Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Bon Appetit

Bon Appetit

Sa mundo ng mga trillionaire, hindi sapat ang pera upang makuha ang lahat—ngunit para kay Fortuna Han, isang pastry chef na lumaki sa simpleng buhay, kaya niyang gawin ang lahat, kahit pa ito’y maging kasalanan, basta’t mapasakanya ang lalaking matagal na niyang minamahal. Si John Tan, isang brilliant, CEO ng isang IT company, cold-hearted computer engineer at tagapagmana ng pinakamalaking business empire sa bansa, ay may isang pangakong kailangang tuparin—ang mapangasawa si Senyora Abedida, ang tanging babaeng tinatangi niya simula high school. Ang mundo nila ay naaayon sa isa’t isa, at walang puwang para sa isang babaeng tulad ni Fortuna. Ngunit hindi iyon naging hadlang kay Fortuna. Sa isang mapanganib na laro ng pag-aakit, pagsisinungaling, at panlilinlang, ginawa niya ang lahat upang maagaw si John mula kay Senyora. At nang tuluyan niyang nakamit ang lalaking matagal na niyang inibig, isang hindi inaasahang rebelasyon ang bumulaga sa kanya—matagal na palang nakatakda ang kasal nila ni John dahil sa isang arranged marriage na pinlano ng kanilang mga pamilya noon pa man. Dahil sa galit at panlilinlang, si John ay napilitang pakasalan si Fortuna sa ilalim ng isang kontrata—dalawang taon lamang silang magiging mag-asawa, at pagkatapos noon, tuluyan na siyang mawawala sa buhay nito. Para kay John, ito ay isang laro ng kapangyarihan. Para kay Fortuna, ito ang katuparan ng kanyang pangarap. Ngunit paano kung sa gitna ng kasunduang ito, may isang gabi ng kapusukan ang tuluyang magtatali sa kanila magpakailanman? Paano kung ang babaeng itinuring niyang mang-aagaw ay siyang magbibigay sa kanya ng bagay na hindi niya kailanman inakala—isang anak? At paano kung sa paglipas ng panahon, ang malamig na poot at galit ni John ay unti-unting mapalitan ng isang damdaming pilit niyang nilalabanan? Si Senyora Abedida, na hindi kailanman papayag na maagaw si John nang ganoon lang.
Romance
103.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Pretend Bride

The Billionaire's Pretend Bride

chantal
Si Luke Andersons, isang bilyunaryo sa sektor ng luxury real estate, ay nasa ilalim ng matinding pressure na patatagin ang legacy ng kanyang pamilya. Nang makilala niya si Pia Barrington, isang waitress na may mga pangarap na maging chef at nahaharap sa mga kagyat na problema sa pananalapi dahil sa mga bayarin sa medikal ng kanyang lola at mga bayarin sa kolehiyo ng kanyang kapatid, ang kanilang buhay ay nagsalubong sa isang hindi inaasahang paraan. Si Luke ay nagmungkahi ng isang pekeng kasal kay Pia, na nag-aalok sa kanya ng pinansiyal na seguridad bilang kapalit ng kanyang tulong sa kanyang kinakailangan sa mana. Habang nilalalakbay nila ang kanilang pagpapanggap na relasyon, ang tunay na damdamin ay nagsisimulang lumitaw, na naglalagay ng kanilang kaayusan sa pagsubok. Ang kanilang gawa-gawang pagsasama ay magiging isang tunay na kuwento ng pag-ibig, o ang kanilang mga indibidwal na pakikibaka ay maghihiwalay sa kanila?
Romance
924 viewsOngoing
Read
Add to library
The Best of Me

The Best of Me

Si Veronica ay isang simpleng babae na buong buhay ay inilaan sa pag-aalaga kay Nanay Belen at sa kanyang kinakapatid na si Barbara. Si Barbara ay maganda, matalino, at palaging nakukuha ng gusto niya, ngunit sa likod ng kanyang perpektong imahe ay isang spoiled brat na sanay sa pagmanipula ng mga tao. Habang nag vi video call si Veronica sa kanyang boss na half-Filipino, half-Italian na si Anthony Rossi ay agad niyang napansin ang kagandahan ni Barbara. Nabighani ito kaya't dali daling pumunta ito ng Pilipinas bitbit ang kanyang 6 years old na anak na si Bianca at ang kanyang pilipinang ina upang kuning magmodelo ng kanyang merch at magtayo na din ng kumpanya. Inisip niyang seryosohin ang pakikipag relasyon nito ngunit nang masaksihan niya kung paano nito tratuhin ang sariling ina, naisip niyang hindi ito ang babaeng para sa kanya. Nang magkaroon ng problema si Bianca sa eskwelahan, napagtanto ni Anthony na kailangan nito ng isang maternal figure. Sa isang praktikal na desisyon, inalok niya si Veronica ng isang kasunduang kasal—hindi para sa pagmamahal kundi para samahan si Bianca. Ngunit sa kabila ng kasunduan, isang damdaming hindi nila inaasahan ang unti-unting umusbong dahil sa kabila ng ka walang personalidad na itsura sa panlabas ng assistant ay may nakatago itong ganda at higit sa lahat-mabuti itong tao. Nang malaman ni Barbara ang tungkol sa kasunduan, gumawa ito ng eksena—sinaktan ang sarili at muntik nang kitilin ang sariling buhay. Sa gabing dapat ipagdiwang ang engagement nina Veronica at Anthony, isang rebelasyon ang yumanig sa kanilang mundo—buntis si Barbara, at si Anthony ang sinasabing ama. Totoo kaya ito? O isa na namang kasinungalingan upang wasakin ang kanilang pag-iibigan?
Romance
366 viewsOngoing
Read
Add to library
Deception And Pain

