Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Mafia's Hidden Wife

The Mafia's Hidden Wife

MissD
Para tantanan ni Robert sa panggigipit at pamimilit si Alexa na pakasalan ito ay pinakiusapan ng dalaga na pakasalan siya ni Travis; ang lalaking natagpuan niya na walang malay at duguan sa gilid ng kalsada habang malakas ang buhos ng ulan. At bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa kanya ay pumayag si Travis sa pakiusap ni Alexa. Lihim na natuwa ang dalaga pagkat may lihim itong pagtatangi sa lalaking iniligtas niya kahit na ilang Linggo pa lamang silang magkakilala. Ngunit pagkatapos ng kanilang kasal ay sinundo ito ng mga kamag-anak ngunit nangako ito na babalikan siya para kunin. Isang Linggo ang lumipas ay sinundo siya ng tauhan ni Travis at isinama sa hotel kung saan ito nakatira. Ngunit sa halip na mahigpit na yakap ay isang contract marriage agreement ang isinalubong nito sa kanya. Napansin niya na ibang-iba na ito sa Travis na nakasama niya sa probinsiya. Seryoso at arogante ito na malayong-malayo sa mabait at mapagmahal na Travis na kilala at pinakasalan niya. At higit sa lahat ay natuklasan niya na isa pala itong miyembro ng mafia at tumatakbo bilang pinuno ng mafia organization. Paano haharapin ni Alexa ang tila naging estrangherong asawa lalo pa at itinatago nito sa lahat na siya ay asawa nito? Makakaya ba niyang makita na may kasama itong ibang babae o ipaglalaban niya ang karapatan niya bilang nag-iisa at legal nitong asawa kahit pa may contract agreement silang pinirmahan?
102.5K viewsOngoingAdded to Library 68 Times as sparda devil may cry
Read
+Library
Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss

Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss

Pagdilat ng mga mata ni Aurora mula pagkamatay, parang muling isinilang ang kanyang sarili—anim na taon ang lumipas, wala siyang alaala, ngunit muli siyang nabuhay na may bagong pamilya. May asawa siya ngayon, si Samuel Castillo, isang makapangyarihang CEO na kilala sa kanyang yaman, tapang, at malamig na ugali. Mayroon din silang dalawang anak na siya lamang ang tinatawag na “Mama.” At sa bawat araw na kapiling niya ang kanyang bagong pamilya, lalo niyang nararamdaman ang misteryo at bigat ng bagong mundong kanyang kinabibilangan. Ngunit sa anino ng kanyang nakaraan, may isa pang lalaking nagtataglay ng kanyang puso—si Lucas, isang makapangyarihang Mafia Boss na minsang minahal ng Aurora bago siya mawalan ng alaala. Para sa nakaraang Aurora, si Lucas ang lahat; ngunit para sa kasalukuyan, tila si Samuel ang pinipili ng kanyang puso, kahit pa puno ng sugat, kapangyarihan, at kontrol ang kanilang relasyon. Magsisimula ang isang laban na hindi niya hiniling—isang tunggalian ng dalawang makapangyarihang lalaki, parehong handang gawin ang lahat upang angkinin siya. Sa gitna ng yaman, kapangyarihan, at pagnanasa, matutuklasan ni Aurora na siya ang magiging gantimpala at sanhi ng isang digmaan ng pag-ibig, pagkasuklam, at pagnanais na maghari sa kanyang puso. Ngunit sa dulo ng lahat, kanino nga ba tunay na kikiling ang kanyang damdamin—sa pagmamahal ng kanyang nakaraan, o sa bagong buhay na pilit bumabalot sa kanya?
102.0K viewsOngoingAdded to Library 39 Times as sparda devil may cry
Read
+Library
Until I Tasted You

