Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Obsession

The Billionaire's Obsession

Ang wasak na puso ni Astrid ang nagtulak sa kaniya sa bar at uminom hanggang sa malasing dahil nahuli niya ang kaniyang boyfriend na nakikipagtalik sa iba. Sa sobrang kalasingan hindi namalayan ni Astrid ang mga nangyari at nagising na lang siya katabi ang estrangherong lalaki. Si Thor Santos ay isang Bilyonaryong arogante na biktima ng droga at ginamit ang magandang babae upang maibsan ang init na nararamdaman. Nagising ang binata na wala na ang dalaga sa tabi niya. Naalala pa niya ang mga nangyari kagabi ngunit hindi na niya matandaan ang mukha ng dalaga. Nalaman din ng binata na siya ang nakauna sa dalaga kaya naman pinahanap niya ito. Paglipas ng limang taon, nangailangan ng pera si Astrid kaya naman kahit walang pinag-aralan ay sumabak pa rin siya sa malaking kompanya upang magtrabaho. Samantala, si Thor naman ay tinakot ng mga magulang na kailangan niyang pakasalan si Sofia o kailangan niyang maikasal upang mabigyan sila ng apo, kung hindi siya pumayag ay tatanggalin siya sa kompanya. Hindi papayag si Thor na mawala sa kaniya ang kompanya kaya naman ng makita niya ang babae na desperada na makapagtrabaho sa kompanya. Kaya binigyan niya ito ng kasunduan kapalit ang malaking pera na alam niyang hindi matatanggihan ng dalaga, ang kontrata ng pagpapakasal.
Romance
10647 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Loveless Marriage With Attorney Chandler

My Loveless Marriage With Attorney Chandler

Kung ang iba ay ikinasal dahil sa pagmamahal, si Adaghlia Perez naman ay ikinasal upang magbayad ng utang. Katumbas ng limang taong pagbaba ng sentensya ng kanyang ina ay limang taong pagdurusa sa piling ng abogadong si Grayson Chandler. Kaliwa't kanang kasinungalingan at panloloko ang nararanasan niya araw-araw. Para bang iiyak ang araw kung hindi siya nito nasasaktan. Hindi lang siya harap-harapang pinagtaksilan ng lalaki, kung maka-deny pa ay sobrang kapal ng mukha nito kahit mahuli pa sa akto. Hindi asawa ang turing nito sa kanya kundi isang alipin. Alam niyang walang babaeng dapat makaranas ng ganito pero wala siyang ibang magagawa. Bukod sa may utang na loob siya dito, hindi maipagkakailang mahal na mahal niya ito. Hanggang sa dumating na ang araw na pinakahinihintay. Handa na siyang iwan ang lahat at ayusin ang sarili. Pero isang bagay ang kumurot sa kanyang puso nang malamang nagbunga ang kanyang pagiging parausan ng isang taong hindi naman siya mahal. Isang gabi pagkatapos pirmahan ang divorce papers, bigla siyang nakatanggap ng tawag ng isang taong lasing, “Don't sign the papers. I didn't sign it.” Itutuloy pa kaya ni Adaghlia ang pag-alis? O hahayaan na naman niya ang sariling maging alipin ulit ng pag-ibig?
Romance
218 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mapanirang Pag-ibig

Mapanirang Pag-ibig

Yung bata na iniligtas ko noong maliliit pa kami ay lumaking isang possessive at obsessive na CEO. Sampung taon niya akong kinontrol, gamit ang sakit ng lola ko bilang pang-blackmail para pilitin akong magpakasal sa kanya. Sinubukan niyang gawin ang lahat para makuha ang loob ko—kahit anong paraan, ginawa niya,pero hindi ko siya kailanman minahal. Dahil sa sobrang galit, nakahanap siya ng babaeng halos kamukha ko para pumalit sa akin. Ipinagmalaki nila ang relasyon nila sa harap ng lahat, at may mga bulung-bulungan na natagpuan na raw ng CEO ang tunay niyang pag-ibig. Pero isang araw, dumating ang babaeng iyon sa villa kasama ang mga alipores niya, gamit ang atensyon at pagmamahal ng CEO bilang lakas ng loob. Isa-isa niyang binali ang mga daliri ko, sinugatan ang mukha ko gamit ang utility knife, at inalis ang damit ko para ipahiya ako. “Kahit nagparetoke ka pa para magmukhang ako, palalagpasin ko na ‘yun. Pero natuto ka pang magpinta nang kagaya ko? Grabe kang mag-aral! Tignan natin kung paano ka makakaakit ng mga lalaki ngayon!” Habang duguan na ako at halos mawalan ng malay, sa wakas dumating ‘yung obsessive na CEO. Hinila ako ng babae sa harapan niya at mayabang na nagsumbong, “Honey, itong babaeng ‘to ay nagtatago rito sa villa, tinatangkang akitin ka. Siniguro kong hindi siya magtatagumpay!”
Read
Idagdag sa library
Seducing The Mafia Boss

