Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE DEVIL BILLIONAIRE

Isang gabi. Isang kasunduan. Isang halimaw na may mukha ng diyos. Desperada si Sierra Ramirez na mabayaran ang utang ng amang may sakit, kaya’t kahit labag sa loob, pumayag siyang ibenta ang sarili—sa halagang tinakda ng lalaking may pinaka-mabangis na reputasyon sa buong siyudad. Si Leonardo Dela Vega, kilala bilang “The Devil Billionaire,” ay hindi lang mayaman. Siya ang lalaking kinatatakutan at kinahuhumalingan ng lahat. Malamig. Mapanganib. At walang puso. “Isang gabi lang,” aniya. Pero hindi iyon ang naging kapalaran ni Sierra. Dahil matapos ang gabing iyon, isinara ni Leonardo ang lahat ng pinto ng kalayaan ni Sierra. Ginawa niya itong alipin ng kanyang kagustuhan—hindi lang sa katawan, kundi maging sa puso. Ngunit may mas malalim na dahilan ang pagkakabili niya sa dalaga. At kapag nalaman ni Sierra ang tunay na rason… ito ba'y magiging wakas ng kanyang pagkatao—o simula ng impyerno sa piling ng lalaking hindi niya kailanman kayang takasan?
Romance
763 viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Billionaire’s Bride: The Classroom Deal

Si Allison Reyes ay isang simpleng guro na ang gusto lang ay makaraos sa bawat araw; makabayad sa gamot ng tatay niya, makapagturo ng tahimik, at mabuhay nang disente. Pero nagulo ang mundo niya nang isang viral photo ang nag-ugnay sa kanya sa lalaking ni wala man lang siyang planong kausapin. Walang iba kundi ang may-ari ng eskwelahan, si Zion Almonte. Mayaman, malakas ang dating, at malamig ang pakikitungo ni Zion sa lahat. Pero sa likod ng itsura at yaman, desperado rin siyang ayusin ang pangalan niya. Kaya’t inalok niya si Allison ng kasunduan: isang taong peke nilang kasal kapalit ng pambayad sa hospital ng ama nito. Walang feelings na involved, walang komplikasyon, tanging business lang. Pero paano kung habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, may mga tingin at kilos silang nagagawa na hindi parte ng usapan? Paano kung kahit anong iwas nila, may parte pa rin ng araw-araw nila na unti-unting nagiging totoo?
Romance
433 viewsOngoing
Read
Add to library
The Instant Wedding

The Instant Wedding

Maisie Jade
Hindi akalain ni Margarette na dalawang buwan bago ang nakatakda niyang kasal sa kasintahang si Bobby ay magagawa pa itong agawin ng kapatid niyang si Michaela. Ang masakit, itinakda agad ang kasal ng dalawa. Ang pangyayari ay nagawa pang isisi ng mga ito sa kanyang katabaan at pagiging abala sa trabaho. Dala ng galit sa pamilya niya at pagluluksa sa sinapit niyang kabiguan, natagpuan ng dalaga ang sariling nagpapakalasing at naglalabas ng sama ng loob sa isang estranghero. Estrangherong nagising na lang siyang asawa na niya! Wala siyang matandaan pero pumayag siya sa alok ni Wallace na tulong na paghihiganti kapalit naman ng sarili nitong hangarin, ang mapabalik sa piling nito ang babaeng mahal nito. Madali at satisfying noong una, pero habang lumalakad ang panahon ay unti-unting nahulog ang loob niya sa asawa. Paano na lang kapag natapos na ang isang taong palugit ng kanilang pagsasama? Ano ang kahihinatnan ng isang pagmamahal na tila panlabas na kaanyuan ang labanan?
Romance
2.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)

The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)

'Siya ang asawa pero hindi siya ang mahal. Siya ang pinakasalan pero ibang babae ang inaalagaan at pinapahalagahan ng kanyang asawa...' Pilit na ipinakasal ng kanyang mga magulang si Cyanelle Louise Natividad kay Zach Khaleed Samaniego bilang pambayad ng malaking utang nila sa pamilya ng lalaki. Subalit sa loob ng dalawang taon nilang pagsasama, hindi siya kailanman tiningnan ni Zach bilang babae at nagkaroon pa ito ng kabít kung saan ang babae rin ang nais ng anak ni Zach na maging ina nito kaysa sa kanya. Nang mapagtanto niyang wala ng patutunguhan ang relasyon nila, napagpasyahan niyang tuluyan ng hiwalayan ang lalaki. Subalit kung kailan naisipan na niyang sumuko at iwan ang asawa, isang trahedya ang magpapabalik sa kanya sa piling nito. Matutunan na kaya siyang mahalin ni Zach at matugunan ang damdamin niya para sa lalaki? O mabibigo siyang magkaroon ng puwang sa puso nito sa ikalawang pagkakataon at mauuwi lang sa wala ang lahat...
Romance
8.887.9K viewsOngoing
Read
Add to library
BOUGHT BY THE BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE BILLIONAIRE

