyguard niya...kailangan magtira siya ng buhay sa mga kumidnap pra mapaamin nila sino mastermind kidnapin si isla
ArtofPollyanna
Interesting plot. Palagay ko maraming makaka-relate sa buhay ni Isla lalo na yung mga bread winner sa pamilya. Sana magkaro'n siya ng happy ending dahil deserve niyang maging masaya pagkatapos ng lahat ng sakripisyo at paghihirap niya. Highly recommend ...
Baca Semua Ulasan
Flames of Desire

Flames of Desire

I took a deep breath again and again as I finally knocked twice. And after a couple of minutes a baritone yet cold voice spoke. "Come in." My brows furrowed and my chest was pounding so loud when I heard Sir JR's voice. This is the first time he showed himself to us but... this was not the first time I met him. At sana wala rin siyang maalala pa. Pinilig ko ang ulo at pilit tinatanggal ang mga nasa isipan at dahan-dahang pinihit pabukas ang pinto. Biglang nanindig ang balahibo ko dahil sa lamig sa loob ng opisina ni Sir. "Hmm..." tumikhim ako upang agawin ang atensyon niya na nakatalikod mula sa akin at prenteng nakaupo sa swivel chair niya. "Good afternoon, Sir." I greeted politely. He stayed silently, he stayed in his place and he didn't respond to me. Hindi rin siya lumilingon kaya napakamot ako ng ulo. "Sir? What can I do for you? Is it because I'm late this morning? I'm sorry Sir, there's an emergency in our home, the reason why I'm late. I'm sorry." I explained but he remained silent. Dahan-dahan akong napayuko. Mukha ngang bad mood siya dahil hindi man lang lumilingon sa akin. "How old are you?" Wala pa sa isang segundo akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Hmmm, 24, Sir..." I answered lowly. "Married?" I swallowed as I responded. "No." "Single?" he asked again. "Opo." "Any relationship? Boyfriend? Ka live in?" "Wala po, Sir..." Pilit kong sinasagot ang mga tanong niya kahit alam kong confidential na iyon. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang naging binungad niya sa akin na hindi ko inaasahan. Nabalot kami ng katahimikan hanggang sa muli siyang magtanong na ikinamilog ng mga mata ko. "Virgin or not?" My mouth opened a bit 'coz of his inappropriate question.
Romance
10975 DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Hayaang Lumipas ang mga Taon

Hayaang Lumipas ang mga Taon

“Chloe, noong bata ka pa, nag-arrange ng kasal ang pamilya natin para sayo. Ngayong nakakabawi ka na mula sa sakit mo, ayos lang ba sayo na bumalik sa Kingston City at magpakasal?" “Kung ayaw mo pa rin, kakausapin ko ang tatay mo at ikakansela namin ang engagement." Sa madilim na silid, tanging katahimikan lang ang naririnig ni Chloe. Habang iniisip ng tao sa kabilang linya na hindi niya siya makukumbinsi, bigla siyang nagsalita. “Ayos lang sa’kin na bumalik at magpakasal." Ang nanay niya, si Felicia, ay napahinto, malinaw na nagulat siya. “A… Ayos lang sayo?” Kalmado ang tono ni Chloe. "Oo, pero kailangan ko pa ng kainting panahon para asikasuhin ang lahat sa Marina City. Uuwi ako sa loob ng dalawang linggo. Mom, pakiusap simulan niyo na ang paghahanda para sa kasal.” Pagkatapos ng ilan pang salita, ibinaba ni Chloe ang tawag.
Baca
Tambahkan
The Billionaires Love Beyond Boundaries

The Billionaires Love Beyond Boundaries

Sa dalawang taon na nagpakalayo si Althea kasama ang kaniyang pamilya ay hindi niya inaasahan na muli na naman siya tatapak sa lugar kung saan nawasak ang kaniyang puso. Ang Maynila. Muli namumbalik ang sakit ng kaniyang Ina at mas lalo pa iyong lumala kung kaya't mararanasan na naman niya ang halos tumira na sila sa ospital maging ang paghahanap ng bagong trabaho pangtustos sa pagpapagamot ng kaniyang Ina. Papasok siya bilang isang Personal assistant sa tulong ng isang bagong kaibigan kung kaya 't agad na niya iyong sinunggaban. Ang hindi niya alam ay iyon na pala ang pagtatapo nilang muli ng lalaking rason kung bakit siya nasaktan at lumayo. Si Calvin. Guguluhin na naman ng lalaki ang mundo niya gayong ito naman may gustong makipag-hiwalay at tandang-tanda niya kung gaano kasakit sa kan'ya habang pinipimahan ang annulment papers nila no'n. Subalit tliwas naman iyon sa ikinagagalit ni Calvin dahil ang alam naman nito ay ipinagpalit siya ni Althea at mas piniling sumama sa ibang lalaki.
Romance
101.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Deception And Pain

