Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Unwanted Heiress

The Unwanted Heiress

Si Felicia ay isang batang ulila na may pambihirang talino at diskarte. At isang utak kriminal kung tutuusin, pero hindi kailanman ginamit sa kasamaan.  Sa murang edad, naging banta na siya sa kapulisan at naging pakay ng mga pinuno ng kriminal na sindikato. Hangad nilang gamitin ang galing ni Felicia para sa pansariling kapangyarihan. Ngunit isang gabing puno ng panganib ang tuluyang nagbago sa kanyang kapalaran. Iniligtas ni Felicia ang mga anak ng mayaman na biktima ng kidnapping, at hindi niya alam na doon na magbabago ang tadhana ng buhay niya. Tinulungan siya ng isang binatilyo at pinapanggap na apo ng pinakamaimpluwensyang businessman sa boung mundo at nakuha niya ang pansin nang matandang businessman na iyon na matagal nang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na apo. Inampon siya ng matanda at ginawa bilang huwad na tagapagmana. Kahit batid ng matanda ang buong katotohanan, buong puso niya itong tinanggap bilang apo, sa hangaring makaramdam muli ng init ng pamilya bago siya tuluyang mamaalam. Pero hindi ganoon kadali ang buhay sa loob ng mansyon. Ang mga magulang ng nawawalang bata ay malamig at mapanakit. Ang kanyang stepsister, parang ahas na laging handang manira.  Hindi niya ginusto ang lugar na ito, pero pinili niyang manatili, para tuparin ang hiling ng tanging taong naniwala sa kanya. Hangad lang ni Felicia na maging mabuting apo. Pero kailanman ay hindi naging sapat ang kabutihan sa mundong puno ng kasinungalingan at inggit. At sa likod ng bawat ngiti sa mansyon, may mas malalim palang lihim… Isa siyang pamalit.... Pero baka siya rin ang susi sa pagkawasak o pagsalba ng pamilyang ito. At kung aapakan siya ng mga taong dapat ay pamilya niya... Pasensya na lang sila. Hindi siya ang tipo'ng basta na lang magpapatalo. Dahil siya ay si Felicia o nagtatago sa pangalan ni Lucia Moretti. *****
Mafia
1012.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Agent Xine

Agent Xine

A walking sin. Iyan ang dahilan ng kanyang ama upang bigyan siya ng angking pangalan. Wala siyang pagkakakilanlan, kinalakihan niya ang marahas na paligid, at lahat ng kanyang nilalakaran ay napupuno ng dugo. Ngunit, paano kung sa likod ng mabangis at walang awa niyang pagkatao ay nagkukubli ang inosente at malungkot na katotohanan. Ang katotohanang nais niyang mabuhay ng normal, magkaroon ng masaya at kompletong pamilya. Mababago nga ba ito sa pagdating ng isang batang lalaki? Mababago nga ba nito ang katotohanan? Na ang lalaking kanyang minamahal, ay ang dahilan kung bakit siya naghihirap? Pipiliin kaya niyang ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan? O tatanungin ang sarili, minahal niya nga ba ito ng totoo? O parte lamang ang lahat ng kanyang paghihiganti?
Romance
3.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Psycho Secrets

Psycho Secrets

Tanya Sanchez, isa siyang nurse sa ospital ng mga baliw. Devin Ferrer, isang pasyente ng hospital na may kakayahang makita ang kamatayan ng mga tao sa ospital na iyon. Ilang buhay ang masasawi? Sino ang salarin? Posible bang mahulog ang loob ng nurse sa kanyang pasyente? Samahan ang dalawa sa paglutas ng misteryo ng katakot-takot na ospital.
Paranormal
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
My Chubby Romance

