Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
UNCHAINED MY HEART

UNCHAINED MY HEART

Si Michael Luna ay isang bilyonaryong abogado, malakas ang dating at malamig ang titig—parang pader na imposibleng maabot ng sinuman. Sa kanyang mga kamay, ang batas ay isang larong kanya nang napagtagumpayan.Siya ang bilyonaryong tagapagmana ng Luna Hotelier, isang marangyang hotel chain na itinayo ng kanyang pamilya, at may-ari ng Luna Law Firm, ang pinakaprestihiyosong law office sa bansa. Ngunit sa kabila ng yaman at kapangyarihan, si Michael ay tila baga natutulog na bulkan, puno ng galit at pagkamuhi sa pagmamahal, isang damdaming sinira ng isang taong kanyang minahal at pinagkatiwalaan nang lubusan. Si Michael ay may nakaraan na puno ng sakit—si Isabella Lopez, ang kanyang dating fiancée, ay nagtaksil sa kanya kasama ang kanyang pinakamatalik na kaibigang si Brent. Ang pagtataksil ay natuklasan ni Michael dalawang araw bago ang kanilang kasal, nang makita niya ang kanyang fiancée sa kompromisong sitwasyon sa loob ng condo nito. Labis na nasaktan, si Michael ay kumuha ng video bilang ebidensya ng kanilang pagtataksil at plano niyang isiwalat ito sa mismong araw ng kasal. Mula noon, isinumpa niya ang pag-ibig at naging mailap sa mga babae. Ngunit ang pusong matagal nang sarado sa pagmamahal ay biglang nayanig nang makilala niya si Jasmine Estrada, isang matapang at makatarungang prosecutor sa Pasig Police Department. Sa kabila ng kasikatan bilang “diyosa” ng departamento, si Jasmine ay may paninindigan at puso para sa mga naaapi—isang bagay na labis na humanga kay Michael. Sa bawat pagharap nila sa korte, sa bawat tunggalian ng prinsipyo at batas, unti-unting nabuksan ang pinto ng kanyang pusong matagal nang nakakandado. Magiging handa kaya si Michael na buksan ang kanyang puso para kay Jasmine, o patuloy siyang magiging bilanggo ng nakaraan? At si Jasmine, kaya ba niyang lumaban hanggang dulo sa pagmamahal niya sa lalaking puno ng sakit at galit?
Romance
104.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Your Fake Love

Your Fake Love

Maria Angela Gonzales
Si Belinda 'Billy' Monteza ay sikat na vlogger kaya ipinayo ng pinsan ni Konsehal Kidlat Romero na makipaglapit kay Billy kung ayaw niyang gumastos ng malaki sa kampanya. Siyempre dahil nga sa may pangarap si Konsehal Kidlat na mag-Mayor sa darating na election ay nakipagkaibigan siya kay Billy at nauwi sila sa pagliligawan. Sa tingin ni Billy ay si Kidlat na ang kanyang man of her dreams kaya naman ipinakilala pa niya ito sa kanyang followers. Dahil doon, nakilala na rin ng husto si Kidlat kaya naluklok itong Mayor. Masayang masaya si Billy dahil natupad ng kanyang mahal ang pangarap nito, ngunit, magiging masaya pa ba siya kung malalaman niyang ginamit lang siya ni Kidlat para sa pangarap nito?
Romance
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Contractual Marriage With My Ex

Contractual Marriage With My Ex

Walang ibang nasa isip si Emerald kundi ang ipaghiganti ang kaniyang sarili laban sa kaniyang half-sister na si Brenna at sa ina nito. Ngunit ang tanging tao na makakatulong sa kaniya ay ang kaniyang ex na si Trevor. Kung kaya’t mapipilitan siyang pakasalan ito. Anong mangyayari sa kanilang dalawa? Mauuwi ba sa totohanan o mananatili sila sa kanilang pagpapanggap bilang mag-asawa?
Romance
1020.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Bachelor's maid

