Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The kasambahay [BL]

The kasambahay [BL]

Dahil sa kahirapan ng buhay ay napag desisyonan ni Rylan na lumuwas papuntang maynila upang magtrabaho. Pero tulad na lang nang paniniwala ng lahat ng mga taga-probinsya, ang maynila ay di basta-bastang lugar lamang. Maraming pagsubok ang kanyang kahaharapin, gutom, pagod at awa sa sarili ang kanyang pagdadaan, at marami ding tao ang kanyang makikilala. Tama ba ang desisyon nya na magpunta sa maynila upang guminhawa ang buhay o uuwi sya ng probinsya ng luhaan? Sabay-sabay nating tunghayan ang mga kaganapan sa buhay ni Rylan at kung paano sya magiging "The Kasambahay." ©2020 CutieCane23
LGBTQ+
9.269.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Living With The Billionaire

Living With The Billionaire

Isang linggo bago ang kasal ni Sandra, nagdesisyon siyang sulitin ang pagiging dalaga kaya uminom siya sa isang bar. Sinabi niya sa fiancé na sunduin siya sa isang hotel room dahil sa epekto ng alak sa katawan niya. Ngunit dahil sa kalasingan, maling silid ang napasok ni Sandra. Isang lalaki ang nandoon sa kwarto at inakala niyang ito ang kanyang fiancé, dahilan upang ibigay niya ang katawan sa lalaki. Kinaumagahan, nagising si Sandra, gulat na gulat ito nang makitang hindi ang fiancé ang kanyang katabi. Mas lalo siyang nagulantang nang maaktohan siya ng fiancé sa loob ng silid na iyon, kasama ang ibang lalaki na tanging kumot lang ang nakatakip sa kapwa hubad na katawan.
Romance
1066.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Destined Love

The Billionaire's Destined Love

Maya’s wedding was around the corner when she found out that her fiancé and her step-sister were cheating behind her back. She announced their betrayal to her family, but to her surprise, they disowned her! Broken-hearted as she is, she went to the bar with her best friend and became wasted. The next morning, she found herself in an unfamiliar room with an unfamiliar man. She slipped away without even seeing the face of the man who took her virginity. The same thing happened to her best friend, and their one-night mistake gave them an unexpected remembrance—a baby! Five years later, her son's father appeared before her as her new boss! Little did she know, the billionaire had been looking for her all along, and her best friend had taken her place! Ano ang gagawin ni Maya kapag nalaman niyang ang kaniyang amo pala ang tunay na ama ng kaniyang anak? Aaminin ba niya rito ang tungkol sa anak nila kapag nalaman niyang ito rin ang lalaking minamahal ng best friend niya? Mapapatawad ba niya ang pinakamatalik niyang kaibigan kapag natuklasan niyang nagpakilala ito bilang ang babaeng nakatalik ng amo niya, limang taon na ang nakalilipas?
Romance
1056.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Lover ko si Bespren

Lover ko si Bespren

Ang tanging nais lang naman ni Hannah Marie Montemayor ay magkaroon siya ng tagapagmana. Magbi-beinte otso na siya kaya gusto niyang magkaanak bago siya mag-treinta. Ang problema lang ay wala siyang boyfriend na bubuntis sa kanya dahil wala naman siyang interes sa lalaki. Kaya, naisipan niyang kausapin ang bestfriend niyang si GB o Grayson Brian Lee na mag-donate ng semilya sa kanya para sa IVF procedure. Ngunit, tumanggi si GB. At siya'y hindi papayag. By hook or by crook, makakakuha siya ng semilya ni GB.
Romance
1068.5K viewsCompleted
Read
Add to library
A Trillionaire In Disguise

A Trillionaire In Disguise

Si Luke Cruise ay isang mahirap at walang kwenta sa mata ng karamihan. Halos araw-araw nila ito kung laitin at maliitin. Itinatrato nila si Luke bilang isang basura. Pero ang hindi nila alam ay nagmula siya sa angkan ng pamilya Cruise, na siyang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa buong mundo. Dahil sa kanyang naging poverty training ay napilitan siyang ilihim sa lahat ang tunay niyang pagkakakilanlan, kakayahan at abilidad lalo na ang husay niya sa martial arts. Ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila mismo ang tunay niyang katauhan?
Urban
9.966.9K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Baby Maker

The Billionaire's Baby Maker

Kathnisse Garcia is a club dancer and a waitress since she was 18 years old, nagtrabaho na ito sa murang edad para mabayaran ang pagkakautang ng tatay niyang sugarol. Sa edad niyang 22 ay nakilala niya si Alejandro Vautier, isang bilyonaryo. Binili siya nito sa club at binigyan ng isang kontrata na maging baby maker ng lalaki. Paano kung unti-unti itong nahuhulog sa lalaking hindi makalimutan ang namayapang asawa?
Romance
1067.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

