Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MY BOSS IS CHASING ME (SPG 18+)

MY BOSS IS CHASING ME (SPG 18+)

Banayad ang unang kagat sa labi ni Samantha kaya napasinghap siya, at hinalikan siya ni Dwyn sa leeg pababa. Mainit at maselan ang bawat dampi, at si Samantha ay kusang tumagilid ng ulo, tila tinatanggap ang halik. Lalong tumindi ang pagnanasa ni Dwyn. Bahagyang bumuka ang bibig ni Samantha, naghahanap ng hangin, pero nanatili pa rin ang inosenteng ekspresyon sa mukha. “Bakit kamukha mo ‘yong boss ko?” tanong niya, lasing na lasing. Binuhat siya ni Dwyn papunta sa kama at inihagis sa malambot na higaan, sabay dakma ulit sa katawan niya. “Alam mo ba kung sino ako?” tanong niya, galit at sabik ang boses. Umiling lang si Samantha na parang tuliro. Napamura si Dwyn at tumayo, pilit pinipigilan ang sarili. Ayaw niyang samantalahin ang sitwasyon. Lumabas siya ng kwarto, pumunta sa kusina at uminom ng malamig na tubig para pakalmahin ang sarili.
3.4K viewsOngoingAdded to Library 120 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
Beneath His Shadow

Beneath His Shadow

Alam nilang mali. Alam nilang delikado. Pero sa pagitan ng sakit ng nakaraan at init ng damdamin, may isang bagay silang parehong kinatatakutan...ang tuluyang mahulog sa isa’t isa.
102.9K viewsOngoingAdded to Library 117 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
The Hidden Princess

The Hidden Princess

Aziria Izzy Sullvian? Lumipat sa sariling pagmamay-aring paaralan nila o sabihin na nating stock-holder ang tatay niya. Ang dalaga ay nagtatago mula sa mga kaniyang magulang sa kadahilanang lubos na ikinagalit at ikinalungkot nito. Dito mag-uumpisa ang kalbaryo ng kaniyang buhay na takbuhan ang mga bodyguards ng kaniyang tatay. Itago ang totoong pagkatao at umaktong hindi kilala ng lahat.Tago nang tago ang dalaga hanggang siya na mismo ang sumuko. Ano na naman bang magiging buhay niya kapag nasa poder na naman siya ng kaniyang mga magulang? Lalago ba ang kaniyang galit dito? O permanente na siyang hawak-hawak ng kaniyang mga tinataguan?Ang paaralan ang magpapahirap sa kaniya ngunit doon niya rin makikita ang taong hindi niya inakalang mamahalin niya. Mali ba ang kaniyang pagdedesisyon? Mali ba ang tinatahak niyang daan? Ang katigasan ba ng kaniyang ulo ang magpapahamak sa kaniya?Ms. Aziria Izzy Sullvian, hide!
109.1K viewsCompletedAdded to Library 317 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
Chained with my boy bestfriend

Chained with my boy bestfriend

ArEnJayne
"Alam mo ikaw ha, masyado kang pala-desisyon. Buhay ko ito kaya huwag kang makialam lalo pa at wala naman ako’ng naging say sa love life mo,” naiinis na pahayag ko kay Franco. Naiinis kasi ito nang malaman na gusto ko ng magkaanak. Lagpas na ako sa kalendaryo at sa takot ko na mapag-iwanan ay ito ang naisip ko na solusyon. Wala sa vocabulary ko ang pag-aasawa dahil na rin sa naging karanasan ng nanay ko at sa nakikita ko sa paligid ko kaya nawalan na ako ng interes lalo na sa mga lalaki. Maraming nanliligaw subalit lahat sa akin ay red flags. Dagdagan pa nitong kaibigan ko na walang inaayawan basta naka-palda sa paningin nito lahat ay maganda. Mabait naman ito, matalino, responsable, masipag at madiskarte subalit sadyang palikero. “Ako ha, concern lang ako sa iyo. Huwag sanang masamain. Mamaya sa kagustuhan mo ay mapahamak ka pa.” Patuloy na litanya ni Franco sa akin. “Kaya nga bago pa mangyari iyon ay uunahan ko na. Hindi ako mai-inlove, hindi ako magiging martir at lalong hindi ko hahayaan na masaktan lang ako ng kagaya mo. Kaya nga anak lang ang gusto ko at iyon na ang pupuno sa pangarap ko. Hindi ako mag-aasawa at sakit lang iyan sa ulo,” masungit na sagot ko. “Ganun ba? Bakit ka pa maghahanap sa malayo at hindi mo kilala kung mayroon naman sa harapan mo? Ako na lang kaya, ano? Makakasiguro ka pa na galing sa magandang lahi at pamilya ang magiging anak mo,” tugon ni Franco. Napamaang ako sa naging sagot n’ya. Pwede kaya o baka magiging mitsa lang ito ng bagong kalbaryo sa buhay namin? Mas makapagpapatibay o makakasira kaya ito sa aming pagkakaibigan? Subalit hindi ko maiwasan kiligin at makadama ng challenge na baka ako lang pala ang makapagpapatino kay Franco.
2.1K viewsOngoingAdded to Library 44 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
Carrying The Professor's Twins

