Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Loving Dr. Cherry: Chain to Love

Loving Dr. Cherry: Chain to Love

Gumuho ang mundo ni Cherry Villafuerte sa paulit-ulit at harap-harapang pagtataksil ng kanyang nobyo. Dahil sa pagkabigo, parang nawalan ng direksyon ang buhay niya, at napilitang mag-leave sa trabaho. Ngunit sa kanyang pagkalugmok, isang lalaki ang biglang pumasok sa buhay niya—si Reynan Cuevas, ang dating masungit at suplado niyang pasyente, siya ang tila naging ilaw sa madilim niyang mundo. Sa kanilang hindi inaasahang pagkikita, may kakaibang alok sa kanya si Reynan. Isang solusyon na maaaring magpapalaya sa kanya mula sa sakit—isang kasal na kontrakwal. Ngunit handa ba siyang sumugal sa kasanduang kasal na hindi tiyak ang kahihinatnan? O mananatili siyang magpapagapos sa relasyon na siya lang ang nagmamahal?
Romance
1015.4K viewsCompleted
Show Reviews (9)
Read
Add to library
sweetjelly
Ngayong tapos na ang Connected Hearts Series... "His Pet Nanny" "Daisy His Remedy" Loving Dr. Cherry: Chain to Love" May isa na naman akong kwento na i-share sa inyo! "She’s My Wife, Never My Love… Until I Lost Her." Malapit na malapit!
Analyn Bermudez
Ms sweet wag kna nmn masyado mapanakit sad kami sa nangyayari kina reynan at cherry sna malampasan nila lahat Ng pagsubok..reynan wag ka Muna mag isip Jan mas mabuti mag usap kayo dlwa ni cherry wag ka umalis Ng di man lang nagpapaliwanang SI cherry..hays puro runaway nlng nababasa ko nangyayari
Read All Reviews
Craving For Love

Craving For Love

Sa mundong ang nagpapaikot ay pera, ang tingin ni Samara Licaforte sa mga mahihirap ay laruan lang ng mayayaman. Bagama't hindi legal na anak sa mata ng batas ng business tycoon na si Mr. Frederick Licaforte, CEO ng Licaforte Corp, ay lumaki sa luho si Samara at hindi makakailang siya ang paboritong anak sa pagitan nila ng stepsister niyang Monica. Happy-go-lucky, bully at eskandalosa. Ganyan siya kung ilarawan ng karamihan dahil sa mga ginagawa niyang kalokohan para lang mapanatili ang popularidad niya. Dahil wala na ang kanyang ina, at sa tingin niya ay nakikihati lang siya sa pagmamahal at oras ng kanyang ama mula sa legal nitong pamilya, ay sa atensyon ng ibang tao niya hinanap ang halaga niya. Sa pag-aakalang mananatiling ganun lang si Samara, ay kumatok sa buhay niya ang pobreng bulag na si Marco Villaflor, ang lalaking unti-unting titibag sa mga paniniwala niya.
Romance
1013.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unforgettable Night With You

The Unforgettable Night With You

YlatheDreamer
Wala sa bokabularyo ng isang Clement Kit ang pagpapakasal, kahit nga ang salitang "commitment" ay hindi sumagi sa isipan niya. Everyone calls him a playboy, but not for so long dahil nakatakda na siyang ikasal. Natagpuan niya na lang ang sarili sa isang bar bago ang araw ng kaniyang kasal. Sa hindi malamang dahilan ay naagaw ng isang babaeng nakatayo sa entablado ang kaniyang pansin. Sa kabilang banda, nakatayo si Fauvine Lavar sa isang entablado. Sa dami ng taong naroon ay humihiling siya na sana ay may tumulong sa kaniya. Kaya laking gulat na lang niya ng may lalaking humila sa kaniya at inalalayan siya pababa. Nauwi sila sa isang mainit na gabi. Isang gabing kapwa hindi nila malimutan. Kapwa tumatak sa isip ng bawat isa pero tumatak din kaya sa puso ng bawat isa? Ngunit paano si Fauvine kung nakatakda na ikasal si Clement?
Romance
3.7K viewsOngoing
Read
Add to library
His Heir, My Son