Sa edad na siyam, naging kapalit si Anastacia ng malaking pagkakautang ng kanyang ama sa isang mayamang ginang. Pumayag din ang kanyang ama dahil sinabi nitong pag-aaralin siya sa ibang bansa at magkakaroon ng magandang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Anastacia at ng kanyang ama na ipagbibili pala siya nito sa isang Black Market. Sa Black Market na 'yon pula ang mga mata ng mga nanonood. Para 'tong mga halimaw na nagpapanggap na tao. Sa ibang lengguwahe at kurensiya ipinagbili si Anastacia sa isang subastahan. Mag-asawang bampira ang nakabili sa kanya at may dugong Royal. Ang buhay na tila isang bangungot ang inaasahan ni Anastacia sa piling ng mga 'to, pero hindi 'yon nangyari, lalo at iniregalo siya ng mag-asawa sa anak ng mga ito na kaedaran niya, si King. Si King ang bampirang itatangi niya at suwerteng katugon ng kanyang damdamin. Nagmamahalan silang dalawa at maraming pangako sa isa't isa nang nasa wastong edad na. Pero ang pangako na 'yon ay mabibigo dahil ang lalaking minamahal niya ay pinatay. Katumbas ng kamatayan nito ang kanyang kalayaan na kahit kailan ay hindi niya hinahangad. Pinatay raw si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Kung ano man ang dahilan, hindi niya 'yon masasagot kung isa lamang siyang tao at isang alipin. Sa paglaya niya sa lugar ng mga bampira, binago niya ang sarili at naging isang kilalang Vampire Hunter. Ang layunin niya'y maubos ang nasa organisasyon na pumatay sa lalaking minamahal at malaman ang dahilan bakit 'to pinaslang. Bago siya lumagay sa tahimik kasama ang bagong nobyo, papatayin niya muna ang mga kalaban niya, para sa ikatatahimik niya. Pero paano kung ang inaakala niyang namatay ay magbalik?
Fantasy
1064.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Prince

The Billionaire's Prince

Hindi magkamayaw ang mga tao sa mall na iyon. Si Andrea Buenaventura, isang model turned actress ay may mall show doon para sa isang upcoming serye. Lahat ay gustong makita ang dalaga, makamayan at mapicturan. Matapos ang mall show ay dumalo naman sila sa isang thanksgiving party sa isang five star hotel dito sa Puerto Princesa. Nababagot man ay napilitang sumunod si Andrea sa utos ng manager. At sa gitna ng mga kumikislap na camera ay nahagip niya ang isang pamilyar na mukha. Anthony Falcon. Ang lalaking bigla na lang nawalang parang bula eight years ago. Malayo na ang itsura nito ngayon. He is now a bachelor. A business magnate. And a billionaire's prince.At higit sa lahat, ang kaisa isang lalaking inibig niya.
Romance
9.464.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Play Me, I’m Yours

Play Me, I’m Yours

Ang Play me, I’m Yours ay isang erotic-romance book. Naglalaman ito ng mga sensitibong sitwasyon , paksa at iba’t ibang pamamaraan ng pakikipagtalik. Napilitang mamasukan si Claire bilang kasambahay habang nag-aaral dahil sa isang lihim na matagal niyang itinago ito sa lahat ito ay para maprotektahan pa rin ang reputasyon ng kaniyang kapatid. Sa tulong ng mga kaibigan sa Probinsya ay mabilis siyang nakapasok sa bahay ng isang young billionaire. Jackpot kung Sabihin ng iba ang kaniyang pagkakapasok dahil mataas umanong magpashod ang kaniyang amo. Anong mangyayari kung malalaman ni Claire na si Edward na kaniyang kababata nuon sa probinsya ang magiging amo niya. Matatanggihan ba ni Claire Ang panunukso ni Edward gayung sobrang hibang siya dito noon pa man?! Magawa pa kaya niyang mabawi ang kaniyang Ate Christy sa kamay ng kaniyang mapang abusong amain?! Alamin ang mga kaabang abang na kabanata sa Play Me, I’m Yours.
Romance
1065.6K viewsOngoing
Read
Add to library
CLUMSY (Tagalog)

CLUMSY (Tagalog)

Walang ibang pinangarap si Paloma kung hindi ang maging isang kilalang modelo. Naabot na niya ang pangarap na 'yon dahil unti-unti na siyang nakikilala at nagkakapangalan sa industriya pero ang lahat ng kanyang pinaghirapan ay mawawala dahil sa isang gabing pagkakamali. Arken Fernandez is a perfectionist guy. Business minded person at priority ang kanyang trabaho. Paano kung isang gabi ay pareho silang magkamali? Papanindigan ba nila ang pagkakamaling 'yon? Mahuhulog ba sila sa isa't isa? O mananatiling lihim ang lahat ng naganap nang gabing 'yon pati na ang naging bunga nito?
Romance
1069.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status