Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion

Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion

Mariecris Bayubay, isang probinsyanang naging biktima ng karahasan sa syudad. Namuhay sa apat na sulok ng madilim na silid. Walang karamay. Walang masasandalan. Nag-iisa. Walang kamag-anak. Wasak. Bigo. Nabuhay sa takot at pagpapakamatay. Halos mawala siya sa sariling katinuan hanggang sa mapadpad siya sa puder ng isang napakayamang lalaki at magaling na psychiatrist na nagngangalang Seven Castillion, isang binatang bigo sa pag-ibig dahil ang unang babaeng minahal niya ay siya na ngayong asawa ng kanyang nakakatandang kapatid. Nagparaya siya kahit sobrang sakit na pakawalan ito. Hinding hindi na niya nakikita ang sariling magmamahal ulit dahil kahit na may sarili ng pamilya ang babaeng unang minahal ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Ang binata ang nagbihis at nag-alaga kay Mariecris sa mga panahong gusto na niyang sumuko. Dahil sa kabutihan nito ay hindi niya namalayang nahuhulog na siya, pero anong mapapala ng pagmamahal niya para dito kung may ibang tinitibok ang puso nito? Siya nga ba ang unang babaeng babali sa tadhana ng mga Castillion? Siya nga ba ang unang babaeng magsasabing hindi totoo ang paniniwala ng mga ito na kung sino ang unang minahal ay siya ang huli? O dahil sa pag-ibig niya sa binata ay mas lalo siyang mawawasak at muling nanaisin na mamatay nalang?
Romance
1015.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia' Seeds Thief

The Mafia' Seeds Thief

Si Lucky ay NBSB, at isang matagumpay na manunulat ng erotika. Lumaki siyang malaya at may sariling kakayahan kahit na ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya. Siya ay kontento na sa kanyang dalawampu't walong taong pag-iral. Gayunpaman, umabot siya sa punto ng kanyang buhay na nais niyang magkaroon ng anak. Nasa tamang edad na si Lucky; marami na siyang naipon na pera at may sariling bahay. Ito rin ang paulit-ulit na hinihiling ng kanyang mga magulang. Isa lang ang problema ni Lucky: dumaranas siya ng genophobia, isang mental health disorder na nailalarawan sa pamamagitan ng takot sa sekswal na intimacy. Walang ibang nakakaalam sa kalagayan niya bukod sa matalik niyang kaibigan na si Genesis. Maging ang sariling pamilya ay walang kamalay-malay dahil natatakot siyang kutyain ng iba ang kanyang kalagayan; kaya, hindi solusyon ang pag-ampon sa kanyang pagnanais na magkaroon ng anak. Isang opsyon lang ang maiisip niya: IUI, isang medikal na pamamaraan kung saan direktang itinatanim ang sp*rm ng isang lalaking donor sa matris ng babae. Sinabi ni Lucky kay Genesis ang tungkol sa kanyang plano, at sinuportahan siya ng kanyang matalik na kaibigan; gayunpaman, nang sabihin niya na gusto niyang si Genesis ang kanyang sp*rm donor, tumanggi ang lalaki, na sinasabing ayaw niyang managot sa sinumang babae, lalo na kay Lucky. May paraan na, pero hindi inasahan ni Lucky na mahihirapan siyang kumbinsihin ang matalik na kaibigan, kaya naman gumawa ng krimen si Lucky isang gabi matapos makipagtalik si Genesis sa kanyang flavor of the month; ninakaw niya ang ginamit na condom ni Genesis. Magtatagumpay kaya ang insemation ni Lucky? Ano ang mangyayari sa pagkakaibigan nila ni Genesis dahil sa makasarili niyang desisyon? Mawawasak ba sila o may bagong pag-ibig ang uusbong sa panahong sinubok ang kanilang pagkakaibigan.
Romance
1014.6K viewsCompleted
Read
Add to library
FHM Series 1: Drugged (Filipino/Tagalog)

FHM Series 1: Drugged (Filipino/Tagalog)