Until I Tasted You

Hindi kailanman ginusto ni Selene na magkaroon ng kahit anong kinalaman kay Lucian Black — ang malamig at tusong CEO na may masalimuot na pagkahumaling sa kanyang ina, isang bangungot na binalot sa katahimikan at hindi kailanman binigyang-linaw. Buong buhay niyang iniiwasan ang anino ng lalaking iyon… hanggang sa isang internship sa kumpanya nito ang nagtulak sa kanya sa mismong gitna ng mundo nito. Pero may iba pang habol si Lucian. Ganti ang kanyang layunin. Ginagamit niya si Selene bilang kasangkapan — at gantimpala — sa isang mapanganib na laro kung saan bawat titig at bawal na haplos ay may kasamang panlilinlang. Para saktan ang babaeng minsang nagtaksil sa kanya, handa si Lucian na angkinin ang nag-iisang bagay na dapat ay pinrotektahan nito: ang sariling anak. Ngunit malayo si Selene sa inosenteng batang babae na inakala niyang madali niyang malilinlang. At habang unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng galit at pagnanasa, ang apoy ay mas lalo pang nagliliyab. Hindi kailanman bahagi ng plano ang pag-ibig. Mas lalo na ang magkaroon ng koneksiyon sa isang tao na minsan ng sumira sa buhay nila. Para kay Selene, si Lucian ang tao na hindi dapat ibigin. Para naman kay Lucian, si Selene ang bagay na gagamitin niya para gumanti. Pero sa bandang huli, ito pa rin ba ang kanilang gusto? O tunay na pag-ibig ang siyang mabubuo?
10594 viewsOngoingAdded to Library 13 Times as sparda devil may cry
Read
+Library
Ex-Husband's Regret

Ex-Husband's Regret

Ava: May ginawa akong masama noong nakaraang siyam na taon. Hindi ito maganda, pero nakita at kinuha ko ang pagkakataon na makuha ang lalaking mahal ko simula pa nong bata ako. Fast forward ng maraming taon at pagod na ako sa isang kasal na walang pagmamahal. Gusto kong makalaya kami pareho sa kasal na hindi dapat nangyari. May kasabihan na kapag mahal mo ang isang bagay… palayain mo ito. Alam ko na hindi niya ako mamahalin at na hindi ako ang magiging choice niya. Ang puso niya ay laging nasa babaeng yun at kahit na may mga pagkakasala ako, nararapat akong mahalin. Rowan: Noong nakaraang siyam na taon, sa sobrang in love ko ay hindi ako makakita ng tama. Sinira ko ito noong ginawa ko ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay ko at sa proseso nito ay nawala sa akin ang mahal ko. Alam ko na kailangan kong managot, kaya ginawa ko ito, kasama ang isang asawa na hindi ko gusto. Sa maling babae. Ngayon ay binaliktad niya ulit ang buhay ko sa pag divorce niya sa akin. Ang mas naging komplikado pa dito, ang taong minamahal ko ay bumalik na sa bayan. Ngayon ang tanging katanungan, sino ang tamang babae? Ito ba ang babae na minahal ko noong mga nakaraang taon na? O ito ba ang ex-wife ko, ang babae na hindi ko gusto pero kailangan kong pakasalan?
9.8236.5K viewsOngoingAdded to Library 5.7K Times as sparda devil may cry
Read
+Library
One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire

One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire

Si Eloise Odette Biazon ay isang tahimik ngunit matatag na babae na buong pusong naglilingkod sa kompanya ng kanyang ama. Simple lang ang pangarap niya, isang lalaking magmamahal nang tapat at isang pamilyang mabubuo sa pundasyon ng tiwala. Ngunit sa gabing akala niya’y simula ng forever niya, naging bangungot ang lahat. Ipinagkanulo siya ng lalaking minahal niya at ibinenta ang kanyang virginity kapalit ng promosyon. Isang pagkakamali sa suite ang nagdala sa kanya sa ibang lalaki… kay Locklan Reed Herrera, isang makapangyarihan at walang-awang CEO na sanay makuha ang lahat ng gusto, maliban sa pag-ibig. Isang gabi. Isang pagkakamali. Isang buhay ang nabuo. Nang gipitin ng mga utang ang kanyang kapatid at manganib ang kalagayan ng kanyang amang may sakit sa puso, napilitan si Eloise na harapin muli ang lalaking nais na sana niyang kalimutan. Ngunit si Locklan ay may sariling problema rin - kailangan niyang magpakasal at magkaroon ng tagapagmana upang masiguro ang kanyang pamana at mapanatili ang kanyang business empire. Isang kasunduang may katapusan. Isang kasal na walang damdamin. Isang taon upang gampanan ang papel ng ‘perfect marriage’. Ngunit paano kung ang galit ay maging pagnanasa? Paano kung ang pagpapanggap ay mauwi sa tunay na damdamin? Sa likod ng malamig na kasunduan at mapait na nakaraan, maaaring ang puso rin ang tuluyang sumugal. At kapag dumating ang oras ng pagpili, kalayaan o pag-ibig? Handa ba silang sirain ang kontrata… para sa isa’t isa?
103.9K viewsOngoingAdded to Library 90 Times as sparda devil may cry
Read
+Library
His Sweet Surrender

