Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Contracted Mistress of My Boyfriend’s Father

Contracted Mistress of My Boyfriend’s Father

Si Althea Cruz ay isang dancer sa sikat na club na Elysium, kung saan siya ay laging naka-mask para itago ang kanyang pagkakakilanlan. Isang gabi, nakilala niya ang misteryosong may-ari ng club, si Damian Villanueva… isang mayaman, dominante, at mapanuksong lalaki. Nagkaroon sila ng kakaibang koneksyon hanggang sa inalok siya ni Damian ng isang kasunduan: maging mistress niya sa loob ng dalawang taon, kapalit ng malaking halaga na pera at iba pa. Dahil sa pagkakaospital ng kanyang ina at sa kakulangan ng pera para sa gamutan, napilitan si Althea na pumirma sa kontrata, kahit alam niyang maaaring magbago ang buhay niya mula noon. Ang hindi niya alam, si Damian ay ama ng boyfriend niyang si Ethan… ang lalaking tunay niyang minamahal. Habang lumilipas ang mga buwan sa piling ni Damian, unti-unti niyang natutuklasan ang mga lihim sa likod ng pamilya Villanueva… at ang mas nakakatakot pa, nahuhulog na rin siya sa lalaking dapat ay kinamumuhian niya. Ngayon, nahati ang puso ni Althea sa pagitan ng lalaking una niyang minahal at ng lalaking hindi niya kayang iwan, kahit alam niyang mali. Hanggang saan ang kaya niyang tiisin alang-alang sa kontrata, sa pamilya, at sa pusong unti-unting nabubuwag sa bawal na pag-ibig?
Romance
10354 viewsOngoing
Read
Add to library
The Rise of the Fallen Ex-Wife

The Rise of the Fallen Ex-Wife

Harper Mercader, isang babae na ginupo ng pagkakataon. Isang asawa na labis na nagmamahal ngunit naiwan na umaasa at nasasaktan. Muli na babangon at bubuuin ang sarili upang maipaghiganti ang kan'yang puso na nasugatan. Evan Ruiz, isang lalaki na namumuhay sa galit at poot. Walang iba na hinangad kung hindi ang makaganti sa mga tao na nanakit sa kan'ya at sa kan'yang pamilya. Walang pipiliin ang kan'yang puso sa paghihiganti, lalo na sa babae na tinalikuran siya sa kanilang kasal. Sa mundo ng pagkabigo at pag-aalinlangan; Sa mundo na puno ng galit at paghihiganti; Sa mundo ng lokohan at pagtatraydor; May tunay na pag-ibig pa kaya na sisibol?
Romance
1058.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Following The Ferrario

Following The Ferrario

"Babayaran kita sa kahit magkanong halaga basta't paligayahin mo lang ako." Wala nang ibang nagawa si Karen kundi tanggapin ang alok ni Mr. Valer Ferrario nang sabihin ito sa kaniya. Ano bang magagawa niya sa sunod-sunod na negatibong nangyayari sa kaniyang buhay; na-ospital ang kaisa-isang anak, pinalayas sa tinutuluyan nilang apartment at natanggal pa sa trabaho. Kaya't kahit labag sa loob ay sumang-ayon siya sa alok ng mayamang lalaking ito. Alam niyang magagamit niya ito para magkaroon ng maraming pera. Ngunit paano kung magkaroon din siya ng pagtingin kay Mr. Ferrario? Sa lalaking pamilyado na?
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Missing Heir

The Missing Heir

MERIE
Nakidnap si Alyssa, isang kilalang aktres-model sa hindi niya malamang dahilan. Nang makakakita siya ng pagkakataon, nagawa niyang makatakas mula sa mga kumidnap sa kanya. Sa kanyang pagtakas, napadpad siya sa isang isla. Doon niya nakilala si Mark. Si Mark ay isang military man. Iyon ang buong akala ni Alyssa tungkol sa binata. Ngunit hindi pala. Ang pagkatao pala nito ay nababalot ng isang sikreto. Sikreto na noon lang muli mauungkat. Sino ba talaga si Mark? Ano kaya ang sikreto sa likod ng pagkatao nito? Magiging hadlang kaya ang sikretong ito sa namumuong pagmamahalan sa pagitan ni Alyssa at Mark?
Romance
3.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)

PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1)

Sa gitna ng masalimuot na buhay sa Maynila, si Heart Cruz, isang dedicated nurse, ay nagkakaroon ng muling pagkikita kasama ang kanyang mga kaibigan mula pagkabata, sina Althea, Angie, at Janith. Isang araw, habang abala sa kanyang duty sa isang pribadong hospital, nakatagpo siya ng hindi inaasahang insidente kay Brandon Flores, isang mayamang businessman at may-ari ng hotel at beach resort at isang Multi-Billionare. Ang isang simpleng banggaan ay nagresulta sa isang hindi kanais-nais na pagkakahawakan na nagpasiklab ng galit ni Heart. Habang ang kanyang kaibigan na si Janith ay nalalapit na sa panganganak, nagiging masalimuot ang sitwasyon nang magtagpo muli ang kanilang mga landas. Sa gitna ng emosyon at tensyon, kailangang harapin ni Heart ang kanyang galit at ang mga hindi inaasahang damdamin kay Brandon, na tila may mas malalim na ugat sa kanyang galit at ang kanyang asal na para dito. Ano kaya mangyari sa dalawa habang tinatahak ang hamon ng kanilang nakaraan at kasalukuyan? May pag-ibig ba kayang mabubuo sa kanilang alitan. Ano kayang kwentong sa pagkakaibigan? May pag-ibig pa kayang bumuo sa kanilang wasak na puso? At pagtuklas sa tunay na pagkatao sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay? "PAHIRAM NG ISANG GABI (BOOK #1)
Romance
1020.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Sugar Baby

The Sugar Baby

Covey Pens
Afam hunter kung tawagin, sugar baby para sa iilan. Nilulon niya ang pride at kumapit sa patalim para sa pera, para mabuhay sila. All for her dreams and her family. Pakiramdam ni Xylca Romero ay siya na ang pinakamalas na nilalang sa buong mundo. Ang ama niya ay lasenggero at ang ina ay dakilang sugarol sa kanilang lugar. Nakapisan naman sa kanila ang dalawang may-asawa ng mga kapatid karay-karay ang mga anak at mga ka-live in nilang palamunin din sa kanilang bahay. Sa murang edad niya ay naatang na sa kaniyang balikat ang responsibilidad sa mga nakababatang kapatid at ang pagbabayad sa mga pinagkakautangan ng kaniyang mga magulang. Gustuhin man niyang makawala sa lahat ng ito pero hindi siya binigyan ng mapagpipilian ng tadhana. And so she entered the world of dating foreigners online for her dreams. Sapat na ang lahat ng pasanin niya sa buhay to last her a lifetime. The burden is too heavy for her alone. Kaya mas nainis siya nang umentra sa buhay niya ang guwapong adik na tricycle driver na may dinosaur na tattoo sa katauhan ni Pierce. He stalked her, swoon over her, and made her fall in love with him. Is love enough for the two hungry souls? Or will reality only slap them hard in the face? In the end, their choices will define if they will choose love or goodbye.
Romance
3.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Unfaithful Love

The Unfaithful Love

Blurb: "YOUR MOTHER IS DYING...." "I WANT YOU TO BECOME MY MISTRESS!"   Hindi inakala ni Rozelle Lynn na ang matapat at totoo niyang pamumuhay at pananaw patungkol sa pagmamahal ay magsisimulang magbago dahil sa mga pangyayari sa kaniyang buhay na ni sa hinagap ay hindi niya inasahan.   Ano ang gagawin ni Rozelle Lynn para muling bumalik sa dati ang lahat sa kaniya?   Paano kung biglang may dumating sa buhay niya na ibig niyang makuha?   Magagawa kaya niyang talikuran ang tao na pinagkakautangan niya ng buhay o makikipaglaro siya sa tadhana para makuha lang ang nais?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Crazy Inlove To My Ninong

