Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Missing Billionaire (TAGLISH)

The Missing Billionaire (TAGLISH)

Dahil sa kahirapan ng buhay, pinasok ni Erina ang iba’t-ibang trabaho para lang matustusan ang kaniyang pangangailangan araw-araw. Binubuhay niya nang mag-isa ang kaniyang sarili simula no’ng umalis siya sa puder ng kaniyang ama. Naging maayos naman ang takbo ng kaniyang buhay pero nagbago ang lahat nang dumating at nakilala niya ang binatang si Wayne Louie Anderson. Isang bilyonaryo, kilalang personalidad sa larangan ng negosyo, at nagmamay-ari ng mga tanyag na resorts at casino sa Pilipinas at maging sa labas ng bansa. Subalit, walang kaalam-alam si Erina tungkol doon. May isang pangyayari na nagtulak kay Wayne para ilihim ang kaniyang pagkatao at palabasin na siya ay nawawala. Ito’y naging daan para makasama siya ni Erina sa iisang bubong at naging daan para makilala at magustuhan siya ng dalaga. Magbabago kaya ang pagtingin niya sa binata kapag nalaman niya na ang tungkol sa totoong pagkatao nito? Isasantabi kaya niya ang galit para sa pag-ibig? O paiiralin ang galit at pagkamuhi, at sumuko sa iniibig?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Bloodline 1: The Eternal Blood

Bloodline 1: The Eternal Blood

Clara Xiey
Si Zaira Athena Lundberg ay isang ordinaryong babae na namumuhay sa mortal world. Nang sugurin ng mga Zombie at Vampire ang lugar nila ay nalaman niya na hindi normal ang mga magulang at kapatid niya. Pumunta sila sa Outlandish, ang mundong pinanggalingan ng magulang. Sa pagtira nila doon, marami siyang natuklasang lihim tungkol sa pamilya at pagkatao niya, lihim na nagpabago sa buhay niya.
Fantasy
2.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
From Cradle to Heart: The Billionaire’s  Hired Nanny

From Cradle to Heart: The Billionaire’s Hired Nanny

Sa gitna ng kalungkutan at pagsubok, isang sanggol ang nagbigay ng liwanag sa madilim na buhay ni Reinella. Matapos mawala ang kanyang sariling anak, sinisi siya ng kanyang biyenan at tila pinabayaan na rin ng kanyang asawa. Ngunit ang pagtanggap niya sa isang sanggol na iniwan ng kanyang ina ang nagbukas ng pinto sa isang bagong yugto ng kanyang buhay. Hindi niya inasahan na ang sanggol na ito ang mag-uugnay sa kanya kay Reed Montgomery, ang misteryosong presidente-direktor na ama ng bata. Sa pag-aalaga niya sa sanggol, natagpuan ni Reinella hindi lamang ang kanyang sariling lakas kundi pati na rin ang init ng isang posibleng pag-ibig. Ngunit puno ng lihim at hadlang ang kanilang daan. Magiging simula kaya ito ng isang masayang wakas, o isa na namang pagsubok para kay Reinella?
9.886.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Fragile Wife

The Fragile Wife

Ate J
A different story of wives that will make you cry hard and fall in love... A story for all the women and wives who are suffering in physical and mental torture from their past or current relationships. For all the women had been screwed, cheated, and had suffered physical violence. This story is all about love, betrayal and moving on. Someday you will get away with the miserable life you had. God is with you, have faith. Samahan n'yo po kaming pasukin ang inyong mga puso. Samahan n'yo kaming lampasan lahat ng pagsubok sa buhay ng isang WIFE!
Romance
9.33.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Wayward Daughter

The Wayward Daughter

msalchemist
Ibinibida ang isang babaeng hindi padadaig sa mga pagsubok na darating sa buhay nito. Kahit na nga ba masama ang tingin ng nakararami rito, patutunayan nito na mali ang sabi-sabi ng iba. Malalaman dito ang tunay na kwento ng mga tinatawag nilang 'malandi, kaladkarin, babaeng mababa ang lipad'. Tampok ang buhay ng apat na bidang sinubok ng panahon at pinatatag ng karanasan sa buhay. Kilalanin sina Clip, Sinatra Blue, Ross, at Badong. Iba't ibang taong pinaglapit ng kinagisnang lugar. Iisa ang ginagalawan. Walang lumisan, walang nang-iwan. Patuloy na bumabalik. Lagi silang bumabalik dahil baka totoo nga na ang happy place nila ay matatagpuan sa mga apat na bidang pinagtagpo pero pilit nilalabanan ang tadhana.
YA/TEEN
3.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE THREE BILLIONAIRES AND STAR

