Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Reborn for Vengeance

Reborn for Vengeance

Si Amanda Hale ay minsang naging biktima ng pang-aabuso, pagtataksil at kamatayan sa kamay ng mga taong pinakamalapit at tinuring niyang pamilya. Ngunit nang muling bigyan ng pagkakataon upang mabuhay dala niya ang lahat ng sugat at galit mula sa nakaraan. Sa ikalawang buhay na ito siya ba’y matututong magmahal muli o tuluyan na siyang lalamunin ng apoy ng paghihiganti?
598 viewsOngoingAdded to Library 19 Times as tae ng kambing
Read
+Library
Behind Her Innocence

Behind Her Innocence

“Maaari ko bang isangla muna sa iyo ang kwintas na ito kasama ng singsing ng aking mommy?” Anya ng pitong taong gulang na batang babae sa isang lalaki na nakapikit habang nakasandig ang ulo sa sandalan ng upuan sa isang waiting area ng hospital. Seryosong tumitig ang 20 years old na binata sa isang munting bata sa kan’yang harapan. “Alam ba ng mommy mo na isinasangla mo ang ang wedding ring niya?” Seryosong tanong na hindi maalis ang tingin sa mala anghel na mukha ng bata. “Ang sabi ng doctor ay kailangang maoperahan si mommy, pero wala akong pera, hindi mo naman siguro ipapaalam kahit kanino na sinangla ko ito sayo, di’ba?” Malungkot na sagot nito, bago matapang na sinalubong ng batang babae ang mga mata ng lalaki. “Paano kung kukunin ko ‘yan, paano mo ito matutubos sa akin? Hindi ako tumatanggap ng pera.” Seryosong pahayag ng lalaki. Saglit na nag-isip ang bata na wari mo’y naguluhan. “Kukunin ko ‘yan at sasagutin ko ang operasyon ng mommy mo pero sa isang kondisyon, magiging akin ka at pagtuntong mo sa tamang edad ay ikakasal ka sa akin. Kung hindi ka tutupad ay hindi ko babalik sayo ang kwintas at ang singsing ng mommy mo.” “Pumapayag po ako.” Inosenteng sagot nito. ————— Isang batang babae ang nakipagkasundo sa nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Smith, si HARRIS SMITH. No read, no write at mangmang sa lahat ng bagay ‘yan si ZAHARIA LYNCH. Isang simpleng dalaga na sinamantala ang kainosentihan ng mga taong itinuturing niyang pamilya. Paano magkakaroon ng katuparan ang kasunduan ng dalawa kung sa apat na sulok ng kwarto umiikot ang mundo ni Zaharia?
1036.6K viewsCompletedAdded to Library 1.0K Times as tae ng kambing
Read
+Library
Pagbangon Mula sa Divorce

Pagbangon Mula sa Divorce

Sa araw ng divorce ko, nag-update ng social media ang dating biyenan ko gamit ang isang larawan. Ito ay ultrasound ng kerida ng asawa ko – buntis siya. Binati siya ng kanilang mga kaibigan at pamilya. Habang ako naman ay nag-share ng isang premarital medical report. Ito ay pag-aari ng anak niyang si Owen Wade. Malinaw na nakasaad dito na mayroon siyang congenital necrospermia. Hindi ko kailanman nanaisin ang isang lalaking baog!
4.7K viewsCompletedAdded to Library 109 Times as tae ng kambing
Read
+Library
The Unwanted Heiress