Seducing The Mafia Boss

MissBangs001
Hindi inaasahan ni Marikit Dela Torre na siya ang ipapadala ng kanilang boss na si Apollo para makakuha ng impormasyon, tungkol sa illegal na ginagawa ni Isla Maveer. Isa siyang secret agent at dahil gusto niyang makaiwas sa dating kasintahan na nagtra-trabaho din doon ay tinanggap niya ang offer. Nagpanggap siya bilang isang katulong sa mansyon ng mga Singh, habang naghahanap siya ng impormasyon sa kwarto ng amo ay di niya inaasahan na makatulog sa ilalim ng kama nito. Pagmulat niya ng mata ay ang nakangiting mukha ni Isla ang kanyang nabungaran. Halos panawan siya ng ulirat nang alokin siya nito na makipagtalik sa kanya kapalit ng impormasyon na hinahanap niya, at nang matapos na niya ang misyon ay kinuha niya ang bagahe para makabalik na sa HQ. Di niya inaasahan pagkabukas niya ng pinto ng kanyang kwarto ay may mga lalaking nakaitim na naghihintay sa kanya, may mga baril itong dala na mas ikinatakot niya. Doon naman lumabas ang lalaking inalayan niya ng kanyang pagkababae si Isla Maveer Singh, ang Capo Crimini ng Sxented Mafia. Nakangisi itong lumapit sa kanya, bago pa niya maiwas ang pisngi ay nahawakan na siya nito roon. "You're mine Marikit, you'll stay with me forever baby girl."
Romance
2.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Lesbian Bride

The Lesbian Bride

"Wala akong pakialam kung sino o ano ka. Kahit na mukha ka pang lalaki kaysa sa akin, ikaw pa rin ang asawa ko, Alexis, at mahal kita." Si Alexis Mendoza, bunsong anak ng mag-asawang anim na babae ang naging supling, ay pinalaki bilang lalaki dahil sa kagustuhan ng kanyang ama na magkaroon ng anak na lalaki. Lahat ng kanyang kilos, pananamit, at laruan ay panlalaki hanggang sa siya ay nagdalaga. Ngunit nang pumanaw ang kanyang ama sa isang aksidente, nag-iwan ito ng matinding lungkot at malaking utang sa kanilang pamilya. Sa takot ng kanyang ina na makulong, napilitan itong lumapit sa isang bilyonaryo. Isang kondisyon lamang ang hinihingi nito: hanapan ng mapapangasawa ang unico hijo niyang si Theo Angelo Garcia—isang babaero at happy-go-lucky na lalaki—sa paniniwalang magbabago ito kapag nagkapamilya. Nagulantang si Alexis nang ipakilala siya kay Theo at sabihang magpakababae na dahil magpapakasal na siya sa binata. Bagama’t litong-lito at labag sa kanyang kalooban, kinailangan niyang sundin ang utos ng kanyang ina upang maiwasan nitong makulong at mabayaran ang kanilang mga utang. Ngunit paano niya matatanggap na siya, na pinalaking boyish, ay kailangang magpakasal? At ano ang mangyayari pagkatapos ng kasal kung bigla na lamang magbago ang tingin sa kanya ni Theo at ituring siyang isang napakagandang babae? May pag-asa pa kayang tumibok ang kanyang puso para sa binata?
Romance
10943 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE

MY SCUMBAG EX-HUSBAND BEGS FOR SECOND CHANCE

Sa halos walong taong pagsasama ni Henry at Estelle ay walang pag-ibig na nabuo sa pagitan nila dahil isa lamang iyong kasunduan, ngunit sa kabila nito ay minahal niya si Henry kahit na kinamumuhian siya nito at hindi itrinato bilang asawa. Ginawa niya ang lahat ng utos ng lolo ni Henry lalo na ang suhestiyon nito na pasukin niya ito sa sarili nitong silid at sa isang beses na iyon ay nabuo ang nag-iisang anak niya na si Mia. Ngunit talagang mapaglaro ang tadhana dahil sa dami ng tao na magkakaroon ng karamdaman ay ang anak niya pa talaga. Dahil sa pasirang relasyon at nasa kalagitnaan ng paghihiwalay, hiniling niya kay Henry na magpakaama kay Mia sa loob ng isang buwan. Ayaw man nito ay pumayag din ito sa wakas sa ngalan ng pagiging madali niya sa pagpirma ng kanilang kasunduan para mapakasalan na ang kaniyang unang pag-ibig na si Gwen. Kaya lang ay namatay ang anak niya ng dahil kay Henry. Nang malaman nito ang totoo tungkol sa sakit ng anak niya ay pilit itong nagmamakaawa na patawarin niya ngunit paano niya iyon gagawin kung sa tuwing makikita niya ang mukha nito ay maaalala niya ang sinapit ni Mia. Mapalambot pa kayang muli ni Henry ang naging bato nang puso ni Estelle?
Romance
107.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Ugly Maid

The Billionaire's Ugly Maid

Maejin
Muntik ng mamatay ang CEO ng Ziff Corporation na si Seven Ziff dahil sa isang ambush kung hindi lang dahil sa pagkakaligtas sa kaniya ng mag-asawang napadaan sa pinangyarihan ng krimen. Subalit namatay din ang mag-asawa dahil sa pagtulong sa kaniya. Hindi nagtagumpay ang mga taong nais pumatay sa kaniya at nagpasya ang kaniyang lolo na dating chairman ng Ziff Corporation na manatili muna siya sa mansiyon at pansamantalang iwan muna ang pagiging CEO habang inaalam pa kung sino ang nais magpapatay sa kaniya. Habang nasa mansiyon ay nag-utos naman si Seven ng tao upang hanapin ang anak ng mag-asawang tumulong sa kaniya. Nais niya itong bigyan ng gantimpala ngunit nagulat siya nang malamang nalalagay din pala sa panganib ang anak ng mag-asawa sa hindi niya malamang dahilan. Dahil doon, gumawa siya ng paraan upang mapunta sa poder niya ang babae sa pamamagitan ng pagiging isang katulong. Hindi niya maaaring ipaalam sa babae ang tunay na dahilan para na rin sa kaligtasan nito at kailangan niyang alamin nang paunti-unti kung bakit pati ito ay ipinapapatay din ng mga taong gustong pumatay sa kaniya. Si Filippa, may malaking bukol sa mukha na siyang naging hadlang upang kakitaan siya ng ganda ay magsisilbing katulong sa mansiyon ng mga Ziff at walang kaalam-alam kung bakit nasa panganib ang buhay niya at kung ano ang tunay na kailangan ng guwapong bilyonaryong si Seven sa kaniya...
Romance
1.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Married to a Heartless Ugly Billionaire

