フィルター条件
ステータスを更新中
全て進行中完了
並べ替え
全て人気のあるおすすめ評価更新
The Heartache of a Broken Marriage

The Heartache of a Broken Marriage

Noong nalaman ni Cailyn na magkakaanak siya ng kambal, binigyan siya ni Austin Buenaventura ng divorce agreement at breakup fee na 300 milyon sa kadahilanang umuwi na ng Manila si Helen, ang babaeng iniibig niya. Sa halip na magmakaawa, tinanggap ni Cailyn ang pera at sinimulan ang bagong yugto ng kanyang buhay. Ngunit hindi natapos doon ang pighati at sakit, dahil ipinilit pa ni Austin na ipalaglag ang batang kanyang dinadala. Masasagot pa kaya ang mga katanungang bumabagabag sa kanilang isipan? May pag-asa pa kayang maibalik ang dating samahan na puno ng tiwala at pagmamahal, o tuluyan na nilang pipiliing isara ang kabanatang minsang nagbigay-kulay sa kanilang buhay?
Romance
1038.4K ビュー完了
レビューを表示 (17)
読む
本棚に追加
Yazellaxx
Hello, readers! I’ll be giving you a chance to be a part of THIS STORY! Put your NAME in the comment and I’ll promise to include your name in one of our lovely characters in upcoming chapters. Maraming salamat!
Analyn Bermudez
maganda pow .kaso..dapat ginawa mo ms Author bago ka nagpasok ng ibang character sna nilagyan mo naman ending Nina cait at Austin Ora alam nmin kung nag ending ba sila tapos dagdag ka ulit kanino love story ska lagyan mo din ending ng bawat lovestory ng mga character..nlito ako hindi ko binsa ng buo
すべてのレビューを読む
The Disguised Billionaire

The Disguised Billionaire

Sa mismong araw ng masaya niyang kaarawan, excited si Jessica na ianunsyo ang kanyang engagement. Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang magiging fiancé, ngunit nang dumating ito, hindi siya nag-iisa. Sa harap ng lahat, ipinakilala ng lalaki ang babaeng kasama niya—hindi bilang fiancée, kundi bilang kanyang tunay na kasintahan. Napahiya at pinag-usapan si Jessica ng kanyang mga bisita. Dahil sa matinding kahihiyan, tumakas siya palayo. Sa kanyang paglalakbay, napadpad siya sa isang malayong probinsya, kung saan nakilala niya ang isang simpleng mangingisda na si Darius. Sa kabila ng sakit ng nakaraan, unti-unting gumaan ang kanyang loob kay Darius. Dahil sa kabutihang ipinapakita nito, hindi niya napigilang mahulog sa kanya. Ngunit isang araw, natuklasan niya ang matagal nang lihim ni Darius—isang rebelasyong lubos na ikinagulat niya. Ipagpapatuloy pa rin ba ni Jessica ang pagmamahal sa lalaking bumago sa kanyang buhay? O tatakasan niya ito, tulad ng pagtakas niya sa kanyang engagement party?
Romance
1080.3K ビュー連載中
読む
本棚に追加
The Probinsyana and the Heartless CEO

The Probinsyana and the Heartless CEO

Dahil sa kahirapan ay napilitang huminto sa pag-aaral si Sonata, at magtrabo sa Maynila para makatulong sa kanyang pamilya. Ang matulungan ang kapatid na may sakit at para sa pag-aaral ng mga nakababata pa niyang kapatid. Namasukan siyang katulong sa isang mansyon na mataas kung magsweldo, at halos ikinalula niya kung magkano ang sasahurin at ang tanging gagawin lang niya ay bantayan ang mga anak ng kanyang among lalake na ubod ng sungit at laging galit sa mundo. Si Gabriel San Diego na isang mayamang bilyonaryo at may mga anak pero walang asawa, sa isip ni Sonata ay marahil kaya walang asawa ang amo dahil halos lahat ng tao sa paligid nito ay kinatatakutan ito, pero isang araw ay natagpuan niya ang sarili na humahanga at may kakaibang damdamin na umuusbong sa kanya tuwing nakikita ang masungit niyang amo. Posible kaya na magkaroon ng katugon ang damdamin niya sa amo niya, o hanggang dito lang ito dahil ni minsan ay hindi man lang siya sinulyapan nito. Date started: September 17 2019 ORIGINAL STORY BY: Seirinsky
Romance
9.324.0K ビュー完了
読む
本棚に追加
Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Sa isang marangyang hotel sa gitna ng lungsod, natagpuan ni Lily May Salvador ang panandaliang paglimot sa sakit ng pagtataksil ng kanyang asawa—sa bisig ng isang misteryosong estranghero. Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay sa kanila, isang sandaling hindi niya inasahang mag-iiwan ng panghabambuhay na marka. Ngunit bago pa sumikat ang araw, pinili niyang lumayo, dala ang isang lihim na babago sa kanyang buhay. Siya ay buntis. At hindi lang isa—triplets ang kanyang dinadala. Sa paglipas ng mga taon, matagumpay niyang itinaguyod ang kanyang mga anak, malayo sa anino ng kanilang ama. Ngunit isang araw, bumalik ang kanyang dating asawa, desperadong humihingi ng pangalawang pagkakataon. Kasabay nito, isang hindi inaasahang pagtatagpo ang naganap—ang pagbabalik ng lalaking hindi niya kailanman nakalimutan, ang tunay na ama ng kanyang mga anak. Pareho silang may nais. Ngunit sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, sino ang dapat niyang piliin? Ang lalaking minsang bumasag sa kanyang puso, o ang estrangherong itinakda ng tadhana para sa kanya?
Romance
10486 ビュー連載中
読む
本棚に追加
Accidentally Married To A Mafia Boss