Deception And Pain

DreamerIsGood
Sa kuwento ng pag-ibig, panlilinlang, at pagbabago, sumasalamin ang kwento ni Sofie, isang babae na nagtrabaho sa isang club upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Isang araw, dumating si Matias Chavez, ang may-ari ng isang condo at ilang illegal na negosyo, na nagdulot ng pag-ibig at kaguluhan sa buhay ni Sofie. Ngunit ang pag-ibig na inakala niya ay hindi ganap, dahil may kakambal si Matias na si Mateo na puno ng inggit at galit sa kanya. Nahulog ang puso ni Sofie kay Matias, ngunit hindi niya alam na ang lalaking minamahal niya ay hindi palaging si Matias, kundi ang kanyang kakambal na si Mateo. Sa gitna ng mga pagpapanggap at panlilinlang, nagpatuloy ang pag-ibig ni Sofie kay Matias. Ngunit ang pagkakataon na mabuo ang kanilang pamilya ay laging nasa panganib dahil sa mga plano ni Mateo na sirain ang relasyon nila. Napapaligiran ng mga pagsubok, pagkakamali, at sakit, nagpasya si Sofie na gantihan si Matias at ipakita ang kanyang galit. Ngunit sa gitna ng lahat ng ito, maaaring mayroong pag-asang mabuo ang kanilang pag-ibig at magkaroon ng pangalawang pagkakataon. Sa huli, ang kwento ng pag-ibig nina Sofie at Matias ay nagpapakita ng mga sakripisyo, pagkakamali, at pag-asa. Ito ay isang kuwento na magpapaalala sa atin na ang pag-ibig ay hindi perpekto, ngunit may kakayahan itong magdulot ng pagbabago at pagpapatawad.
Romance
10810 viewsOngoing
Read
Add to library
LIBRA SERIES 1: The Arrogant Actor is a Billionaire

LIBRA SERIES 1: The Arrogant Actor is a Billionaire

Nuebetres
Si Aula Maglaya ay isang ordinaryong babae na masayahin, matapang, prangka, masipag at matalino ngunit kulang sa common sense. Si Hanz Nicolo Bernales ay isang sikat na artista, mayaman, arogante, simpleng babaero, tinitingala at tinitilihan ngunit may isang babae ang ilag sa kanyang kasikatan at kailanman hindi siya tinilian. Nang magtagpo ang mga landas ng dalawa sa isang aksidente hindi na nagkaroon ng katahimikan si Nicolo. Si Aula na yata ang pinakiinisan nitong babae dahil wala itong finesse kung magsalita, putak ng putak! Ngunit natatakpan naman iyon ng angking kagandahan ng dalaga na kahinaan ni Nicolo. At nang madawit ang pangalan ni Nicolo sa isang "Blind Item" na kasama si Aula ay mas lalo pang gumulo ang buhay nito. Paano kung nagka-totoo ang tsismis sa dalawa? Gugustuhin kaya ni Aula na mapabilang sa magulong industriya na kinabibilangan ni Nicolo?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES

DECEIVED BY MY HUSBAND’S PERFECT LIES

Si Lydia Diaz ay napilitang pumasok sa isang contract marriage kay Winston Martinez, isang kilalang abogado, upang iligtas ang kanyang ina mula sa kapahamakan. Akala niya, simple at pansamantalang kasunduan lamang ito, ngunit unti-unti niyang natuklasan na siya ay napasok sa isang masalimuot at delikadong mundo ng panlilinlang. Ang batang kanyang inaalagaan, na akala niyang inosente, ay may nakakubling koneksyon dahil ang bata pala ay anak ng asawa sa kanyang dating kasintahan na si Sidney Mercedez, isang artista. Sa mata ng iba, siya na ang nagmukhang “masama” sa kwento ng pamilya. Sa gitna ng pag-iingat, pagtataksil, at lihim, mauuwi kaya sa trahedya ang kanilang kasunduan?
Romance
1091.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Royal Redemption (Chasing Series:02)

