Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Mayor's Contract Wife

The Mayor's Contract Wife

Isang matapang na dalagang negosyante si Ysabella Cruz na handang gawin ang lahat para mailigtas ang pamilya nila sa pagkakautang—kahit pa ang kapalit ay isang kasunduang kasal. Ang catch? Ang lalaking papakasalan niya ay si Mayor Alaric Dela Vega—bata, makapangyarihan, at misteryosong lider ng kanilang bayan. Hindi inaasahan ni Ysabella na ang lalaking minsang tumulong sa kanya noong kabataan pa sila ay siya ring magiging "asawa" niya ngayon—ngunit sa papel lamang. May sariling dahilan si Mayor Alaric kung bakit pumayag siya sa kasunduan: kailangan niyang mapanatili ang imahe niyang "settled" upang matuloy ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa pulitika. Ngunit habang lumilipas ang mga buwan sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting nabubura ang hangganan ng kasunduan. Sa pagitan ng mga scripted na halik sa harap ng kamera at mga gabing puno ng katahimikan, may damdaming unti-unting nagigising. Hanggang kailan sila magtatago sa likod ng kontrata? At kapag dumating ang oras ng pag-pirma ng annulment papers, sino ang unang aatras—ang pusong natutong magmahal o ang pusong takot masaktan muli?
Romance
10576 viewsOngoing
Read
Add to library
Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me

Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me

In a marriage built on convenience, will she finally find the love she’s been denied all her life? *** Si Chloe Lazaro ay isang babaeng walang boses sa sariling pamilya, tinatawag na malas, tinataboy, at walang halaga. Sa bawat araw na kasama ang mga magulang at kapatid, unti-unti niyang nakalimutang karapat-dapat din siyang mahalin. Hanggang sa dumating si Jiro Ramirez . Isang makapangyarihan at mayamang lalaki na kilala sa malamig na ugali at imposibleng lapitan. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na anyo, si Jiro lamang ang unang kumupkop kay Chloe, ang unang humawak ng kanyang kamay, at ang unang nagsabi ng mga salitang hindi niya narinig kailanman: “Don’t be nervous… you’re my wife now.” At sa piling ng isang lalaki na estranghero, matutuklasan ni Chloe na may mga kasal na hindi lang papel ang nagbubuklod… kundi puso.
Romance
105.0K viewsOngoing
Read
Add to library
LOVE BEYOND TRADE

LOVE BEYOND TRADE

Baon sa utang at lulong sa casino, ang desisyon ng kanyang ama ay ipagpalit ang kanyang nakababatang kapatid na babae para sa isang contract marriage sa anak ng pinuno ng kanyang pinag-utangan. At upang mailigtas ang kanyang nakababatang kapatid na babae, napilitan si Claire Mariano na palitan ang posisyon ng kanyang kapatid at pakasalan ang susunod na lider ng pamilya ng mga Navarro, si Javier Zen Navarro. Ngunit paano kung higit sa malaking halaga ng pera ang puno’t dulo ng kontrata na ito? Paano kung sa likod nito ay isang sikreto ang nag-uugnay sa mga Mariano at Navarro? Magagawa kaya ng kontrata na pag-ugnayin ang dalawang pusong sangkot sa madilim na katotohanan? O’ ito ang magsisilbing mitsa sa isang malaking gulo sa pagitan ng kanilang pamilya?
Romance
9.96.8K viewsOngoing
Read
Add to library
The Ruthless Mafia's Regret (R18+)

The Ruthless Mafia's Regret (R18+)

Nalugi ang negosyo ng mga magulang si Hannah Jimenez, kaya walang nagawa ang mga ito nang kunin siya ng malupit at cold na businessman man na si Cedric Rama upang maging kabayaran sa pagkakautang. Inalila niya ito para sa sariling kagustuhan at kalayawan kahit siya ang tunay na alipin ng sarili niyang pag-ibig. Ngunit hanggang kailan kaya magtiis ni Hannah kung hindi lang damdamin ang nasasaktan? Makakalis pa ba siya sa kulungan mula kay Cedric kung magkaiba ang sigaw ng puso at isip niya?
Romance
91 viewsOngoing
Read
Add to library
The Mafia Boss and His Muse

The Mafia Boss and His Muse

"The Mafia Boss and His Muse" Si Ysabella Fuentes ay isang ambisyosong babae na handang gawin ang lahat upang maiahon ang sarili at pamilya mula sa kahirapan. Nang matanggap siya bilang personal secretary ni Zachariel Ezekiel Montenegro, ang misteryosong CEO ng Montenegro Industries, hindi niya inaasahan na mabubuksan ang pinto ng isang madilim at mapanganib na mundo. Si Zachariel ay hindi lamang isang makapangyarihang negosyante—siya rin ang pinuno ng pinakamalaking sindikato sa bansa, ang Montenegro Mafia. Sa kabila ng kanyang malamig na ugali at walang-awang reputasyon, natagpuan ni Bella ang isang lalaking puno ng sugat mula sa kanyang nakaraan, naghahanap ng dahilan upang muling magtiwala at magmahal. Habang nalalapit ang dalawa sa isa’t isa, unti-unting nalantad ang mga lihim na bumabalot sa buhay ni Zachariel, at si Bella ay naipit sa gitna ng alitan ng kapangyarihan, taksil na alyado, at mga kalabang walang awa. Ang kanilang pagmamahalan ay sinubok ng panganib at pagdududa—isang relasyon na maaaring magdulot ng kaligtasan o kapahamakan. Sa gitna ng baril, dugo, at pag-iibigan, mapapatunayan ba ni Bella na siya ang muse na magpapabago sa takbo ng madilim na mundo ni Zachariel? O masisira ang kanilang relasyon dahil sa mga lihim na hindi kayang takasan ng Mafia Boss? "The Mafia Boss and His Muse" ay kwento ng laban para sa pagmamahal, pagtitiwala, at pag-asa sa kabila ng dilim at panganib.
Mafia
706 viewsOngoing
Read
Add to library
Dalawang Nakanselang Kasal

