Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Buy Me for a Billion

Buy Me for a Billion

Prostitute? Mababa ang tingin ng karamihan sa mga kababaihang tulad ni Rebecca. Dahil sa kahirapan, hinanda na ni Rebecca ang sarili niya na ibenta sa halagang isang bilyon pambuhay niya man lang sa ama’t ina niya. Mas lalo pang tumindi ang kagustohan niyang iyon nang kinailangang sumailalim sa heart transplant ang tatay niya. Nakilala niya si Grayson na sumubok sa pagkapilya niya. Binigyan siya nito ng isang linggo para akitin si Grayson at kumbinsihin na bilhin siya nito sa halagang isang bilyon. Pero paano kung ang isang linggong iyon ng pangungumbinsi ni Rebecca sa binata. . .makumbinsi rin kaya ang puso ni Grayson para mahulog sa dalaga? O mananatiling pera ang magpapatakbo sa relasyon nilang dalawa?
Romance
1017.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Reject his child

Reject his child

"Bakit mo ba sa'kin pinagpipilitan ang ipinagbubuntis mo? Look, niligawan at pinakasalan lang kita para pasakitan si Stephanie at hindi ang inaakala mong pagmamahal! At paano ka nakakasiguro na ako ang ama ng ipinagbubuntis mo?" Nakatatak na sa isip ni Aliah Tawili ang mga katagang binitawan ni Calib Osteja sa kaniya. Salat sa pagmamahal at aruga ng isang magulang si Aliah kaya nang mag krus ang landas nila ni Calib Osteja, Ang play boy at taga pagmana ng mga Osteja ay ginawa niya ang lahat para hindi siya iwan ng binata. Maisasakatuparan pa kaya ni Aliah Tawili ang magkaroon ng buong pamilya ang kaniyang anak? gayon isinisigaw ng binata na hindi siya ang ama ng kaniyang ipinagbubuntis
Romance
1017.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Kakaibang Tikim

Kakaibang Tikim

Tatlong taon nang kasal sina Keilani at Braxton, pero sa halip na lumigaya, nauwi sa sumbatan, kasinungalingan, at pananakit ang kanilang relasyon. Sa likod ng mga ngiti nila, may sikretong nakatago. Si Braxton pala ay may kabit. At si Keilani? May lihim din na nakakatikimang lalaki. Sa gitna ng sakit at pagtataksil, pumasok sa buhay ni Keilani si Sylas, ang CEO at Bilyonaryong asawa ng kabit ni Braxton na si Davina. Habang tinatago ni Keilani na alam niyang nangangabit ang asawa niya, doon na rin siya nademonyong gumawa ng mali. Nabighani si Keilani sa asawa ni Davina na si Sylas dahil sa guwapo at ganda ng katawan nito. Nung una, dapat ay magkakampihan lang sila sa pagtugis sa kani-kaniyang asawa, pero iba ang nangyari dahil nagkahulugan sila. Hindi na dapat itutuloy ni Keilani ang binabalak niyang pagtataksil na rin sa asawa niyang si Braxton, kaya lang, kakaiba mang-akit si Sylas, kaya nung gabing iyon, hindi na rin niya napigilang gawin ang kakaibang tikim na nasubukan niya sa piling ni Sylas. Simula nang may mangyari sa kanila, nagsunod-sunod na ito dahil aminado si Keilani na ibang sarap ang dulot ng isang Sylas sa kama kapag kasama niya ito. Pagkalipas ng ilang buwan, lumubo na lang bigla ang tiyan ni Keilani. Nung malaman ni Braxton na buntis na siya, doon ito biglang nagbago. Hindi na siya nakikipagkita kay Davina, nagbalik ang dating niyang asawang mabait, sweet at maalaga. Naiyak na lang si Keilani kasi alam niyang siya naman ang may malaking problema ngayon. Kung kailan nagseryoso na ang asawa niya, saka naman na niya ito gustong hiwalayan dahil nahulog na ang loob niya kay Sylas.
Romance
10326.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Gangster and His Bride

