Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
BILLIONAIRE’S PERFECT LOVER

BILLIONAIRE’S PERFECT LOVER

CiriRivia
Naya and Declan had been in a relationship for one year when he proposed to her. Siya na ata ang pinakamasayang babae sa buong mundo nang makatanggap siya ng engagement ring mula sa lalaking mahal niya. Pero lahat ng kaligayahan sa puso niya ay biglang naglaho kasabay nang parang bulang naglaho rin ang binata. He’s nowhere to be found. Sa pag-uwi niya sa Pilipinas galing Spain, hindi lamang pagka-brokenhearted ang bitbit niya kun’di pati ang malaking problema. Saan naman siya hahanap ng lalaking ipakikilala niya sa kaniyang mga magulang bilang boyfriend niya gayo’ng excited ang mga ito na makilala si Declan? And then she met Dream Aguilar. Kahit hindi niya tipo ang lalaki dahil iba ang dating nito para sa kaniya noong unang pagkikita pa lamang nila... pero inalok niya pa rin itong magpanggap na nobyo niya para ipakilala sa kaniyang mga magulang. But things went different between the two of them habang lumilipas ang mga araw na magkasama sila. She fell in love with him. Big time. Ito nga ata ang purpose kung bakit siya nasaktan sa una niyang pag-ibig. Itinadhana sila ni Dream para mahalin ang isa’t isa. He’s the perfect man, perfect lover, perfect partner. Pero isang araw, may lihim si Dream na kaniyang natuklasan. Lihim na hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang maramdaman. For the second time, she was hurt again. Is she willing to forgive him and continue to love him? Or will she leave him forever and just let the wound in her heart heal over time?
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
EXPLICIT LOVE: THE FORBIDDEN AFFAIR WITH BILLIONAIRE DON

EXPLICIT LOVE: THE FORBIDDEN AFFAIR WITH BILLIONAIRE DON

Ang istoryang ito ay ang Book 2 ng Ofw Wife of A Billionaire. Si Louisse Nicolas ay napilitang maglayas sa puder ng kaniyang mga magulang dahil sa halos araw-araw nitong pagbabangayan dahil sa pagka-lulong ng kaniyang ama dahil sa sugal. Dahil dito napilitan si Louisse na mamasukan bilang cleaner sa isang Motel sa Malate. Nang dahil sa isang pagkakamali ay nalagay sa panganib ang kaniyang sarili dahil sa isang bagay na hindi niya dapat makita. At iyon ay ang pagtatalik ng isa sa mayaman at maipluwensyamg tao na si Lester Duavit sa isang babae na ngayon lang niya nakita sa buong buhay niya. Lingid sa kaalaman ni Louisse na dahil dito ay pagtatangkaan ni Lester ang katahimikan ang kaniyang buhay, ngunit sa kasamaang palad ay pumalpak ang plano ni Lester at nabuhay si Louisse. Tila pumapabor naman kay Louisse ang ikot ng mundo ng madampot at matulungan siya ni Anthony Eduardo. Ang Don sa Malate. Ang lalaking tinitingala ng lahat. Anong mangyayari kung sa paggising niya ay malaman niyang si Lester na nagtangkang pumatay sa kanya ay ang nakababatang step-brother ni Anthony at ang babaeng binabayo ni Lester ay walang iba kundi ang fiancee ni Anthony. Hanggang kailan nila maitatago ang kanilang pagtataksil sa kaniyang boss/step-brother? Paano kung malaman niya na ang kaniyang kanang kamay at pinagkakatiwalaan niya ay step brother pala niya? Hanggang saan ang kayang ibigay ni Louisse kay Anthony kung umamin itong hulog na siya sa dalaga?
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Housemaid's Secret