My Chubby Romance

bleu_ancho15
Walang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroon siya ng chatmate na Kano na nagpapahiwatig sa kanyang gusto siya nito ay dun siya nabuhayan ng dugo na mangarap ulit. Lalo na ng magsabi itong handa daw itong puntahan siya sa Pilipinas para makipagkilala at personal siyang ligawan. Maayos na sana ang lahat maliban lamang sa isang problema: buong akala ng Kano ay seksi siya. Kung noong bata pa siya ay chubby na siya ay mas dumoble pa ata ang pagtaba niya ngayong nagdalaga na siya. Isa ito sa dahilan kung bakit lagi siyang inaasar na mataba ng kapitbahay niya mula pagkabatang si Brix; na siya namang nag-alok sa kanya na tutulungan daw siyang magpapayat kapalit ng pagiging modelo ng gym na pag-aari niya. Galit man siya dito ay pumayag na rin siya alang alang sa pangarap niyang makarating sa Amerika. Kasabay ng pagpapapayat niya ay ang unti-unting pagkawala ng galit niya kay Brix. Ang puso niyang dati'y nababalutan ng kolesterol ay nagsisimula ng tumibok para sa binatang wala ng ibang ginawa noon kundi asarin siya. Mababago kaya nito ang matagal na pangarap niyang makapunta ng ibang bansa?
Romance
2.2K viewsOngoing
Read
Add to library
I fell inlove with the Wrong man

I fell inlove with the Wrong man

Betchay
Ako si Eloisa Macaraeg, 19 yrs. Old.. Nag-iisang anak ng babaeng bulag na si aling sonya Lumaki akong hindi nasilayan ng aking ina ang aking naging itsura.. At Dahil sa ginahasa lamang siya ng aking ama. Nang isilang ako ng aking ina, sinikap niya akong buhayin mag-isa, sa paglalabada lamang.. Dahil matapos na magahasa ang aking ina ng lalakeng adik. Mula noon hindi na ito nagparamdam pa sa aking ina. Sinikap akong pag aralin ng aking ina. At dahil sa biniyayaan ako ng katalinuhan, nagiging iskolar ako sa mga pinasukan kung school, mula elementary hanggang sa ako'y makapag tapos ng high school.. Ngunit sa kasamaang palad ng ako'y mag kokolehiyo na.. Hindi ko na ito natapos.. Hanggang 2 yrs. Lamang ang nakayanan ko, dahil nagkasakit na ang aking ina ng malubha.. At walang mag-aalaga sa kanya. Lingid sa kaalaman ng aking ina, lumalaki akong isang napakagandang bata. Maganda rin ang hubog ng aking katawan na namana ko sa aking ina. Hindi ako kaputian, pero makinis ang aking balat. Dahil sa kapos kami sa pagkain.. Nagdalaga akong balingkinitan lamang ang aking katawan, matangkad ako at natural ang pagka curly ng hair ko. Nang ganap na ika 19 years old ko.. Nagpasya na akong pumunta ng maynila upang makapaghanap ng trabaho. At napansin ko rin naman na medyo gumanda na ang kalusugan ng aking ina. Sa pag punta ko sa maynila, nakahanap ako ng magandang trabaho, ngunit may naging kapalit.. At ito ay ang pagka durog ng aking puso.. Nang malaman ang lihim ng aking pagka tao.. May pag Asa pa kaya akong makaahon sa hirap? At maging masaya?..
Romance
106.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton

Trilogy 1: Tempting, Mr. Walton

abrilicious
Ang nais lamang ni Lauren Fraia Arevalo ay maghanap ng maayos na trabaho nang iba ang kan'yang matagpuan matapos makapasok bilang sekretarya ng isa sa pinakamalaking kompanya sa buong mundo, na pinamumunuan ng walang iba kundi si Wayne Walton; mayaman, malakas ang dating, gwapo at talagang pinipilahan ng mga kababaihan, an ideal bachelor ika nga na s'yang taliwas naman sa tipo ni Lauren. Subalit ng dahil sa isang insidente sa pagitan ng mga Walton at ng kan'yang pamilya, may hindi inaasahang nangyari sa pagitan ng dalawa.
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The First Daughter's Bodyguard

