Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Art Of Temptation: Her Sweet Revenge

Art Of Temptation: Her Sweet Revenge

LauVeaRMD
Pinatay ang magulang at kapatid ni Scarlet nang mga kalalakihan na di nila kilala. Nagising na lang siya na wala ng buhay ang kanyang pamilya at nag-iisa na lamang siya. "Ibibigay ko sa inyo ang hustisya na nararapat para sa inyo, ipinapangako ko iyan, ang kamatayan ninyo ang paghuhugutan ko ng lakas, para hanapin ang mga salarin na naging sanhi ng inyong kamatayan," lumuluhang sambit ni Scarlet sa harapan ng puntod ng kanyang pamilya, sa bawat salita na binitawan niya ay tila isang pangako para sa kanyang pamilya na pinaslang ng walang kalaban-laban. Galit at pagkasuklam ang nasa puso ng dalaga, para sa mga taong gumawa noon sa kanila. Kaya sa pagpunta niya sa Maynila ay nakilala niya si Lance Dela Piña na isang negosyante. Si Lance na kaya ang makakapagpabago sa pananaw ni Scarlet? Mahihilum kaya ni Lance ang sugatang puso ni Scarlet, dahil sa pagkawala ng kanyang pamilya? Mapapawi kaya ni Lance ang galit at puot na nasa puso ng dalaga! Ang binata na kaya ang makakapigil kay Scarlet para sa paghihiganti na gagawin nito? Paano kung may malaman na isang sekreto si Scarlet tungkol sa kanyang tunay na pagkatao? Paano kung malaman din niya na ang taong tumulong sa kanya ay siyang naging dahilan ng kamatayan ng kanyang pamilya.
Romance
104.9K viewsCompleted
Read
Add to library
BAKIT NGA BA MAHAL KITA?

BAKIT NGA BA MAHAL KITA?

Walang modo, bully, bad boy at siga, ganoon si Shawn Rebato kung ilarawan ng mga taong nakakakilala sa kanya. Kilala ito bilang leader ng fraternity sa isang University na pinapasukan nito. Lahat kinakatakutan si Shawn, ang mag-angas at humamon sa binata ay makakatikim nang matinding parusa. Hanggang sa isang transferee student ang malakas ang loob na kontrahin at hamunin ito. Si Charlene Dimagiba, isang transferee student. Nasunugan ng bahay sa Maynila kaya walang ibang pagpipilian ang magulang ni Charlene kung hindi ang bumalik sa Davao kung saan nakatira ang ibang kamag-anak nila. Back to zero sila. Kaya labag man sa loob ng dalaga ang paglipat ng school ay wala na itong ibang nagawa. Subalit hindi inaasahan ni Charlene na sa unang araw pa lang nito sa University, imbes kaibigan ang mahahanap niya. Isang kaaway pala ang makikilala nito agad. Lumaking palaban si Charlene kaya kahit anong pang pambu-bully ni Shawn ay hindi uubra sa kanya. Ngunit, pagdating sa insidenteng puri na ng dalaga ang nakasalalay ay ibang usapan na. Sa paanong paraan ba makakabawi si Shawn kay Charlene? Maniwala kaya ang dalaga kung aamin si Shawn sa totoong damdamin nito? Pero paano na lang kung malaman ni Shawn na may ibang mahal si Charlene? Kailangan na ba ni Shawn na magparaya?
Romance
105.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing My Billionaire Stepbrother

Seducing My Billionaire Stepbrother

Heather Shine Villafuerte, isang kilalang model at nag-iisang anak na babae ng mga Villafuerte. Sa murang edad ay nakabisado na niya ang bawat sulok ng entablado at ang bawat kislap ng camera na nakatutok sa kaniya. Sa kabila ng karera, isang mortal na kaaway ni Heather and hating-kapatid niya na si Philip Raven Kingsley. Si Philip ang lalaking anak ng ina ni Heather sa ibang lalaki. Sa mga kamay ni Philip ipinaubaya ng mga magulang ni Heather ang kumpanya na dapat ay nasa kaniyang pangangalaga magmula nang maging sangkot ito sa aksidente. Pinili ni Heather gumawa ng sariling landas upang magkaroon ng lakas ng loob na bawiin ang kumpanya sa mga kamay ni Philip. Hindi niya alam na si Philip ay isang self-made billionaire. Pinapangalagaan lamang niya ang kumpanya upang maisalin ito sa tamang panahon kay Heather, at sa oras na mangyari ay aalis na rin siya sa pamilya Villafuerte. Sa pagkadesidido ni Heather na makuha ang kumpanya, naisipan niya na akitin na lamang si Philip at kapag napaikot na niya sa kaniyang mga kamay, kukunin niya ang loob upang ibigay sa kaniya ang mga ari-arian na naiwan ng kaniyang mga magulang. Ngunit hanggang saan nga ba ang plano na ito ni Heather? Maaari nga ba na mahulog na siya ng tuluyan kay Philip?
Romance
190 viewsOngoing
Read
Add to library
It's My Day, Happy Birthday!