The Royal Redemption (Chasing Series:02)

Pipiliin ba ni Jace na yakapin ang pag-ibig na minsan niyang tinangka na takasan, o ang mga anino ng kanilang nakaraan ay maghahatid sa kanila sa pagkakahiwalay magpakailanman? At sa huli, kapag nagising si Luther, matutuklasan ba niyang si Jace ay naghihintay pa rin sa kanya, o talagang nakapag-move on na siya? Sa isang mundo ng panganib at pag-ibig, ang kanilang kapalaran ay nakabitin sa isang sinag ng pag-asa. Ano ang mangyayari sa kanilang kwento? Ang sagot ay nasa hangin, sa isang tadhana na patuloy na naglalaro.
Romance
10478 viewsOngoing
Read
Add to library
Better Than Revenge

Better Than Revenge

Matapos ang hiwalayan nila ng boyfriend niya ay natagpuan ni Elyssa ang sariling akay-akay ng isang estrangherong lalaki papasok sa isang bar. Dala ng galit at pagkabigo ay nagpakalunod siya sa alak kahit ang kainuman ay isang taong hindi niya kilala. Kinabukasan ay nagising siya sa isang estrangherong lugar... At katabi ang isang guwapo at malaki ang umbok... Este malaki ang brasong lalaki na nakayakap sa kanya at pareho silang nakahubad. Matapos ang nangyaring iyon ay bumalik ng Maynila si Elyssa na may hungkag ang puso, hindi lang sa break-up nila ng boyfriend niya, kundi sa lalaking nakainuman niya. Ang masama pa sa lahat ay nalaman niya na ang lalaking iyon ay siya palang bagong Boss niya. My mamumuo kayang romance sa dalawa? O patuloy na magpapakulong si Elyssa sa sakit ng nakaraan?
Romance
1014.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Personal Maid

The CEO's Personal Maid

Siya si Erika Fernandez, bata pa lang ay mulat na siya sa hirap ng buhay. Hindi na bago sa kanya ang pagta-trabaho ng mabibigat, at ang paninilbihan sa iba. Isang araw, nakilala niya si Brandon Monteverde, isang gwapong mayaman na sing-lamig ng yelo kung umasta. Palagi itong seryoso at parang galit sa kanya. Pero kahit iritado sa senyorito, ginawa ni Rika ang lahat manatili lang sa trabaho. Iyon ay ang pagiging personal maid ng isang CEO. Si Brandon Montevede, isang lalakeng lumaki sa marangyang pamilya. Lahat ay nagagawa at nakukuha niya. Maliban na lang ang makawala sa planong pagpapakasal sa babaeng 'di niya gusto para lang sa paglago ng negosyo. Iyon ay dahil nahulog ang puso niya sa makulit at anim na taong mas bata sa kanya na si Erika. Palagi siya nitong napapasaya, at siya rin ang naging depinisyon ng salitang "pahinga". Magiging sapat nga ba ang pagmamahal para piliin ni Brandon si Erika kapalit ng lahat ng kayamang meron siya? Lalo na't ang pagmamahalan ding iyon ay nakabuo ng isang tagapagmana?
Romance
1067.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The CEO's Unseen Wife

The CEO's Unseen Wife

Si Heather ay isang maybahay at hands-on sa lahat ng kailangan ng pamilya niya. Siya ay isang asawa ng CEO na nagmamay-ari ng Madrigal Group of Companies at ilang mga resort sa kamaynilaan na si Cregan Madrigal. May isang anak sila na ang pangalan ay Erryc, walong taong gulang na at palaging sakitin. Mas gusto nitong kasama ang Tita Febbie na kapatid ni Heather dahil spoiled na spoiled ang bata sa dalaga. Samantalang si Heather ay isang stirktang ina at lahat pinagbabawalan ang anak. Hanggang sa nagka-anak ulit sila ni Cregan at ni isa sa pamilya nila ay walang nag-asikaso habang nasa labor siya, naroon kasi ang mga ito sa birthday party ng kanyang kapatid na si Febbie. Doon niya na-realize na wala siyang halaga sa pamilya niya lalo na sa asawa at anak niya. Makakaya pa ba niyang pakisamahan si Cregan at Erryc gayong hindi naman siya ang gusto nitong makasama? o mag-fi-file na lamang siya ng dibursyo sa asawa at magbagong buhay kasama ang pangalawang anak nila?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2122232425
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status