Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BIDDING FOR HER (She was His to Win)

BIDDING FOR HER (She was His to Win)

Mabait. Inosente. Mapagmahal. Ganyan inilalarawan si Megan Gonzales, isang dalagang lumaki sa pagitan ng liwanag at dilim. Anak ng isang babaeng bar performer na mas mahal pa ang pag susugal kaysa sariling anak, natutunan ni Megan na ang simpleng pamumuhay ay sapat na—makatapos ng pag-aaral, makakain sa tamang oras, at maipaglaban ang mga taong mahal niya, kahit ang kapalit ay ang sarili niyang kalayaan. Hanggang sa isang gabi, tuluyang naglaho ang natitirang liwanag sa buhay niya. Sa isang underground human auction—isang gabi ng kasinungalingan, kasakiman, at kapangyarihan—ibinenta siya ng kanyang ina kapalit ng pera. Isang murang halaga, isang kahindik-hindik na kataksilan. Ang mga bid ay mabilis na tumataas: lima... sampu... tatlumpung milyon. Hanggang sa isang malamig, mariin, at makapangyarihang tinig ang sumigaw. "Isang daang bilyon. Para sa kanya." Tahimik ang mundo. Tumigil ang lahat. Doon siya unang nasilayan ni Lucien Alcaraz—isang negosyante sa itaas ng mundo, kilala sa yaman, talino, at kawalan ng puso. Ngunit sa gabing iyon, sa ilalim ng mga ilaw ng kasalanan, nakita niya si Megan. Hindi bilang isang produkto... kundi isang bagay na dapat angkinin para sa kaniyang sariling intensyon. Sa pagitan ng kasunduan at lihim na damdamin, matutuklasan ba ni Megan na ang tunay na halaga ng isang tao ay hindi nasusukat sa perang ipinambibili sa kanya? Mararanasan ba niya ang pagmamahal na ipinaglalaban siya? Halina`t subaybayan ang kwento nang ating bida.
Romance
460 viewsOngoing
Read
Add to library
Hot Professor Arthur

Hot Professor Arthur

Magdalena Perez, isang mask dancer at college student, ay napilitang pumasok sa ganoong trabaho matapos silang iwan ng kanyang ama at para matustusan ang gamot ng inang may sakit sa puso. Isang gabi, natagpuan niya ang sarili sa harap ni Professor Arthur, ang guro niyang lihim na may paghanga sa kanya. Sa kabila ng takot na mabunyag ang kanyang trabaho at mawala ang scholarship, pumayag siya sa isang alok ng club owner kapalit ng malaking halaga para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakala na si Professor Arthur pala ang lalaki sa gabing iyon.
Romance
346 viewsOngoing
Read
Add to library
ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN

ANG BABAENG HINDI DAPAT BINITAWAN

Isang salitang “diborsyo” ang wawasak sa pitong taong kasal ni Mariel Benning. Sa loob ng isang iglap, ang asawang si Billie Walter—ang lalaking minsang nangakong “habambuhay”—ay humiling ng kalayaan para pakasalan ang ibang babae: si Vicky Singson, ang babaeng sinasabing may anim na buwang taning ang buhay. Habang pinupuri ng mundo si Vicky, unti-unting naglalaho si Mariel sa mga anino ng kasinungalingan. Ngunit sa ilalim ng kanyang katahimikan, may lihim siyang tangan—isang lihim na mag payanig sa lahat. Pag-ibig, pagtataksil, at paghihiganti—isang kwento ng babaeng iniwan, ngunit hindi natalo. Dahil kapag ang puso’y minsang sinugatan, matututunan nitong tumibok muli—hindi para sa iba, kundi para sa sarili. “Hindi ko kailangan maging perpekto para manatili ka. Pero sa pag-alis mo, doon ko natagpuan kung sino talaga ako.”
Romance
10437 viewsOngoing
Read
Add to library
Bastarda Series-|√: Deal of Love