THE THREE BILLIONAIRES AND STAR

ENJII
Si Austheriel Selene " STAR" Madrid ay isang Masipag at mapagmahal na babae. Magmula ng siya ay maulila, tanging ang pamilya Endrelton ang kumupkop sa kaniya. Doon natutong tumibok at magmahal ang kaniyang puso, Ngunit tatlong endrelton ang mag papabago ng kaniyang buhay, tatlong lalake na pag aagawan ang kaniyang puso, sino nga ba ang karapatdapat para sa pagmamahal ng isang babaeng tila bituin sa ganda? Subalit Isang pagsubok ang dumating sa buhay ni Star, at sa kabila nito muli silang pag lalapitin ng tadhana at muling bubuhayin ang puso niyang namatay sa sakit ng mga sinabi at pinaranas ng nag iisang lalakeng nag turo sa kaniyang puso na umibig. "Kunin niyo na ang lahat ng bituin,but this star is mine" -Hallen
Romance
3.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Sa isang mundo kung saan ang pag-ibig ay tila isang laro ng kapangyarihan at pangangailangan, nagkrus ang landas nina Isla Montemayor at Liam Callisto-dalawang taong magkaiba ng mundo pero parehong desperado sa isang bagay. Si Isla, isang matapang at determinadong babae, ay kailangang iligtas ang kanilang naluluging negosyo at ang nag-iisang pamilya niyang natitira—ang kapatid niyang si Lucas na may malubhang sakit. Samantalang si Liam, isang malamig at istriktong CEO, ay nangangailangan ng isang huwad na asawa upang mapanatili ang kanyang posisyon sa Callisto Group at hindi ito mapasakamay ng kanyang tusong madrasta. Dahil sa desperasyon, isang kasunduang kasal ang nagbuklod sa kanila—isang kasunduan na dapat ay walang halong damdamin. Ngunit paano kung ang larong ito ng pagpapanggap ay unti-unting maging totoo? Paano kung sa kabila ng kanilang matinding away, pagkakaiba, at mga lihim, ay matutunan nilang umibig sa isa't isa? Sa gitna ng pagsubok, pagtataksil, at mga hindi inaasahang rebelasyon, matutuklasan nina Isla at Liam na ang tunay na pag-ibig ay hindi isang kasunduan—ito ay isang bagay na lalampas sa kahit anong kontrata. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang talunin ang lahat ng balakid? Isang kwento ng pag-ibig na hindi lang tungkol sa isang kasunduan, kundi sa pagpili ng pagmamahal kahit gaano kahirap. Dahil sa huli, kahit anong pagsubok, ang tunay na pag-ibig ang magtatagumpay.
Romance
10266 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Marriage To Mr CEO

Marriage To Mr CEO

Zael Alvarez is a famous bachelor billionaire, known as playboy CEO. He was a playboy not until he meet the famous beautiful and kind model in Paris. –Carry Ann de Vera. They fall in love to each other easily. They get married. Manatili kaya ang kanilang pagmamahal sa isa’t-isa kung nakapaligid ng tukso? Malampasan kaya nila lahat ng pagsubok ng magkasama o papalayain ang isa’t-isa para sa ikakatahimik ng buhay nila. “I won't let anyone hurt you, I won't put you in danger. Babe, I'm in to you, no matter what. I believe in you because I love you...” Zael Alvarez.
Romance
1014.0K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Contract Marriage By The Crippled Billionaire

Contract Marriage By The Crippled Billionaire

Claxiin
Nag-umpisa ang lahat nang magkaroon ng contract marriage si Amanda at Jayden. Kontrata na babago sa buhay ni Amanda. Ngunit sa kasabay ng pagbabagong ito ay ang pagbabago din ng damdamin niya para sa binata. Malinaw ang naging usapan nila, ito ay hanggang kontrata lamang ang mayroon sila. Ngunit naging mapusok silang dalawa, nagpalunod sila sa tawag ng laman. Kaya nang bumalik ang babaeng minamahal nito nakalimutan niya ang tungkol kay Amanda. Paano kong sa paglipas ng mga taon ay muling bumalik si Jayden sa buhay nila ng anak? Muli ba silang magtatago at lalayo o haharapin nila ang taong ilang taon niyang tinaguan ng anak?
Romance
101.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
BE MY WIFE

BE MY WIFE

Para kay Dhalia Augustine Madrigal, ang buhay ay isang serye ng pagsubok—lalo na nang tanggapin niya ang trabahong maging sekretarya ng malupit at istriktong bilyonaryo, si Henri Yanno Garciaz. Habang lahat ng naunang sekretarya ay hindi nagtagal, siya lang ang nagtiis at nakasabay sa ugali nito. Ngunit hindi niya inasahan na ang trabahong ito ang magdadala sa kanya sa isang alok na magpapabago sa kanyang buhay. Isang kasal kapalit ng sampung milyong piso. Para kay Henri, si Dhalia ang perpektong sagot upang makaiwas sa isang sapilitang kasal sa kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kasunduang iyon, hindi niya maitanggi ang lumalalim niyang damdamin para sa babaeng laging naroon para sa kanya. Unti-unting nagbago ang kanilang relasyon, at sa kabila ng mga pagsubok, natagpuan nila ang tunay na kaligayahan sa isa’t isa. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Isang rebelasyong nag-ugat sa nakaraan ang gumulo sa buhay ni Dhalia—isa pala siyang Lim, kapatid ng dating minahal ni Henri. At ang mas matinding dagok, isang larawan ang sumira sa kanilang tiwala—isang larawan na nagpatunay na may ibang babae si Henri. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, pinili niyang lumayo, dala ang lihim na siya rin ay nagdadalang-tao. Limang taon ang lumipas, at sa kabila ng pagtatago ni Dhalia, hindi siya tinantanan ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, muling bumalik si Henri sa buhay niya, handang patunayan ang isang bagay—na sa kabila ng lahat, si Dhalia lang ang babaeng nais niyang makasama habambuhay. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang sugat ng nakaraan?
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status