Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
Romance
103.7K viewsCompleted
Read
Add to library
You Are My Savior

You Are My Savior

Si Rhianna Evangelista kasama ang kaniyang Ina at nakababatang kapatid na si Ylona ay ikinulong sa isang mansiyon na malayo sa bayan at nasa liblib na lugar na pag-aari ng kaniyang amain na si Don Ysmael na isang kilalang Drug Lord sa bansa na hindi magawang hulihin at hindi mahuli-huli dahil sa koneksiyon na mayroon siya. Dahil sa gusto ni Rhianna na iligtas ang kaniyang ina at kapatid, maging ang kaniyang sarili. Nagpasya siyang tumakas sa kaniyang amain para mailigtas ang kaniyang ina at kapatid. Doon niya nakilala si Leonardo Estralta Jr., isang Agent na siyang nakakita sa kaniya at kumupkop. Naging kasapi siya ng kanilang samahan at nagkaroon ng layunin na tugisin at pabagsakin ang mga taong nasa likod ng pagtulong kay Don Ysmael. Subalit, habang tumatagal nahuhulog na ang loob ni Leonardo kay Rhianna at napagtanto niyang mahal na niya. Handa ba niyang bitawan ang tungkulin para sa babaeng minamahal at makasama hanggang sa pagtanda at ng pamilya kasama si Rhianna o isasantabi ang nararamdaman at ipagpapatuloy ang paglilingkod sa bayan?
Romance
105.2K viewsCompleted
Read
Add to library
ANG NABUNTIS KONG PANGIT

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

TRENDING: Ang panget na si Yolly Peralta, nabuntis ng Campus Heartthrob na si Andy Pagdatu! Miserable ang buhay ni Yolly sa Sanchi College dahil laging tampulan ng tukso ang kanyang kapangitan. Pero dahil sa isang selfie, napalapit siya sa campus heartthrob na si Andy Pagdatu at naging kaibigan pa ito. Naging close pa sila sa close. Pero paano kung isang gabing ay malasing sila? Tapos magbubunga ang isang gabing karupukan ng dalawang linya sa pregnancy test kit at si Andy raw ang ama? Matatanggap kaya ni Andy na nakabuntis siya ng pangit? At ang tanong, totoo nga kaya na buntis si Yolly?
Romance
1023.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Memories with you

Memories with you

KATHAMxM
Sina Skyler at Nathan ay matalik na magkaibigan na tila ba may parehong may hinahanap sa buhay. Si Skyler ay hinahanap ang pangarap nyang buhay habang si Nathan naman ay hinahanap ang kanyang nawawalang pagkatao. Sa pag tungtong nila sa kolehiyo makakakilala sila ng mga taong magbibigay kulay sa college life nila. Sa pagkakakilala ni Nathan sa gwapong bagong kaklase na si Jaspher, mabubukas ang pintuan mula sa kanyang nakaraan. Ito na ba ang kasagutan sa mga tanong nya at kakulangan sa kanyang pagkatao? Mahahanap din kaya ni Skyler ang taong magbibigay ng kahulugan at kabuluhan sa kinabukasan nya?
LGBTQ+
103.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Unveiling Mr. CEO's Daughter

Unveiling Mr. CEO's Daughter

Ang akala ni Monica Prado siya na ang magiging masyaang babae sa araw ng kasal niya kay Jericho Mendel pero kabaligtaran niyon ang nangyari dahil hindi siya nito sinipot sa mismong kasal nila. Dahil sa sakit na nararamdaman ni Monica, uminom siya sa isang bar at doon niya nakilala si Zymon Coreal at inakala niyang si Jericho ang binata. Dahil sa matinding tama ng alak hindi namalayan ni Monica na may nangyari sa kanila ng binata nagbunga ng isang supling. Lumayo si Monica sa Manila para layuan ang mga taong naging parte ng buhay niya roon. Tumungo siya ng Davao para roon itaguyod ang anak niya. Ngunit paano kung habang nililimot niya ang nakaraan saka naman babalik si Zymon at Jericho sa buhay niya? Paano kung pareho nilang akuin ang pagiging ama sa bata? Handa ba si Monica na malaman ng dalawang lalaki kung sinong tunay na ama ng bata? May pag-ibig bang muling mabubuo sa pagitan ni Monica at Jericho o uusbong ang pag-ibig ni Monica kay Zymon?
Romance
1041.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle

The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle

Limang taon.. Limang taon na nakulong si Sapphire, dahil sa kagagawan ng kanyang asawa, at ng kabit nito, na kanya mismong kapatid. Sa kanyang paglaya, mismong ang hudas pa niyang asawa ang sumundo sa kanya, dahil hindi maaaring iakyat sa bahay ng mga Briones, ang isang kabit. Alam na ni Sapphire ang kanyang plano, ang maghiganti sa kanyang asawang si Dexter, at sa kanyang kakambal na si Emerald. Nais din niyang hanapin, ang batang iniluwal niya, na pinalabas nilang patay, bago siya makulong. Ngunit pagdating niya sa kanilang bahay, ang isang lalaking gwapo, at hinahangaan ng lahat, ay naroroon, si Ezekiel Briones, na may bitbit na anak. Hindi niya mawari sa kanyang sarili, kung bakit ang pakiramdam niya sa lalaki, ay inaakit siya, at yun naman ay pinayagan ng kanyang puso. Saka pa lang malalaman ni Dexter, na nagkamali ito, at nais ayusin ang kanilang pagsasama.. Sino ang pipiliin niya? ang dati niyang minamahal, na pinahirapan siya, o ang gwapong si tito Ezekiel, na hindi niya malaman kung seryoso sa kanya?
Romance
1032.1K viewsCompleted
Show Reviews (22)
Read
Add to library
nehj ollav
wag mo igaya sa character ni Maureen SI sapphire na ito uto,sana nmn Yung lumalaban,,tsaka bakit ba lagi iniisip Yung matanda babae,ipagpilitan pa wag maghiwalay DBA nya naisip mga pinagdaanan ni sapphire,at bakit di nya alamin bakit nakulong SI sapphire
Angel Broadway Pitt
damihan nyupa po ang update Dito author, sana Malaman na nla Sapphire at Ezekiel na anak nila si Liam at sna magka aminan na tlaga ng feelings.. hwag na masyado pahirapan c Sapphire author lage Nalang cyang pinapahirapan sa kwento, bigyan nyu din po ng Kaligayahan ang puso nya..
Read All Reviews
ACCIDENT ONE NIGHT WITH THE ZILLIONAIRE

ACCIDENT ONE NIGHT WITH THE ZILLIONAIRE

Ang pagkakamaling gabi ni Faye at Aljur. Habang hinihintay ni Aljur ang kaniyang fiancee sa loob ng isang hotel, upang surpesahin ito sa kanilang anniversary. Ay hindi inaasahan na ibang babae ang maliligaw sa kaniyang kwarto. Hindi napansin ni Aljur na ibang babae ang kaniyang nakasiping at ito si Faye. Kinaumagahan, dali-dali na umalis si Faye nang matuklasan niya ang kaniyang sarili na katabi ang hindi kilalang lalaki. Tumakas si Faye dahil sa kaniyang takot. Ngunit, nang magising si si Aljur ay agad niya itong pinahanap. Upang alokin ito ng malaking pera at pagtahimik ni Faye. Sa hindi inaasahan, ay muling nagkita si Aljur at ang kaniyang fiancee na si Shantell habang hinahanap pa ni Aljur si Faye. Mauudlot kaya ang paghahanap ni Aljur kay Faye? Paano kung hindi tanggapin ni Faye ang alok ng lalaki? Maitatago ba ang mga naganap? O ito ang magbabago ng lahat?
Romance
9.914.9K viewsOngoing
Read
Add to library
LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate

LOVE ATTACK Hostage and the Syndicate

Leon Aragon, kilala bilang isang cold tycoon, anak ng leader ng isang sindikato at nakatakdang humalili sa posisyon ng kanyang ama. Cacai Alcantara, isang probinsiyanang lumuwas ng Maynila para makasama si Benito, ang kanyang amang kailan lang niya nakilala. Si Benito ay isang negosyanteng malaki ang pagkaka-utang sa organisasyong kinabibilangan ni Leon. Victoria, half-sister ni Cacai at ang babaeng nais pakasalan ni Leon kapalit ng mga utang ni Benito. Ngunit nang malaman ni Victoria na ipapakasal siya sa lalaking hindi niya kilala, tumakas siya bago pa man makaharap si Leon. Sa mismong araw na kukunin na sana si Victoria para sa kasunduan, si Cacai ang nadampot ng mga tauhan ni Leon. Pagdating nila sa mansyon ng lalaki, saka lang nila nalaman na maling babae pala ang kanilang nadala. Habang hindi pa nagpapakita si Victoria, walang nagawa si Cacai kundi ang mananatili sa poder ni Leon bilang bihag nito. Sa paglipas ng mga araw, magkakaroon ang dalawa ng pagkakataong makilala ang isa't isa. Pero ano nga kaya ang pwedeng mangyari kung magsama sa iisang bubong ang dalawang taong magka-ibang magka-iba ang mundo? Isang bihag na naghananap ng kalayaan... ...at isang lalaking sanay sa kapangyarihan.
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Back to Me

