Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Running Away From My Billionaire Baby Daddy

Isa sa dahilan kung bakit nais ni Yamila na maging doktor ay para iligtas ang buhay ng mga taong nasa binggit na ng kamatayan o kaya'y may malubhang sakit. Ngunit hindi niya inaasahan na isa pala sa kaniyang magiging pasyente ay ang dati niyang hipag. Dinudugo ito at nanganganib na makunan. Matagal na silang hindi magkasundo ni Mia, akala niya'y hindi na sila muling magkikita pa. Lalo pa't sa loob ng apat na taon ay naging tahimik naman ang buhay niya— malayo sa mga Esquivel. May pagdadalawang-isip siya, ayaw niyang magkaroon muli ng interaksyon sa mga Esquivel, lalo pa sa kapatid ni Magnus. Ngunit sa huli, mas nangibabaw ang kaniyang pagiging responsable. Kailangan niyang tulungan si Mia kahit na ang kapalit nito ay muling magkrus ang kanilang landas ni Magnus... nang dating asawa. Hindi nga siya nagkamali, dahil sa nangyari ay nagkita silang muli ng lalaki. Kung kailan hindi siya handa— kung kailan nasa gitna sila ng panganib at matinding kaba. Apat na taon na ang lumipas nang umalis siya ng Pilipinas. Tanging ang divorce paper lamang ang iniwan niya kay Magnus bago siya umalis. Walang paalam. Wala nang seremunya. Umalis siya na buo ang loob. Ngunit ang hindi alam ni Magnus, sa kaniyang pag-alis ay mayroon siyang ibang dala. Ang dugo't laman nito... isang Esquivel. Buntis na pala siya kay Magnus. Ngunit pagkatapos ng nangyari sa kanila, paano niya masasabi ang tungkol sa supling na kaniyang isinilang? Hindi niya magawang sabihin kay Magnus ang tungkol kay Thadeus... ang anak nito. Natatakot siya. Gayunpaman, muli silang pinagtagpo ng tadhana. Tila ang kapalaran na ang nagtakda na muli silang magkita. Makakatakas pa ba siya sa dating asawa? Maitatago niya pa ba ang tungkol sa kanilang anak? O mabubunyag ang kaniyang lihim? Handa na ba siyang magpatawad? O matatakot siyang sumugal muli?
Romance
1010.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Love Is Never A Mistake [BXB]

Love Is Never A Mistake [BXB]

peterrpopper
.... Mali ba na mag mahal? Lalo na kung parehas kayo ng kasarian? Mali nga siguro, dahil nagmahal tayo ng hindi naman dapat at hindi nakaayon sa batas. Ngunit mas mali sigurong mag mahal kung panay panghuhusga lang ang natatanggap. Dahil kailan man hindi naging mali ang pagmamahal kahit na sa iba... ito ay kasalanan? Kasalanan na wala namang may kagustuhan. Pero hindi naman natin kasalanan na sa maling kasarian tayo nagmahal. Dahil kailan man hindi naging mali ang pagmamahal...
LGBTQ+
102.2K viewsCompleted
Read
Add to library
AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Pilit na bumangon, nangarap at nagsikap sa tulong ni Oliver Gadaza, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang dating asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang isa ng matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ni Geoff, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon pala sila ng triplets na mga anak ng dati niyang asawa na naging lingid sa kaalaman niya ng apat na taon? "Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ba ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko."
Romance
8.6460.0K viewsOngoing
Show Reviews (77)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
hahaha naku Ms A masyado pala kami naexcite noong nlaman ni Geoff na Meron Sila anak ni Allyson at nlaman na Rin sa wakas Ang totoong pagkatao ni allyson..Hindi pa pla tapos dhil Meron pa pala kontrabida sa buhay nila..sana Ms A maikulong Ang mga dapat nakulong kapag ginawan nila ng masama
Purple Moonlight
Hi, everyone! Sa mga napagsarhan ng book nag-optimize po kasi ang libro. Tinanggal po ang title per chapter kaya mahirap hanapin. Iyong latest po na Chapter 326: Diamond Ring ay nasa Chapter 372 na para hindi kayo malito, 'yun na lang po ang buksan niyo para makasunod kayo ulit. Salamat. <3
Read All Reviews
Reborn for Vengeance

Reborn for Vengeance

Si Amanda Hale ay minsang naging biktima ng pang-aabuso, pagtataksil at kamatayan sa kamay ng mga taong pinakamalapit at tinuring niyang pamilya. Ngunit nang muling bigyan ng pagkakataon upang mabuhay dala niya ang lahat ng sugat at galit mula sa nakaraan. Sa ikalawang buhay na ito siya ba’y matututong magmahal muli o tuluyan na siyang lalamunin ng apoy ng paghihiganti?
Romance
212 viewsOngoing
Read
Add to library
Mahirap Balikan ang Kahapon

