Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Great Revenge of the Lady CEO

Great Revenge of the Lady CEO

Si Tiffany Chua ay lumaki sa hirap at laging napapabayaan ng kaniyang ama at lola dahil sa dugong Chinese na nagtatangi sa kaniya mula sa kanilang paboritong anak, ang kapatid niyang si Ronald. Sa kanyang pagsisikap na mabuhay at umasenso, natanggap siya bilang sekretarya ni Lincon, isang istrikto, malamig, at walang pakialam na boss na may lihim na pagkatao sa likod ng kaniyang matigas na anyo. Isang araw, inalok siya ni Lincon na magpanggap bilang asawa niya para sa isang personal na dahilan, at dahil sa kawalan ng pagpipilian, tinanggap niya ang alok. Ngunit hindi naging madali para kay Tiffany ang mapabilang sa mundong ginagalawan ng kaniyang boss, lalo na nang bumalik ang dati nitong nobya, si Jillian, na nagbigay ng hamon sa kanilang kasunduan. Sa kabila ng mga pagdurusa, nagawa pa ring ibuhos ni Tiffany ang buong pagmamahal kay Lincon, kahit alam niyang may ibang laman ang puso nito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nalaman ni Lincon na nagdadalang-tao si Tiffany sa anak nila. Sa isang trahedyang nagdulot ng panganib sa buhay ni Tiffany, napilitang ipanganak ang kanilang anak via C-section habang siya ay nasa coma. Kasabay ng pagsilang ng kanilang anak, susubukin ng kapalaran ang hangganan ng pagmamahal at pagsasakripisyo ni Tiffany, pati na rin ang mga damdaming pilit ikinukubli ni Lincon. Pipiliin ba niya ang muling nagtangkang magbalik na si Jillian, o ang babaeng nag-alay ng lahat para sa kaniya—si Tiffany?
1.9K viewsOngoingAdded to Library 73 Times as si sisa
Read
+Library
WAY BACK HOME

WAY BACK HOME

Maria Christina Carvajal famously known for her screen name Christine Carvajal is a phenomenal superstar, ngunit matapos ang isang masalimuot na eskandalo ay napilitan si Christina na makipaghiwalay sa on and off screen partner na si Andrei. To give herself a break ay bumalik siya sa Poblacion, ang lugar kung saan siya nagsimulang mangarap.
661 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as si sisa
Read
+Library
The Billionaire's Ex-Wife Is The Lost Zillionaire Heiress

The Billionaire's Ex-Wife Is The Lost Zillionaire Heiress

Warning: Matured Themes Ahead 🔞 Pinalaki si Celeste "Tel" Carvajal ng nanay niya para gumanti sa mga Yuchengco na pamilya ng lalaking wumasak sa puso nito noon. Nang makatapak sa Manila, wala siyang ibang ginawa kung di ang hanapin ang unico hijo at golden boy ng mga Yuchengco na si Levi. Sa pagkukrus ng landas nilang dalawa ay agad na mabubulilyasa ang plano niya. Paano ba naman? Bukod sa si Levi ang naging savior niya nung gabing kailangang-kailangan niya ng tulong, makalaglag panty rin ang kakisigan at pagiging gentleman ng nasabing pinaka-batang bilyonaryo.
10172 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as si sisa
Read
+Library
Loving, Mr. Chef

Loving, Mr. Chef

Isang simpleng babae si Beatrice Vallencia na lihim na nagmamahal kay Jefferson Griffin. Isang sikat na Chef, makisig at higit sa lahat babaero. Pero nabago ang lahat simula ng makilala niya si Caye Flores na buong akala niya ay ito na ang mamahalin niya habang buhay. Nagbago ang lahat noong gabi na may nangyari sa kanila ng babae na hindi niya maalala ang mukha. Mahahanap kaya niya ang babae? Paano kapag nalaman niyang si Bea ito? Mapapa-sakanya kaya ito kung pag-aari na ito ng iba? Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa pag-ibig?
1064.8K viewsCompletedAdded to Library 1.4K Times as si sisa
Read
+Library
Married to Ugly Woman