His Heir, My Son

Calixto Cortez III
Marissa was only eight when her mother sold her. Hikaos sila sa buhay kaya kailangan ng kanyang ina na dumeskarte. Nabenta siya ng kanyang ina sa halagang tatlong daang libo sa mag-asawang nangangarap magkaroon ng anak. Akala nya ay magiging masaya na siya sa buhay dahil sa yaman ng mga bumili sa kanya, lingid sa kaalaman niya ay pinagkasundo siyang ipakasal sa lalaking di nya kilala. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nabuntis si Marissa ng isang lalaki na kinamumuhian nya. Kilala ni Marissa ang lalaki dahil madalas nyang makita ito sa mga business meeting ng kanyang mga adoptive parents. Nang mabalitaan ng kanyang adoptive parents ang nangyari sa kanya ay pinalayas nila si Marissa sa kanilang pamamahay. Bumalik sya sa kanyang tunay na pamilya dala-dala ang sanggol sa sinapupunan.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Contract Bride

The CEO's Contract Bride

Napilitang makipagtrabaho ang matapang at matalinong marketing manager na si Miles Cruz sa kanilang bagong CEO, ang bilyonaryong si Bruce Peter Navarro. Ngunit nalagay sa alanganin ang kontrol ni Bruce sa kanyang kumpanya dahil sa isang "marriage clause" sa mana ng kanyang ama, kaya isang alok ang inalok niya kay Miles: isang pekeng kasal kapalit ng promosyon at kapangyarihan nito sa trabaho. Walang emosyon. Walang komplikasyon. Pero sa bawat halik na para sa publiko, sa bawat titig na hindi na scripted ay unti-unting nagiging totoo. At kapag nalaman ni Miles ang tunay na dahilan ng alok sa kanya, bibitaw na ba siya sa kontrata of ipaglalaban ang nabuong pagmamahal?
Romance
355 viewsOngoing
Read
Add to library
Falling for My Boss

Falling for My Boss

Sa murang edad, maagang namulat si Elisia Delgado sa hirap ng buhay. Sa paglipas ng panahon, hindi nagbago ang kanyang sitwasyon, ngunit sa gitna ng kanyang paglaki, natutunan niyang maging matatag at mangarap para sa sarili. Ang buhay ay mahirap ngunit madaling maging matatag, iyon ang naging panlaban ni Elisia. Sa kabila ng lahat, mawawala ba ang kanyang lakas ng loob sa pagdating ng isang lalaki sa kanyang buhay? Lalo na't siya ay unti-unti nang nahuhulog sa lalaking ito. Mahina nga ba ang mga babae pagdating sa pag-ibig? Dahil tila ba nawawala na ang kanyang lakas. Ano kaya ang gagawin ni Elisia kung ang nagiging hadlang sa kanyang pangarap ay ang siyang magpapaibig sa kanya nang wagas?
Romance
22.8K viewsCompleted
Read
Add to library
THE ATTORNEY's WIFE

THE ATTORNEY's WIFE

Pagkatapos ng limang taong paninirahan sa New York, napilitang umuwi ng Pilipinas si Elysia Samonte dahil sa pamimilit ng kanyang ina.Nakapagtapos s'ya sa New York University at isa s'yang sikat na Modelo sa ibang bansa, lingid sa kanyang kaalaman naka-arranged marriage na pala s'ya sa lalaking nag ngangalangang Xavi Hernandez na s'yang kinababaliwan n'ya noon. Isa itong babaerong abogado, at ang tingin kay Elysia ay isang babaeng magaling mang-akit ng mga lalaki dahil isa 'din s'ya sa naakit sa ganda ng dalaga. Dahil sa pamimilit ng kanilang mga ina kaya napilitan silang magpakasal sa isa't-isa ngunit para kay Elysia at Xavi sa lamang na paligsahan ang kasal kong sino ang unang bibigay sa kanilang dalawa ay s'yang matatalo. Si Xavi Hernandez kaya ang unang mahuhulog sa mapang-akit na ganda at alindog ni Elysia? O baka naman si Elysia Samonte ang mauunang mahulog sa mapanlinlang na kilos ni Xavi?
Romance
9.587.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)