May magandang mukha, makurbadang katawan, malaporselanang kutis, simple lang mag ayos, at higit sa lahat may busilak na puso ang dalagang lumaki sa malayong probinsya na si Berry Marasigan. Sa angking kagandahan ni Berry ay marami sa kanya ang nagkakagusto o nahuhumaling. Sa edad niyang bente dos ay simpleng inosente pa rin siya dahil hindi pa siya nakaranas magkaroon ng kasintahan. Nang maulila si Berry sa mga nag ampon sa kanya ay nangarap na siyang makarating ng Maynila upang hanapin ang kanyang tunay na ina, kaya mabilis na nahikayat si Berry ng bagong kakilala ng alukin siyang makapagtrabaho sa Maynila at agad niyang sinunggaban ang oportunidad na iyon ng hindi na nagdalawang isip pa. Pagkarating sa Maynila ay ibinenta naman siya ng recruiter niya sa may ari ng isang sikat na night club na ang mga costumer ay mga mayayaman. Sa angking kagandahan at kaseksihan ng dalaga ay maraming lalaki ang gusto siyang maangkin at isa na sa kanila si Jayden Curtis, ang binatang CEO ng GC Construction Company na pagmamay-ari ng pamilya nila. Na love at first sight ang binata sa dalaga kaya nais niyang tulungan si Berry na makaalis agad sa club. Ngunit hindi iyon naging madali para kay Jayden, dahil sa pinagkaguluhan ang kagandahan ng dalaga ay ipina-auction si Berry ng may ari ng club at na bid ang dalaga sa napakalaking halaga. 20 Million pesos ang naging last bid ng bidder mapasakanya lang ang kaakit-kaakit na si Berry Marasigan.
Romance
1018.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

The CEO’s Sudden Childs [Book 6- Hiltons Family]

“My God, Maurine! Dalawa na ang anak mo pero ni isa sa mga ama nila ay hindi mo kilala!? Paano kang nabuntis ng hindi mo nalalaman!?” Mga katanungan na hindi alam kung paano sasagutin ng dalagang si Maurine. Walang siyang hinangad kundi ang makatapos ng pag-aaral at makatulong sa kanyang kapatid. Subalit hindi niya sukat akalain na mangyayari sa kanya ang mga nababasa lamang niya sa mga novela. One night stand, not once but twice, dahilan kung bakit sa murang edad ay naging dalagang ina si Maurine Kai Ramirez. Ang masaklap, wala siyang pagkakakilanlan sa mga lalaking nakabuntis sa kanya. Hanggang sa natuklasan niya na ang ama ng panganay niyang anak ay ang CEO na si Andrade Quiller Hilton ang kakambal ni Storm Hilton. Naiskandalo ang CEO ng Steel Quiller Corp. dahil sa biglang pagsulpot ng mag-ina, ngunit mariǐng itinanggi ng binata na hindi siya ang ama ng anak ni Maurine. But for the sake of his name ay kinuha niya ang mag-ina pero para gawing katulong ang dalaga sa sarili nitong pamamahay. Paano ipaglalaban ni Maurine ang karapatan ng kanyang anak kung ang pinanghahawakan lang niya ay ang tattoo sa likod ng binata? Kung ikaw si Andrade ay a-akuin mo ba ang responsibilidad, hindi lang ng isang bata kundi ng dalawang anak ni Maurine? Isa na namang kwento ng pag-ibig ang ating susubaybayan mula sa pamilyang Hilton. Ang kwentong ito ay tungkol sa ikalimang anak ni Cedric Hilton na may title na: “The CEO’s Sudden Childs”
Romance
1074.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Maid Who Married The Boss