Clara Alonzo
Being the head of the family, kay Marco na atang ang responsibilidad na palaguin ang kumpanyang itinaguyod ng pamilya pati na rin ang pagpapalaki sa nakababatang kapatid na si Beatriz. He had worked hard, played all his cards wisely para marating ang kung anumang narating niya ngayon. Aside from being the CEO of Fuentabella Conglomerate, together with his two mates ay naitayo nila ang FHM Management. He then finally decided the inevitable, to settle down because part of him longed for something warm like the sunshine. How cheesy it may sound he wanted something like what Beatriz possess. Love and family. Everything was doing fine. He's waiting for Poleen to be ready until he get a taste of her. Her sweet, innocent Cielo. Consuelo Sta. Maria, ang dalagang napiling ipakasal kay Stefano Hernandez. Ang naturang kasal ang magiging kaganapan sa matagal ng plano ng parehong haligi pamilya. She give it a try, kung para sa abuelo niya ay gagawin niya ang lahat. Stefano seems nice sa kabila ng pagiging stiff at aloof. Until their paths cross, the remarkable Marco Antonio Fuentabella Would she succumbed to heat everytime Marco initiates it? Paano na ang nalalapit niyang kasal kay Stef? Would she commit?
9.512.1K viewsOngoing
Read
Add to library
A Drink With You

A Drink With You

"I didn't plan on falling in love with someone else." 'Yan ang salitang hinding-hindi makakalimutan ni Gilliane dahil sa isang pangyayaring nag-iwan ng malalim na sugat sa kanyang puso. Pagkatapos siyang takbuhan ng lalaking mapapangasawa niya sana sa araw ng kanilang kasal, sa harap ng altar at napakaraming tao. Nang nangyari 'yon ay doon niya natutunan na walang kasiguraduhan ang anumang bagay sa mundo. That true love is not measured by how long you are together because in the end, it all just doesn't matter when the person you love the most gave up and find another woman and leave you before your eyes. Pagkatapos ng lahat nang delubyong nangyari sa kasal niya ay napilitan siyang sumama sa matalik na kaibigan pabalik ng Pilipinas para paghilumin ang sugat. Nagtungo siya sa bar gabi-gabi and her bestfriend was aftraid she would self-destruct. Sa unang bar na napuntahan ay nakilala ni Gilliane ang isang napakaguwapong lalaki. They even talk without giving each others name and number. Nang sumunod uling gabi, sa ibang bar ay muli silang nagkita nang hindi sinasadya. Nakailang beses silang nagtagpo kahit na hindi nila pinag-uusapang magkita. Naisip niya na waring pinagtatagpo sila ng tadhana. Pero dahil sariwa pa kay Gilliane ang nangyaring pang-iiwan sa kanya ng kanyang long-time boyfriend, ayaw niya munang mapaugnay sa kahit na sino mang lalaki. She stopped going in the bars and chose to stay at home. Ngunit waring talagang tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkita sila ng lalaki dahil muli silang nagkita sa loob ng operating room. The man was Dr. Sebastian Villaraza, isang mahusay na surgeon sa bagong ospital na pagtatrabahuhan ni Gillian. A Ano kaya ang nais ipahiwatig sa kanya ng tadhana sa kanilang muling pagkikita ng napakaguwapong surgeon na ito?
Romance
1016.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)

Fragments of Memories 2: Beautiful Stranger (Tagalog)

La Tigresa
Just when Elaine's husband, Tan De Marco, needed her most, she left him. Tangay ang limang milyong pisong hiningi niya bilang kabayaran sa "panahong nasayang kasama ito." After three years, Tan had moved on with his life and became a successful surgeon. Nalagay sa problema ang DM Textile-ang kompanyang pinalago ng Lolo Daniel ni Tan noong nabubuhay pa ito. The only way to save the company was to remarry his heartless ex-wife na hindi na uli nagpakita. Pero para kay Tan, mas gugustuhin pa niyang gumapang sa hirap kaysa maikasal uli sa dating asawa. Upon knowing about Daniel De Marco's will, Elaine reappeared and approached Tan again. Nagawan niya ng paraan para maikasal uli kay Tan sa kabila ng kaalamang wala nang pagmamahal para sa kanya ang lalaki. Elaine tried to do everything to win Tan's heart back. But her efforts were in vain. Until she met SPO3 Marco Figueroa who kept on saving her. Tan would be battling not only with the handsome cop but also with Elaine's painful past. May happy ever after ba sa dulo ng daan kung malalaman ni Tan ang totoong dahilan kung bakit niya ito iniwan tatlong taon na ang nakakaraan?
1013.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Seducing the Blind Billionaire

