Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Loving Mr. Chavez

Loving Mr. Chavez

Hindi ordinaryong kwento ng pag-iibigan ang namuo sa pagitan ni Miya at Lucas. Kakatwa kung paanong nagsimula ito sa makasaysayang gabing tila limot na rin naman ng mga tauhan. Si Miya, isang Pilipinang empleyado na nagpakalasing dahil sa pagsasaya at si Lucas na naroon din na katrabaho niya. Hindi matandaan ni Miya ang nangyari at nagising na lang siya na matindi ang sakit ng ulo at walang maalala sa inuman. Naguguluhan pa kung ano nangyari nang gabing iyon dahil tila ba hinila lahat ng hangover ang alaala niya. Habang inaalam ang nangyari, bigla na lang nag-flashback sa utak ni Miya ang pakikipaghalikan niya sa isang lalaki. Ngunit ang lalaking kaharap niya ay iba naman ang sinasabing nangyari nang gabing iyon. Ngayon ay gulong-gulo na siya kung ano ba talaga ang nangyari lalo pa nang puntahan siya ni Lucas para ayain siya sa isang contract marriage. Hanggang sa naglapag ang kompanya ng bagong polisiya: isang milyon sa unang limang ikakasal na empleyado sa kumpanya. Para makuha ito, napilitan si Miya na pumayag sa pagpapakasal kay Lucas sa pamamagitan ng contract marriage nila. Ngunit sa pananatili nila sa isang kontrata, may mamuo ba na pag-ibig o mananatili na lang sa papel ang pagmamahalan nila?
Romance
10694 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Desire of a CEO

The Desire of a CEO

Simula't-sapul, inlove na si Graziana Iglesias sa boss na si Thunder Santillan. Ang CEO ng Santillan Group of Companies. Dahil sa pagkamatay ng asawa nito, ibinuro nito ang sarili sa isang lugar sa bicol. Namuhay ito ng normal. At siya, na sekretarya nito, sa kan'ya iniatang nito ang responsibilidad nito bilang CEO. Lahat kinaya niya mapansin lang ng boss.Lahat ginagawa niya ma-appreciate lang siya ng boss. Ang buong akala ni Graziana, tutugunin na nito ang matagal na niyang pinapangarap na pagmamahal mula sa boss. Hindi pa pala. Umibig na naman ang boss niya sa isang babaeng estrangherang, na sadyang pinapalitan nito ang mukha, at isinunod sa dating asawa nito. Isang araw, nagising na lang siyang pagod na. Pagod na sa kakahintay sa boss. Nag-resign siya sa kompanya nito. Dalawang araw bago ang flight niya papuntang US, hindi niya inaasahang ipapatawag siya ni Thunder. Dinamayan na naman niya ito sa problema nito sa babae. Nagpakalasing sila, hanggang sa dumating sa puntong isinuko niya ang pagkababae dito at hindi niya akalaing magbubunga iyon... Ano nga ba ang gagawin ni Thunder kapag nalaman nitong nagbunga ang isang maiinit na gabi nila ng sekretarya?
Romance
10169.8K DibacaTamat
Tampilkan Ulasan (32)
Baca
Tambahkan
Rizalyn Joy Borres
this story will teach you what love really means. that love should be patience, understanding and unconditional. patience interms of kung paano at kailan ka susuko at lalaban.understanding interms of understand the situation whether its good or bad but then again chose to be right and be kind.
Che Dee
mat,gal na akong silent reader ni Miss Ava nah, ang pinka una kong nabsa sa knya yung My secretary owns me, dun nagumpisa na mahook aq sa mga story ni missA, natigil lang ako nong nabsa ko ung Chasing Magda ...... natrauma ako dun, ksi nwala ung FL, pero nakita ko meron pla si mssA dito sa GN, kya
Baca Semua Ulasan
Owned by the Possessive Billionaire

Owned by the Possessive Billionaire

Hoshi Rhodes
Elaina was saved by Silas Desmond ang kanyang bilyonaryong Padrino na sampong taon niyang hindi nakita. Dahil sa hindi siya nasanay sa kahirapan at sa takot na balikan siya ng mga taong pumatay sa kanyang mga magulang ay nakiusap siyang sumama kay Silas at pumailalim sa proteksyon nito kapalit ang mga dokumento na naglalaman ng lahat ng kanyang mamanahin mula sa kanyang mga namayapang magulang. Ngunit hindi sapat ang mga iyon para sa isang Silas Desmond sapagkat ninanais din nitong angkinin siya.
Romance
1.2K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend

My Fiancé Cheated on Me so I Flirt with his Bestfriend

Sa mismong kaarawan ni Seth, ang kaniyang fiancé, nakipaghiwalay si Sabrina dahil sa harap-harapang pakikipaglandian nito sa kababatang si Pia. Sa sobrang sama ng loob at nasaktan, isinuko ni Sabrina ang pagkababae kay Adrian, ang matalik na kaibigan ni Seth. Hindi niya pinagsisihang isinuko niya sarili kay Adrian dahil isa ito sa taong makakatulong sa kanya para gumaling ang amang may malubhang karamdaman . Hanggang saan hahantong ang mga plano ni Sabrina? Magtatagumpay kaya siya o magsisi sa huli?
Romance
1012.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
BROKEN VOW

BROKEN VOW

Mugsy Wp
Si Yuan, isang simpleng lalaking nangakong habambuhay mamahalin si Donna Angeles. Isang simpleng babaeng namuhay mag-isa. Nangako siya na habambuhay itong mamahalin subalit nagkaroon siya ng misyon. Kailangan niyang hanapin ang may-ari ng microchip kaya umalis siya at tumungo sa England. Sa pagdating niya doon sa England ay Microchip ang kaniyang nakita. Isang pag-ibig sa piling ni Mitch Madrigal, Anak ng kaniyang kaaway. Sa piling ni Mitch, pansamantala niyang nakalimutan ang lahat ng pangako niya sa Pilipinas, Nakalimutan niya si Donna. Pagkalipas ng Tatlong-taon ay masaya silang namuhay ni Mitch bilang mag-asawa pero hindi lahat ng pangako ay hindi natutupad. Isang araw nakarating sa kaniya ang balitang ginahasa si Donna at ngayon nga ay nagdadalang-tao ito. Nang gabing iyon ay tumawag ito sa kaniya at sa kasamaang palad ay si Mitch Madrigal ang nakasagot ng tawag na para sana sa kaniya. Hindi akalain ni Mitch na may kasintahan si Yuan sa Pilipinas at ang masakit ay nagdadalang-tao ito at hindi niya maatim na mamuhay nang payapa sa piling ni Yuan habang may batang lumaki ng walang ama. Sa boung buhay niya, palagi siyang nakatago at kinukutya ng kambal niya at hindi niya hahayaang may ibang batang makaranas nito kaya kahit na parang hinahati ang puso niya sa sobrang sakit ay pinili niyang palayain si Yuan. Pinili niyang sirain ni Yuan ang pangako nito sa kaniya kesa sa inosenteng bata.
2.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

Tila sanay na sa mga pagsubok ng buhay Amara Santos. Lumaki siyang kinakayod ang lahat para sa kakambal niyang si Selene, na may malubhang sakit na matagal ng dinadala. Ang tanging liwanag sa kanyang madilim na mundo ay ang kanyang kasintahang si Liam dela Cruz, anak ng alkalde. Simula pagkabata, siya na ang kanyang sandigan—ang lalaking nangakong mamahalin siya kahit anong mangyari. Ngunit, isang masaklap na kapalaran ang dumating sa buhay nya. Sa kritikal na oras ng kanyang kapatid sa ospital, iniwan siya ni Liam at ipinagpalit sa isang babae na makakatulong sa kanyang ambisyon na pumasok sa politika. At sa isang iglap, natagpuan niya ang sarili sa isang hukay na isang paraan lang ang kalalabasan. "Pakakasalan mo ako, at ibibigay ko sa’yo ang lahat ng kailangan mo." Sino ang lalaking ito? Si Ethan? Si Ethan Alcantara. "Simple lang ang kasunduan, Amara," sagot ni Ethan. "Ikaw ang magiging asawa ko, at sa mata ng publiko, magiging perpekto tayong magkapareha. Kapalit niyan, matutulungan ko ang kapatid mo." Tila isang malafairy tale na tagpo ang nangyayari sa buhay ni Amara, at sa palubog niyang kumunoy ay mayroon siyang prince charming na tagapag sagip. Mararanasan nga ba nya ang maging prinsesa? O isa na naman itong pag-papanggap na mapipilitan siyang ituloy dahil sa kasunduang iligtas ang kanyang mahal na kapatid? Hanggang saan aabot ang kanyang pagtitiis na mag-panggap? Magkakaroon nga ba ng pag-ibig sa pagitan nila ni Ethan?
Romance
10480 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Sila'y pinag-isang dibdib ng kanilang masidhing pagnanasa— ang maghiganti at manubos para sa mga inosenteng buhay na isinangla kay kamatayan. Kapwa nanumpang palaging iingatan, poprotektahan, pahahalagahan, at mamahalin ang isa't isa mula sa araw na ito at sa mga susunod pang bukas, subalit ito'y hindi pangkaraniwang kwento ng romansa. Sila'y kapwa nanunumpang dudurugin, sasaktan, kasusuklaman, at kikitilin ang buhay ng isa't isa mula sa araw nang pagkakabunyag ng nakaraan at sa mga susunod pang bukas, hanggang si Kamatayan na mismo ang tumapos sa kanilang ugnayan. Bilang nag-iisang anak ng tanyag na mafia boss, lumaki si Quinn Amara Montejo sa pagkandili ng mga baril at patalim. Sa paghele ng karahasan at kalupitan, kanyang nasaksihan ang walang-awang pagbawi sa buhay ng kanyang mga minamahal. Ganid at uhaw sa dugo ang kaniyang kinalakihang mundo. Tila isang bombang nasa binggit ng pagsabog, rebelyon ang kanyang nakitang tanging susi upang makalaya mula sa anino ng kaniyang ama, ngunit agad itong natuldukan nang mag-aklas ang mga guhit sa kanyang palad. Ni hindi naligaw sa kanyang hinagap ang pagpapakasal, lalong hindi kay Gunther Zenith Dragoza, isang tanyag na business magnate na maraming sikretong itinatago. Lahat ay umaayon sa plano ng binata subalit kung siya'y ipinagkanulo't pinagtaksilan ng sariling puso, sino ang mananaig? Paghihiganti o pag-ibig? Dalawang pusong buong tapang na naglayag sa iisang sagradong tipanan. Sa bisig ng isat isa nga ba nila matatagpuan ang tahanang kanilang matagal na pinananabikan, o sila'y kapwa estrangherong dumaong lamang sa maling isla?
Romance
5.4K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
The Heartless Hunter