Bastarda Series-|√: Deal of Love

Siya si Chryll Araneta, 19 year old. Maganda, may balingkinitang katawan at morena ang kutis ng kanyang balat. Si Chyrll ay anak ni Police General. Wilson Araneta sa kanyang dating kasintahan, hindi niya alam na nabuntis niya ito noon bago sila maghiwalay at ipakasal siya sa anak ng kaibigan ng kanyang ina. Nalaman nalang niya na may anak siya dito ng madengue at nanganganib ang buhay ng bata na kailangan agad itong masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon. Simula noon ay kinuha nito ang bata sa kanyang dating kasintahan na hindi nagustuhan ng kanyang asawa. Bata pa lamang si Chyrll ay nakakaranas na ito ng kalupitan sa kanyang step-mother at sa kapatid nitong si Carlyn, ng tumuntong siya sa edad na dese-otso ay natuto siyang ipagtanggol ang kanyang sarili. Walang kaalam-alam si General Wilson sa nagaganap sa pagitan ng kanyang asawa at anak na panganay at sa bunso nito. Dahil sa kagustuhan ni Chyrll bumukod ng tirahan ay nagkaroon sila ng kasunduan ng kanyang ama, papayag lamang ito kapag kaya na niyang tumayo sa sarili niyang paa, kaya napag-isipan niyang magtayo ng negosyo at ito ang Chyselle Coffee Shop ng kaniyang kaibigan. Habang namamahala siya ng negosyo nila ng kanyang kaibigan ay pinagpatuloy parin nito ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. At doon niya nakilala si Red Simon Marcos na isang negosyante ng mag hurado ito sa ginanap na ntramurals sa university. Unang kita pa lamang niya sa binata ay nagkagusto na siya dito. Lahat ng lakad nito ay inaalam niya ng palihim, hanggang sa nahuli siya at hindi ito nagustuhan ng binata. Atin pong alamin kung paano mapapaibig ni Chyrll o mapaibig nga ba niya ang isang Red Simon na mahilig maglaro ng damdamin ng isang babae. At sabay-sabay din po nating tuklasin ang kanilang mga tinatagong lihim.
Romance
104.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Craving Dad's Best friend

Craving Dad's Best friend

Mula pagkabata ay may paghanga na si Crisanta kay Lysander, ang matalik na kaibigan ng kanyang ama. Sa muli nilang pagkikita, lalo pang tumindi ang damdamin niya at ganoon din kay Lysander. Sa kabila ng pagtutol ng iba, pinili nilang pumasok sa bawal na relasyon. Ngunit sapat ba ang kanilang pag-ibig para labanan ang lahat ng humahadlang?
Romance
346 viewsOngoing
Read
Add to library
Montefalco Series 2: One Night Mistake

Montefalco Series 2: One Night Mistake

Warning: R-18. Not suitable for young readers. Read at your own risk. ________ Kapit sa patalim. Iyan ang ginagawa ng isang mahirap na katulad ko sa oras ng kagipitan. Mahirap. Nakakababa ng digninad. Wala na ngang pinag-aralan pinasok pa ang isang bagay na hindi makatarungan. Ngunit sa ngalan ng pamilya, pagmamahal,at sakripisyo,lahat kaya kong isugal maisalba lang ang buhay ng nanay ko. Pera kapalit ang dangal. Dangal na nawala para makasalba ng isang buhay. Ito ang mahirap para sa gaya kong isang mahirap ngunit wala kang pagpipilian kundi pasokin ito dahil ito lang ang naisip mong madaling paraan. "So, ano ang dahilan mo bakit sumama ka sa akin?" Mapang-akit niyang tanong sa mapusok naming halikan. "Pera," pa-ungol na sagot ko sa sensasyon na nadarama. Dangal laban sa isang buhay na kailangan iligtas. Puri para sa perang inaasam. A one night mistake that changed my life forever that I can't escape.
Romance
1042.4K viewsCompleted
Read
Add to library
BAKIT NGA BA MAHAL KITA?

BAKIT NGA BA MAHAL KITA?

Walang modo, bully, bad boy at siga, ganoon si Shawn Rebato kung ilarawan ng mga taong nakakakilala sa kanya. Kilala ito bilang leader ng fraternity sa isang University na pinapasukan nito. Lahat kinakatakutan si Shawn, ang mag-angas at humamon sa binata ay makakatikim nang matinding parusa. Hanggang sa isang transferee student ang malakas ang loob na kontrahin at hamunin ito. Si Charlene Dimagiba, isang transferee student. Nasunugan ng bahay sa Maynila kaya walang ibang pagpipilian ang magulang ni Charlene kung hindi ang bumalik sa Davao kung saan nakatira ang ibang kamag-anak nila. Back to zero sila. Kaya labag man sa loob ng dalaga ang paglipat ng school ay wala na itong ibang nagawa. Subalit hindi inaasahan ni Charlene na sa unang araw pa lang nito sa University, imbes kaibigan ang mahahanap niya. Isang kaaway pala ang makikilala nito agad. Lumaking palaban si Charlene kaya kahit anong pang pambu-bully ni Shawn ay hindi uubra sa kanya. Ngunit, pagdating sa insidenteng puri na ng dalaga ang nakasalalay ay ibang usapan na. Sa paanong paraan ba makakabawi si Shawn kay Charlene? Maniwala kaya ang dalaga kung aamin si Shawn sa totoong damdamin nito? Pero paano na lang kung malaman ni Shawn na may ibang mahal si Charlene? Kailangan na ba ni Shawn na magparaya?
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Accidentally Inlove with the Jerk