Ay Nako, Bahala Ka (Life Series 3)

Hindi agad nakukuha ni Sebastian ang mga gusto niya sa buhay ng hindi ito pinaghihirapan. Laki siya sa isang squatters area at may kaya lamang sa buhay. Pagkatapos nito sa kolehiyo at makapasa sa Civil Service Exam ay nakakuha siya ng magandang trabaho bilang isang Support Specialist sa BIR tuwing umaga at ang kanilang pangarap ng kaniyang mga kaibigan na makadevelop ng sarili nilang laro ang inaatupag niya tuwing gabi. Bilang pangako sa kaniyang magulang ay nag-iipon siya ng malaking halaga upang maipaayos ang kanilang munting tahanan na kaniya ring inaasam. Habang naghihintay sa kaniyang katrabaho sa isang fountain ledge ay may isang magandang dalaga na bumihag agad sa kaniyang puso't paningin. Paano kaya niya mapapasagot ang dalaga kung wala pa siyang kayang patunayan sa lahat? Lalo na't ang kaakibat ng pagmamahal sa dalaga ay kailangan lumalangoy rin siya sa dagat ng kayamanan. Mananaig pa rin ba ang puso sa isang taong mayroong pitakang butas?
Romance
10265 viewsCompleted
Read
Add to library
Age Gap - "My Lover Is A Waiter" (Taglish)

Age Gap - "My Lover Is A Waiter" (Taglish)

Nanggaling sa mayamang pamilya si Chelsea. Siya na ang namamahala ng kanilang kompanya bilang CEO. Nainlove siya sa gulang na twenty years old sa kaklase niyang si Mateo. Naghiwalay din sila pagkalipas ng limang taon sa kadahilanang ng taksil si Mateo, nalaman niyang may katalik si Mateo na ibang babae. Dahil dun nagfocus at ginugol niya ang panahon niya sa pagtatrabaho sa kompanya nila. Naging karamay niya si Amalia, ang matalik na kaibigan at kaklase niya noong nasa kolehiyo pa sila at hanggang ngayon. Sa isang restaurant ay may makilala sila na isang gwapong lalaki, matangkad at matipuno na pinagpantasyahan naman nang kaibigan niyang si Amalia. Hindi niya pinapansin ang lalaki noong una dahil wala siyang interes dito. Ngunit sa pagbabakasyon niya sa Isla may makilala naman siyang mayaman, galante at may itsurang lalaki at napag alaman niyang siya ang step son nang may-ari ng resort. Sino kaya ang lalaking bibihag sa kanyang puso pagkatapos nang pinagdaanang sakit sa ex-boyfriend niya? Ano ang katauhan ng mga lalaking nakilala niya sa restaurant at sa resort? May madidiskubre pa kaya siyang lihim sa pagkatao ng mga lalaking nakilala niya? Ano ang magiging reaksiyon ni Chelsea sa lihim ng lalaking nakilala niya sa Isla? Ano nga ba ang lihim sa nakaraan ng lalaking nakilala niya sa restaurant?
Romance
107.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)

Wolf Under The Blood Moon (Filipino Version)

Mr. Noi
Si William Styles, isang tipikal na cute na binatilyo ay namumuhay ng payapa at normal na buhay gaya ng iba hanggang sa isang insidente ang nagpasindak sa kanyang buong pagkatao. Sa hindi inaasahang pagbabagong ito sa kanyang buhay, nakahanap siya ng bagong tahanan, mga kaibigan, at isang usbong ng pag-ibig sa grupo ng mga taong lobo na may dilaw na mata. Pangil sa pangil at kuko sa kuko ay kung paano nila labanan ang kanilang mga kaaway, ang mga taong lobo na may pulang mata. Isang gabi, isang nakakatakot na pangyayari ang naganap. Umagos ang sariwang dugo sa bundok at nagkalat ang mga bangkay sa kagubatan. Magagawa ba nilang ipaghiganti at protektahan ang kanilang mga mahal sa buhay sa ilalim ng pulang buwan?
Other
101.6K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3839404142
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status