Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband

Breaking the Heart of my Untrustworthy Husband

Nananatili sina Isabella Russo at Adam Kingsley sa kanilang limang taong pagsasama bilang mag-asawa ngunit nagsanhi ito ng pagyurak sa kanilang dignidad. Naisip ni Isabella na kahit walang pagmamahal sa isa't isa ay sapat na ang mahalin na lamang ang kanilang anak. Hanggang sa dumating ang araw. Sabay-sabay na lumabas ang balitang may malubhang sakit ang kanilang nag-iisang anak at ang balita tungkol sa paggastos ni Adam ng malaking halaga para kay Bree Morgan. Hindi na kailangang magpanggap bilang Mrs. Kingsley si Isabella. Gayunpaman, may isang lalaki binili ang lahat ng media entertainment at lumuhod sa kanya na nangungusap ang mga mata at nagmamakaawa na bumalik siya sa piling niya. Nagkataong lumitaw si Isabella na hawak ang kamay ng isa pang lalaki. Ang kanyang bagong pag-ibig ay ipinagsigawan niya sa mundo.
Romance
10728 viewsOngoing
Read
Add to library
Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle

Bound to the Billionaire Ex-Fiance's Uncle

Sa patong-patong na utang na kinakaharap, hindi na alam ni Maeve kung sino pa ang tatakbuhan. Idagdag pa ang nanay niya na nasa loob ng kulungan at pakikiapid ng kanyang kasintahan. Kung kailan handa niya ng bitawan si Drake ay siya namang pagsulpot ni Xavier sa buhay niya. Ang tiyuhin ng dating fiancee, hindi lamang ginulo ang kanyang utak, isinama na rin ang kanyang puso na inakala niyang nanahimik at isa ng bato. Sa pang-aakit ng tiyuhin nito, handa ba niyang ipagkatiwala ang sarili dito? Sa pagdating ni Xavier sa buhay niya, mararamdaman niya na ba ang kasiyahan na inaasam-asam?
Romance
10658 viewsOngoing
Read
Add to library
Wanting You So Bad...

Wanting You So Bad...

When Liana met the handsome but cold-hearted billionaire, Henry Enriquez, nagbago ang lahat sa buhay niya. She slowly fall in love with him, kahit pa nga ang tingin nito sa kanya was nothing, but a gold digger bitch. Magkaganoon man, naniniwala pa rin siyang may kabutihan pa ring natitira sa puso nito... That he was still capable on loving someone... Pero nagkamali yata siya. Because he just shoved her away dahil lang sa isang maling akala na may ibang lalaki sa buhay niya bukod dito! Papaano na ang nararamdaman niya para dito? Sisikilin niya na lang ba iyon o pananatilihin na lang ang sariling aasa dito na balang araw ganap din itong magbabago?
Romance
108.5K viewsCompleted
Read
Add to library
The Cold Dominant Boss (Series 1)

The Cold Dominant Boss (Series 1)

Bratinela17
Luis John $anchez a cold dominant boss. A famous engineer and a business tycoon who managed his own real estate. He didn't know how to smile, ika ng lahat napag-iiwanan na ng panahon. At the age of 35 years old, for him love is bullsh*t and hindrance to his goal in life. Pero, biglang magbabago ang buhay mo ng bigla kang ipakasal sa babaeng inakala ng lahat na nabuntis mo. "Hinding hindi ko matatanggap ang batang yan." matalim ang tingin ang iginawad niya sa babaeng kaharap habang binibigkas ang mga katagan 'yon. Ang akalang masayang buhay ni Kristell ay napalitan ng sakit at pighati nang makasal sa kan'yang boss na walang ginawa kundi pasakitan ang damdamin niya. She left him without any reason. After 7 years she's back with her son. Handa pa ba siyang muling papasukin sa kan'yang buhay ang lalaking nanakit ng kan'yang damdamin..
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Unexpected Billionaire Husband

