Share

Chapter 19

"Misis, halika na kumain na tayo."

Napamulat ako ng tawagin ako ni Ej. Simula ng umalis kami sa clinic misis na ang tawag niya sa akin, alam ko na biro niya lang iyon, pang-asar pero hindi ko maiwasan na ngumiti sa tuwing tawagin niya ako ng ganon. Natutuwa ang puso ko. Sana balang araw may tatawag rin sa akin na misis at hindi na iyon biro.

"Mamaya ka na mag emote gutom na si baby...at si daddy.... lalong-lalo na si mommy."

Binato ko siya ng bulaklak na hinablot ko lang sa tabi ko, hindi ako naiinis.... kinikilig ako... at ayaw kong mangyari yon dahil baka ma sanay ako sa ganong tawag niya at hindi ako pa handa sa susunod na mangyari. Sa pag trato niya sa akin hindi malabao na hindi ko siya..... magustuhan.

"Ang sweet naman ng mi-,"

"Isa pa," pagbabanta ko. "May kalalagyan ka sa akin."

"Si dok kasi e," pamimintang niya.

Umupo ako sa nilatag niyang maliit na banig. Mabuti nalang at may puno rito na pwedeng pagsilungan, mainit pa dahil alas dos palang ng hapon pero nangingibabaw ang m
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status