Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire

His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire

Pagkatapos ng tatlong taon na pagsasama, hindi inaasahan ni Avi na aalukin pa rin siya ni Silvestre ng divorce. “Can we... not get a divorce?” Pagmamakaawa niya. Mahal na mahal niya si Silvestre. Iniwan niya ang lahat at pinili ang lalaki sa kagustuhan na makasama ito. Ngunit bigo pa rin siya, pagkatapos ng tatlong taon, mahal pa rin nito ang dating kasintahan na si Arsen. At ngayon na bumalik na si Arsen, nais na siya nitong hiwalayan. Pain, betrayal and regrets were three powerful emotions. Iyon ang nagtulak kay Avi para pumirma sa divorce agreement at tuluyang iwan si Silvestre. Ngunit lingid sa kaalaman ng lalaki, si Avi pala ay isang mayaman at spoiled na anak ng chairman ng AMC Group! Her real name is Aeverie Dawn Cuesta, daughter of David Cuesta and spoiled sister of Rafael, Uriel and Sage Cuesta! Kinalimutan niya ang marangyang buhay dahil sa pagmamahal kay Silvestre. Ngunit dahil sa ginawa ng lalaki, napagdesisyunan ni Avi na bumalik sa dati niyang pagkatao. Gone the sweet-spoken and loving Avi, hello again to the secret millionaire and spoiled Aeverie Dawn Cuesta! Anong mangyayari kung muling pagtagpuin ang landas ni Silvestre at Aeverie? Paano kung ang dating walang thrill na Avi ay biglang naging drop-dead-gorgeous and unstoppable Aeverie? Paano kung huli na para malaman ni Silvestre na nahulog na pala siya sa dati niyang asawa? At paano kung nabalot na ng yelo ang puso ni Aeverie at hindi na nito kayang magmahal muli?
Romance
9.2366.9K viewsOngoing
Show Reviews (48)
Read
Add to library
Maylyn Martinez
pwede author eto munang kwento ni aeveree at silverter Ang lagi mong I update,wag muna ung sa fake Wife at fake CEO para masubaybayan namen,para pag natapos na etong storya nila ung sa next na story nman kme mag babasa...️ sobrang Ganda kc Neto..highly recommended tlga......️
Micthiyeos Eos
𝒔𝒖𝒃𝒓𝒂𝒏𝒈 𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂 𝒏𝒈 𝒌𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐 𝒍𝒂𝒈𝒊 𝒌𝒐 𝒕𝒐𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒂𝒂𝒃𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒊𝒍𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒖𝒑𝒅𝒂𝒕𝒆𝒔 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒘𝒆𝒏𝒕𝒐 𝒏𝒂𝒕𝒐 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒌𝒂𝒉𝒐𝒐𝒌𝒆 𝒃𝒂𝒔𝒂𝒉𝒊𝒏 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚 𝒄𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒎𝒈𝒂 𝒂𝒓𝒂𝒍 𝒌𝒂 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒌𝒖𝒌𝒖𝒉
Read All Reviews
Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang

Si Alexandria Saavedra— Maangas. Basagulera. Walang trabaho. May bisyo. Matigas pa sa adobe ang puso. Higit sa lahat, galit sa mundo. Lalo na sa sariling amang ginamit lamang siya para sa pansariling pangangailangan... Hanggang ang magulo niyang mundo ay binulabog ni Heiz Mikael. Isang binatang basta na lamang sumusulpot sa t'wing nasa panganib ang kanyang buhay. Sa pagdating ni Heinz sa kanyang buhay, 'di inaasahan ni Alexandria na pati na ang nananahimik niyang puso ay ginulo ng binatang ito. . . Sa unang pagkakataon, ang pusong niyang kasintigas ng adobe ay napalambot nito. Subalit isang araw, gumuho ang kanyang mundo nang matuklasan niya ang totoong dahilan nang biglang pagsulpot nito sa kaniyang buhay...
Romance
1025.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Contracted Mistress of My Boyfriend’s Father