The Housemaid's Secret

Zenshine
Para takasan ang nakatakda niyang kasal sa isang matandang lalaki ay lumuwas si Bethany Gayle Chavez sa isang malayong probinsiya. Ipakakasal kasi siya ng mommy niya sa isang Chinese business tycoon. Bagay na never niyang sinang-ayunan. Bilang heiress, alam na niya na kapalit ng pagiging marangya ng buhay niya ay ang pagpapalakas at pagpapalawak ng impluwensya ng bawat pamilya kaya naman kailangan niyang maikasal sa isang taong kaparehas o higit pa sa estado nila sa buhay. Kaya naman para makatakas sa kasunduang hindi niya gusto. . .nagpaka-layo kayo siya at nagpanggap siya bilang isang simpleng babae. Namasukan siya sa isang mayamang haciendero bilang house maid at doon ay nakilala niya si Simon Clarke Silvestre. Nagmamay-ari ito ng heka-hektaryang lupain sa probinsya at may malaking hacienda. Naging maganda at kaswal lang naman ang pagtanggap sa kanya ng binata. Pero naging mahirap para sa kanya ang pagsisilbi rito dahil kagagaling lang nito sa isang aksidente. Iritable si Simon at mabilis na magalit. Hindi naman siya ganito noon. Nagsimula lang ang pagbabago niya simula noong maaksidente siya. Hindi nila alam na si Bethany ay isang tagapagmana at nagpapanggap lamang bilang kasambahay. Bagay na sinesekreto niya sa lahat dahil ayaw niyang mahuli at ibalik sa mga magulang niya kundi ay malilintikan siya at ipapakasal sa matandang instik na iyon. Pero paano kung sa isang pagkakamali ay magbabago ang buhay ni Bethany? Si Simon ba ang magliligtas sa kanya sa masalimuot niyang magiging kapalaran sa matandang intsik na iyon, o mas lalo lang nitong sisirain ang buhay at mga pangarap niya?
Romance
105.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
My Hot Sugar Daddy (Filipino)

My Hot Sugar Daddy (Filipino)

Tuwang-tuwa si Pauline matapos na malaman na nakapasa siya sa entrance exam ng isang kilalang pamantasan sa Maynila ngunit kaagad na napalitan 'yon ng lungkot nang ma-realize niya na hindi niya sigurado kung makakapag-aral nga talaga siya sa kolehiyo dahil sa hirap ng buhay nila. Tanging pagtatanim lang ng mga gulay at prutas ang hanap-buhay ng mga magulang niya na talaga naman na hindi sapat sa kanila lalo na lima silang magkakapatid. Gusto niya na makapagtapos ng pag-aaral para matulungan ang pamilya niya na makaahon sa hirap kaya hindi na niya pinakawalan pa ang pagkakataon na makapag-aral siya kahit alam niya na mahihirapan siya lalo na wala silang pera. Gagawa na lang siya ng paraan para matugunan ang pag-aaral niya. Naghanap kaagad siya ng puwedeng mapagtrabauhan para may pang-tuition siya ngunit hindi 'yon ang kanyang nahanap kundi nakilala niya ang isang guwapo at hot na football coach na si Matthew. Sinabi ni Pauline ang nais niya dito kaya inalok kaagad siya ni Matthew kung gusto niya na maging sugar daddy niya ito. He will give everything to her. Wala na siyang kailangan na problemahin pa. Hindi na niya kailangan na maghanap ng trabaho para may pang-tuition siya sa pag-aaral hanggang sa makatapos siya. All she needs to do is to say yes to him. Papayag kaya si Pauline na maging sugar daddy si Matthew? Is she going to refuse him to be his hot sugar daddy until she fulfill her dream—finishing her studies?
Romance
1042.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
MS. CUPID AND THE HEARTLESS CEO

MS. CUPID AND THE HEARTLESS CEO

KweenMheng12
Dahil sa isang pagkakamaling hatol ay naging angel cupid ang dalagang si Alyanah. Dahil nabigo siya sakanyang misyon ay pinarusahan siya at muling naging tao. Makikilala niya ang dahilan ng kanyang pagkakaaksidente apat na taon ang nakalipas. Si Keird Sendo Mondragon ang the heartless ceo. Dahil nabigo sa unang pag- ibig ay magiging matigas ang puso ng binata, pero magbabago ang lahat ng makilala niya ang angel cupid na si Alyanah. Dahil sa tunay na pagmamahal ni Keird Sendo kay Alyanah ay muling nakabalik ang kaluluwa ni Alyanah sa kanyang katawan na comatosed. Ngunit ang kapalit sa muling pagbalik ni Alyanah sa kanyang normal na buhay ay makakalimutan niya ang lahat mula sa kanyang pagiging angel cupid at pati na si Keird Sendo. Nang makabalik na si Alyanah sa kanyang pagkatao ay malalaman niya na ang kanyang bestfriend at boyfriend ay may relasyon na at magpapakasal na ang mga ito. Malalaman din niya ang dahilan ng kanyang pagkaka-aksidente ay ang walang puso na ceo na si Keird Sendo. Mapapatawad niya ba ang binata sa mga kasalanan nito sa kanya. Pero paano kung sa muli nilang pagkikita ay muling tumibok ang kanyang puso at maalalang muli ang kanilang nakaraan na pag- iibigan… Pipiliin bang muli ni Keird Sendo si Alyanah kahit na nakokonsensiya siya sa mga nagawang kasalanan sa dalaga kung ito ang nagpapatibok ng kanyang puso. O susundin ang utos ng kanyang mga magulang na pakasalan ang kanyang ex- fiancé na nang- iwan sa kanya noon.
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
THE BILLIONAIRE CEO PRETENDS TO BE A BEGGAR TO FIND A WIFE