Carrying The Professor's Twins

Sanay na sa sakit si Olivia Margarette Gallego, sa ipinararamdam pa lamang ng kanyang magulang sa kanya sa araw-araw ay nag-uumapaw na siya. Ngunit iba pala ang sakit iyong mahal at pinagkatitiwala mong tao ang siyang mangloloko sa'yo. Nalaman niyang kasal na pala ang kanyang anim na buwang nobyo at may anak pa! Sa pinaghalong kalungkutan at pighati, pumara siya ng taxi at tumungo sa isang club at doon nagpakalawing, umaasang mawala na ang sakit kinabukasan. Ngunit kinabukasan at iba ang namulatan ng kanyang mga mata. Nakahiga siya sa isang malaking kama at katabi ang nag-iisang terror mathematics professor, si Mr. Wrecker Silas Monroe. Ang akala niyang isang gabi lamang ng pagkakamali, ang hindi niya alam ay panghabangbuhay niyang dadalhin ang bunga niyon. May pag-asa pa bang makatatagpo siya ng lalaking mamahalin siya ng tunay? O makukuntento na lang siya sa pagmamahal para sa kanyang mga anak?
1033.2K viewsCompletedAdded to Library 796 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
THE FIFTY-BILLION BRIDE

THE FIFTY-BILLION BRIDE

Midnight_writer
Kailangan ni Eleanor ng 50 bilyon para maisalba ang kanyang kumpanya mula sa pagkalugi. Saan kaya siya makakuha ng ganyan kalaking halaga? Dahil sa sobrang stress niya ay nagpunta siya sa isang club kasama ang kaniyang kaibigan at naglasing. Paano kung may makilala siyang isang lalaki doon at may mangyayari sa kanila? Kinabukasan ay nalaman niya na ang lalaking nakatalik niya pala ay isang sikat na negosyante, nabuhayan siya at nakaramdam ng kaunting pag-asa. Naisip niya na pwede niyang gawin itong tulay upang makakuha ng 50 bilyon. Kaya nag-alok siya sa lalaki, isang alok na hindi siya sigurado kung kaya niyang panindigan. Magpapakasal sila kapalit sa malaking halagang pera. Tatanggapin kaya ng lalaki ang alok niya? O tatanggihan.
101.3K viewsOngoingAdded to Library 40 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
Stealing The Billionaire

Stealing The Billionaire

FaithLovelle
Hanggang saan ang kaya mong gawin para maabot ang iyong mga pangarap? Handa ka bang lumaban, mang-agaw at manakit ng kapwa para sa sariling kaligayahan? Siya sa Geneva at gagawin niya ang lahat para agawin si Tristan sa asawa nito. Matalino, ubod ng guwapo at higit sa lahat ay sobrang yaman. Ika niya'y pag mabingwit niya ito, para siyang nanalo sa lotto. Jackpot nga kaya kung maisakatuparan niya ang plano o pagsisisihan niyang inagaw niya ang guwapong bilyonaryo?
1.0K viewsOngoingAdded to Library 36 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
HIDING HIS TWINS (BOOK 2)

HIDING HIS TWINS (BOOK 2)