Contracted Mistress of My Boyfriend’s Father

Si Althea Cruz ay isang dancer sa sikat na club na Elysium, kung saan siya ay laging naka-mask para itago ang kanyang pagkakakilanlan. Isang gabi, nakilala niya ang misteryosong may-ari ng club, si Damian Villanueva… isang mayaman, dominante, at mapanuksong lalaki. Nagkaroon sila ng kakaibang koneksyon hanggang sa inalok siya ni Damian ng isang kasunduan: maging mistress niya sa loob ng dalawang taon, kapalit ng malaking halaga na pera at iba pa. Dahil sa pagkakaospital ng kanyang ina at sa kakulangan ng pera para sa gamutan, napilitan si Althea na pumirma sa kontrata, kahit alam niyang maaaring magbago ang buhay niya mula noon. Ang hindi niya alam, si Damian ay ama ng boyfriend niyang si Ethan… ang lalaking tunay niyang minamahal. Habang lumilipas ang mga buwan sa piling ni Damian, unti-unti niyang natutuklasan ang mga lihim sa likod ng pamilya Villanueva… at ang mas nakakatakot pa, nahuhulog na rin siya sa lalaking dapat ay kinamumuhian niya. Ngayon, nahati ang puso ni Althea sa pagitan ng lalaking una niyang minahal at ng lalaking hindi niya kayang iwan, kahit alam niyang mali. Hanggang saan ang kaya niyang tiisin alang-alang sa kontrata, sa pamilya, at sa pusong unti-unting nabubuwag sa bawal na pag-ibig?
Romance
10381 viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Triplet Babies

The Billionaire's Triplet Babies

Ikinasal si Cathy Del Mundo kay Phoenix Montgomery—anak ng isang bilyonaryo at may-ari ng pinakamalaking healthcare company sa bansa. Subalit kahit naikasal na silang dalawa, hindi man lang naramdaman ni Cathy ang pagmamahal nito para sa kaniya. Hanggang sa isang desisyon ang nabuo sa utak niya—iyon ay makipag-annul kay Phoenix after being married for two years. Akala niya ay matatahimik na siya ngunit nagkamali siya nang malaman niyang buntis siya pagkatapos na pagkatapos niyang makipag-annul kay Phoenix. Inilihim niya iyon mula rito at nagpakalayo-layo hanggang sa mailuwal na niya ang anak niya. Pero sa mismong araw nang panganganak niya ay ikakasal na pala si Phoenix kay Miriam—ang kaibigan niya na naging mortal niyang kaaway. Dumating si Laura—kapatid ni Miriam at walang awang kinuha kay Cathy ang anak niya. Pero ang hindi nila alam—triplets pala ang nabuo sa sinapupunan ni Cathy. Itinago ni Cathy ang dalawa at nangakong hindi ipapaalam kay Phoenix ang katotohanan. Makalipas ang limang taon, muling magtatagpo ang landas nina Cathy at Phoenix. Dahil nagkaroon ng selective amnesia si Cathy at halos mamatay na siya dahil sa komplikasyon nang manganak siya—saka lamang niya napag-alaman na ang batang tinaggihan niyang gamutin ay anak pala niya. Doon ay nagdesisyon si Cathy na kuhanin sa kaniyang ex-husband ang anak niya habang tinatago pa rin ang katotohanan na may dalawa pa silang anak. At ngayong nalaman na ni Phoenix na buhay pala ang ex-wife niya na inakala nilang patay na, paano niya haharapin ang katotohanan na hindi lang isa, kundi tatlong anak ang iniluwal ni Cathy?
Romance
1060.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Runaway from My Jerk Husband