Accidentally Married To A Mafia Boss

Missezme
Malubha ang sakit ng ama ni Annalise Reyes kaya kinakailangan niyang isakripisyo ang kanyang pag-aaral at lumuwas ng manila para makahanap ng trabaho. Hindi niya alam kung sinusundan ba siya ni kamalasan o sadyang malas lang talaga siya dahil sa wala siyang mahanap na trabaho. Nang may nag-offer ay tinanggap niya ito dahil sa malaking pera ang kanyang matatanggap. Hindi niya alam na ang sanang paninira niya ng kasal ay siya itong maiikasal. Mas lalo niya itong hindi matanggap dahil sa isang Mafia boss pa siya naikasal na ubod ng sama. Matanggap kaya niya na mahuhulog siya sa lalaking aakalain niyang hindi niya magugustuhan? Matatanggap pa kaya niya ang kahihinatnan niya?
Romance
109.7K ビュー連載中
読む
本棚に追加
Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Minahal ni Madeline Crawford si Jeremy Whitman sa loob ng labindalawang taon, subalit siya mismo ang nagpadala sa kanya sa kulungan. Sa gitna ng kanyang sakit at pagdurusa, nakita niya pang nahulog ang lalaking ito sa ibang babae… Limang taon ang nakalipas, nakabalik na siya ng may panibagong lakas, hindi na siya ang parehong babae na pwede nilang maliitin ilang taon na ang nakararaan! Sa bago niyang anyo, sisirain niya ang kahit sinong magpapanggap at aapakan niya ang lahat ng sinumang basura. Kaya nga lang, nang sisimulan niya na ang kanyang paghihiganti sa lalaking sumira sa kanya… Biglang nagbago ang ugali nito. Mula sa pagiging isang malamig at walang emosyong tao, naging isa itong mapag-alaga, maalalahanin, at mapagmahal na lalaki! Hinalikan pa nga nito ang kanyang paa sa harap ng maraming tao habang nangakong, “Madeline, nagkamali ako na magmahal ng iba. Mula ngayon, ibubuhos ko ang natitira kong buhay para bumawi sa iyo.” Tumugon naman si Madeline, “Papatawarin lang kita kapag…. namatay ka na.”
Romance
9.41.7M ビュー完了
レビューを表示 (1316)
読む
本棚に追加
Resha Valentine
hahaha naiinis aq s kwento ..not too good to be true,, grabe naman legal wife cya ,e cya p nakulong haysss... 😅,grabe naman ang pagiging maimpluwensya ng pamilya whitman hehe,, npakamartir . tsaka kung gnyanin aq ng lalaki nako.kht mahal ko never aq mgpaganyan ,naloka aq s storya ..pro sayang
Soo Jeong Lee
nakakakawa ang kalagayan ni madie bakit ganito kalupit angbkwentong ito. ang sakit ng dinanas nya sa kamay ng asawa nya. dapat matauhan na si madie at magbagong buhay saka na sya bumalik pag mayaman na sya at maging matapang matutong pumatay para katakutan sya ng mga taong nagkasala sa kanya
すべてのレビューを読む
The Billionaire's Redemption

The Billionaire's Redemption

Para iligtas ang kanyang pamilya sa matinding pagkakautang ay pumayag si Alia na makipagsundo sa 1 year marriage kay Elias Valiente. Si Elias ay isang bilyonaryo na may malaking pangalan sa buong Asia. Kailangan niya ng heir na magpapatuloy sa kanyang pangalan kaya niya inalok si Alia ng kasal. Ang kanilang kontrata ay may mahigpit na patakaran at iyon ay dapat maging perfect husband and wife sila sa mga mata ng publiko. Bukod doon ay kailangan din nilang tuparin ang lahat ng marital duties kabilang ang pagiging intimate sa isa’t-isa. Gayunpaman, ang kasunduan ay mahigpit na nagbabawal sa pagkakaroon ng anumang emosyonal na damdamin para sa isa’t-isa. Ngunit habang tumatagal ay nagsisimulang makita ni Alia ang lamat sa bakal na pader ni Elias. Nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito at ang lihim na sakit ng nakaraan. Samantala si Elias na nasanay sa pagkontrol ay naguguluhan na din dahil sa pagiging tunay at pagpapasakop ni Alia sa kanya. Kailangan nilang mamili kung susundin ba nila ang napagkasunduan sa kontrata, o harapin ang bawal at mapanganib na katotohanan na sila ay nahuhulog na sa isa’t-isa.
Romance
334 ビュー連載中
読む
本棚に追加
The Wild Virgin [SPG]