Crazy Inlove To My Ninong

"Be my gift sa birthday ko." 'I love my ninong, Ryke Carlos Ferrero' Para sa kaniya totoo ang naramdaman niya para sa kaniyang ninong na si Ryke Carlos. Alam ni Elaine na malaki ang agwat ng edad nila ni Ryke ngunit para sa kaniya age doesn't matter. Unang pagtibok sa puso ni Elaine na magpapagulo sa isip at puso niya at Pagsisimulan ng mga kakaibang pantasiya na inaasam na maganap. Ryke Carlos, kaya ba niyang pangatawanan ang lahat ng mga sinimulan? Nagsimula sa isang halik hanggang sa hindi na kayang mapigilan. WARNING ALERT!! SPG! R-18
Romance
105.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Sa araw na nalaman ni Nikita na siya'y nagdadalang-tao, nakipaghiwalay si Kent sa kaniya, upang makipagbalikan kay Lauren, ang dati nitong kasintahan. Pinili niyang ilihim na lamang dito ang tungkol sa pagbubuntis niya sa isiping ayaw niyang mapilitan ang binata na magpakasal sa kaniya upang panagutan lamang ang anak nila. Ayaw niyang mamuhay sa isang pilit na pamilya ang anak kung kaya't minabuti nalang nitong huwag sabihin sa lalaki. Nang malaman ni Nikita na ikakasal na si Kent at Lauren, nagdesisyon itong sumama sa kaibigang si Hanz papunta sa ibang bansa upang doon manirahan at palakihin ang anak nila ni Kent. Si Hanz ay may lihim na pagtingin sa babae. Nang umamin ang kaibigan kay Nikita sa kaniyang totoong nararamdaman ay sinubukan ulit ng babaeng buksan ang puso niya para sa pagmamahal. Sino ang mananaig sa puso ng dalaga, ang ama ng anak niyang minsan na siyang iniwan o ang kaibigang matagal ng may pagtingin sa kaniya na walang ibang ginawa kung 'di ang mahalin sila at ang anak nila ni Kent? Pipiliin mo ba ang buong pamilya o ang masayang pamilya? Maaayos pa ba ang relasyon sa pagitan nila Kent at Nikita o mabubuo ang bagong relasyon sa pagitan ng dati pang dalawang matalik na magkaibigan?
Romance
1022.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Instant Billionaire (tagalog) Part 2

Instant Billionaire (tagalog) Part 2

Alex ang mayamang pangalawang henerasyong tagapagmana ng prestihiyosong pamilyang Ambrose, sa wakas ay natapos na ang kanyang pitong taong mahabang programa sa pagsasanay sa kahirapan. Minsan ay isang milyonaryo ay hinubaran siya ng kanyang kayamanan upang malaman ang halaga ng pera at pagsusumikap. Ngayon, nabawi na niya ang kanyang pagiging milyonaryo. Ngunit sa wakas ay makakatagpo na ba ng kaligayahan at pag-ibig si Alex ngayong mayaman na ulit siya? Tunay bang ginto ang lahat ng kumikinang? Sa muling pagpasok ni Alex sa mundo ng kayamanan at pribilehiyo, dapat niyang i-navigate ang mga hamon ng pagkakasundo ng kanyang mga nakaraang karanasan sa kanyang kasalukuyang katotohanan. Nagbago ang mga tao sa paligid niya, at ganoon din siya. Ang mga dating kaibigan at bagong kakilala ay susubok sa kanyang integridad, habang ang mga potensyal na pag-iibigan ay magtatanong sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig at kaligayahan. Samahan si Alex sa kanyang paglalakbay nang matuklasan niya na ang kayamanan lamang ay hindi makakabili ng pinakamahalagang bagay sa buhay. Makakahanap ba siya ng tunay na kaligayahan at pag-ibig, o ang mga bitag ng kayamanan ay magdadala sa kanya sa landas ng kawalan ng laman at kababawan? Tuklasin ang mga kumplikado ng kanyang buhay sa isang kuwento ng pagbabago, pagtuklas sa sarili, at paghahanap ng tunay na katuparan.
Urban
801 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status