Runaway from My Jerk Husband

Sa mata ng buong mundo, si Catherine Adams ang pinakamapalad na babae—minahal, pinrotektahan, at pinangakuan ng habang-buhay ng lalaking pinapangarap ng lahat: si Nolan Martinez. Mula pagkabata hanggang sa proposal na isinahimpapawid sa buong mundo, saksi ang lahat sa tila perpektong pag-iibigan nila. Ngunit sa likod ng matatamis na ngiti at engrandeng singsing, may lihim na pilit niyang nilulunok—ang pagkakanulo ng lalaking minahal niya ng buong puso. Sa bawat "overtime", sa bawat palusot, unti-unting nalaman ni Catherine ang sakit ng katotohanang may ibang babae sa buhay ni Nolan. Kaya’t isang desisyon ang binuo niya: maglaho. Sa mismong araw ng kasal, ang bride na inaasahang pupuno ng altar ay isang “patay” na katauhan. “Wala na kaming kinabukasan.” Ito ang paniniwala ni Catherine, kahit pa sa bawat sulyap ni Nolan ay tila may lambing na totoo. Pero sa isang mundong puno ng kasinungalingan, may lugar pa ba para sa tunay na pagmamahal? Isang kwento ng pagkakanulo, paglimos ng katotohanan, at ang masakit na pagpili—pag-ibig o paghilom?
Romance
6.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing Dr. Billionaire

Chasing Dr. Billionaire

Tintin & Andrew Love story -- from YOUR HERO YOUR LOVER 17 years old pa lang si Tintin ay crush na crush na niya si Andrew. Nagnurse siya upang mapalapit sa lalaki na noon ay nag-aaral pa lang ng kursong medisina. Hindi lingid sa kaalaman ni Andrew ang nararamdaman ng dalaga sa kanya ngunit masyadong bata pa ang tingin niya dito. Samantalang gagawin ni Tintin ang lahat upang mapa-ibig niya si Andrew ngunit hanggang kailan niya susuyuin ang binata lalo na ngayon na dumating ng ang ex-girlfriend ni Andrew?
Romance
9.8413.9K viewsOngoing
Show Reviews (57)
Read
Add to library
bunchf05
Hindi ko tlga matiis na wag silipin sina Gray at Gigi. Hindi ako mahilig mgbasa ng mga incomplete stories pero dito sa mga stories ni Miss Kara di ko tlga mapigilan na hindi makiki-update. Hayss... Sis masyado mo namang ginalingan, ayon di nako mkapaghintay.Sumayaw na ang dalawa sa imahinasyon ko ;)
Sanya de Dios
Hands down! Best author ka Ms. Kara. Ibang iba ang style mo sa lahat ng nabasa ko na. Youre brave enough to take a risk of writing something different.Other authors should read your novels and learn from you to see kung ano ba ang example ng unique story.hindi yung halos parepareho na lang
Read All Reviews
Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1

Monte Bello Series: Timothy - The Alvarez Brothers 1

Timothy Alvarez already has everything on his hands-- wealth and fame. At ayon sa kanyang ama, asawa na lang daw ang kulang sa kanya. Kaya't ipinagkasundo s'ya nito kay Penelope Valencia, anak ng isa ring kilalang angkan. Ngunit umpisa pa lang ng pagkikita nila ay hindi na sila magkasundo. Timothy was arrogant, cold-hearted and rude. At si Penelope naman ay hindi basta-basta magpapatalo sa binata. Sumumpa pa itong hinding-hindi nito magugustuhan si Timothy kahit na kailan. Ngunit paano kapag malaman nito na kaya s’ya ipinagkasundo ng mga magulang sa lalaki ay dahil sa papalugi nilang kompanya? Will she be able to accept truth? And how about Timothy? Paano nga ba niya pakikisamahan si Penelope kung sa una pa lang ay ginugulo na nito ang isipan niya?
Romance
1012.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Unwanted Wife Of Mr Villareal

The Unwanted Wife Of Mr Villareal

Ikinasal si Luther Villarreal at Eunice Sanchez kahit walang pagmamahal para sa isat-isa magkaroon lamang buong pamilya ang anak niyang si Isaac. Ngunit paano kung nung una palang ay mahal na ni Eunice si Luther, kaya rin kaya siyang mahalin nito? Gayong ang mahal naman nito ay si Monica. Samahan niyo akong umiyak at tumawa sa storya ng buhay ni Eunice Sanchez.
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
My Amnesia Boss