Dalawang Nakanselang Kasal

Sa gabi ng aking kasal, nasagasaan ako ng kababata ng aking fiancé. Nilagay nito sa panganib ang aking buhay. Sinubukan ng aking best friend na tawagan ang aking fiancé, pero agad niyang ibinaba ang tawag. Pinadalhan niya rin ito ng isang text message. “May sakit si Ruth. Wala akong oras para riyan.” Tinawagan ng aking best friend ang kaniyang boyfriend na isang artista na may malawak na koneksyon. Pero sinabi nito na, “May sakit si Ruth. Kailangan niya ako sa tabi niya ngayon.” Pagkatapos ng isang gabi ng resuscitation, tiningnan namin ang isa’t isa sa ward bago kami sabay na magsalita. “Ayaw kong magpakasal.” Pero nasurpresa kami nang mawala sa sarili ang aming mga fiancé nang ikansela namin ang aming mga kasal.
Short Story · Romance
820 viewsCompleted
Read
Add to library
The Chosen Wife Of The Billionaire

The Chosen Wife Of The Billionaire

WARNING: MATURED CONTENT: RATED SPG Contract marriage? Iyong ang pinasok ni Ellise dahil kailangan niya ng malaking halaga para maipaopera ang kanyang mama. Si Nathan Francisco. Ang boss ni Ellise. Pinapirma siya nito ng kasunduan. Magpapakasal siya dito kapalit ng malaking halaga na kailangan niya. Nagdadalawang isip man siya dahil sa mga katanungan sa kanyang isipan kung bakit siya nadamay sa will ng lolo ng kanyang boss ay wala siyang magawa. Siya ang pinili ng lolo ni Nathan na pakasalan nito at kung hindi siya pakasalan ni Nathan ay mawawala dito ang mga negosyong pinaghirapan nito. Galit! Iyon ang naramdaman ni Nathan sa kanyang lolo dahil sa pagmamanipula nito. At higit sa lahat ay galit para kay Ellise. At nabuo sa kanya ang katanungan. Ano ang ipinakain ni Ellise sa kanyang lolo at bakit siya ang napili nito. Dahil sa ayaw mawala ni Nathan ang mga pinaghirapan ay nakapagdesisyon siya. Gumawa siya ng kasulatan para mapilitang magpakasal sa kanya si Ellise At ang kasulatang iyon... Kasunduan para sa kanilang kasal.
Romance
9.836.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Inangkin Ako Ni Ninong

Inangkin Ako Ni Ninong

Hindi maipaliwanag ni Jasmine Arriola ang kaba at tuwang naramdaman nang ianunsyo na pansamantala siyang magiging secretary ng Ninong slash Boss niya. Sa kabila ng pagiging fresh graduate, pakiramdam niya ay isang malaking oportunidad ito. Si Alejandro Pascaul II ay hindi lang CEO ng malaking kompanya sa bansa—kundi matalik na kaibigan rin ng kanyang mga magulang. Hindi maikakaila ang karisma nito. Matangkad, laging maayos manamit, at may presensiyang kay hirap balewalain. Kaya kahit hindi sadya, napapatanong si Jasmine kung bakit nananatiling binata ang tulad nitong lalaki. At ngayong magkakatrabaho na sila, hindi niya naiwasang samantalahin ang pagkakataong mapalapit dito. Pero habang lumilipas ang mga araw, unti-unting nahuhuli ng kanyang mata ang mga panakaw na tingin nito. May kung anong bigat at lalim sa bawat titig. Hindi niya alam kung ganoon lang ba talaga ito tumingin sa lahat, o sadyang may nais itong iparating—sa kanya lang.
Romance
106.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Into The Other Side: The Last Vessel

Into The Other Side: The Last Vessel

CG Tomodachi
Lexcel Faith Marshall is a normal student with normal life not until her grandmother died. Simula burol ng kanyang lola ay kung ano-anong mga nakikita at napapanaginipan niya. Sa takot na magkatotoo ang kanyang mga panaginip ay gumawa siya ng paraan para alamin ang dahilan kung bakit ito nangyayari sa kanya, sa tulong ni Levi- isang bagong salta sa lugar nila. Sa paghahanap ng sagot sa kanilang katanungan ay dinala sila sa nakaraang nababalot ng misteryo sa buo nilang pagkatao na maaring sisira sa kanilang hinaharap.
Mystery/Thriller
105.0K viewsCompleted
Read
Add to library
The Missing Piece

The Missing Piece

Simple lang ang pangarap ng isang simpleng dalaga na si Michaela Gomez. Ang makapagtapos ng pag-aaral at matagpuan ang tunay na mga magulang. Dahil sa tingin niya, ito ang mga bagay na kulang sa kanyang pagkatao. Ngunit nang magtagpo ang landas nila ng isang gwapong binatang bilyonaryo na si Jacob Perkins, ay isa na rin ito sa mga naging pangarap niya. Ipinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal na akala niya ay isa sa bubuo sa kanyang pira-pirasong pagkatao. Hahayaan na lang ba niyang magtapos ang kanilang relasyon dahil lang sa isang magulong sitwasyon? O, mas mangingibabaw ang pagmamahal niya rito?
Romance
109.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status