공유

Chapter 9

MAGANDA ang gising ni Kathrina ng sumunod na umaga. Pagmulat na pagmulat ng kanyang mga mata ay nakangiti na kaagad siya. Magaan ang pakiramdam niya ng siya’y bumangon. Agad siyang naligo kaya mas lalong umaliwalas ang kanyang pakiramdam. Sa unang pagkakataon ay nagbihis siya ng matino kahit wala naman siyang lakad. Pinili niyang isuot ang baby pink niyang blouse with collar at maayos na short. Hinayaan niyang nakalugay ang basa niyang buhok. Hindi rin muna niya isinuot ang kanyang salamin. Nakapaskil ang ngiti sa labing lumabas siya ng kanyang kuwarto. Dire-diretso siya sa labas ng kanilang bahay. Nadatnan niya si Kevin na nag-aagahan sa kanilang garden. Lumapit siya dito.

“Good morning bro.” masiglang bati niya sa kapatid. Umupo siya sa bakanteng silyang katabi nito.

“Good morning Ate --- wow! Saan ang lakad mo ngayon?” napapalatak na tanong nito. Minasdan siya nito mula ulo hanggang paa.

Hindi niya kaagad ito sinagot. “Mameng, pasuyo naman please. Pakidalhan nalang ako ng plato di
잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status