Married to Ugly Woman

Pinakasalan ni Andrew si Hannah dahil sa palugi na ang kanilang kumpanya. Napabayaan niya ito dahil sa pagkaaksidente na nangyari kay Ashley. Hindi akalain ng lalaki na ang mapapangasawa niya ay kabaliktaran ng itsura ng kanyang Girlfriend na si Ashley. Samantalang nagpapanggap lang pala si Hannah na pangit para malaman kung ano ang tunay na ugali ni Andrew. Dahil sa napilitan silang magpakasal ay hindi matanggap na isang pangit ang kanyang Asawa. Ano kaya ang magiging buhay ni Hannah sa kamay ng lalaki? Paano niya pakikitunguhan ang ang lalaki kung nandidiri ito sa kanya?
8.713.9K viewsOngoingAdded to Library 402 Times as si sisa
Read
+Library
One Night Stand With The Mysterious Billionaire

One Night Stand With The Mysterious Billionaire

Pinagkaisahan si Audrey Santillan ng kanyang kapatid. Sa araw ng kanyang kaarawan ay inakala niyang ang kanyang kasintahan ang napagbigyan ng ng sarili ngunit estranghero pala ito. Makalipas ang limang taon, gamit ang bagong pangalan, bumalik siya upang ipaghiganti ang nangyari sa kanila ng kanyang kawawang sanggol. Iyon ay ang pakasalan si Marco Montezides, ang lalaking imbalido ngunit isa sa pinakamayamang lalaki sa bansa. Ito rin ang half-brother ng kanyang dating kasintahang si Julian Montezides. Paano kung sa kagustuhan niyang makaganti, mayroon siyang mga matutuklasang hindi karaniwan? Lalong-lalo na sa isang misteryosong bilyonaro.
10124.1K viewsOngoingAdded to Library 3.1K Times as si sisa
Read
+Library
The Lady Gangster's Mission For The Prince

The Lady Gangster's Mission For The Prince

Si Adira, ang gangster na magkakaroon ng isang misyon sa isang prinsipe na hindi kayang lumaban o humawak man lang ng espada o anumang armas. Ang seryosong gangster ay magkakaroon ng ibang emosyon sa mukha sa tuwing nag-eensayo sila ng prinsipe na si Prince Dylan, dahil kung gaano kaseryoso si Adira sa pagtuturo, ang prinsipe naman ang hindi dahil bago pa man magsimula ang kanilang pag-eensayo ay ang dami na nitong reklamo. Ngunit ang alam ng prinsipe ay tanging pagtuturo lang ang dahilan kung bakit nandoon si Adira sa kanilang palasyo. Hindi niya alam na lihim din itong magiging tagapagbantay niya at siyang susubukan na alamin kung sino ang balak na patayin ang prinsipe. Sa paglipas ng mga araw na pananatili ni Adira sa palasyo ni Prince Dylan may malaking plot twist ang mangyayari sa misyon niya para sa prinsipe.
104.7K viewsOngoingAdded to Library 127 Times as si sisa
Read
+Library
MAFIA INNOCENT LOVER (SPG)

MAFIA INNOCENT LOVER (SPG)

Nakita ni Sophia si Raphael duon sa may eskinita na puno na basura, naka Higa ito at puro dugo kaya ginamo nya ito Si Raphael isang sugatan at nag tatago muna dahil karamihan ng kasama nya namatay dahil galing sya kung saan dapat business trip pero pinasabog ang sasakyan nya, Pero dipa sya nag tatagal duon may lumapit sa kanya babae at ginagamit ang natamo nya sugat, unang tingin nya pa lang nabigay Hani na sya dito, Kaya hinanap nya ito ng ilan taon at nung nakita nya nalaman may na boyfriend ito at balak sya ibenta, Kaya gumawa sya ng paraan para mapa sa kanya ang babae, pero paano pag nalaman ni Karen sya ang dahilan kaya nag hirap ito Mapapatawad ba ni Sophia si Raphael alang-Ala sa pag mamahal, oh kamumuhian nya si Raphael Subaybayan ang kwento ni Raphael at Sophia
104.1K viewsOngoingAdded to Library 82 Times as si sisa
Read
+Library
Babysitting The Lost Billionaire