Back to Me

Tiwness96
PAG-IBIG Animo'y naubusan ng dugo sa putla si Mia nang ipakilala ng mag-asawang Fuchs si Phineas. Ang estrangherong kaniyang sinuntok at tinadyakan thirty minutes ago sa loob ng airport. Hindi naging maganda ang nagdaang araw ni Mia sa mansiyon simula nang dumating si Phineas. Inis na inis siya sa ginawa nitong pagkuha ng litrato habang magkatabi silang natutulog. Nawindang pa siya nang bigla nalang nagbakasyon si Miss Ivy at ibinilin nito sa kaniyang gumawa ng paraan para hindi umuwi ng Germany ang kaniyang mainiping unico hijo. Hindi alam ni Mia kung ano ang gagawin kay Phineas na palagi nalang siyang iniinis at hindi siya sineseryoso. Sabi pa nito’y she effortlessly beguiled him with her cute curves on her lips na mas lalo pa niyang ikina bwesit ang tono nitong sarkastiko. Sa pagdaan ng mga araw ay nagamay din ni Mia kung paano pakisamahan si Phineas. Hindi niya akalaing aabot sa puntong hindi niya naasahan ang pusong pigilan ang nararamdaman at naisuko ang lahat sa lalaki. Akala ni Mia ay maayos ang lahat hanggang sa isang umaga’y naabutan niya si Phineas na nagmimilagro sa sariling kuwarto kasama ang isang babae. TRAHEDYA Pinatay ni Mia ang kaniyang sarili sa mata ng lahat ng nakakakilala sa kaniya. Sinabayan niya ang isang trahedya na kinasangkutan niya at ng kaniyang pamilya. Upang paghandaan ang paghihiganti sa walang awang umubos ng buhay ng kaniyang pamilya ay umalis si Mia ng San Martin dala ang nakakakilabot na karanasan at ang sakit ng pag-ibig na kaniyang labis na pinagsisisihan. Paano kung sa pagkalipas ng tatlong taon ay dalahin si Mia ng kaniyang paghihiganti pabalik sa San Martin at makitang muli si Phineas? Mapanindigan kaya niya ang binuong bagong mukha at pagkatao? O tuluyan ng susuko ang kaniyang puso?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Somebody You Love

Somebody You Love

GabYsaDen20
Hindi naging maganda ang unang pagkikita nila Harry at Reyna dahil mayabang ito at antipatiko. Kapag nakakita naman ng mga magagandang chicks, mabilis pa sa alas-kwatro ang mga mata nito para titigan. Kaya asar talaga siya sa pagmumukha nitong chickboy at manloloko. Pero tinamaan si Reyna sa kasabihan na "The more you hate, the more you love". Ang tunay niyang nararamdaman para kay Harry, kaya umiiwas siya dito. Pero sa katagalan, hinahanap-hanap na nito ang mga pang-aasar ni Harry sa kanya. Ngunit balakid sa kanilang namumuong pagtitinginan si Julliene Cheng, ang spoiled brat na younger sister ni Harry. Hindi niya gusto si Reyna para sa kanyang kapatid, dahil may napipisil na itong iba para sa kanyang kuya Harry, si Ruiz De Vera, ang bagong Restaurant Manager ng resort. Nahuhumaling sandali si Harry kay Ruiz, pero napatunayan niyang si Reyna nga ang kanyang gusto dahil labis s'yang nagseselos ng makita nitong may kasamang ibang lalaki si Reyna. Kaya ipinaglalaban nito ang kanyang pagmamahal para sa kanya. Kung kailan masaya na silang dalawa sa kanilang pag-iibigan, tsaka naman nagparamdam muli ang lalaking minahal noon ni Reyna ng labis. Pero sinaktan lamang siya at iniwan lang basta-basta na parang basura dahil walang silbi sa kanya. Pero hanggang saan sila dadalhin ng kanilang masayang pagsasama, dahil hindi lang si Julliene Cheng ang tutol sa kanilang relasyon. Kundi pati ang dati niyang kasintahan na si Jonel Cornelio. Isang bangungot ang muling pagbabalik nito sa buhay ni Reyna. Ang dahilan kung bakit siya naging matigas ang kanyang puso at ang nagtulak sa kanya para lumayo para lang makalimutan siya. Mananaig pa kaya ang second chances para sa dati nitong kasintahan? O ang bagong pag-ibig nito para kay Harry Cheng, that against all odds? Dahil hindi siya tanggap ng family nito. Ano ang pipiliin ng kanyang puso?
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status