His Sweet Surrender

This a a story about finding true love in the most unexpected of times, with the most unexpected person. The story starts with Elisa, a simple-minded woman, who cares for the world and everyone around her..pero may exception sa mga pinapakitaan niya ng kabaitan- ang walang modo at brat na hacienderong si Lorenzo. Journey with them in finding true and everlasting love.
109.5K viewsOngoingAdded to Library 314 Times as sparda devil may cry
Read
+Library
Oh my venus

Oh my venus

Si Venus ay isang babaeng mataas ang pangarap. Gusto niyang yumaman! Ginagamit niya ang kaniyang magandang mukha at katawan para kumita. Isang araw ay may nag-alok sa kan'ya ng trabaho ngunit ano nga bang trabaho ito at bakit siya nakulong dahil dito? Oh my venus
1018.4K viewsOngoingAdded to Library 405 Times as sparda devil may cry
Read
+Library
Sweet Memories

Sweet Memories

what if two stranger's fall in love in a hopeless place? madudugtungan kaya ng hinaharap ang pag ibig na minsang umusbong sa dalawang taong kapwa bigo ng nakaraan? Meet Tasha, a lady super bigay todo pag in love, at sa hindi inaasahang pagkakataon nalaman nyang may karelasyon palang iba ang kanyang 2years boyfriend sa iba. Sa sobrang sama ng loob ni Tasha napapad sya sa isang Lugar kung saan makikilala nya ang lalaking may ari ng ni rerentahan nyang bahay bakasyunan. Pasok naman ang lalaki sa criteria na gusto nya sa isang guy, ang kaso durog na durog pa ang kanyang puso. Si Nhato a guy who always choose to be alone and silent, loving someone is not in the picture for him because he was hiding his brokenheart from his best friend. could he still fall when the time is unexpected in a romantic place. can love find its way to fix a broken heart?
586 viewsOngoingAdded to Library 22 Times as sparda devil may cry
Read
+Library
30 Days to Fall in Love

30 Days to Fall in Love

J.A
Sa panahon ngayon, uso pa ba ang fixed marriage? May naniniwala pa ba do'n? Sa katulad ng mga mayayamang businessmen, para mas tumagal at tumatag ang negosyo,kailangang magsanib pwersa ang dalawang pinakamamalakas at matitibay na pamilya sa linya ng mga business tycoon sa pamamagitan ng pagpapakasal sa mga natitirang successor ng bawat angkan. That is why sad to say, 4 na taong gulang pa lang si Haya Gail Montero ay may fiance na siya. Kung sino pa yung pinakasusuklaman mo siya pa ang pinagkasundo sayo. Para makatakas sa walang kwentang kasunduan, babaliin nina Haya at Vincent ang nakasaad sa kontrata na within 30 days ay dapat ma-inlove sila sa isa't-isa. They will make it , within 30 days, kailangan nilang ma-inlove sa iba para hindi matuloy ang nakatakdang kasalan. Will they break the curse of the contract? or contract will be the way for them to fall in love with each other?
1.4K viewsOngoingAdded to Library 35 Times as sparda devil may cry
Read
+Library
Isla Haraya : Elora

Isla Haraya : Elora

Reynang Elena
Isla Haraya; an exclusive Island for people who wants to forget from their heartaches and unwind to the toxic city, a place where you are free to do everything you want inside the premises; Elora Faye Sanchez, a restaurant manager got the chance to set her feet to the said Island, to forget; to collect and fixed her broken heart, where she will meet Sebastian Mikael Evans -a mysterious and savagely handsome billionaire. Hindi naging madali sa kanila ang lahat dahil maraming dumating na problema sa kanilang dalawa. At nang akala nila ay maayos na ang lahat sa kanilang relasyon ay may bagong pagsubok na naman ang darating, isang pangyayari na magbibigay sa kanila ng labis na lungkot at sakit. Magagawa kayang hilumin ng pagmamahal ang sakit na darating sa kanila? Ipagpapatuloy pa ba nila ang kanilang pagmamahalan gayo'ng palaging may nakahadlang sa kanila? Will they choose each other despite the pain? Hatred Anger. Trust. Love.
102.8K viewsCompletedAdded to Library 64 Times as sparda devil may cry
Read
+Library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status