THE BILLIONAIRE CEO PRETENDS TO BE A BEGGAR TO FIND A WIFE

Paano kung isang araw, you became the billionaires wife? Yung akala mong pulubi ay mas mayaman pala sayo? Klaihuse Farrel Velasco, a billionaire ceo also known as the cold hearted bachelor business tycoon in the asia who don't care at people around him. A man who don't believe in love, because of his past. He pretend to be a beggar to find a wife because his parents wants him to be arranged marriage by someone he doesn't love and know at the first place. Sinabi niya sa parents niya na meron siyang girlfriend at mahal na mahal niya ito at siya lang ang babaeng papakasalan niya even though it's not true, he just said that to make his parents stop but unfortunately his parents want to meet the girl as soon as possible. Pero alam niya sa sarili niya na wala siyang maipakilala dahil hindi niya naisip na hihilingin 'yun ng magulang niya that's why he came up to the idea to pretend as a beggar to find a woman with a good and kind hearted heart in just a week. He asked his parents to give him a week to talk to his girlfriend kuno kung papayag ba siya pero hindi 'yun totoo. The truth is, he will find a woman who's fit to be his fake wife na maihaharap niya sa parents niya. Pero paano kong mahirapan siyang maka hanap ng babaeng ayon sa gusto niya sa loob lamang ng isang linggo? Will he succeed o tatanggapin nalang niya ang kapalaran niya na maikasal sa babaeng hindi niya mahal o gusto man lang? Aayon kaya sakaniya ang panahon at tadhana? Makaka hanap kaya siya ng babaeng magiging asawa niya sa loob lamang ng isang linggo?
Romance
582 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Star

The Star

Sa likod ng ilaw, palakpakan, at mga kantang minahal ng marami, may mga buhay na tahimik na nasisira at muling binubuo. Si Alexa Emmanuella Padilla Villa—mas kilala bilang Axelle—isang babaeng piniling magningning nang mag-isa, hiwalay sa anino ng sikat na apelyidong kanyang pinagmulan. Sa murang edad, napatunayan niya ang sarili bilang isang singer at negosyante, dala ang paniniwalang ang tagumpay ay mas matamis kapag pinaghirapan. Ngunit noong 2026, nagsimulang magbago ang lahat nang mawala sa kanilang pamilya ang kanyang kapatid isang pag-alis na puno ng lihim, sakit, at katahimikan. Ang pagkawala nito hindi lamang nag-iwan ng lungkot, kundi nagbukas ng mga sugat sa kanilang pamilya na pilit tinatakpan ng paghihinagpis. Habang patuloy ang paghahanap, natutunan ni Axelle na ang katanyagan ay hindi sapat na panangga laban sa pagkawala. Sa gitna ng paglalakbay patungong South Korea at France, isang aksidenteng banggaan ang naglapit kay Axelle at kay Ryo Red “RR” Eun, isang dating K-pop idol na may imaheng matigas ngunit may pusong puno ng sugat at responsibilidad. Ang kanilang mundo ay parehong puno ng ingay, ngunit ang koneksyon nila ay nagsimula sa katahimikan at pag-unawa. Habang unti-unting lumalabas ang mga lihim ng nakaraan sakit, mga anak na iniwan, pag-ibig na hindi natuloy napilitan si Axelle na harapin ang katotohanang ang pagmamahal hindi perpekto. Sa gitna ng trahedya, pagkawala ng magulang, kapatid, at mga kaibigang minahal, natutunan niyang ang tunay na bituin hindi lamang ang kumikislap sa entablado, kundi ang nananatiling nagniningning kahit unti-unting nauubos ang liwanag.
Romance
1.0K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Loving The Lost Billionaire

Loving The Lost Billionaire

Mabait, mayaman at maganda, ganyan ang tingin ng buong mundo kay Charlize Elizabeth Sandejas o Charlie, ang tagapagmana ng Sandejas Shipping Lines. Nasa kanya na ang lahat maliban sa isang bagay-- ang puso ni Gael Estrada, ang ulilang lubos na tinulungan noon ng kanyang mga magulang at ang kaisa-isang lalaking kanyang minahal. Thinking he doesn't want her because of their differences in life, Charlie had spent the last three years of her college life trying to unlove and forget him. Subalit muling bumalik si Gael sa buhay niya bilang kanyang bagong bodyguard. Sa pagkakataong iyon, nagtapat si Gael sa tunay nitong nararamdaman na siya lang ang pinakamamahal nito at wala nang iba. Nang maipit si Charlie sa isang kasunduang hindi naman niya talaga ginusto, lihim siyang nagpakasal kay Gael at nagpakalayo-layo. At nang akala niya maayos na ang lahat sa piling ng kanyang mahal, bigla na lamang siyang iniwan ni Gael sa panahong kailangang-kailangan niya ito. Makalipas ang halos limang taon, muli silang nagkita ni Gael. He is now a billionaire but doesn't have any memory of her. He wants two things from her, her signature on their divorce papers and her company's closure. Papayag ba siya sa gusto ni Gael nang gano'n-gano'n na lang gayong ito ang unang nanakit at nang-iwan sa kanya? Paano niya lalabanan ang galit sa kanya ng dating asawa na hindi niya alam kung saan nagmula? At higit sa lahat, paano niya sasabihin dito ang tungkol sa kanilang anak na bunga ng minsan nilang pagmamahalan na hindi naman nito maalala
Romance
1022.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
No more secrets, No more lies!

