Arranged Marriage with the Ruthless CEO
Magulo ang utak niya at hindi niya alam kung anong emosyon ang uunahin.
“Alam kong alam mo na ito, pero sasabihin ko pa rin, may maliit na percentage ng mga batang may autism ang may extraordinary talents sa isang specific na talent. Palagay ko, ganon si Justin, Nat.”
Tinakpan ni Natalie ang bibig niya, maiiyak siya. Kailan man ay hindi niya inakala ang ganito, buhat ng ma-diagnose si Justin ng autism, ang pinagtuunan lang niya ang ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat. Hindi sumagi sa isip niya ang higit pa roon.