Gangster and His Bride

XessameStreet
Bukod sa isang drag racer, maraming kwestyon sa pagkakakilanlan at pagkatao ni Kane Talens. Kabilang ang mga tanong patungkol sakaniyang pinanggalingan. Ngunit tadhana na ang gumuhit at nakilala niya ang gangster na si Gabriel at sa hindi inaasahan, ito ang nagsilbing tulay upang magkaroon ng sagot ang kaniyang mga katanungan sa sarili, at kung sino ang nasa likod ng pagkakait ng mga bagay na ito sakaniya noong sanggol pa lamang siya. Sa kanila rin namang pagtatagpo ni Gabriel ay kaniya ring natagpuan ang una niyang pag-ibig, ang pag-ibig na magpaparanas sakaniya kung ano ang pakiramdam ng pagiging kumpleto. Ngunit may sorpresa pa pala ang tadhana, hindi lang para sakaniya kung hindi para sakanila ni Gabriel. Ito ay ang pagdating ni Shian na nagsilbing unang pag-ibig naman noon ni Gabriel, at ang balitang ikagigimbal nilang dalawa. Sa pagdating ni Shian kasama ang balitang iyon ay pag-usbong naman ng mga bagay na kailangang i-sakripisyo ng dalawa. Maaari nga bang magmahal ang taong hindi pa tapos magmahal ng iba? at sa pagbabalik ng nakaraan alin ang kaya nilang talikuran at alin, ang kaya nilang ipaglaban? Sa pagpunta sa punto ng pilian, marami 'mang pagsubok at pagdaanan, mananaig ang mas matimbang at iyon ay ang pag-ibig na kanilang nasimulan.
YA/TEEN
1.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Shoemaker

The Shoemaker

Achyxia
Napakarami na ng problema ng bayan ng Garapal dahil sa bilang ng mga krimeng nangyayari ngunit parang mas malaki pa yata ang problema ni Ruanne. Nais lang naman ni Ruanne na makalimot sa pangangaliwa ng nobyo niya na sa kaaway pa niya napiling makipaglandian. Ngunit ang taksil niyang puso ay hindi umaayon sa gusto ng kanyang isip. Sa gitna ng kanyang pagmomove-on ay nakilala niya si Pio, ang isa sa mga staff ng sikat na tindahang 'The Shoemaker'. Ang 'The Shoemaker' lang naman ang pinakasikat na tindahan ng sapatos na mayroon lamang isang branch na nakapuwesto pa sa tapat ng boutique ni Ruanne. Ito lang din naman ang magiging kalaban ni Ruanne kung sakaling simulan niya na ang kanyang shoe line. At ang tahimik na buhay ng binatang nag-aasikaso nito ay mabubulabog dahil sa alok ni Ruanne na maging pekeng kasintahan niya na siya namang tinanggap agad ng binata. Ngunit sa pagsunud-sunod ni Ruanne kay Pio, may malalaman siyang hindi dapat. At matatagpuan niya na lamang ang sarili niyang sinusunod ang lahat ng gusto ng binata, maging sa ibabaw ng kama. At hindi lang iyon, mapapasok niya pa ang delikadong mundo ng mafia.
Romance
1.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Maid, My Love (Filipino)

My Maid, My Love (Filipino)

Gustong makatulong ni Shaina sa pamilya niya kaya ay nagdesisyon siya na sumama sa Tita Delia niya sa Maynila para magtrabaho doon bilang isang kasambahay. Akala niya ay magkasama silang dalawa ng Tita Delia niya sa isang mansion ngunit hindi naman pala. Doon siya sa kalapit na mansion na pagmamay-ari ni Jacob Lopez na ulilang lubos na. Isa siyang bilyonaryo. Guwapo siya. Malaki ang pangangatawan. Hot na tingnan at kahit sinong babae ay magkakagusto kaagad ngunit walang gustong maging katulong niya dahil sa ugali nito na hindi kanais-nais. Ang huling naging katulong nito ay bali-balitang nabuntis nito kaya ay bigla na lang na umalis. Unang kita pa lang ni Shaina kay Jacob ay aminado siya sa sarili niya na gusto niya ito. Ano'ng gagawin ni Shaina sa nararamdaman niya para kay Jacob? Saan kaya siya dadalhin ng pagmamahal na 'yon para kay Jacob? Mahalin rin kaya siya ni Jacob o baka magaya lang siya sa mga babaeng naging panandaliang kaligayahan lang nito?
Romance
826.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Im His True Love SPG

