Denying Temptation with My Husband's Twin Brother
Dalawang taon nang kasal si Faye sa kaniyang asawang si Matheo, ngunit isa lamang kasunduan ang nagbubuklod sa kanilang dalawa. Mayroong lihim si Matheo sa tunay nitong pagkatao, at upang mapagtakpan iyon ay kailangan niyang magpakasal sa isang babae. Si Faye naman ay iniiwasang maipakasal sa lalaking hindi niya mahal kaya pumayag siya sa kasunduang ibinigay sa kaniya ni Matheo. Ang pangako nilang dalawa, hanggang tatlong taon lamang ang kanilang pagsasama. Pagkatapos ng tatlong taon ay maibibigay na ang mana kay Matheo na siyang paghahatian nilang dalawa at mamumuhay silang malaya at masaya.
Ngunit paano pa iyon matutupad kung bigla na lamang nawala ang lalaki? Hindi malaman ni Faye kung tinangay ito o napahamak. Hindi niya alam kung saan hahanapin si Matheo.
Hanggang sa biglang lumitaw ang kakambal ni Matheo— si Mikhael. Ang lalaking akala niya’y hindi na niya muling makikita. Alam ni Mikhael na nawawala si Matheo at posibleng nasa kapahamakan ang buhay nito. Isang international agent si Mikhael, at nalaman nito na ang pagkawala ni Matheo ay may kinalaman sa sindikatong tinutugis nito.
Upang mapalabas ang tootong may sala sa pagkawala ng kapatid, kailangan na magpanggap ni Mikhael bilang si Matheo. At kinakailangan nito ang kooperasyon ni Faye.
Ngunit tila hindi lamang ang buhay ni Matheo ang nanganganib sa pagkakataong ito— maging ang puso ni Faye ay nasa panganib na rin.
Gayong ang totoo niyang iniibig ang kaniya nang makakasama sa pagpapanggap.
Paano niya rin maproprotektahan ang lihim nilang dalawa ni Matheo?
Hanggang saan ang pagtatago at pagpapanggap nilang tatlo?
Hindi kaya bumalik ang damdamin ni Faye kay Mikhael? O baka si Mikhael ang bigla na lamang mahulog sa kaniyang sister-in-law?
How would they protect their heart while fulfilling their duties?
How could they deny the temptations?
Hot Chapters
More