Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife

Mr. Millionaire's Contracted Secret Wife

Matapos siyang malasing, patuloy patuloy niyang isinisigaw ang pangalan ni Iris Relova. Nang magising siya kinabukasan, wala siyang maalalang kahit ano, at sinabi sa kaniya “Hanapin mo ang babae mula kagabi!” “......” Sa wakas, nawalan ng pag-asa si Solene at nagsumite ng divorce agreement. Ang dahilan ng diborsyo ay: gusto ng babae ng mga bata, ngunit ang kaniyang asawa ay baog, na nagdulot ng pagkasira ng kanilang relasyon! Si Noah na walang kaalam-alam sa sitwasyon, nakatanggap ng balita at ang kaniyang mukha ay nagdilim. Inutusan niya ang isang tao na dakipin si Solene upang mapatunayan ang kaniyang sarili. Isang gabi, si Solene ay kadarating palang sa bahay galing sa trabaho at na-corner ng isang tao sa hagdan. “Sinong nagpahintulot sa iyo na makipag-diborsyo nang wala ang aking pagsang-ayon?” Tinanong ni Solene, "Wala kang kakayahan, kaya bakit hindi mo ako pinapayagan na makahanap ng ibang makakagawa?" Nang gabing iyon nais ni Noah na malaman niya kung may kakayahan ba siya o wala. Ngunit nang ilabas ni Solene ang isang pregnancy report mula sa kaniyang bag ay nagalit muli si Noah. “Kaninong anak ‘to?” Hinanap niya sa lahat ng dako ang ama ng bata at ipinangako na papatayin ang bastardo! Sinong mag-aakala na ang imbestigasyon ay mahuhulog sa kaniya…
Romance
12.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Best Friend Is My Husband Mistress

My Best Friend Is My Husband Mistress

MsSungit
PROLOGUE: Meet Celestina Guevara-Sy_ Isang Masayahing Babae , Walang ibang inaatupag kundi ang pagiging isang mabuting asawa. Maganda , Mayaman , Mabait , Matalino at higit sa lahat Sexy na halos kinababaliwan ng kalalakihan. Gabriela Javier_ Ang Matalik na kaibigan ni Celestina. Pinagkakatiwalaan at tinuring na kapatid. Sya ang KABIT ng Kanyang asawa. Zander Ford Sy_ Ang lalaking asawa ni Celestina. Na ubod ng sungit , malamig kung makitungo Simula ng bumalik sa pilipinas si Gabriela. Paano kung pinagtataksilan sya ng dalawang taong pinagkakatiwalaan nya? Ang taong minahal nya ng lubos higit pa sa kanyang BUHAY.? Magpaparaya nalang ba sya? Dahil alam nyang wala syang puwang sa puso ng kanyang asawa? O ipaglalaban nya ito kahit sya pa ang masasaktan. "B-bakit nyo ito ginagawa sakin? Pinagkakatiwalaan KO kayo? Bakit? Bakit sya pa Gabriela? Alam mo kung gaano KO sya kamahal? Simula noon? Iniwan mo sya sa ere at ako ang laging nasa tabi nya? Bakit gab.? Ngayon pa na kasal na kami? Ngayon kapa bumalik at sirain ang nabuo kung pamilya? Tinuri kitang kapatid pero niloko at inahas mo sya sakin". Celestina. " Dahil mahal ko sya Celestina. Alam mo na simulat sapul palang ay ako na ang minahal ni Zander? Alam kung alam mo yon Celestina? Nagmamahalan kami ni Zander? Kaya pakiusap palayain muna sya. Alam kung mayron pang mas deserve sa pagmamahal mo. Pakiusap Celestina kung mahal mo ako palayain muna sya? Patawad kung niloko kita o namin. Patawad Bestfriend". Gabriela natameme Ako dahil sa sinabi nito na agad Kong kinatahimik at nanatiling nag proseso pa ng mga sinasabi nya. "I'll try to love you Celestina , but I'll fail. Alam muna noon na si Gabriela lang ang minahal KO at wala ng iba. Sorry kung padalos dalos Ako sa disisyon ko. I'm sorry and please Set me FREE Celestina.". Zander. ________ Date Started: 01_24_2024 Ended: Ongoing
Romance
104.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The Governor's Mafia Bodyguard (De La Fontaine Series)