Im His True Love SPG

Kilalang tahimik, seryoso, at walang paligoy-ligoy kung magsalita si Rafael Montenegro-ang CEO ng Montenegro Corp at nagmamay-ari ng mga luxury hotels sa buong bansa. Isang lalaking bihirang ngumiti at mas pinipiling manahimik kaysa makihalubilo,maliban sa kanyang mga kaibigan at pamilya. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Misty Vergara-isang simpleng dalaga na may pangarap sa buhay. Naging katulong si Misty sa bahay nila Phyton sa loob ng isang buwan ng una siyang makita ni Rafael. Hanggang sa magsimula ang kwento nila sa asaran,away ,at tampo.Pero may hangganan ang lahat. Sa muling pagtanggap ng trabaho mula sa employ ni Misty,hindi niya akalain na si Rafael pala ang maging boss niya.Pero huli na ang lahat para siya ay umatras. Ngunit paano kung sa kalagitnaan nang kanilang pagmamahalan,dumating ang mga pagsubok na magpapabago sa lahat. Bumalik ang unang pag-ibig ni Rafael-ang babaeng minsang minahal niya nang lubos. At kasabay nito, ang alok ng ina ni Rafael kay Misty: layuan ang anak niya kapalit ng katahimikan at kapakanan ng lahat.At ang isang milyong piso. Pero pinili ni Misty ang umalis nang walang paalam. Hindi alam ni Rafael na sa kanyang paglisan, dinadala na niya ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Ngunit paano niya sasabihin ang katotohanan kung sa kanyang pagbabalik ay malalaman niyang kasal na si Rafael sa babaeng matagal nitong hinintay? Kaya mas pinili ni Misty ang manahimik,upang sa ganun hindi makasira ng pamilya. Upang hindi siya matawag na kabit. Ngunit isang balita ang muling gigimbal sa mundo ni Misty-nasa bingit ng kamatayan si Rafael. Sa kabila ng lahat ng sakit at paglayo… Makakaya ba niyang tiisin ang lalaking minahal at hindi kailanman nakalimutan? O mas pipiliin niyang mananatiling tahimik?
Romance
10701 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Unexpected Wife of a Billionaire

Unexpected Wife of a Billionaire

"Mamili ka, siya, o ako?" tanong ni Danica kay Jethro. Natatawa pa ang lalaki ng bahagya sa kanyang sinabi, "anong kalokohan naman ang naiisip mo at pinapapili mo ako?" "Puro ka na lang. Lovely, lovely.. lovely! ni hindi mo nga naalala ang birthday ko eh. " may hinagpis sa kanyang tinig. Tiningnan lang siya ni Jethro, at tumalikod sabay labas ng bahay. Hindi siya makapaniwala na pipiliin nito ang babaeng iyon. Agad siyang nag alsa balutan, upang iwanan ang lalaki.
Romance
1012.6K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Dela Vega Series: Troublemaker

Dela Vega Series: Troublemaker

Sa pagbalik ni Ariana ng Pilipinas muli niyang makakaharap ang cold, playboy at distant niyang nakatatandang kapatid, si Brian Gil. Ang kapamilyang bukod tanging hindi malapit sa kanya. Wala siyang ibang hinangad kundi ang makuha ang loob ng nakatatandang kapatid at maging malapit dito. Ngunit, paano kung sa paghahabol niya sa affection nito ay higit sa inasahan niya ang handang ibigay ni Brian? Tanggapin kaya ito ni Ariana? O hahayaan na lang ang relasyon nilang bumalik sa zero?
Romance
4.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Chosen Wife

The Chosen Wife

CRISTINA JERMELINE
Si Deborah, ang isang batang witch na itinalagang maging pinuno ng kanilang witch clan sa takdang panahon ay anak ng isang prophet na si Hoziah Mosen. Nang mawala ang kanyang ama ay nalaman ni Deborah na sinasamba nito si Lord Father Adonai, ang diyos na galit sa witchcraft at dark magic. Tulad ng kanyang ama ay sinamba din ni Deborah ang diyos na si Lord Father Adonai at tuluyan nang tinalikuran ang pagiging witch. Lingid sa kaalaman ni Deborah ay siya pala ang nakatakdang witch na ipapakasal sa prinsipe ng mga werewolves na si Ramluiz. Tuluyan na nga kayang talikuran ni Deborah ang witchcraft o yayakapin na lamang niya ang kanyang kapalarang maging asawa ng prinsipi ng mga werewolves?
Fantasy
103.0K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
2930313233
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status