Married to a Heartless Ugly Billionaire

Sa madilim na sulok ng kanyang silid, isinumpa ng isang lalaki ang kanyang kapalaran. Ipinanganak na may birthmark na halos sakop ang kalahati ng kanyang mukha, lumaki siyang iniiwasan ng mga tao—at sa huli, siya na mismo ang lumayo. Ang tanging nagmahal sa kanya ay ang kanyang mga magulang, ngunit kahit ang sariling kapatid ay hindi pa siya nasisilayan. Dahil sa mga pangungutya at pag-iwas ng iba, isinara na niya ang kanyang puso—lalo na pagdating sa mga babae. Hindi na niya hinangad na mahalin o mahalin pa ng iba. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating ang isang babaeng katulong sa kanilang bahay. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, naagaw nito ang kanyang atensyon. May kakaiba rito, at hindi niya mapigilan ang sariling mahulog. Ngunit isang araw, isang lihim na usapan ng kanyang mga magulang at ng babaeng iyon ang kanyang narinig—isang kasunduang pag-aasawa kapalit ng malaking halaga. Isang pagtataksil. Isang panloloko. Sa galit at pagkasuklam, isinumpa niya ang babae. "Gold digger!" Wala itong pinagkaiba sa lahat ng iba pang tao. Mula noon, nagbago ang kanyang pagtingin dito. Hindi na pagmamahal ang nais niyang ipadama—kundi paghihiganti. Pero hanggang kailan niya maitatanggi ang tunay niyang nararamdaman? At totoo nga bang panloloko lang ang naging dahilan ng babae sa paglapit sa kanya? Abangan ang kanilang kwento—isang kasunduang puno ng sakit, galit, at isang pag-ibig na pilit na itinatanggi.
Romance
911 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Entangled Hearts

Entangled Hearts

Arthemis_Aine
"I accepted everything, even your unborn child na walang ama tapos susuwayin mo ang utos ko? Akira gusto mo bang lumaki ng walang kinikilalang ama 'yang anak mo?" Sermon, yan ang palaging bungad ng stepmother ko sa tuwing pupunta ako dito sa bahay. Tumingin ako sa mga mukha nito, halata dito ang galit at inis. Napayuko lang ako dito sa sofa habang nakaupo. All my life I was a spoiled brat girl but in one night, in just one mistake nagbago lahat. Nakita ko ang pag hakbang nito palayo, ngunit bago pa man siya makaalis ay nagsalita muna ito. "You have no choice Akira, its either abort that child or marry Mr. Briar." "WHAT?" Sa sobrang gulat ay napasigaw ako at napatayo, napahinto naman si tita Belle. Lumingon ito sakin na parang nagtatanong kung bakit ako sumigaw. "A-anong si Mr. Briar?" "Yes, Mr. Reigh Briar. You know him right? Sila ang number 1 kalaban ng pamilya natin this coming election, so kung maikakasal ka sa kanya, you'll be staying there and be our spy." "Pero—" "No buts Akira." may diing sabi nito at tuluyan ng umalis. Si Reigh? Sa lahat ng lalaki si Reigh pa talaga? Why him? Kaya ko nga di pinaalam sa kanila kung sino ang ama ng batang nasa sinapupunan ko ay para lumayo sa kanya tapos ngayon siya ang papakasalan ko? PAPAKASALAN KO ANG EX KONG AMA NG DINADALA KO?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
His Little Secret

His Little Secret

It happened one night, unexpectedly. But it cannot be revealed for he belongs to the showbiz industry. The truth cannot be told yet. Jameson Kye Velasco is a famous actor in his generation who met Callie Ivianna Perez, a graduate of Bachelor of Science in Accountancy in Ateneo de Manila University. They met at a luxurious and high-end bar in Bonifacio Global City in the most unexpected time. Both of them became wasted as the night got deeper. Callie decided to go to the rest room as she started to feel dizzy. While on her way, she suddenly bumped into Jameson Kye na halata na din sa mukha ang kalasingan. Sa paglalim ng gabi, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Jameson and Calllie had a one night stand, na itinuring na ding isang pagkakamali na ginawa ni Callie. Weeks had passed, at kakaiba na ang nararamdaman ni Callie sa kanyang sistema. Little did she know, she was pregnant. At alam na alam niya kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya. She reached out to Jameson, but the boy thought it was all her lies just to ruin his reputation. Jameson’s manager and his friends knew about it, and so his manager decided na magsama muna sila ni Callie sa iisang buong hangga’t naghihintay ng tamang panahon para sa DNA test. But until the DNA result came, hindi pa rin naniniwala si Jameson. He even decided na itago ang katotohonan sa madla para lang maisalba ang kanyang karera. Hanggang sa napagdesisyunan na lamang ni Callie na umuwi sa kanilang mansion at mag-isa niyang palalakihin ang anak.
Romance
103.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
1314151617
...
20
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status