Unexpected Billionaire Husband

Riallanne
Si Yara Valerina ay isang college working student na mayroong simpleng buhay kasama ang kaniyang ina. Ngunit ang lahat ay magbabago dahil sa pagdating ng isang lalaki na gugulo sa maayos niyang buhay na walang iba kundi si Hunther San Diego ang isa sa kinatatakutan at kilalang business man na kalaunan ay kaniyang mapapangasawa. Hindi dahil ito ay mahal niya kung kaya siya ay pumayag na magpakasal ngunit dahil ito ang kailangan niya. Contract marriage is a trap of love, it's a trap and now I fall deeper in love with her. — Hunther San Diego
Romance
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
That One Night In Alhambra

That One Night In Alhambra

Blazing Pink
Hanggang saan ka dadalhin ng mga pangarap mo sa buhay? Si Gianna Camia Lopez o kilala bilang si Mia ay isang 21 years old 3rd year college student na nakipagsapalaran sa syudad upang makapaghanap ng trabaho at mapaaral ang kanyang sarili. Sa kagustuhang maabot ang kanyang mga pangarap at matulungan ang kanyang pamilya sa parehas na pagkakataon, ay pinasok ni Mia ang ika nga nila'y butas ng karayom. Naging dancer ito ng isang sikat na club, Alhambra kung tawagin. At kung saan ay makikilala niya ang lalaking magpapabago sa buhay niya. Isang naiibang lalaki ang makakaagaw sa atensyon ng dilag. The search for that one man begins after that one night in Alhambra.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Rebellious Hearts (English-Tagalog)

Sila'y pinag-isang dibdib ng kanilang masidhing pagnanasa— ang maghiganti at manubos para sa mga inosenteng buhay na isinangla kay kamatayan. Kapwa nanumpang palaging iingatan, poprotektahan, pahahalagahan, at mamahalin ang isa't isa mula sa araw na ito at sa mga susunod pang bukas, subalit ito'y hindi pangkaraniwang kwento ng romansa. Sila'y kapwa nanunumpang dudurugin, sasaktan, kasusuklaman, at kikitilin ang buhay ng isa't isa mula sa araw nang pagkakabunyag ng nakaraan at sa mga susunod pang bukas, hanggang si Kamatayan na mismo ang tumapos sa kanilang ugnayan. Bilang nag-iisang anak ng tanyag na mafia boss, lumaki si Quinn Amara Montejo sa pagkandili ng mga baril at patalim. Sa paghele ng karahasan at kalupitan, kanyang nasaksihan ang walang-awang pagbawi sa buhay ng kanyang mga minamahal. Ganid at uhaw sa dugo ang kaniyang kinalakihang mundo. Tila isang bombang nasa binggit ng pagsabog, rebelyon ang kanyang nakitang tanging susi upang makalaya mula sa anino ng kaniyang ama, ngunit agad itong natuldukan nang mag-aklas ang mga guhit sa kanyang palad. Ni hindi naligaw sa kanyang hinagap ang pagpapakasal, lalong hindi kay Gunther Zenith Dragoza, isang tanyag na business magnate na maraming sikretong itinatago. Lahat ay umaayon sa plano ng binata subalit kung siya'y ipinagkanulo't pinagtaksilan ng sariling puso, sino ang mananaig? Paghihiganti o pag-ibig? Dalawang pusong buong tapang na naglayag sa iisang sagradong tipanan. Sa bisig ng isat isa nga ba nila matatagpuan ang tahanang kanilang matagal na pinananabikan, o sila'y kapwa estrangherong dumaong lamang sa maling isla?
Romance
5.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