The Governor's Mafia Bodyguard (De La Fontaine Series)

iampammyimnida
Si Amanda Violet Chua ay isang gobernador sa lalawigan ng Alfonso. Simula nang mamatay ang kanyang ama sa isang engkwentro ay namuo ang galit at pagkamuhi sa kalooban ng dalaga na nagsanhi ng paghihigante at pagtugis niya sa taong pumatay sa kanyang ama. Subalit gano'n na lamang ang takot na namayani sa babae nang naulit muli ang engkwentrong iyon habang tinatahak niya ang daan pauwi sa kanilang mansyon. Mabuti na lang ay may sumagip sa kanya—si Pierre Quintavious De La Fontaine. Sa takot na maulit muli ang trahedya ay agad niyang kinuha ito bilang bodyguard niya. Hindi niya alam na may sekreto pala itong tinatago sa pagkatao niya. Mayroon bang pagmamahalan na mabubuo sa kanila o habang papalapit si Amanda sa katotohanan ay pagkamuhi ang babalot sa kalooban niya?
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
His Dangerous Desire

His Dangerous Desire

Anim na taon nang tapat sekretarya si Samantha Hernandez ng CEO – pinagkakatiwalaan, iginagalang at itinuturing na rin na parang isang pamilya. Ngunit isang gabing puno ng kapusukan ang siyang nagbago ng lahat. Sa kanyang paglalasing matapos ang hiwalayan sa pagitan ng kanyang nobyo, natagpuan niya ang sarili sa bisig ni Theo Buendia – ang arogante, mapusok at black sheep na kapatid ng CEO. Ang isang pagkakamaling gustong kalimutan ni Samantha ay naging simula ng pagkahumaling ni Theo sa dalaga. Ngayon ay nagbalik na siya…hindi lamang sa buhay ni Samantha kundi pati na rin sa opisinang pinagtatrabahuhan niya, bilang kanyang temporary boss. Gusto niyang kalimutan ang binata ngunit lubos naman ang paghahangad nito sa kanya. At sa kagustuhan niyang takasan ito ay mas lalong nagiging malinaw na ayaw siya nitong pakawalan pa.
Romance
1011.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Mapanirang Pag-ibig

Mapanirang Pag-ibig

Yung bata na iniligtas ko noong maliliit pa kami ay lumaking isang possessive at obsessive na CEO. Sampung taon niya akong kinontrol, gamit ang sakit ng lola ko bilang pang-blackmail para pilitin akong magpakasal sa kanya. Sinubukan niyang gawin ang lahat para makuha ang loob ko—kahit anong paraan, ginawa niya,pero hindi ko siya kailanman minahal. Dahil sa sobrang galit, nakahanap siya ng babaeng halos kamukha ko para pumalit sa akin. Ipinagmalaki nila ang relasyon nila sa harap ng lahat, at may mga bulung-bulungan na natagpuan na raw ng CEO ang tunay niyang pag-ibig. Pero isang araw, dumating ang babaeng iyon sa villa kasama ang mga alipores niya, gamit ang atensyon at pagmamahal ng CEO bilang lakas ng loob. Isa-isa niyang binali ang mga daliri ko, sinugatan ang mukha ko gamit ang utility knife, at inalis ang damit ko para ipahiya ako. “Kahit nagparetoke ka pa para magmukhang ako, palalagpasin ko na ‘yun. Pero natuto ka pang magpinta nang kagaya ko? Grabe kang mag-aral! Tignan natin kung paano ka makakaakit ng mga lalaki ngayon!” Habang duguan na ako at halos mawalan ng malay, sa wakas dumating ‘yung obsessive na CEO. Hinila ako ng babae sa harapan niya at mayabang na nagsumbong, “Honey, itong babaeng ‘to ay nagtatago rito sa villa, tinatangkang akitin ka. Siniguro kong hindi siya magtatagumpay!”
Short Story · Romance
1.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Battered Wife's Sweet Revenge