The First Daughter's Bodyguard

Si Irish ang kaisa-isang anak ng Presidente ng Pilipinas. Maganda, sopistikada, matalino ngunit nagrerebelde sa kanyang mga magulang. Upang tumino, pinadala siya ng kanyang ama sa isang immersion sa pangangalaga ng pinagkakatiwalaang gwapo at matipunong si Daniel na isang PSG/ Bodyguard. Kapwa may kasintahan sina Irish at Daniel ngunit sa liblib na lugar na iyon, nabuo ang hindi inaasahang pagtitinginan ng dalawa. Paano nila ipaglalaban ang kanilang lihim na pagmamahalan sa kani-kanilang mga karelasyon at sa Pangulo ng Pilipinas? Paano napabago ng isang simpleng bodyguard ang isang tigre sa kasungitang anak ng Presidente?
Romance
1013.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Sipsipin Mo Mr. Billionaire

Sipsipin Mo Mr. Billionaire

Isang pagkamuhi na nauwi sa kakaibang init ng temptasyon. Magagawa ba niyang iwasan ang init ng mga halik ng lalaking kinamumuhian? Saan hahantung ang kakaibang init kung mismo ang kanyang katawan ay napapaso sa kakaibang sipsip na ginawa ng naturang kinaiinisan? Abangan ang kwento ng pag-ibig na magbibigay init sa bawat buntong-hininga ng mga mambabasa.
Romance
197 viewsOngoing
Read
Add to library
Mistake Vs Lies

Mistake Vs Lies

Rty
Sa paglipas ng ilang taon ay umasa si Hanna na mapapatawad siya ng kanyang asawang si Dan sa isang kasalanan na lubos lubos na niyang pinagsisihan, at manunumbalik ang dati nitong pagmamahal sa kanya kaya tinitiis niya ang lahat ng pananakit nito sa kanya dahil ang alam niya ay bugso lamang iyon ng galit nito dahil sa nagawa niya. Ngunit nadiskobre niya ang isang kasinungalingang matagal nang inilihim ng kanyang asawa sa kanya na nagpabugso ng matinding galit na naging dahilan ng tuluyang pagkasira ng kanilang pagsasama.
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Run Away Fiancee.

The Run Away Fiancee.

Isang mapagmahal at mabuting asawa si Dave Justin Alarcon at malapit na sana siyang maging ama nang sa hindi inaasahang pangyayare ay nabaril ang kanyang asawa sa isang bank robbery na ikinamatay nito. Nabiyudo ng maaga at nawalan ng direksyon ang buhay ni Dave. Isang dalagang guro si Leslie Hidalgo na nakatira sa maynila, Kinailangan niyang umuwe ng probinsya sa pakiusap ng mga magulang ng kanyang ina. Sa pagbalik niya ng probinsya ay nalaman niyang nagawa siyang ipagkasundo ng kanyang abuelo sa apo ng isang mayamang angkan sa kanilang lugar, na pinagkakautangan ng malaki ng kanyang lolo Arturo. Labag man sa kanyang kalooban ay pumayag na rin siya sa kasunduan dahil nakasalalay ang kanilang koprahan, ganoon na rin ang bahay at lupa ng lolo't lola niya. Ngunit nakita niya agad ang masamang ugali ng lalaking kanyang pakakasalan, kaya bago dumating ang araw ng engagement party ay tumakas na si Leslie at bumalik ng maynila. Pinagtagpo ng tadhana ang kanilang landas ng mabundol ng kotseng minamaneho ni Dave si Leslie ng dahil sa kalasingan. Naging kargo niya ang babae dahil nagpanggap itong nawalan ng ala-ala upang mapagtaguan ang lalaking pakakasalan. Naawa ang ina ni Dave sa babae kaya kinupkop ito at inalagaan. Sa paglipas ng mga araw ay nahulog ang loob ni Dave sa babae ngunit pilit namang pinaglabanan nito ang nararamdaman. Paano kung malaman niya na ang babaeng kinupkop nila ay ikakasal na pala sa iba? May patutunguhan pa kaya ang nararamdaman ni Dave para sa dalagang tumakas sa napagkasunduang kasal? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Dave kung mabatid niya na nagpapanggap lang na may amnesia ang babaeng muling nakapagpaibig sa kanya?
Romance
1014.2K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1819202122
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status