Seducing the Blind Billionaire

Isang kalapating mababa ang lipad, yan ang madalas na tawag sa mga tulad ni Juliana. Kahit anong pagtatama niya sa perception ng tao sa uri ng trabaho niya mababang uri pa rin ang tingin sa kanya. Pero ang pinakamasakit para kay Juliana ay ang ultimo taong mahal niya ay ganun din ng tingin sa kanya at mas malala pa kahit pa nga alam nito ang nature ng trabaho niya.Kaya lihim na pinangarap ni Juliana ang makalayo sa lugar at makahanap ng bagong buhay. Pero paano kung sa isang taong may mapansanan niya mahanap ang liwanag at tamang pagmamahal na inaasam? Magagawa kaya siyang mahalin ng lalaki sa kabila ng katotohan ng kanyang pagkatao
Romance
9.714.0K viewsCompleted
Read
Add to library
BOUGHT BY THE BILLIONAIRE

BOUGHT BY THE BILLIONAIRE

May magandang mukha, makurbadang katawan, malaporselanang kutis, simple lang mag ayos, at higit sa lahat may busilak na puso ang dalagang lumaki sa malayong probinsya na si Berry Marasigan. Sa angking kagandahan ni Berry ay marami sa kanya ang nagkakagusto o nahuhumaling. Sa edad niyang bente dos ay simpleng inosente pa rin siya dahil hindi pa siya nakaranas magkaroon ng kasintahan. Nang maulila si Berry sa mga nag ampon sa kanya ay nangarap na siyang makarating ng Maynila upang hanapin ang kanyang tunay na ina, kaya mabilis na nahikayat si Berry ng bagong kakilala ng alukin siyang makapagtrabaho sa Maynila at agad niyang sinunggaban ang oportunidad na iyon ng hindi na nagdalawang isip pa. Pagkarating sa Maynila ay ibinenta naman siya ng recruiter niya sa may ari ng isang sikat na night club na ang mga costumer ay mga mayayaman. Sa angking kagandahan at kaseksihan ng dalaga ay maraming lalaki ang gusto siyang maangkin at isa na sa kanila si Jayden Curtis, ang binatang CEO ng GC Construction Company na pagmamay-ari ng pamilya nila. Na love at first sight ang binata sa dalaga kaya nais niyang tulungan si Berry na makaalis agad sa club. Ngunit hindi iyon naging madali para kay Jayden, dahil sa pinagkaguluhan ang kagandahan ng dalaga ay ipina-auction si Berry ng may ari ng club at na bid ang dalaga sa napakalaking halaga. 20 Million pesos ang naging last bid ng bidder mapasakanya lang ang kaakit-kaakit na si Berry Marasigan.
Romance
1015.6K viewsCompleted
Read
Add to library
CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)

CEO ROMANCE SERIES (JAKE & YESHA)

Jake Mendellin and Ayesha Mae Valdez met in a bar and hit on a one night stand. Iyon ang akala ni Yesha. Inakala niyang ang nangyari sa kanila ng estrangherong nakilala niya sa bar ay isang gabi lang ng kanyang pagka-pariwara. She blamed it on alcohol and the pain caused by her father. Tinangka niyang kalimutan ang nangyari sa kanila ng estranghero ng gabing iyon. Pero hindi pala magiging ganoon kadali. Ang isang gabi ng kanyang pagkalimot ay nagbunga. Magagawa kaya niyang ipaalam kay Jake ang kalagayan niya? Gayong nalaman niya na ikakasal na pala ito sa iba.
Romance
9.713.2K viewsCompleted
Read
Add to library
ALL OF ME(A Wife Untold Story)

ALL OF ME(A Wife Untold Story)

Shein Althea
Para kay Laura ang pag-ibig ay parang sugal. May nananalo... May natatalo. Sa larong siya mismo ang taya. Ano ang kaya niyang ibigay? Papaano niya haharapin ang kapalarang nakaabang sa kaniya kung ang lahat nang nasa paligid niya ay kontra? Lahat ay kayang gawin para sa minamahal. Lahat ay kayang ibigay para sa pag-ibig. Sarili. Dignidad. Karapatan. All of Me...
1012.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Married to Ugly Woman

Married to Ugly Woman

Pinakasalan ni Andrew si Hannah dahil sa palugi na ang kanilang kumpanya. Napabayaan niya ito dahil sa pagkaaksidente na nangyari kay Ashley. Hindi akalain ng lalaki na ang mapapangasawa niya ay kabaliktaran ng itsura ng kanyang Girlfriend na si Ashley. Samantalang nagpapanggap lang pala si Hannah na pangit para malaman kung ano ang tunay na ugali ni Andrew. Dahil sa napilitan silang magpakasal ay hindi matanggap na isang pangit ang kanyang Asawa. Ano kaya ang magiging buhay ni Hannah sa kamay ng lalaki? Paano niya pakikitunguhan ang ang lalaki kung nandidiri ito sa kanya?
Paranormal
8.512.8K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status