Battered Wife's Sweet Revenge

Ang akala niyang magandang buhay bilang bagong kasal ang magbibigay sa kaniya ng sobrang kaginhawaan at labis na saya, ay siya palang mag-uuwi sa kaniya sa magulong buhay. Ang akala niyang wagas na pag-ibig dahil sa wakas ay natali na siya sa taong mahal niya, ay iyon pala ang dahilan kung bakit siya sobrang magdurusa. Ang sagradong kasal na inaakala ng lahat na magiging masaya, iyon pala ang siyang magdadala sa kaniya ng labis na kalungkutan. Hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya ang mga nangyayari sa buhay niya lalo na't nag-iba na ang turing sa kaniya ng kaniyang mahal. Hindi niya alam kung saan siya lulugar at hindi niya na alam kung saan pa niya ilalagay ang pagmamahal na meron siya sa kanilang relasiyong dalawa. Hirap na hirap na siya lalo na at pakiramdam niya ay siya na lang ang lumalaban sa kanilang dalawa at tila siya na lang ang gumagawa ng paraan para maging maayos sila. Pero sa huling pagkakataon, gagawin niyang muli ang lahat para bumalik sa dati ang takbo ng kanilang relasiyon. Sa huling pagkakataon, sasabayan niya ang takbo ng panahon at maghihintay muli na dumating ang oras na sasaya siya muli sa piling ng kaniyang mahal. Ito ang kuwento ng isang babae, kuwento ng isang aping asawa... ito ang kuwento ni Rowena.
Romance
10930 viewsOngoing
Read
Add to library
ABS #1: Pretending to be My Stepsister to Marry the Billionaire

ABS #1: Pretending to be My Stepsister to Marry the Billionaire

Alejandro Brothers Series #1: Pretending to be My Stepsister to Marry the Billionaire Ako si Lileanne Monteverde, and I pretend to be my stepsister Marga to marry the billionaire. Ginawa ko ito hindi dahil gusto kong agawin ang buhay niya, kundi dahil kailangan ko ng pera para sa tuition fee ko. Wala na akong ama, at hindi man lang ako binigyan ng parte sa naiwan niyang ari-arian. Kaya kahit labag sa loob ko, tinanggap ko ang alok ni Marga kapalit ng malaking halaga — isang kasunduang magpanggap ako bilang siya, upang makilala ang lalaking nakatakda niyang pakasalan. Until I slowly fall in love with the billionaire, Ziven Alejandro... Hindi ko inakalang sa likod ng pangalan, yaman, at seryosong tindig ay may lalaking marunong makinig, umunawa, at magpahalaga. Mas lalo akong nalito nang maramdaman kong masarap palang mahalin — kahit alam kong hindi ako dapat masangkot. Paano kung ang puso ko’y pumili sa gitna ng kasinungalingan? At kung malalaman ni Ziven Ang katutuhanan, na nagpapanggap lang ako? Tatanggapin at mamahalin niya pa rin ba ako?
Romance
10921 viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Minahal ni Madeline Crawford si Jeremy Whitman sa loob ng labindalawang taon, subalit siya mismo ang nagpadala sa kanya sa kulungan. Sa gitna ng kanyang sakit at pagdurusa, nakita niya pang nahulog ang lalaking ito sa ibang babae… Limang taon ang nakalipas, nakabalik na siya ng may panibagong lakas, hindi na siya ang parehong babae na pwede nilang maliitin ilang taon na ang nakararaan! Sa bago niyang anyo, sisirain niya ang kahit sinong magpapanggap at aapakan niya ang lahat ng sinumang basura. Kaya nga lang, nang sisimulan niya na ang kanyang paghihiganti sa lalaking sumira sa kanya… Biglang nagbago ang ugali nito. Mula sa pagiging isang malamig at walang emosyong tao, naging isa itong mapag-alaga, maalalahanin, at mapagmahal na lalaki! Hinalikan pa nga nito ang kanyang paa sa harap ng maraming tao habang nangakong, “Madeline, nagkamali ako na magmahal ng iba. Mula ngayon, ibubuhos ko ang natitira kong buhay para bumawi sa iyo.” Tumugon naman si Madeline, “Papatawarin lang kita kapag…. namatay ka na.”
Romance
9.41.7M viewsCompleted
Show Reviews (1316)
Read
Add to library
Resha Valentine
hahaha naiinis aq s kwento ..not too good to be true,, grabe naman legal wife cya ,e cya p nakulong haysss... 😅,grabe naman ang pagiging maimpluwensya ng pamilya whitman hehe,, npakamartir . tsaka kung gnyanin aq ng lalaki nako.kht mahal ko never aq mgpaganyan ,naloka aq s storya ..pro sayang
Soo Jeong Lee
nakakakawa ang kalagayan ni madie bakit ganito kalupit angbkwentong ito. ang sakit ng dinanas nya sa kamay ng asawa nya. dapat matauhan na si madie at magbagong buhay saka na sya bumalik pag mayaman na sya at maging matapang matutong pumatay para katakutan sya ng mga taong nagkasala sa kanya
Read All Reviews
The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