The Wild Virgin [SPG]

WARNING!!! Warning: This Book is not suitable for young readers or sensitive minds. Some parts contains graphic sex scenes, adult languages and situations intented for mature readers only! Naloko, Iniwan, Nasaktan. Ilang taon niyang iningatan ang sarili, sa paniniwalang ang kanyang puri ang natatanging regalong maibibigay niya sa kanyang mapapangasawa. Ngunit nasira ang lahat nang mahuli niya ang panloloko sa kanya ng kanyang fiancé. Sa labis na sakit na naramdaman, isa lamang ang gusto niyang gawin... Ang gantihan ito, at ang tanging nakikita niyang paraan ay ang gamitin at akitin ang bilyonaryong tiyuhin ng kanyang ex fiancée. Magagawa niya kayang akitin ang mayamang tiyuhin ng kanyang ex, lalo at naniniwala siyang mayuyurakan ang pagkalalaki ng kanyang ex kung ibibigay niya ang iniriserba niyang kainosentehan sa tiyuhin nito? O sa bandang huli kaya ay siya lamang rin ang mahuhulog sa sarili niyang bitag, lalo at siya pa mismo ang nagpa balik-balik sa piling nito nang minsang iparanas nito sa kanya ang langit?
Romance
10144.9K ビュー連載中
読む
本棚に追加
Falling For The Billionaire CEO

Falling For The Billionaire CEO

𝘗𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘮𝘰 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘬 𝘬𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢? Si Aya Dizon, 23 years old, ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Alvero Grand Hotel para matulungan ang pagpapagamot sa kapatid niyang may malubhang sakit. Dito niya nakilala ang tinaguriang "Ice King" na si Lucius Alvero na isang CEO na kilala sa pagiging walang puso at walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Sa simula, pinahihirapan lang ni Lucius si Aya dahil sa kanyang pagiging tyrant, pero magbabago ang lahat nang malaman niya ang isang madilim na sikreto...ang yumaong tatay ni Aya pala ang driver na itinuturong pumatay sa bunsong kapatid ni Lucius sampung taon na ang nakalilipas. Dahil sa galit, lalo pang naging mahirap ang buhay ni Aya sa kamay ni Lucius. Pero paano kung mali ang paniniwala ni Lucius, at may sabwatan pala ang pamilya Montenegro? Kapag nalaman na inosente ang ama ni Aya, paano babawiin ni Lucius ang bawat sakit na idinulot niya? Kaya bang hilumin at bawiin ang pusong kusa niyang dinurog...at matutunton kaya nila ang daan pabalik sa isa't-isa?
Romance
10500 ビュー連載中
読む
本棚に追加
My Lovely Wife

My Lovely Wife

"Yes! I want to be your girlfriend, Kairus Dhan Alvarez. Sinasagot na kita," sigaw ng kaibigan ko. Ouch! Nanigas ako sa kinatayuan ko ng pagpasok ko pa lang sa university kung saan ako nag-aaral, ng marinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses, o should I say, ng aking best friend. Ang ganda naman ng bungad. Hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko. Para akong natulala. Para akong binagsakan ng langit at lupa. "WOAH, CONGRATS NEW COUPLE." Nanlalabo ang paningin ko habang pinagmamasdan ang kaibigan ko at ang lalaking mahal ko. Kitang kita ko kung gaano kasaya si Kairus nang sagutin siya ni Amara. Nagyayakapan silang dalawa, at worst, they kissed each other in front of me. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao habang ako naman ay parang nabingi. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Basta alam ko lang, unti-unti nang nawawasak ang puso ko. Yumuko ako. Ramdam na ramdam ko ang physical na sakit sa puso ko. "I LOVE YOU, AMARA... SO MUCH!" D@MN! Tuluyan nang nawasak ang puso ko nang marinig ko ang katagang iyon mula sa bibig ng mahal ko na para sa kaibigan ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang luha na gustong kumawala sa aking mga mata. Dapat handa na ako sa ganito, alam kong darating ang araw na ito, pero p*tangina, bakit parang sobrang sakit? Bakit parang hindi ko kaya? "BESH...!" Kaagad kong pinunasan ang isang butil na luha na tuluyan itong kumawala sa mata ko. Huminga ako ng malalim at saka inangat ang paningin sa kaibigan kong patakbong palapit sa akin na may malaking ngiti. Ngumiti din ako, pero pilit lang. Sinubukan kong maging masaya para hindi siya makahalata. "KAMI NA... I ALREADY SAID YES TO HIM," masaya niyang sabi bago ako niyakap.
Romance
8.6108.8K ビュー完了
読む
本棚に追加
前へ
1
...
3435363738
...
50
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status