It's My Day, Happy Birthday!

cuttie.psycheDramaCampus
Celebrating your birthday means you acknowledge your existence as a human here on earth. But what if your special day in life turns into nightmare that haunts you forever? What would you do? Kimberly Jade Quesada loves to celebrate her birthday every year eversince she was a child. Lahat halos ng gusto niyang regalo ay nakukuha niya magmula sa mga damit, gadgets at kahit na ang presensya ng kanyang mga magulang na abala sa trabaho ay nagagawa siyang paglaanan ng oras sa kanyang kaarawan. Ito ang petsa na palagi niyang inaabangan kada taon kung saan nakukuha niya ang lahat at nararamdaman niya ang pagmamahal ng mga taong nakapalibot sa kanya. Pero paano kung ang mismong petsa na minamahal-mahal niya ay unti-unting maglaho at mapalitan ng pagkamuhi at pagkasuklam? Anong gagawin niya? "No matter how many times we argue, I still think that you are the best and will always be the greatest mom here on earth," saad ko kasabay ng pagdausdos ng luha sa gilid ng mga mata ko. "Open your eyes for me, Hyacinth. Mama, hayaan mo naman akong makabawi sayo," pakiusap ko pa habang nakayapos sa malamig at nababahiran ng dugo niyang katawan. She loves to celebrate birthdays not until binawi ng langit ang dalawang regalong ibinigay sa kanya.
Romance
104.0K viewsCompleted
Read
Add to library
HER SWEETEST REVENGE

HER SWEETEST REVENGE

Ang akala mo ay makakatakas ka na din sa pang-aalipusta sayo ng mga magulang mo dahil sa may taong nagmamahal na sayo, ang hindi mo din alam ay ginagamit ka lang din naman nito. Pag-ibig? Ano ba talaga ang silbi ng salitang iyan, kung lahat naman sila ay pinagkakaisahan ako, pinagkaisahan ako ng tadhana. Ang pagmamahal na kay sagana noong una ay bigla na lang naglaho ng malaman kong ginagamit niya lang ako. Ng mapakasal ako sa isang lalaking hindi ko kakilala ay mas naging impyerno pa ang aking buhay. Wala na bang mas ikakalupit ang tadhana? Pagod na ako, pagod na pagod na ako, kung bakit kasi nangyayari sa aking ang mga ganitong bagay. Naghintay ako, kinuha nila ang kompanya na dapat ay para sa akin, mga ari-arian na dapat para sa akin, ang anak ko na pinatay nila kahit nasa sinapupunan ko pa ito, hindi pa sila nasiyahan at pati ako ay pinapapatay nila. Naghihintay lang ako ng pagkakataon, hintayin niyo ang aking pagbabalik. Tiyak na sa pagbabalik ko ay hindi ko kayo papalampasin lahat.
Romance
363 viewsOngoing
Read
Add to library
My Bestfriend's Affection

My Bestfriend's Affection

Magkababata sina Athalia Ramos at Luke Sebastian. Nagtungo ng Canada si Luke kasama ang magulang nito para doon mag-aral. Sa pagbalik nito, nalaman ni Athalia na may kasintahan na ito. Labis siyang nasaktan dahil umaasa siya na matutugunan na ni Luke ang nararamdaman niya para dito ngunit hindi pala. Naging kasintahan niya si Charles na nakilala niya sa Welcome Party para kina Luke. Nalaman na lang niya na hiwalay na si Luke at ang nobya nitong si Mickaela. Ipinagtapat ni Luke na mahal siya nito. Anong gagawin ni Athalia? Handa ba niyang sundin ang nilalaman ng kaniyang puso o ipagpatuloy ang relasyon kay Charles na walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya?
Romance
1010.8K viewsCompleted
Read
Add to library
Arranged Marriage To My Boss

Arranged Marriage To My Boss

Struggling towards her adulthood, Irisian Marie Villafuente accidentally shared the lies she told on her interview to the man in the elavator. Hindi niya alam na ang lalaking kausap niya pala ang kaisa-isahan boss niya sa kumpanya. Her dominant, bipolar and sexy boss Zachary Levi Esqueza. When she started working in his company, she thought that it'll be just living hell. But she was wrong, the man offered her an arranged marriage in exchange to help her pay her family's debt. Akala niya madali na magpanggap na maging asawa nito sa harap ng magulang ni Zach. But as the time goes by, she found herself being captivated by him, leaving her with no choice as she altogether deals with his pasts and secrets. A past and secret that will change her life forever.
Romance
10126.6K viewsCompleted
Read
Add to library
MARRYING A MAFIA