No more secrets, No more lies!

Sa edad na 19, gumuho ang mundo ni Castheophy Ynares nang misteryosong mamatay ang kanyang mga magulang, iniwan siyang nag-iisa upang alagaan ang tatlo niyang nakababatang kapatid. At sa isang iglap, nawala rin ang yaman at seguridad na inaakala niyang habambuhay nilang sandigan. Pero hindi siya sumuko. Sa loob ng limang taon, nagpakahirap siya, tiniis ang lahat ng sakit at gutom, hanggang sa tuluyan siyang makapagtapos bilang Summa Cum Laude sa Ateneo de Iloilo. Ngunit sa pagpasok niya sa bagong mundo bilang isang abogado, isang trahedya ang agad na sumalubong sa kanya—napagbintangan siyang nagnakaw ng mahahalagang files. At doon niya nakilala si Jaiden Wench. Makapangyarihan. Misteryoso. Walang awa. Siya ang lalaking hindi lang may kakayahang manipulahin ang mundo, kundi pati ang puso ni Castheophy. "You think you can escape me, Castheophy?" bulong nito, ang tinig ay malamig at puno ng panunuya. "You stepped into my world—now, you’re mine." Dahil sa isang kontratang wala siyang lusot, napilitan siyang manatili sa piling ni Jaiden. Ngunit sa bawat araw na lumilipas, mas lalong lumalalim ang laban sa pagitan nila. Galit o tukso? Laro o katotohanan? Habang tinutuklas niya ang madilim na nakaraan ng lalaking ito, isang bagay ang hindi niya maitatanggi—unti-unti siyang nahuhulog sa demonyong hindi niya dapat mahalin. Ngunit sa larong ito, may kailangang matalo. May kailangang magsakripisyo. At may kailangang mawala. Sa huli, pag-ibig nga ba ang magpapalaya sa kanya—o ito rin ang tuluyang wawasak sa kanya?
Mafia
10717 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Entrapped To Be His Wife

Entrapped To Be His Wife

Sabi nila mapagbiro raw ang tadhana. At isa si Cassie sa magpapatunay niyon. Nakatakda na siyang ikasal sa long-time boyfriend niya ngunit sa kasawiang-palad bago siya makauwi ng Pilipinas ay nabalitaan niyang nakabuntis ito at nakatakda ng ikasal sa iba. Sa mismong araw ng kasal ng kaniyang nobyo, nagpakalasing siya upang makalimutan ang kabiguan kahit panandalian lamang. Ngunit ang paglalasing na iyon ang tila naglagay sa kaniya sa mas malaking problema. Nagising siyang may katabing lalaki sa kama, marahil dahil sa kalasingan at magulong utak. Nilisan niya ang kuwartong iyon nang walang paalam. Handa na siyang kalimutan ang lahat ng mga nangyari nang biglang sumulpot sa harapan niya ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Sinabi nitong gusto at handa itong panagutan siya sa ayaw at sa gusto niya. Walang nagawa si Cassie nang sapilitan siya nitong isama sa lugar kung saan ito nakatira. Lalo na't hindi pumayag ang kaniyang mga magulang na madehado siya. Tumira siya sa bahay nito, ang akala ni Cassie ay magiging mahirap para sa kaniya na pakisamahan ito ngunit hindi pala. Mabuting tao si Tristan at naging maalaga sa kaniya dahilan para unti-unting mahulog ang loob niya rito. Magkakaroon nga ba ng happy ending ang namumuong pagmamahalan nila o tuluyang matutuldukan kapag nalaman ni Cassie na ang lalaking natutunan niyang mahalin ay Tiyuhin ng babaeng umagaw sa ex-boyfriend niya. Paano matatanggap ni Cassie na ang pagkakakilala nila ay planado ni Tristan upang protektahan ang pamangkin nito?
Romance
1032.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
4142434445
...
48
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status