Babysitting The Lost Billionaire

Nang gabing iniwan si Dominic ng kanyang kasintahan ay siyang nakatagpo rin niya ang babaeng walang malay at sugatan, nang magising ay walang maalala at bumalik ang pag-iisip sa pagkabata. Hindi akalaing ang babaeng 'yon ay isa pa lang bilyonarya, binalik niya ang dalaga kapalit ng pera para maipagamot ang tatay-tatayan. Sa paglipas ng taon ay nanumbalik ang alaala ni Amara ngunit hindi na niya maalalang nakilala niya minsan sa buhay niya si Dominic. Hanggang sa isang araw ay muling nagkrus ang kanilang landas, aplikante sa kanyang kumpanya ang lalaki. Nang maging secretary niya ito ay pinatuloy rin niya sa mansion niya si Dominic na siyang naging simula ng muling pag-usbong ng kanilang pagmamahalan. Ngunit ito’y masisira sa isang rebelasyon na si Dominic pala ang nawawalang anak ng bilyonaryo at sikat na businessman na siya ring dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ni Amara.
10519 viewsOngoingAdded to Library 18 Times as si sisa
Read
+Library
The Substitute Vows ni Marcandre

The Substitute Vows ni Marcandre

Si Isabella “Bella” Alcaraz ay halos nabuhay sa likod ng anino ng kanyang “almost perfect” na nakatatandang kapatid, si Marisella—ang glamorosa, walang kapintasan at ubod ng bait na mukha ng Alcazar Luxe Events. Kilala ang kanilang pamilya pero sa likod ng lahat ng ito, unti-unting bumabagsak at nababaon sa hindi mabilang na utang. Pinili ng kanilang mga magulang na ipakasal si Marisella kay Leonardo “Leon” Veyra, ang makapangyarihan, walang awa at nakakatakot na CEO ng Veyra Global Holdings. Halos lahat ng negosyo mula finance, hotels at real estate ay saklaw ng kayamanan niya. Ngunit sa mismong araw ng kasal, naglaho na parang bula si Marisella. Para maprotektahan ang pangalan ng pamilya mula sa iskandalo, walang nagawa si Isabella kundi ang maglakad patungo sa altar kapalit ng kanyang kapatid. Natatago sa belo ng sutla at kasinungalingan, siya ang naging “substitute bride” ng isang lalaking kayang ibaon sa hukay ang pamilya niya sa isang salita lamang. Hindi madaling malinlang si Leon. Alam niyang ang babaeng nasa tabi niya ay hindi ang ipinangako sa kanya. Ngunit imbes na itigil ang seremonya, inako niya si Isabella bilang kanyang asawa. Sa mundo, isa itong perpektong kasal, isang fairy tale. Pero sa likod ng mga pinto, isa itong mapanganib na laro ng sekreto, kapangyarihan at obsession. Sa ilalim ng kasal na nabuo sa panlilinlang, kailangan tiisin ni Isabella ang malamig na galit, nag-iinit na pagnanasa at walang hanggang pagdududa ni Leon. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, ang galit at pagdududa ay unti-unting lumalabo. Kasabay nito, patuloy na bumabalot ang pagkawala ni Marisella—runaway bride nga ba, o mas malalim pa? Sa bawat pangakong binibigkas, maaaring nakataya ang pamilya, kalayaan… at puso ni Isabella.
440 viewsOngoingAdded to Library 14 Times as si sisa
Read
+Library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status