The Congressman’s Bride: A Deal with My Ex’s Uncle

Tila sanay na sa mga pagsubok ng buhay Amara Santos. Lumaki siyang kinakayod ang lahat para sa kakambal niyang si Selene, na may malubhang sakit na matagal ng dinadala. Ang tanging liwanag sa kanyang madilim na mundo ay ang kanyang kasintahang si Liam dela Cruz, anak ng alkalde. Simula pagkabata, siya na ang kanyang sandigan—ang lalaking nangakong mamahalin siya kahit anong mangyari. Ngunit, isang masaklap na kapalaran ang dumating sa buhay nya. Sa kritikal na oras ng kanyang kapatid sa ospital, iniwan siya ni Liam at ipinagpalit sa isang babae na makakatulong sa kanyang ambisyon na pumasok sa politika. At sa isang iglap, natagpuan niya ang sarili sa isang hukay na isang paraan lang ang kalalabasan. "Pakakasalan mo ako, at ibibigay ko sa’yo ang lahat ng kailangan mo." Sino ang lalaking ito? Si Ethan? Si Ethan Alcantara. "Simple lang ang kasunduan, Amara," sagot ni Ethan. "Ikaw ang magiging asawa ko, at sa mata ng publiko, magiging perpekto tayong magkapareha. Kapalit niyan, matutulungan ko ang kapatid mo." Tila isang malafairy tale na tagpo ang nangyayari sa buhay ni Amara, at sa palubog niyang kumunoy ay mayroon siyang prince charming na tagapag sagip. Mararanasan nga ba nya ang maging prinsesa? O isa na naman itong pag-papanggap na mapipilitan siyang ituloy dahil sa kasunduang iligtas ang kanyang mahal na kapatid? Hanggang saan aabot ang kanyang pagtitiis na mag-panggap? Magkakaroon nga ba ng pag-ibig sa pagitan nila ni Ethan?
Romance
10384 viewsOngoing
Read
Add to library
The Zillionaire CEO's Ignored Spouse: A Wife Only by Name

The Zillionaire CEO's Ignored Spouse: A Wife Only by Name

“I never loved you. You were never meant to be in my life—you just showed up, uninvited, and ruined everything like a curse I never asked for.” Iyon ang pinakamasakit na katagang narinig ni Zenie sa kanyang asawa na si Aice Bustillos, ang CEO ng Nexora, isang leading car company sa Pilipinas. Isang magandang buhay ang tanging hinangad ni Zenie, kaya’t labis ang kanyang tuwa nang makilala niya si Aice. Ngunit sa loob ng walong taong pagiging mag-asawa nila ay walang ibang hinangad si Zenie kung ‘di ang maging maganda ang kanilang pagsasama, ngunit kabaliktaran iyon sa kanyang inaasam. Simula na maging mag-asawa sila ni Aice ay hindi niya naramdaman ang pagmamahal nito ni kahit isang beses, kung ‘di puro panunumbat dahil sa pagsira sa buhay nito at sa buhay ni Naiana, ang childhood sweetheart ni Aice. Kahit anong gawin niya para tanggapin ng pamilya ni Aice ay hindi siya nito magawang tanggapin, dahil ang gusto rin ng mga ito ay si Naiana para sa kanilang anak. With all the pain Zenie had endured, where will it lead her? Will she rise and reclaim her worth—or will it destroy her? Or will it ignite a fire in her to make every person who mocked her regret ever crossing her?
Romance
10498 viewsOngoing
Read
Add to library
Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother

Pleasing My Hot-Tempered Stepbrother

alfiellore
Simula nang mamatay ang mga magulang nina Hendrick at Althea ay nagbago rin ang pakikitungo ni Hendrick kay Althea. Naging mahigpit kasi ang lalaki kay Althea kahit na ginagawa naman ng dalaga ang lahat ng gusto nito. Mabuti na nga lang at may mabuting puso si Althea dahil kahit kailan ay hindi nito pinatulan ang pagsusungit ni Hendrick Hanggang sa dumating ang isang gabi na magpapabago sa sitwasyon ng dalawa. Sa kalagitnaan kasi ng gabi ay umuwi si Hendrick ng lasing at doon ay may naganap sa dalawa. Simula noon ay unti-unting nagbago ang pakikitungo ni Hendrick kay Althea. Naging malambing ito at maalaga na ikinatuwa ni Althea ng husto. Subalit panandalian lang pala ang lahat. Kasabay kasi ng pagdating ni Isabel ay magbabago rin ang pakikitungo ni Hendrick kay Althea. Si Isabel daw kasi ang nag-iisang babae na minahal ni Hendrick sa buong buhay nito. Dahil doon ay napagdesisyunan ni Althea na iwanan si Hendrick at magpakalayo-layo. Paano kung sa huli ay si Hendrick naman ang maghabol kay Althea? Papapasukin pa kayang muli ni Althea si Hendrick sa buhay niya o iiwasan na ito dahil may Harry na sa buhay niya?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status