Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Unwanted Romance

The Unwanted Romance

ol ni Samantha ang kanyang Tita Claudia. Bago ito nagsimulang maging manyakis at pasaway sa buhay. Akala mo naman mauubusan ng lalaki. At ayon sa kanyang tiyahin, ganun ang magiging peg niya pag hindi siya nag-effort na nahapin ang pana ni kupido habang bata pa siya at sariwa. Kaya nang mag alok ng business trip ang kanyang boss. Para pag aralan ang resort na pag-aari nito. Hindi siya nagdawalang isip. Sinungaban niya ito agad! Sa unang gabi palang niya sa Puerto, sa balwarte ng mga Adams ay nabulabog agad ang mahimbing na pagtulog niya. Malakas ang kabog ng dibdib na napabangon siya! Ayon kay Aldena, ang secretary ng boss niya, wala namang ibang tao sa resort maliban sa kanya! Matagal nang hindi pinansin ng mga Adams ang lugar. Kaya nagmistula itong itinakwil ng mahabang panahon. Kung ganon?. Sino ang lumikha ng ingay! Dalawa lang ang nasa isip niya. Kung hindi ito multo magnanawakaw! o di kaya’y rapest! mananakaw pa ata ang dangal niya sa lugar na ito. “Who are you?! Paasik ng lalaking nasa harap niya. Napapitla si Samantha sa lakas ng boses nito. “Ms.! Umalis kana sa resort ngayon din! Bago pa ako mawalan ng bait sayo! The man turns out to be Alfonso Son! Anak mg boss niya! Rafael Adams! Virus ata ang tingin nito sa pagkatao niya, kung ipagtabuyan siya nito para siyang may nakakahawang sakit!
Romance
10470 viewsOngoing
Read
Add to library
The Doll

The Doll

"Bakit ang dungis mo na naman? Tanong ni Marilyn sa pamangkin. Mula nang mamatay ang mga magulang ng bata, siya na ang kumupkop dito, naging pangalawang ina siya ng bata. "Si Dolly po kasi, sabi ko sa kanya ayoko maglaro pero nagalit siya." Tukoy ng bata sa hawak na manika. Nasundan naman ng tingin ni Marilyn ang manikang hawak nito, pero dahil walong taon palang ang kanyang pamangkin ay sinawalang bahala niya ang mga sinasabi ng bata. "Anong ginagawa ni Dolly kapag nagagalit siya?" Sinakyan ni Marilyn ang sinabi ni Maya. "Minsan tita nagpapalit po kami, minsan ako ang nasa loob ng kahon para maging manika at siya naman ay magiging tao." Naguluhan si Marilyn sa sinabi ng pamangkin, natatawang ginulo niya ang mahabang buhok nito. Ngunit isang araw ay muli niyang nakita ang isang maputing batang babae, hawak nito ang kahon kung saan nilalagay niya ang manika ni Maya. Pinagsabihan ni Marilyn ang batang babae sa pag-aakalang kukunin nito ang manika ng pamangkin niya. Pinaalis niya ang batang babae, ngumiti lang ito sa kanya. Ngiting nagbigay ng kaba sa sa dibdib ni Marilyn. Inilapag ng batang babae ang kahon at mabilis na itong tumakbo palabas ng gate. Ngunit ganoon na lamang ang hilakbot na nadarama ni Marilyn nang buksan niya ang kahon at makita ang isang manika na nasa loob. "Hindi ito totoo, Maya!"
Mystery/Thriller
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Discarded Wife