Accidentally Inlove with the Jerk

Para kay AMBER COLT isang certified na jerk at mapag-laro ng puso si DAMON ALLISTER Para sa kaniya,isang bwisit niya sa buhay si DAMON,paano kung ang sinasabi niyang jerk,mapaglaro ng puso ng babae at bwisit sa buhay niya ay ang mamahalin pala niya? Paano kung ang jerk na sinasabi ni amber ay mag-bago para sa kaniya?
Romance
106.8K viewsOngoing
Read
Add to library
UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife

UNWORTHY LOVE:The Untold Sacrifices Of A Devoted Wife

Sa gitna ng mundong puno ng pagdurusa at kahirapan, isang asawa ang naglalakbay sa daang puno ng sakripisyo para sa isang pag-ibig na di karapat-dapat. Sa kabila ng mga pagsubok at pagkakataon na sumuko, pinili niya paring manatili at magtiis para sa taong hindi nauunawaan ang halaga ng kanyang pagmamahal. Ngunit hanggang kailan siya magtitiis sa pag-asa ng pagbabago? Isang kwento ng pag-ibig, sakripisyo, at pag-asa ni Maricar na nagpapakita ng lakas at tapang ng pusong handang magmahal kahit na di ito kapalit ng karapat-dapat na pagmamahal.
Romance
104.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Bon Appetit

Bon Appetit

Sa mundo ng mga trillionaire, hindi sapat ang pera upang makuha ang lahat—ngunit para kay Fortuna Han, isang pastry chef na lumaki sa simpleng buhay, kaya niyang gawin ang lahat, kahit pa ito’y maging kasalanan, basta’t mapasakanya ang lalaking matagal na niyang minamahal. Si John Tan, isang brilliant, CEO ng isang IT company, cold-hearted computer engineer at tagapagmana ng pinakamalaking business empire sa bansa, ay may isang pangakong kailangang tuparin—ang mapangasawa si Senyora Abedida, ang tanging babaeng tinatangi niya simula high school. Ang mundo nila ay naaayon sa isa’t isa, at walang puwang para sa isang babaeng tulad ni Fortuna. Ngunit hindi iyon naging hadlang kay Fortuna. Sa isang mapanganib na laro ng pag-aakit, pagsisinungaling, at panlilinlang, ginawa niya ang lahat upang maagaw si John mula kay Senyora. At nang tuluyan niyang nakamit ang lalaking matagal na niyang inibig, isang hindi inaasahang rebelasyon ang bumulaga sa kanya—matagal na palang nakatakda ang kasal nila ni John dahil sa isang arranged marriage na pinlano ng kanilang mga pamilya noon pa man. Dahil sa galit at panlilinlang, si John ay napilitang pakasalan si Fortuna sa ilalim ng isang kontrata—dalawang taon lamang silang magiging mag-asawa, at pagkatapos noon, tuluyan na siyang mawawala sa buhay nito. Para kay John, ito ay isang laro ng kapangyarihan. Para kay Fortuna, ito ang katuparan ng kanyang pangarap. Ngunit paano kung sa gitna ng kasunduang ito, may isang gabi ng kapusukan ang tuluyang magtatali sa kanila magpakailanman? Paano kung ang babaeng itinuring niyang mang-aagaw ay siyang magbibigay sa kanya ng bagay na hindi niya kailanman inakala—isang anak? At paano kung sa paglipas ng panahon, ang malamig na poot at galit ni John ay unti-unting mapalitan ng isang damdaming pilit niyang nilalabanan? Si Senyora Abedida, na hindi kailanman papayag na maagaw si John nang ganoon lang.
Romance
103.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status