The Unwanted Heiress

Si Felicia ay isang batang ulila na may pambihirang talino at diskarte. At isang utak kriminal kung tutuusin, pero hindi kailanman ginamit sa kasamaan.  Sa murang edad, naging banta na siya sa kapulisan at naging pakay ng mga pinuno ng kriminal na sindikato. Hangad nilang gamitin ang galing ni Felicia para sa pansariling kapangyarihan. Ngunit isang gabing puno ng panganib ang tuluyang nagbago sa kanyang kapalaran. Iniligtas ni Felicia ang mga anak ng mayaman na biktima ng kidnapping, at hindi niya alam na doon na magbabago ang tadhana ng buhay niya. Tinulungan siya ng isang binatilyo at pinapanggap na apo ng pinakamaimpluwensyang businessman sa boung mundo at nakuha niya ang pansin nang matandang businessman na iyon na matagal nang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na apo. Inampon siya ng matanda at ginawa bilang huwad na tagapagmana. Kahit batid ng matanda ang buong katotohanan, buong puso niya itong tinanggap bilang apo, sa hangaring makaramdam muli ng init ng pamilya bago siya tuluyang mamaalam. Pero hindi ganoon kadali ang buhay sa loob ng mansyon. Ang mga magulang ng nawawalang bata ay malamig at mapanakit. Ang kanyang stepsister, parang ahas na laging handang manira.  Hindi niya ginusto ang lugar na ito, pero pinili niyang manatili, para tuparin ang hiling ng tanging taong naniwala sa kanya. Hangad lang ni Felicia na maging mabuting apo. Pero kailanman ay hindi naging sapat ang kabutihan sa mundong puno ng kasinungalingan at inggit. At sa likod ng bawat ngiti sa mansyon, may mas malalim palang lihim… Isa siyang pamalit.... Pero baka siya rin ang susi sa pagkawasak o pagsalba ng pamilyang ito. At kung aapakan siya ng mga taong dapat ay pamilya niya... Pasensya na lang sila. Hindi siya ang tipo'ng basta na lang magpapatalo. Dahil siya ay si Felicia o nagtatago sa pangalan ni Lucia Moretti. *****
1013.0K viewsOngoingAdded to Library 417 Times as tae ng kambing
Read
+Library
Heather Drumpt MINAHAL NGUNIT KINULANG

Heather Drumpt MINAHAL NGUNIT KINULANG

Isang pagkakamali na naging sanhi ng isang aksidente. Pinagsisishanhan ngunit huli na ba ang lahat kung ang mahal mo ay nasa bingit ng kamatayan na alam mo ikaw ang may kasalanan. Kayanin mo ba harapin ang katotohanan kung sa huli ay ikaw ang sisihin ng lahat. Kaya sa puntong ito ang tanging magagawa mo lang ay ipagdasal ang kaligtasan ng mahal mo dahil kung hindi dahil sa iyo hindi siya ngayon nakaratay sa ICU naghintay ng oras ng pagbigay ng didisyon ng maykapal kung mabuhay ba siya o hindi.
10724 viewsOngoingAdded to Library 14 Times as tae ng kambing
Read
+Library
The Secrecy of Mr. Walton

The Secrecy of Mr. Walton

heartbutterfly
Si Clark Walton ay Pangalawang anak ng Walton Family, pinalayas sa takot na maagawan ng posisyon ang panganay na Anak ng pamilya walton na paborito ng kanyang lola. May tawag mula sa kanyang cellphone ang kanang kamay ng pamilya Walton na si Warren. "Young Master Clark" Kailangan mo bumalik sa mansyon ang iyong ama ay nasa Hospital na may malubhang sakit, at iyong panganay na kapatid na si Jared ay nakakulong. Wala ng ibang Magpapatakbo ng negosyo ng Pamilya Walton kundi ikaw. "Young Master Clark nakikiusap ang iyong lola na bumalik kana sa Forbes Mansion"
102.2K viewsOngoingAdded to Library 43 Times as tae ng kambing
Read
+Library
The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper

Isa akong stripper o sa madaling salita, tagabigay ng ligaya sa mga lalaking nagnanais ng mainit na sandali tuwing gabi. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala ko ang kliyente kong Zander Almeda. Isang flash lamang ng kamera nang magbago ang buhay ko at naging instant hot issue sa social media. At sa isang iglap, ang stripper na katulad ko ay naging instant girlfriend ng isang bilyonaryong CEO na si Zander Almeda sa bisa ng agreement na magkukunwari ako sa harap ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ngunit paano ko mapipigilan ang puso ko kung mahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya? Paano kung malaman ng lahat ng tao na isa akong dating tapagbigay ng ligaya sa mga lalaki sa isang club? Kaya niya ba akong ipaglaban?
10429 viewsOngoingAdded to Library 15 Times as tae ng kambing
Read
+Library
Be my Boyfriend,Senyorito

Be my Boyfriend,Senyorito

Teaser:Jefferson Alcantara -the heir and soon to be CEO of Alcantara Holdings .Nasa kaniya na ang lahat karangyaan,kayamanan at taglay rin ang gandang lalaki na hinahangaan at kinababaluwan ng halos lahat ng kababaihan .Shiella Miranda-anak ng katulong na magmamahal sa binata. At dahil sa pagibig ay magagawang makiusap ni Ella na makiusap na maging boyfriend ito ng palihim kahit sa loob lang ng dalagang buwan,dahil gusto ng dalaga na magtiwala at mapatunayan na magagawang mahalin siya sa ng binata .Ngunit ng mapapayag naman niya ito ay malalaman niyang hindi pala ganoon kadali dahil pinatigas na nito ang puso at sinabing hindi na kailanman ito maniniwala sa pagibig.Makakaya ba niyang gawin ang lahat at maghintay kung kailan siya matutunang mahalin ng binata o susuko na lang tulad ng palaging sinasabi nito sa kaniya?
101.2K viewsOngoingAdded to Library 35 Times as tae ng kambing
Read
+Library
The Tycoon Obsession

The Tycoon Obsession

Akala ni Yna ang lalaking mahal niya ang kanyang kalasag laban sa mundo pero naging siya pa ang humatol at nagtulak sa kanya sa bangin ng kawalan ng katarungan. Inakusahan siya ng pagnanakaw ng milyun milyon mula sa kumpanya ng kasintahan niyang si Lucas na hindi man lang nakinig sa paliwanag niya kahit minsan lang. Habang durog ang puso niya at walang matakbuhan biglang sumulpot si Maximo Vega ang lalaking matagal na siyang hinahangaan at handang gawin ang lahat para makuha siya pati ang pagwasak sa buhay ng mga taong umapi sa kanya. Pero habang lumalalim ang kwento lilitaw ang matinding katotohanan na ang tagapagligtas na akala niya ay siya rin pala ang may gawa ng lahat ng kasawian niya. Ito ay kwento ng pagtataksil, mapanganib na pagmamahal at paghahanap ng katotohanan sa gitna ng kasinungalingan na magpapabago sa kanilang buhay habambuhay.
147 viewsOngoingAdded to Library 3 Times as tae ng kambing
Read
+Library
Pacifying my Undercover Billionaire Husband

Pacifying my Undercover Billionaire Husband

Khloe
Isang aksidente ang nagpabago ng lahat. Nawalan ng dalawang buhay. At hindi ito hahayaang mangyari muli ni Ricardo Ford Buenavista, isang makapangyarihan at intelihenteng bilyonaryo. Kung ang aksidente sa kanilang mga pamilya ay bunga ng paghihiganti, ang tanging hiling ng kanyang mga kamay ay ang paghihiganti rin. Ngunit, paano niya ito magagawa kung siya ay nakatali sa isang babae, si Victorina Khae Robles? Magiging hadlang ba ito sa kanyang misyon? Sa gitna ng pag-aalsa ng damdamin at galit, pipiliin ba niyang sumunod sa landas ng katarungan, o matutunton niya ang landas ng pag-ibig at kapatawaran?
101.1K viewsOngoingAdded to Library 21 Times as tae ng kambing
Read
+Library
PREV
1
...
1718192021
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status