The Maid Who Married The Boss

Isang maid ang inalok ng kasal ng kanyang boss para makuha nito ang mana. Dahil sa hirap ng buhay, pumayag siya kapalit ng ginhawa para sa kanyang pamilya. Ngayon, asawa na siya ng isang bilyonaryo. Pero kaya ba niyang manatili sa kasal na ito nang hindi nahuhulog sa boss niya—lalo na kung alam niyang mahal pa rin nito ang dating kasintahan?
Romance
1032.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Property Series: Let the World Burn (Damon Hidalgo)

Property Series: Let the World Burn (Damon Hidalgo)

MissKeunna
Damon Hidalgo, marinig pa lang ng tao ang pangalan nya ay alam na agad nila kung ano ang kayang gawin ng lalaki. Matalino, magaling sa negosyo, at halos lahat ng kababaihan ay nagkakandarapa para lang makuha ang atensyon ng lalaki. Lingid sa kaalaman ng lahat na kabila ng magandang reputasyon nito ay ang lihim na pagkahumaling nito sa isang babae. Czariyah Ladesma, ang babaeng sumusubok sa kanyang prinsipyo. Hindi din lubos maintindihan ni Damon kung bakit sa dinami dami ng babae ay sa step sister pa nya sya nahihibang. Alam nyang mali pero hanggang saan ang kaya nyang tiisin para hindi maangkin ang babae?
Romance
564 viewsOngoing
Read
Add to library
Saakin Nagtagal Sa Iba Ikinasal

Saakin Nagtagal Sa Iba Ikinasal

death_pen23
Ashton Kiel Alvarez, ay isang binatang nangulila sa kalinga ng kanyang pamilya. Bata pa nung siya'y iniwan ng kanyang kuya, na nag sanhi na rin sakan'ya ng trauma. Hindi na syang ng iwan ng iba, kasi takot narin syang maiwan tulad ng ginawa ng kanyang kuya. Taon ang lumipas at handa na sya upang pamunuan ang kanilang kompanya. Sa panahong 'yon nakilala nya ang babaeng alam nyang para sakanya. Pinangarap upang dalhin sa altar at pagsilbihan habang buhay. Ngunit nabuo ang isang pagkakamali. Na hindi nya inakalang 'yon ang wawasak sa lahat ng pangarap nya. Kaya nyang bang iwan ang taong ginawa na nyang tahanan? Kaya nya bang iwanan yung taong lubos nyang pinahalagahan. Mananatili ba sya o tanging abo ang haharap sa altar.
YA/TEEN
3.8K viewsOngoing
Read
Add to library
DESTINED TO BE HIS BRIDE

DESTINED TO BE HIS BRIDE

SYNOPSIS – DESTINED TO BE HIS WIFE Hindi niya siya pinili. Ngunit siya ang pinilit. Si Ayesha Dela Vega ay isang babaeng lumaban sa lahat—maliban sa sarili niyang pamilya. Isang kasunduan ang nagbago ng buhay niya. isang arranged marriage sa lalaking hindi niya kilala—ang malamig at misteryosong Rohan Villarreal, tagapagmana ng pinakamakapangyarihang angkan sa bansa. Ngunit sa mismong araw ng kasal, isang katotohanang hindi niya inaasahan ang sumabog. ang lalaking pinakasalan niya ay ang kabataang minahal niya noon, ang kalarong bigla na lang nawala, at akala niya’y patay na. Sa simula, inakala ni Ayesha na tadhana ang nagbabalik sa kanila. Hanggang sa isang gabi ng putok, dugo, at sigaw— nang barilin si Rohan sa harap niya, at sa sumunod na sandali, isang lalaking kamukha ni Rohan ang lumitaw mula sa dilim. Ngayon, habol ng pamilya Villarreal, tinutugis ng mga lihim na pilit itinago ng panahon, si Ayesha ay kailangang pumili kung sino ang paniniwalaan— ang lalaking minahal niya noon, o ang an inong nagdadala ng pangalan ng asawa niya ngayon. Ngunit sa mundong nilamon ng kapangyarihan at kasinungalingan, ang katotohanan ay may kabayarang dugo. At sa pagitan ng dalawang lalaking may parehong mukha, isa lang ang dapat mabuhay. “DESTINED TO BE HIS WIFE” — isang kwento ng pag-ibig, lihim, at kapalaran. Kung saan ang puso ay sandata, at ang bawat halik ay maaaring maging sumpa.
Romance
267 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status