Pseudonym
Ilang taon niyang inantay na mahalin siya ng lalakeng noon palang ay gustong-gusto na niya. Ipinagkasundo silang ikasal ng mga magulang nila at sobrang saya niya simula nong tumira na sila sa iisang bahay at sa wakas makakasama niya na rin si Ken. Sa tagal ng pagsasama nila ay nabago niya si Ken, si Ken na malambot na sa lalake lang dapat na a-attract kase nga isa itong bakla. At dumating na nga ang pinakaaantay niya. Minahal na siya ng taong mahal niya pero di nag tagal biglang nag bago ang lahat. Biglang naging cold at mapanakit ang dating malambing niyang asawa... Hanggang sa nalaman niya rin na niloloko siya nito...
102.1K viewsOngoingAdded to Library 69 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
One more Chance with Sir Niccolo

One more Chance with Sir Niccolo

LavenderPen
Sanhi ng sakit at matinding hagupit ng tinatawag na pag-ibig sa murang edad ay napilitang umalis ng bansa si Glyzel de Villa sa mismong araw ng kasal ni Niccolo Crowell. Ang almost three years secret boyfriend niya na noon ay class adviser lang nila. Baon ang pag-asang lilipas din ang lahat, pinili niyang sa Italy bumangon. Magsimula ng bagong buhay at muling buohin ang sariling winasak ng maling taong labis na minahal. Babalik siya ng bansa pagkaraan ng maraming taon, baon at dala ang paniniwalang buo at nakabangon na. May chance pa ba ang relasyon nilang madugtungan na pinutol at hinadlangan ng hindi akmang oras at panahon? Paano niya magagawang tuluyang maka-move on kung biniyayaan din siya ng kambal na anak na lingid sa kaalaman ng lahat? Isa pa bang pagkakataon? O tama na ang lahat ng sakit na idinulot noon?
101.4K viewsOngoingAdded to Library 28 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison

Marrying My Ex-Fiancee's Uncle After I Got Out Of Prison

Si Jade na isang ampon ng pamilya Guevarra ay napilitang akuin ang kasalanan ng tunay na anak na si Xianne kaya nakulong siya ng limang taon. Paglaya niya nya ibang-iba na ang mundo na iniwan nya—ang dating fiancee nya ay fiancee na ni Xianne. Takot naman ang kuya ni Jade na guluhin niya ang kasal ni Xianne kaya kung anu-anong panglalait at pang-aapi ang ginawa nito sa kanya. Palagi itong kumakampi kay Xianne sa lahat ng bagay. Ang masakit pa, ang anak na matagal na niyang inaasam na makasama ay iba na ang tinatawag at tinuturing na Mommy. Noong sagad na ang pagod ni Jade physically at mentally ay aksidente niyang nakilala ang isang maimpluwensyang tao na tinitingala ng lahat... si Ezekiel. Ang tiyuhin ng kanyang dating fiancee na si Asher. Sabi nga nila ay mas masarap mamahinga sa lilim ng isang matatag na puno. Binigyan siya ni Ezekiel ng kakaibang pagkalinga at ng lakas ng loob para makaahon mula sa impyernong pinagdaanan niya. Kalaunan ay hindi na lang siya basta si Jade Guevarra—siya na ang masayang si Mrs. Jade Elizalde. Mayroon na siyang perpektong asawa, isang cute na anak, at bagong pamilyang sobrang nagmamahal sa kanya. Unti-unti nang naghihilom ang mga sugat sa puso niya at lalong gumaganda ang takbo ng buhay niya. "Jade, gusto mo bang bumalik sa amin?" "Hinding-hindi na... hinding-hindi na ako babalik sainyo." Ngayon, ang dati niyang ex fiancee at ang buong pamilya Guevarra ay nakaluhod na sa harap niya at nagmamakaawang patawarin sila. Sobrang pagsisisi ang nararamdaman nila at hinihiling na lingunin man lang sila ni Jade kahit isang beses lang, pero huli na ang lahat. Hinding hindi na sya babalik sa mga ito!
896 viewsOngoingAdded to Library 35 Times as sobrang sakit ng ulo
Read
+Library
PREV
1
...
1819202122
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status