My Amnesia Boss

Clefairy
Sandro was Coreen's first love. Unang beses pa lang niyang nakita ang lalaki sa library ay na love at first sight na siya. Subalit kahit pareho lang dila ng eskwelahan ng lalaki ay hindi siya nagtangkang magpakilala rito ay aminin ang kanyang nararamdaman. Malinaw sa kanya na imposibleng magustuhan ng isang campus crush na si Sandro ang isang tulad niyang wallflower. Nanatili na lamang siyang lihim na humahanfa sa binata. Hanggang sa dalhin siya ng ama sa Greece ay hindi niya nagawang umamin sa binata. Eight years later, bumalik si Coreen sa Pilipinas. She was different from the girl she used to be eight years ago. Isa lang ang hindi nagbago sa kanya. She was madly in love with Sandro Madrigal, her first love. Two months na bakasyon lang ang pakay niya sa Pilipinas subalit nagbago ang lahat ng iyon nang malaman niyan mula sa pinsan ng bestfriend ntang si Miranda na naghahanap si Sandro ng bagong secretary. Itinapon niya ang planong pagbabakasyon sa ibat-ibang panig ng bansa at sa halip ay nag-apply bilang secretary ni Sandro. Itinago niya kay Sandro ang katauhan na anak siya ng isang Greek tycoon. Natanggap siya bilang secretary ni Sandro. Lubusan pa niyang nakilala ang binata at napalapit siya rito. Akala niya, kapag napalapit siya sa binata ay mawawala na ang 'obsession' niya rito. Subalit na iyon ang mangyari ay lalo lang siyang nahulog sa binata. Hanggang sa dumating ang araw na bigla siyang inalok ni Sandro. But his term was "temporary wife". Ayon kay Sandro, kailangan nito ng babaeng papakasalan upang makuha nito ang mana nito. Pumayag siya na maging temporary wife ni Sandro. Hindi niya alam na iyon na pala ang simula ng pagbabago ng buhay niya dahil matapos ang kasal nila ay naaksidente si Sandro at nawala ang ala-ala nito.
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
BINAYARAN UPANG PAKASALAN ANG PILAY NA BILYONARYO

BINAYARAN UPANG PAKASALAN ANG PILAY NA BILYONARYO

Sa isang lungsod na puno ng mga kontraste, dalawang tao mula sa magkaibang mundo ang nagtagpo. Si Hendry, isang sikat at makapangyarihang billionaire, ay nabubuhay sa mundo ng luho at tagumpay. Subalit, may isang bagay na nagpapaiba sa kanya sa iba pang mga mayayaman-siya ay pilay. Dahil sa isang aksidenteng hindi nya inaasahan, si Hendry ay gumagamit ng wheelchair, ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya upang makamit ang mga pangarap at maging isa sa mga pinakamatagumpay na tao sa negosyo. Sa kabilang banda, si Sienna ay nagmula sa isang mahirap na pamilya. Lumaki siya sa isang maliit na baryo kung saan ang bawat sentimo ay mahalaga. Sa kabila ng mga pagsubok sa buhay, si Sienna ay matiyaga, matalino, at puno ng pangarap. Nagtrabaho siya nang husto upang makapag-aral at umahon sa kahirapan. Sa paglipas ng panahon, nagbago ang pagkikita nila mula sa isang simpleng pagkakataon tungo sa isang malalim na koneksyon. Sa gitna ng mga hamon ng kanilang magkaibang mga mundo, natutunan nilang magtulungan at magbigay inspirasyon sa isa't isa. Si Hendry ay nakita ang lakas at pag-asa sa hirap ng buhay ni Sienna, habang si Sienna naman ay natuto mula sa tapang at talino ni Hendry sa pagharap sa mga pagsubok.
Romance
641 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status