Mahirap Balikan ang Kahapon

"Maghiwalay na tayo, Dwayne.." nakikiusap ang aking tono sa aking asawa. Pagud na pagod ang puso, isipan at katawan ko sa buhay pag aasawang meron ako. Inaalila lang ako ng pamilya niya, at siya naman ay binabalewala lang ako.. Ayoko na talaga! "Sinong may sabi sayong maghihiwalay tayo? LJ, tandaan mo, ikaw ang humiling nito sa akin, ibinibigay ko lang ang gusto mo. Ayaw mo na? magdusa ka habang buhay!" iyon lang ang sinabi ni Dwayne, bago niya ako tuluyang iwanan sa bahay.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her

Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her

Ang kasal ay isang sagradong seremonyas para sa dalawang nag-iibigan… Ngunit sa loob ng apat na taong pagsasama, ni minsan ay hindi naramdaman ni Zia na itinuring siyang kabiyak ni Louie. Kung tutuusin ay para siyang bagay na napapakinabangan lang kung kailangan ngunit hindi naman magawang pahalagahan. Isang ibong nasa hawla na hindi kayang kumawala. Lahat ng sakit at hirap ay tiniis ni Zia dahil mahal niya ang asawa. Kahit pa ibang babae ang kinahuhumalingan nito. Hanggang isang gabi, habang malakas ang buhos ng ulan ay iniwan siya ni Louie para puntahan si Bea sa ibang bansa. Mag-isa at nahihirapan habang dumadaloy pababa ang dugo mula sa pagitan ng kanyang hita. Ginapang niya ang sakit makahingi lang ng tulong para sa batang kanyang ipinagbubuntis. Makalipas ang tatlong taon, sa muli niyang pagbabalik ay malaki ang ipinagbago ni Zia… Ngunit hindi si Louie. “Hiwalay na tayo, Mr. Rodriguez!” Napangisi ito. “Mrs. Zia Cruz… Rodriguez, hindi ko pa pinipirmahan ang divorce papers. Sa madaling salita… asawa pa rin kita at hinding-hindi ka na makakawala pa sa’kin.”
Romance
9.2348.2K viewsCompleted
Show Reviews (29)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
Ms A Hindi PABA mag end ito...naghiwalay nmn na Sila tpos nagbalikan tapos ngayun magulo ulit??? nakakalito Po Ang nangyayari kung ano ba tlga Ang gusto ni loui Kay Zia..Hindi na matatawag na oagmamahal ung ginagawa niya...pra sa akin mas maganda naghiwalay na Sila at mag end nlng sana
Jerrlan24
Ang asim sa sikmura ng kwento ni loue at zia pero mas naka2bwisit yung lalaki makasarili ayaw palayain ang asawa dahil ayaw mapunta sa iba pero hindi tinatrato ng maayos si zia nman di niya na dw mahal pero pumayag ulit siya makasal dahil need niya pera ni loue. maganda ang story mabubwisit ka lang
Read All Reviews
KISMET

KISMET

Sabi nila, may isang taong nakatadhana sa atin. Isang tao na siyang inilaan para makasama natin sa habang buhay pero hindi nila nabanggit na bago natin mahanap ang tamang tao para satin ay makakatagpo muna tayo ng mga tao na aakalain nating " siya na" peor hindi pa pala. Mga taong aakalain nating nakatadhana satin pero namamalikmata lang pala tayo pero kahit anong mangyari isang lang ang totoo....sa dinami-dami ng taong makikilala natin sa buhay natin, makikita padin natin kung sino talaga ang nakatadhana para sa atin.
Romance
103.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Regret of my Billionaire Ex-Husband

