Share

Chapter 7

NAPANSIN ni Kathrina ang paghihiwalay ng ulam ng kanyang ina sa isang Tupperware. Nasa harap ito ng kalan. Nasa kusina sila at mukhang katatapos lang nitong magluto ng kanilang pananghalian. Natakam pa siya ng makita ang sinigang na sugpo. Bigla ay gusto na kaagad niyang kumain.

Kumuha siya ng isang baso at tinungo ang refrigerator. Kagagaling lang niya sa kanyang silid at katatapos magsulat. Nauhaw siya kaya nagtungo siya sa kusina. Binuksan niya ang ref at kumuha ng isang babasaging pitsel na naglalaman ng tubig. Bitbit ang pitsel at baso ay lumapit siya sa ina. Sumandal siya sa lababo habang nakaharap dito. Nagsasalin na siya ng tubig ng magtanong siya rito. “Para kanino ‘yan Ma?” wala sa loob na tanong niya.

“Pinapahiwalay ng kapatid mo. Ibibigay daw niya sa bago niyang kaibigan.” Sagot nito habang nagsasalin ng sabaw ng sinigang sa Tupperware.

“Ha? Kaibigan? May bago nanaman siyang kaibigan? Sino?” lumagok siya ng t

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status