MARRYING A MAFIA

Aireen Cassandra Montes is the only daughter at tagapagmana ng isa sa pinakamalaking shipping line sa buong mundo,the Montes International Shipping Line Private Limited or mas kilala sa tawag na MISL Limited... Tulad ng nakagawian ng mga mayayamang magulang sa kanilang mga anak,isa din siya sa ipinagkasundo ng kaniyang ama na ipakasal sa anak ng kasosyo nito na ni pangalan ay hindi niya alam.. Galit at poot ang nararamdaman niya sa kaniyang ama sa pagmamanipula sa buhay niya kung kaya isang plano ang nabuo sa isip niya and that is.....to RUNAWAY..!! Tobias Craig Lewis owned a construction company, a CEO of his own empire, ang hindi alam ng iba na hindi lamang negosyo ang ikinabubuhay nito, anak s'ya ng isang mafia,mayaman,ma impluensya at may mataas na antas sa alta sosyodad. Sanay s'ya na nakukuha ang lahat ng gusto lalo na ang mga babae.Sa kanilang magkakaibigan siya ang naturingang "playboy" dahil sa kabilaan ang mga babae niya,but he doesn't have any girlfriend, dahil sa isang babaeng matagal niya nang kinababaliwan. Their parents arrange their marriage. Ginawa niya ang lahat mapasakamay lamang ito,ngunit kahit ganon pa man mahigpit ang pagtatanggi nito sa kaniya para siya pakasalan. Paano niya makukuha ang loob ng babaeng tinatangi ng kaniyang puso?Matutugunan kaya ang kaniyang pagmamahal dito ?Paano niya ito napilit to marry a mafia like him ?
Romance
10111.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Obsession

The Billionaire's Obsession

Ang wasak na puso ni Astrid ang nagtulak sa kaniya sa bar at uminom hanggang sa malasing dahil nahuli niya ang kaniyang boyfriend na nakikipagtalik sa iba. Sa sobrang kalasingan hindi namalayan ni Astrid ang mga nangyari at nagising na lang siya katabi ang estrangherong lalaki. Si Thor Santos ay isang Bilyonaryong arogante na biktima ng droga at ginamit ang magandang babae upang maibsan ang init na nararamdaman. Nagising ang binata na wala na ang dalaga sa tabi niya. Naalala pa niya ang mga nangyari kagabi ngunit hindi na niya matandaan ang mukha ng dalaga. Nalaman din ng binata na siya ang nakauna sa dalaga kaya naman pinahanap niya ito. Paglipas ng limang taon, nangailangan ng pera si Astrid kaya naman kahit walang pinag-aralan ay sumabak pa rin siya sa malaking kompanya upang magtrabaho. Samantala, si Thor naman ay tinakot ng mga magulang na kailangan niyang pakasalan si Sofia o kailangan niyang maikasal upang mabigyan sila ng apo, kung hindi siya pumayag ay tatanggalin siya sa kompanya. Hindi papayag si Thor na mawala sa kaniya ang kompanya kaya naman ng makita niya ang babae na desperada na makapagtrabaho sa kompanya. Kaya binigyan niya ito ng kasunduan kapalit ang malaking pera na alam niyang hindi matatanggihan ng dalaga, ang kontrata ng pagpapakasal.
Romance
10790 viewsOngoing
Read
Add to library
A Bride's Mask

A Bride's Mask

tineta
"Pwede bang ako naman, Blaze? Pwede bang ako naman ang piliin mo?” nagmamakaawang wika ni Jane sa harapan ni Blaze. “Don't get me wrong, nagpakasal ako sa 'yo hindi dahil kamukha mo na si Gizelle kundi para manahimik na ang mga magulang natin. Kahit pagbali-baliktarin mo man ang utak ko, si Gizelle pa rin ang mamahalin ko. Siya at siya lang. Apelyido ko lang ang gamit mo pero kahit kailan hindi mo ako magiging pagmamay-ari! ” Para kay Jane, ang pagsusuot ng maskara lamang ang tanging sagot upang tanggapin siya ng lalaking mahal niya. Ngunit kailan nga ba siya matatanggap? Hanggang saan ang kaya niyang tiisin? Hanggang saan pa ang kaya niyang gawin sa ngalan ng pag-ibig? Hanggang kailan siya magpapanggap bilang ibang tao? May patutunguhan pa rin kaya ang pagmamahal niya para kay Blaze?
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4344454647
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status