Deception And Pain

DreamerIsGood
Sa kuwento ng pag-ibig, panlilinlang, at pagbabago, sumasalamin ang kwento ni Sofie, isang babae na nagtrabaho sa isang club upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang araw, dumating si Matias Chavez, ang may-ari ng isang condo at ilang illegal na negosyo, na nagdulot ng pag-ibig at kaguluhan sa buhay ni Sofie. Ngunit ang pag-ibig na inakala niya ay hindi ganap, dahil may kakambal si Matias na si Mateo na puno ng inggit at galit sa kanya. Nahulog ang puso ni Sofie kay Matias, ngunit hindi niya alam na ang lalaking minamahal niya ay hindi palaging si Matias, kundi ang kanyang kakambal na si Mateo. Sa gitna ng mga pagpapanggap at panlilinlang, nagpatuloy ang pag-ibig ni Sofie kay Matias. Ngunit ang pagkakataon na mabuo ang kanilang pamilya ay laging nasa panganib dahil sa mga plano ni Mateo na sirain ang relasyon nila. Napapaligiran ng mga pagsubok, pagkakamali, at sakit, nagpasya si Sofie na gantihan si Matias at ipakita ang kanyang galit. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, maaaring mayroong pag-asang mabuo ang kanilang pag-ibig at magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Sa huli, ang kwento ng pag-ibig nina Sofie at Matias ay nagpapakita ng mga sakripisyo, pagkakamali, at pag-asa. Ito ay isang kuwento na magpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay hindi perpekto, ngunit may kakayahan itong magdulot ng pagbabago at pagpapatawad.
Romance
10981 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
CAUGHT BETWEEN HIS SHEETS (SPG/R18+)

CAUGHT BETWEEN HIS SHEETS (SPG/R18+)

" Between his rules and his sheets, I got lost.” Pagkatapos mabuko ang panloloko ng nobyo’t matalik na kaibigan, winasak ng sakit ang puso ni Alexa. Wala na siyang ibang pinanghawakan kundi ang trabaho—hanggang sa dumating ang bagong CEO. Siya si Damien Alcantara. Matalino. Malamig. Mapanganib. Isang boss na may titig na kayang tunawin ang lahat ng depensa ni Alexa. Pero mas nakakatuliro ang katotohanan—siya ang tiyuhin ng ex niya. Nag-umpisa ito sa lihim na pagnanasa. Nauwi sa kasunduan. Hanggang sa isang gabi, natagpuan ni Alexa ang sarili na… nasa kama ng sariling boss. "Marry me. For protection. Nothing more," sabi ni Damien. Pero paano kung ang kama nilang dalawa ay mas maraming sinasabi kaysa sa kontrata nila? Caught between his sheets, and caught between danger and desire… hanggang kailan niya kayang itanggi ang apoy sa pagitan nila?
Romance
101.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
TEMPTED BY THE BILLIONAIRE'S SPOTLIGHT

TEMPTED BY THE BILLIONAIRE'S SPOTLIGHT

Paano kung ang kaligtasan ng iyong pamilya ay nakasalalay sa isang kasunduang hindi mo kailanman ginusto? Si Luna Evangeline DeLacroix, ay isang simpleng babae na baon sa utang at desperadong maghanap ng paraan upang mailigtas ang kanyang pamilya na nabaon sa utang. Isa siyang magaling na mananayaw ngunit hindi siya sikat, iilan lamang ang nakaka kilala sa kanya bilang isang magaling na mananayaw. Sa gitna ng kanyang kawalan ng pag-asa, dumating ang isang alok mula sa isang lalaking hindi niya inaasahang magiging bahagi ng kanyang buhay—isang bilyonaryong aktor at mang-aawit na laging nasa ilalim ng Isang kontrata. Isang pangalan sa kanyang tabi. Isang buhay sa harap ng mga camera. Ngunit paano kung ang mundong pinasok niya para sa pera ay maging kulungan ng kanyang puso? Paano kung ang pekeng pagmamahal na itinanghal sa harap ng publiko ay maging totoo sa likod ng mga ilaw? At paano kung ang spotlight na minsang kinatakutan niya ang siya ring maging dahilan ng pinakamalaking sakit sa kanyang buhay? Sa isang mundong puno ng kasikatan, tsismis, at kapangyarihan ng pera— hanggang saan niya kayang isakripisyo ang sarili para sa mga taong mahal niya? At kapag dumating ang panahong kailangan niyang pumili…..... pera ba o pagmamahal? kalayaan ba o ang lalaking nasa ilalim ng spotlight? She was tempted not by love… but by the price he offered for her freedom.
Romance
192 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD

CARAMEL MORGAN: THE GAY'S BADASS BODYGUARD

**MATURE CONTENT** When a Gay Meets His Match: A Badass Lady Bodyguard with a pretty cheeky brain. Si Fourth Misuaris ay isang mayamang A-list actor—rebellious, palaban, at sanay sa buhay na siya ang nasusunod. Ngunit magbabago ang lahat nang dumating si Caramel Morgan, isang dating secret agent na ini-hire ng daddy niya na maging bodyguard at office secretary niya. Hindi alam ni Fourth, matagal na silang may koneksyon. Limang taon na ang nakalipas mula nang maganap ang isang gabi ng pagkakamali sa pagitan nila. Isang gabi na nagbunga ng isang lihim na anak. Habang pilit tinatago ni Caramel ang nakaraan, hindi niya maitanggi ang muling pag-usbong ng damdamin sa pagitan nila. Ngunit kasabay ng paglapit ng mga puso nila ay ang lalong paglala ng mga komplikasyon: arranged marriage, mga lihim, at mga planong hindi natuloy. Pagkalipas ng ilang taon ng pagkakahiwalay at sakit, muling bumalik si Fourth, handang ipaglaban ang kanyang pamilya. Ngunit puno pa rin ng sugat ang kanilang nakaraan. Isang dramatic rescue, isang gabi ng katotohanan, at isang muling pagkakataon ang magtutulak sa kanila sa desisyong piliin ang isa’t isa hindi dahil kailangan, kundi dahil mahal nila ang isa’t isa nang totoo. Isang kwento ng pagmamahalan, pamilya, at tapang kung saan ang tunay na pag-ibig ang magtatapos sa lahat ng sakit.
Romance
107.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
3435363738
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status