The Substitute Wife of Mr. Ruthless Zillionaire

Sa isang iglap, nagising si Kyline sa bangungot na hindi kanya, isang silid na madilim, isang lalaking hindi niya kilala, at isang pagkakakilanlang hindi kanya ang isinuksok sa kanyang pagkatao. Sa harap ng malamig at mapanganib na presensiya ni Shawn Constantino, pinilit niyang tanggapin ang kasinungalingang siya si Karen, ang kanyang kambal na kapatid na biglang naglaho. Ngunit higit pa sa takot at poot ang bumabalot kay Kyline. Sa bawat salita ng kanyang ama, unti-unting nalalantad ang masakit na katotohanan na ginamit siya bilang kapalit sa isang kasunduang nakataya ang kapalaran ng buong pamilya nila. Sa ilalim ng mga lihim at panlilinlang, napilitan siyang gampanan ang papel ng isang asawa sa lalaking galit na galit sa kanya, isang lalaking hindi kailanman magtitiwala. Hanggang kailan niya kayang itago ang tunay niyang pagkatao? At kapag natuklasan ni Shawn ang katotohanan, magiging kapatawaran ba o kapahamakan ang kahihinatnan ng kanyang puso? Isang kwento ng pag-ibig, pagtaksil, at kapalarang pilit ipinaglalaban sa gitna ng dilim.
Romance
106.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Secretary

The Billionaire's Secretary

Payak na pamumuhay ang mayroon si Xariel Cassandra Fumidor kasama ng kaniyang mga anak. Ngunit isang dukha lamang siya at hirap na kumakayod sa pamumuhay upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Rumaraket ito ngunit hindi pa rin iyon sapat. Kaya naman pinasok nito ang posisyong sekretarya sa Alvarez's Company nang siya ay matanggap doon. Ngunit hindi niya lubos akalaing ang magiging boss niya ay ang dati nitong asawa na si Nathan Antonio Alvarez. Muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngunit maibabalik kaya nila ang dating tamis ng kanilang pag-iibigan kung may mga anak na ito habang ang lalaki naman ay engaged na? Muli bang mamahalin ni Nathan ang dati nitong asawa na nilisan siya o mananatili sa piling ng kaniyang kasintahan na siyang nariyan na simula pa noong mga panahong nasasaktan siya?
Romance
1016.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2627282930
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status