THE BILLIONAIRE SINGLE DAD NEXT DOOR
Higit sa lahat, miss ko na ang pakiramdam na malaya akong magmahal.
My father was a kind man. Sa mga taong nangangailangan ng tulong, kilala siya bilang isang mabuting tao. Mapagbigay siya at maaasahan, lalo na pagdating sa negosyo at pamilya pero may isa siyang katangiang hindi ko kailanman nagustuhan. Kapag tungkol na sa kinabukasan ko ang pinag-uusapan, nagiging ibang tao siya. Strict, controlling at kung minsan, ruthless. Samantalang si Mommy ay sweet at gentle. Siya ang karaniwang yumayakap sa akin kapag malungkot ako, ang unang sumusubok umunawa sa akin kapag may problema ako pero sa kabila ng kabaitan niya, palagi pa rin siyang sumusunod kay Daddy. At iyon ang mas masakit.