Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.
Romance
9.936.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's

Unveiled Riches: CEO's Billionaire Wife's

"Speaking, Mr. Thompson. What can I--" "I'm looking for my wife, Mr. Montevista. Is she with you, by any chance?" Hinaing nito sa kabilang linya dahilan para magngitngit nang galit lalo si Deiah sa narinig nitong salitang "wife" Ang lakas nga naman ng loob nitong tawagin siya nitong wife pagkatapos siyang pilitin nitong pirmahan ang papel na iyon. "Excuse me. Mawalang galang pero puwede bang piliin mo ang mga salita mo, Mr. Thompson. Ex-wife mo na ako ngayon. Hindi asawa." May diin sa tono ng pagkakasabi ni Deiah sa salitang "hindi asawa" habang ramdam niya ang pangangatog ng tuhod niya. Mas lumalakas na din ang kabog ng puso niya. "Totoo nga. Magkasama nga talaga kayo." Madiing sagot ni Primo, mahahalata sa boses nitong ang nagngingit nitong tono sa pagbitaw sa bawat salita. "Bakit hindi? Ikaw lang ba ang puwedeng humanap ng makakasama?" "Deiah!" Bulyaw ni Primo na halos hindi mapipinta ang mukha dahil sa madilim nitong awra. "I warn you, don't be hasty. Our divorce isn't finalized, we haven't received the certificate. Legally, you're still my wife. Consider the Thompson family's reputation and your dignity." Dagdag niya pang sabi kay Deiah.
Romance
1017.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The CEO And His Stubborn Obsession

The CEO And His Stubborn Obsession

Para mailigtas ang bahay nilang malapit nang marimata, Amara De Leon ay napilitang ibenta ang sarili sa isang estranghero kapalit ng malaking halaga. Kinaumagahan, tinanggap niya ang bayad at umalis nang hindi lumilingon. Isang buwan ang lumipas, at doon niya nalaman ang hindi niya inaasahan... buntis siya. Nang matuklasan ito ng kanyang mga magulang, itinakwil siya at pinalayas. Sa loob ng apat na taon, tiniis ni Amara ang lahat—nagbanat ng buto sa iba’t ibang trabaho, pinalaki ang anak nang mag-isa, at pilit itinaguyod ang sarili upang makapagtapos. Hanggang sa dumating ang pagkakataon na maging sekretarya siya sa isang kilalang kumpanya. Ngunit nang humarap siya sa kanyang bagong boss, halos mabura ang mundo niya nang makita kung sino ito. Cassian Montenegro. Ang lalaking minsang binayaran siya... at ang ama ng kanyang anak. Pero bago pa siya makatakbo palayo, isang balita ang narinig niya... Si Cassian ay kasalukuyang engaged at malapit nang ikasal. At ngayon, araw-araw silang magkasama sa opisina, habang pilit niyang itinatago ang lihim na maaaring makagulo sa buhay nito. Ngunit paano kung si Cassian mismo ang makatunog na may isang bagay siyang hindi sinasabi? At paano kung ang isang gabing hindi nila inasahan ay hindi pa talaga tapos?
Romance
271 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Desiring His Ex-wife

Desiring His Ex-wife

Dalawang taong kontrata lang ang kasal nina Hugo at Carnation. Pagkatapos ng dalawang taon, maayos silang naghiwalay. Pero bago ang kanilang divorce, isang gabing hindi nila inaasahan ang nagbago ng lahat. Makalipas ang apat na taon, bumalik si Carnation at muli silang nagtagpo. May bago nang nobya si Hugo, ngunit hindi maitago ni Carnation ang selos at pagnanasa. Hanggang sa isang mainit na gabi ang nagbunyag ng damdaming hindi pa rin naglalaho. Pipiliin ba ni Carnation na sirain ang relasyon? O matutuklasan nila ang mga lihim na pilit nilang tinatago, mga lihim na magbabalik sa kanila sa nakaraan na pilit nilang iniiwasan?
Romance
204 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Missing Heir

The Missing Heir

MERIE
Nakidnap si Alyssa, isang kilalang aktres-model sa hindi niya malamang dahilan. Nang makakakita siya ng pagkakataon, nagawa niyang makatakas mula sa mga kumidnap sa kanya. Sa kanyang pagtakas, napadpad siya sa isang isla. Doon niya nakilala si Mark. Si Mark ay isang military man. Iyon ang buong akala ni Alyssa tungkol sa binata. Ngunit hindi pala. Ang pagkatao pala nito ay nababalot ng isang sikreto. Sikreto na noon lang muli mauungkat. Sino ba talaga si Mark? Ano kaya ang sikreto sa likod ng pagkatao nito? Magiging hadlang kaya ang sikretong ito sa namumuong pagmamahalan sa pagitan ni Alyssa at Mark?
Romance
3.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Through the Waves of Tomorrow