The CEO's Discarded Wife

Sa loob ng siyam na taon, buong pusong ginampanan ni Isabelle Reyes-Santiago ang pagiging isang perpektong ina at asawa. Tahimik siyang sumuporta kay Lucas—sa kanyang negosyo, sa kanyang reputasyon, at sa kanyang ambisyon. Nanahimik siya sa likod ng camera, sa mga board meeting na hindi siya inanyayahan, at sa mga sandaling kailangan niya ng karamay pero wala ni isang halik o salitang ginhawa ang kanyang nakuha. Ang mas masakit? Wala siyang lugar sa sariling tahanan. Hindi lang si Lucas ang may paboritong kasama. "Mas gusto ko si Tita Karina kaysa kay Mommy!"—sambit ng anak nilang si Marcus habang nakangiti si Lucas, tila sang-ayon. Ginawa na ni Isabelle ang lahat para mapanatiling buo ang kanilang pamilya. Pero imbes na pagmamahal at respeto, ang gantimpala niya’y pagtataksil at pangungutya. Habang binubura siya mula sa buhay ng asawa’t anak, si Karina Sison—ang ex ng kanyang asawa—ang inilalagay sa pedestal. Ginawang presidente. Ginawang reyna. Hanggang sa dumating ang gabing iyon. Ang gabing tuluyan siyang nagising sa katotohanan—na minsan, kahit gaano mo kamahal, hindi mo na kayang manatili sa isang lugar na matagal ka nang hindi pinipiling mahalin pabalik. Pagod na siyang umasa. Pagod na siyang maging tanong sa pamilyang matagal nang may sagot—at hindi siya iyon. Kaya handa na siyang magpalaya. Handa na siyang iwan ang tahanang dati niyang ipinaglaban, sa piling ng mga taong mas masaya nang wala siya. Ngunit nang sa wakas ay iniabot na niya ang annulment papers sa kanyang asawa… Hindi galit ang sumalubong sa kanya. Hindi rin pakiusap. Kundi isang malamig na titig lang. Isang mapanganib na ngiti. At ang mga salitang… “You’re not going anywhere, Isabelle.”
Romance
323 viewsOngoing
Read
Add to library
Diary Ng XXX Celebrity

Diary Ng XXX Celebrity

Caregiver sa gabi, secretary sa umaga, ganyan ang araw-araw na buhay ni Irina Elizalde matapos lamunin ng trahedya ang masayang pamilya niya. Nang mamatay ang Papa niya sa isang aksidente at mabaldado ang Mama niya, napilitan siyang maging breadwinner, kahit pa sinisisi siya ng Tita Shiela niya sa lahat ng nangyari. Sa pagiging caregiver, may konting ginhawa naman siya, lalo na’t mabait ang matandang inaalagaan niya na si Lola Vicky. Pero sa trabaho niya bilang secretary ng suplado at bastos na CEO na si Ravi Lopez, araw-araw siyang parang nasa impyerno. Mabuti na lang at guwapo at yummy, kaya napagtitiisan niya, kahit na, gusto na niya itong layasan. Isang gabi, panay ang iyak ni Irina sa inaalagaan niyang si Lola Vicky. Kinuwento niya rito ang lahat ng paghihirap na dinadanas ngayon sa buhay niya. Sa awa ng matanda sa kaniya, binigyan siya nito ng mission. Mission na kailangang hanapin ang pörnstar na may-ari ng diary na hawak ngayon ni Lola Vicky, at kapag nahanap niya ito, ipapamana ng matanda sa kaniya bilyong-bilyong yaman nito. Ang problema, tila screen name lang ang meron siya. Mr. Ryder King. Iyon kasi ang nakalagay sa diary nito. Bukod doon, gusto ng matanda na sila ang magkatuluyan. Makukuha lang ni Irina ang bilyong-bilyong mana nito kung pakakasalan siya ni Mr. Ryder King. Paano kaya kapag nalaman ni Irina, na ang may-ari pala ng Diary ng XXX Celebrity ay ang suplado, bastos at mayabang niyang Boss CEO na si Ravi Lopez, pakakasalanan niya kaya ito? Kung payag man si Irina na pakasalan ito para sa bilyong-bilyong mana ni Lola Vicky, pumayag naman kaya si Ravi Lopez na pakasalan siya?
Romance
1028.9K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
383940414243
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status