The Heartless Hunter

Si Camilla ay nasa huling taon na sa kolehiyo. Kaylangan nilang mag-OJT, sa hindi inaasahan ay napili siya upang magtrabaho sa kompanya ng may-ari ng Univeristy kung saan siya nag-aaral. Anong mangyayari kung mahulog ang loob ng kaniyang amo sa kanya? Handa ba siyang masakatan? Handa ba siyang magpatawad sa kung anong sakit ang maaring ibigay sa kanya?
Romance
104.4K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)

UNKNOWN PRINCE OF ASHANYA (BXB)

renzbel23
Isang prinsipe ang pinalaki na pinagkaitan ng maraming karapatan, itinago sa mata ng karamihan at itinakwil ng sariling mga magulang. Sa kaniyang pagtungtong sa ikalabing walong taon sya'y pinalayas sa palasyong kanyang naging kulungan dahil sa isang pangyayaring hindi nya sinasadya.
Fantasy
2.5K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
My Fiance is my Ex

My Fiance is my Ex

Reading_letters
"Mahal ko siya, pero hindi pa ako handa" "My instinct was wrong about him and my best friend, now that I can say I'm ready..." "Doon palang naging huli na ang lahat" ---Athena Delight Teneza "I like you... No- that's not the right word..." "I love you..." "Turns out, you love someone else..." "I want to forget you, and look for someone who will love me back... Until I realized, I'm not loving her back... Ikaw parin talaga kahit ituon ko Ang pansin ko sa iba" --- Justin Meyer Cruz Minahal nila ang isa't isa sa hindi naaayon na panahon, dahil sa mapaglarong tadhana... Nauwi sa 'huli na ang lahat' ang 'handa na ako'. Ngunit paano kung sa pagdating ng panahon na masasabi mong 'magmumove forward na ako' ay mauuwi nalang sa 'fiance ko ang Ex ko'?? Magkasintahan sina Athena at Justin mula kolehiyo. Naghiwalay dahil sa isang serye ng mga maling akala at nasirang tiwala. Ngayon, sa hindi inaasahang pagkakataon, sila'y pinilit magpakasal sa papapamitan ng arrange marriage na napagkasunduan ng kanilang mga pamilya. Mas pinili nilang maging estranghero at wala sa kanila ang nagpaalala tungkol sa kanilang nakaraan. Sa kanilang pagsasama ay unti-unti nilang narirealize ang tunay nilang nararamdaman sa isa't isa. Lihim silang may malalim na pagmamahal sa isa't isa. Sa panahong napagdesisyonan nilang aminin at ituon ang pagmamahalan nila sa isa't isa ay muling magbabalik ang dahilan ng naging hiwalayan nila sa nakaraan? Paano kung dumating ang pagkakataong pagdedeaisyonan ni Justin ang pagpayag sa debusyong kagustuhan ni Athena? Ano nga ba ang dahilan ni Athena sa divorce na hihilingin kay Justin? Katapusan na nga ba ng kanilang kwento o simula pa lamang ito ng masalimuot na kabanata ng kanilang relasyon?
Romance
1.8K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
4445464748
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status