The Bachelor's maid

Dahil sa utang ng nanay ni Alexa kay Madam Elsa, in-alok nito ang kaniyang serbisyo na maging katulong ng mga Buenavista. Hindi tatanggap ng sweldo dahil ang magiging sweldo n'ya ay bayad sa utang ng nanay n'ya kay Madam Elsa. Sa pagiging katulong ni Alexa kila Madam Elsa. Makilala n'ya si Karlos na bunsong anak ni Madam Elsa. Naging mabait si Karlos sa kaniya hanggang sa nahulog ang loob nito dito. Pero alam n'yang mali. Dahil si Karlos ay ultimate crush ng bestfriend n'yang si Pia. Sa paglipas ng mga panahon, naging malapit sa isa't isa ang dalawa hanggang sa may nangyari sa kanila isang gabi na pinagsisihan ni Alexa. Nagbunga ang gabi na kanilang pagsasama. Nalaman nalang ni Alexa na buntis ito at nasisigurado n'ya na si Karlos ang ama. Hanggang sa pinagtapat n'ya kay Karlos at narinig ni Madam na nagalit sa kaniya dahil nagpabuntis itong si Alexa sa anak n'ya. Pero kalaunan tinanggap naman ni Madam Elsa si Alexa sa bahay nila. Ang akala ni Alexa mabait si madam sa kaniya. Pero nagkakamali siya. Dahil may masamang binabalak ang dating amo sa kaniya na kasabwat nito ang anak n'yang si Karlos. Naging miserable ang magiging buhay ni Alexa sa ginawa sa kaniya nila Madam Elsa at ng anak nito. Makakaya ba ni Alexa ang lahat o maghihiganti siya sa mag-inang ito? Hanggang saan ang kayang ipaglaban ng dating katulong sa amo nito?
Romance
16.7K viewsCompleted
Read
Add to library
The Chosen Wife

The Chosen Wife

CRISTINA JERMELINE
Si Deborah, ang isang batang witch na itinalagang maging pinuno ng kanilang witch clan sa takdang panahon ay anak ng isang prophet na si Hoziah Mosen. Nang mawala ang kanyang ama ay nalaman ni Deborah na sinasamba nito si Lord Father Adonai, ang diyos na galit sa witchcraft at dark magic. Tulad ng kanyang ama ay sinamba din ni Deborah ang diyos na si Lord Father Adonai at tuluyan nang tinalikuran ang pagiging witch. Lingid sa kaalaman ni Deborah ay siya pala ang nakatakdang witch na ipapakasal sa prinsipe ng mga werewolves na si Ramluiz. Tuluyan na nga kayang talikuran ni Deborah ang witchcraft o yayakapin na lamang niya ang kanyang kapalarang maging asawa ng prinsipi ng mga werewolves?
Fantasy
102.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother

Forbidden Romance with my Billionaire Stepbrother

Bunga ng bawal na relasyon, sa batang edad ay hindi sinasadyang nabuntis si Hilary El Fuente ng kanyang stepbrother na si Zacchaeus Parkenson. Sapilitang pinabalik ang lalake ng New Jersey ng kanyang madrasta at ama dahil sa natuklasan nilang lihim. Palibhasa ay bata pa kaya walang ibang choice si Hilary kung hindi ang sumang-ayon sa nakakapanghinang suggestion ng stepmother niya at ama na ipa-adopt nila ang bata matapos na manganak upang mabawasan umano ang kahihiyan ng prominente nilang pamilya sa mga kakilala. Ngayong natapos na sa pag-aaral si Hilary at abot-kamay na ang mga pangarap. May pag-asa na kayang mabuo ang hangad niyang simpleng pamilya kahit huli na? Siya, si Chaeus at ang naging supling nila.
Romance
1024.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance

Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance

Oceania Verity
Sa ikalawang taon ng kanyang kasal, natuklasan ni Isabel na siya ay nagdadalang-tao. Labis ang kanyang tuwa, umaasa na ang kanilang magiging anak ang magpapatibay sa kanilang marupok na relasyon ni Allen, ang kanyang asawa. Ngunit sa likod ng kanyang kaligayahan ay may takot—alam niyang ang puso ni Allen ay para kay Victoria, ang babaeng hindi niya kayang kalimutan. Sa kabila nito, umaasa si Isabel na magbabago ang lahat dahil sa kanilang anak. Ngunit naglaho ang kanyang pag-asa nang mangyari ang isang malagim na aksidente. Malubhang nasugatan si Isabel at desperadong nakiusap kay Allen na iligtas ang kanilang anak. Subalit, tinalikuran siya ni Allen at pinili si Victoria, iniwan si Isabel sa kanyang sariling kapalaran. Habang lumalayo si Allen, parang pinipiga ang puso ni Isabel sa sakit. Kumalat ang balita sa Laoag tungkol kay Allen Alvarez, isang lalaking lumubog sa matinding pagsisisi. Ang pangalan ni Isabel Fajardo-Alvarez ay naging simbolo ng hindi maipaliwanag na kalungkutan at pighati, at walang sinuman ang naglakas-loob na banggitin ito sa harap ni Allen. Pagkalipas ng ilang taon, nakilala ni Isabel si Luis Mendoza, isang mayamang mamamayan ng Laoag at nag-iisang tagapagmana ng kanilang pamilya. Mabait si Luis at inalagaan si Isabel, tinuring ding parang sariling anak ang bata. Sa paglipas ng panahon, ipinakilala ni Luis si Isabel sa kanilang business partners, kasama ang pamilya nina Allen. Sa gitna ng isang masayang pagtitipon, biglang nagwala si Allen, lumuhod sa harap ni Isabel, ang kanyang mga mata’y pulang-pula at puno ng pighati. "Isabel, comeback to me... I’m begging for your forgiveness" aniya, humihingi ng kapatawaran, umaasang maibabalik pa ang dati nilang pagsasama. Mapatawad kaya siya ni Isabel o mananatili nalang alaala ang kanilang pagsasama?
Romance
10604 viewsOngoing
Read
Add to library
Our Love, My Baby, Forever

Our Love, My Baby, Forever

Belladiana17
(S E A S O N 1) Nalaman ng magulang lalo na si Rafael na magkasintahan sila Cassandra at Miguel, pilit silang pinaghihiwalay dahil si Rafael ang gusto ng ama ni Cassandra lalo na't ito ay nagdadalang tao. Sadyang mapaglaro ang tadhana sa kanila. Mahal na mahal ng magkasintahan ang isa't isa kung kaya't gumawa ng paraan si Rafael, ang ipapatay si Miguel ngunit nadamay din si Cassandra pati ang kanilang munting anghel. Sumumpa sila sa isa't isa na magsasama sila habang buhay. ang kwentong ito, ay tungkol sa REINCARNATION. Bibigyan ko ito ng twist para mas gumanda ang takbo ng kwento. Sa muli nilang pagkikita bilang MACEY at MARCO, muli kaya silang paglalapitin ng tadhana?.. sila kaya talaga hanggang huli?.. Magwawagi ba muli si RAFAEL sa pagsira sa pangalawang pagkakataon? (S E A S O N 2) Subaybayan po natin ang pag iibigan sa pangalawang buhay nila MACEY at MARCO..
Romance
104.5K viewsCompleted
Read
Add to library
HER POISONOUS RED LIPS

HER POISONOUS RED LIPS

Si Ruby Red Mandelly ay may makamandag at kaakit-akit na gandang taglay, isa siyang spy agent na nag-ta-trabaho sa isang secret organization at kilala siya bilang si Agent Red Lips. Makilala ni Ruby Red si Stefan Solevan, ang makisig at supladong binatang panganay na anak ng lalaking malaki ang naging atraso sa pamilya niya. Maging hadlang kaya si Stefan sa misyon na matagal niya nang pinaghandaan? Paano kung ang kanyang damdamin ang umiral? Magawa pa kaya ng dalagang mapagtagumpayan ang kanyang misyon kung puso na ang mangingibabaw?
Romance
108.6K viewsCompleted
Read
Add to library
ESCAPE From My Estranged Husband

ESCAPE From My Estranged Husband

Mahirap lamang si Cory Luna. Isang singer sa High End Bar. Nang makilala niya si Eliseo Andrew. Ang unang pagkikita ay naging isang gabi na nagpabago sa buhay ni Cory. Umalis si Cory para maiwasan si Ely. Dahil para sa kanya hindi sila nababagay. Isang mahirap at isang mayaman. Malayong malayo ang kanilang agwat sa buhay. Gaano ba kahirap ang magmahal? Hanggang kailan ko tatakasan ang taong minahal mo dahil lang sa pagkakamali? Mamahalin mo pa kaya siya kung palagi ka na lamang iiwan niya?
Romance
1011.9K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2627282930
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status