Through the Waves of Tomorrow

Ririmavianne
Hindi maitatanggi ang pagkahumaling ni Ysabelle sa dagat. Sa bawat paghampas ng mga alon ay naaalala niya ang pumanaw na ina. Dito rin niya unang nakilala ang lalaking bumihag sa bata niya pang puso. Sa pagdaan ng mga taon, at sa muli nilang pagtatagpo, may mabubuo nga bang pag-iibigan kung nagsimula lamang ang lahat sa kasinungalingan? Saksi ang alon sa mga nangyaring karahasan sa nakaraan. Ngunit sa pagsira sa kasulukuyan, anong mangyayari sa bukas na inaasahan? How can a spark of love survive over deep-seated hatred, life-altering decisions, and a desire for vengeance? Sa tabing dagat nagsimula ang lahat, doon nga rin ba magtatapos?
Romance
104.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Chasing you 24/7

Chasing you 24/7

Nang dahil sa isang kasulatan mababago ang buhay ni Avyanna Elyse Concepcion para matulungan niya ang pamilyang matagal na kaibigan ng pamilya niyang itaguyod muli ang kompanya ng mga Gonzales ay mapipilitan siya magpakasal. Sa Isang lalaking gusto niya ngunit kinamumuhian siya, bukod pa roon kailangan niya ilihim dito na lugi na ang kompanya nito. Mapipilitan silang magsama sa i-isang bubong. Ngunit hindi tulad ng ordinaryong mag-asawa na mahal ang isa't isa, Kung di tulad ng isang aso't pusa na nag aaway. Paano kung mahulog ng isa sa kanila? Magiging totoo kaya ang kanilang kasal? All Rights Reserved -4EROXOTIC
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
RICHEL (CRAZY IN LOVE)

RICHEL (CRAZY IN LOVE)

Genre: Romance, Drama Tags: CEO × Innocent Girl Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas matapos ang ilang taon upang hilumin ang nawasak na puso at buuhin ang sarili,muling magtatagpo ang kanilang mga landas ng lalaking minsang minahal—Richel Hermano—ang lalaking umiwan sa kanya sa panahong kailangang kailangan nya eto, ngunit ngayon ay walang maalala tungkol sa kanilang nakaraan dahil sa isang aksidente. At sa unti-unting pakikipaglapit muli ng lalaki, paano kung matuklasan ng lalaki ang isang lihim na inihanda nyang maging lihim dito habang buhay. Ngunit paano kung may higit pang lihim ang mabubunyag kay Justine na gigimbal sa kanyang pagkatao.
Romance
5.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
STILL, LOVING YOU

STILL, LOVING YOU

Dahil sa paratang kay Bhelle Alonte na nakipag-sex ito sa kaibigan nitong lalake ay masisira ang magandang relasyon nila ng kasintahan nitong si Tyrone Del Mundo. Makalipas ang limang taon ay muling magtatagpo ang landas ng dating magkasintahan. Si Tyrone bilang masungit at malamig ang pakikitungo sa lahat na isang CEO ng sarili nitong kumpanya. At si Bhelle na bagong secretary ni Tyrone. Pero dahil sa kanilang nakaraan ay magiging kalbaryo kay Bhelle ang muli nilang pagtatagpo ng lalakeng minsan na sa tanang buhay niyang minahal ng lubusan pero siya ring dumurog sa puso niya ng lubusan. Maghihilom pa kaya ang puso nilang sugatan kung sa kasalukuyan ay pareho lang naman silang nagkakasakitan?
Romance
107.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Sweet Summer With Mr. Millionaire

Sweet Summer With Mr. Millionaire

Sa batang puso ni Nikka ay minahal na niya ang kanyang senyorito ngunit ang kanilang katayuan sa buhay ay hadlang sa sumisibol niyang damdamin. Sa patagong paraan ay inalagaan niya ang pagtangi sa amo niyang hindi niya malaman kung pinaglalaruan ba siya o may pagtingin din sa kanya. Ang lahat ng pangarap at pagasa ni Nikka ay naglaho dahil sa isang kasinungalingan at isang katotohanang kailangan niyang harapin. Sa kanyang pagbabalik ng Hacienda makalipas ang ilang taon, muling sumariwa ang pait at sugat ng una niyang pagibig at pagkabigo. Ngunit muli rin naman nabuhay ang apoy ng pagmamahal niya ng muling makita ang amo at kababatang hindi niya malaman kung bakit namumuhi na sa kanya ngayon.
Romance
105.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
3738394041
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status