The Regret of my Billionaire Ex-Husband

"Divorce paper?" kunot noo pa na tanong ni Sophia kay Francis pagkabukas nya ng iniabot nitong sobre sa kanya. Matapos kasi ang ilang buwan na pamamalagi ni Francis sa ibang bansa ay ito kaagad ang bungad nya sa kanyang asawa pagbalik nya ng bansa. Ang Divorce paper. "Yes. Divorce paper. Maghiwalay na tayo," maawtoridad na sagot ni Francis kay Sophia. "Sige kung yan ang gusto mo at makapagpapaligaya sa'yo ay maghiwalay na lamang tayo," sagot na lamang ni Sophia kahit na sa kaloob looban nya ay nalulungkot sya.
Romance
1057.4K viewsCompleted
Show Reviews (12)
Read
Add to library
Sheila Claros Glori
happy ending ba itong story mo miss A.? nakakatamad magbasa ang daming character..tapos sa ending si Sophia at Francis lng naman dapat...bawas_bawasan mo naman ang mga character, pinapahaba mo lng ang kwento.at the end yung bida lng naman ang may saysay jan.
Darwin Malate
ang haba na ng kwento pero parang malayo pa kabihasnan ang mga nagaganap..bawat chapter may bagong character..medyo bilisan mo nmn ang kwento author nakakatamad mgbasa sa totoo lang nakakawala ng interes
Read All Reviews
The Other Woman of the CEO

The Other Woman of the CEO

Si Alona Adarna, isang contestant sa Miss Pasig City 2020, ay hindi inakalang magbabago ang kanyang buhay nang makilala niya si Neil Custodio, isang napakagwapong billionaire na nagmamay-ari ng pinakatanyag na Airline Company sa Philippines ang Tropical Air at hurado ng patimpalak. Sa isang lihim na relasyon na walang kasiguruhan, nahanap ni Alona ang kanyang sarili sa isang mapait na sitwasyon—minamahal niya si Neil, ngunit para kay Neil, siya ay tila isang palamuti lamang-isang lihim na kasamang nagpapalipas ng oras. Sa loob ng dalawang taon, ang kanilang tago at masalimuot na relasyon ay lumalim, habang si Alona ay tinutulungan ang kanyang ina na magpagamot mula sa lupus sa Australia. Ngunit dumating ang oras na kailangan ni Alona tanggapin ang mapait na katotohanan—si Neil ay ikakasal sa iba. Ang huling gabi nilang magkasama ay nagbunga ng isang lihim na nagpapabago sa kanilang kapalaran at kailanman hindi maisasaayos ng tadhana. Habang si Neil naman, sa una ay masaya sa kanyang bagong kasal kay Wilma, hindi niya alam na may isang malalim na sugat sa kanyang puso na iniwan ng pagkawala ni Alona. Limang taon ang lumipas, Tahimik na pinalaki niya ang kanyang kambal at dala ni Alona ang lihim nila Emerald at Aniego. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, hindi inaasahang magkrus muli ang landas nila ni Neil-isang pagkikita na puno ng hindi inaasahang mga rebelasyon. Paano niya haharapin mag-isa ang pagiging dalagang ina na dulot ng huling gabi nila ni Niel?Makakayanan kaya niyang ipagtapat ang lihim ng kambal?At si Neil,paano niya tatanggapin ang katotohanan?Magdududa ba siya o mararamdaman ang masakit na katotohanan na sila'y kanya nga?
Romance
1014.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Vengeance of the Heiress

Vengeance of the Heiress

Pinagkatiwalaan. Minahal. Pero tinraydor. Gumuho ang mundo ni Dari nang mahuli niyang magkasama sa kama ang kanyang asawa at kakambal. Sa sakit at galit, tumakas siya sa gabing puno ng dalamhati—at natagpuan ang sarili sa bisig ng isang estranghero. Si David Kranleigh, isang bilyonaryong CEO. Isang gabing dapat ay malimutan. Pero hindi iyon basta nawala. Sa pagtatangkang magsimulang muli, isang trahedya ang tuluyang sumira sa kanya—isang aksidenteng nagdulot ng kanyang pagkabulag. Wala nang saysay ang lahat. Hanggang sa muntik na siyang sumuko… at isang pamilyar na tinig ang pumigil sa kanya. Si David. Hindi siya nito nakalimutan. At sa pagkakataong ito, hindi na siya nito hahayaang mawala. Upang iligtas siya mula sa mga traydor, pineke ni David ang kanyang pagkamatay at dinala siya sa Australia para magpagamot. Limang taon ang lumipas. Ngayon, hindi na siya ang dating Dari Wilson. Bumalik siya sa mismong anibersaryo ng kanyang pekeng pagkamatay—hindi bilang biktima, kundi bilang isang babaeng uhaw sa hustisya. Sisirain niya ang mga taong sumira sa kanya. Babawiin niya ang lahat ng ninakaw sa kanya. Ngunit isang sagabal ang hindi niya inaasahan—si David. Ang lalaking hindi sumuko sa kanya. Ang lalaking handang ipaglaban siya. Pero kaya ba niyang pigilan ang galit ni Dari? Sa laban ng pag-ibig at paghihiganti, sino ang mananalo?
Romance
10856 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
678910
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status