Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Tainted Series1: The Billionaire's Lover

Namulat si Clea sa kahirapan ng buhay. Sa murang edad natuto itong magtrabaho para buhayin ang sarili at para buhayin ang mga taong nagpalaki sa kanya. Nalayo sa mga magulang at walang maalala. Lumaki sa pamilyang walang pagmamahal sa kanya. Pinagmamalupitan sa kabila ng mga sakripisyo niya. Araw-araw humaraharap at lumalaban sa hamon ng buhay. Walang reklamo, walang angal. Pero isang pangyayari ang magpapabago ng lahat. Kailangan niyang tumakas sa mga taong nagpalaki sa kanya. Masakit man para sa kanya pero wala siyang magagawa dahil sariling kaligtasan niya ang nakasasalalay. Hanggang kailan ang mga paghihirap ni Clea? Darating pa ba ang araw na matatagpuan niya ang totoong pamilya? Mahahanap niya ba ang lalaking magbibigay ng tunay na pagmamahal sa kanya? Pero paano ba magmahal kung ang taong minamahal mo ay nakatali pa rin sa nakaraan niya? Kaya bang pangatawanan nang puso mo ang pag-ibig na alam mong wala namang kapalit?
Romance
9.130.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Carrying My Ex-Boyfriend's Child

Sa araw na nalaman ni Nikita na siya'y nagdadalang-tao, nakipaghiwalay si Kent sa kaniya, upang makipagbalikan kay Lauren, ang dati nitong kasintahan. Pinili niyang ilihim na lamang dito ang tungkol sa pagbubuntis niya sa isiping ayaw niyang mapilitan ang binata na magpakasal sa kaniya upang panagutan lamang ang anak nila. Ayaw niyang mamuhay sa isang pilit na pamilya ang anak kung kaya't minabuti nalang nitong huwag sabihin sa lalaki. Nang malaman ni Nikita na ikakasal na si Kent at Lauren, nagdesisyon itong sumama sa kaibigang si Hanz papunta sa ibang bansa upang doon manirahan at palakihin ang anak nila ni Kent. Si Hanz ay may lihim na pagtingin sa babae. Nang umamin ang kaibigan kay Nikita sa kaniyang totoong nararamdaman ay sinubukan ulit ng babaeng buksan ang puso niya para sa pagmamahal. Sino ang mananaig sa puso ng dalaga, ang ama ng anak niyang minsan na siyang iniwan o ang kaibigang matagal ng may pagtingin sa kaniya na walang ibang ginawa kung 'di ang mahalin sila at ang anak nila ni Kent? Pipiliin mo ba ang buong pamilya o ang masayang pamilya? Maaayos pa ba ang relasyon sa pagitan nila Kent at Nikita o mabubuo ang bagong relasyon sa pagitan ng dati pang dalawang matalik na magkaibigan?
Romance
1022.9K viewsCompleted
Read
Add to library
Waiting For The Eclipse

Waiting For The Eclipse

Sirese Euén Arcacia, dalawampu't limang taong gulang. Lumaki sa mayamang pamilya ng Arcacia ngunit salat sa pagmamahal ng pamilya. malaki ang binago niya matapos siyang itulak ng kaniyang stepsister at stepmother sa hagdan. Mahilig siyang mag basa ng mga nobela. Isa sa nabasa niyang kwento ay ang kwento ng mag kasintahang anghel at demonyo. May kung anong parte sa kaniya ang na bubuhay tuwing binabasa niya ang kwentong ito. Ang hindi niya alam ay may koneksyon ang kwentong iyon sa kaniyang buhay. Sa dati niyang buhay.
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
The Possessive Prince

The Possessive Prince

Ako si Skyler Dela Rio ang nag-iisang slave ni Prince Alexander Monte Verde Matalik kaming magkaibigan simula pagkabata dahil ako ay isa ring prinsipe noon na anak ng hari at reyna ng Kaharian ng Dela Rio ngunit nagbago ang takbo ng lahat simula noong mamatay ang aking mga magulang. Kinupkop ako sa kaharian ng Monte Verde at nagtrabaho bilang slave ng prinsipe Magkaibigan kami ngunit hindi niya alam na higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko para sa kaniya Paano kaya kapag nalaman niya ang tungkol sa nararamdaman ko para sa kaniya? Susuklian niya ba itong pagmamahal ko sa kaniya o ipagtatabuyan niya ako sa kaharian? Basahin kung ano ang magiging takbo ng aming storya!
LGBTQ+
912.4K viewsCompleted
Read
Add to library
The Dangerous Man Weakness

The Dangerous Man Weakness

Dahil sa sobra-sobrang pagmamahal ni Salome sa nakababatang kapatid ay pumayag siya sa kagustuhan ng kapatid na sumunod sa syudad na pinagtatrabahuan nito. Ngunit hindi niya alam na balak siya nitong gawing pambayad sa utang. Huli na ang lahat nang matagpuan niya ang sarili sa kama kasama ang gwapong estranghero. At si Treous Elagrue na isang kilalang walang puso at makapangyarihan sa mundo ng mga mafia ang siyang nakauna sa kaniya at sapilitang umangkin sa kaniya. Ngunit hindi niya aakalaing magbubunga ang kababuyan na ginawa nito sa kaniya. Dahil sa takot ay itinago niya ang bata at pinalaki itong mag-isa. Ngunit mapagbiro ang tadhana dahil nalaman ni Treous ang tungkol sa bata at ngayo'y sapilitan itong kinuha ng lalaki sa kaniya. Ngunit gagawin ni Salome ang lahat upang mabawi lamang ang anak. Kahit pa ibaba niya ang sarili at lumuhod sa harapan ni Treous.
Romance
1068.4K viewsCompleted
Read
Add to library
My Husband's Son

My Husband's Son

inka
Natali si Emely sa isang kasal na hindi niya ginusto at hindi kailanman gugustuhin. Ngunit para sa kaniyang pamilya, wala siyang hindi kayang gawin. Pinakasalan niya ang ama ng lalaking mahal niya, at nilunok ang lahat ng panghuhusga. Tiniis ang lahat ng masasakit na kapalaran, at pinilit lunukin ang kahihiyan. Kapalit ng pera, ibinenta niya ang sarili niyang kalayaan, pagmamahal, at kaligayahan. Sapat nga bang kabayaran ang pera kapalit ng kaniyang pagmamahal, kaligayahan, at kalayaan? Sapat nga ba ang pera para pawiin ang bawat masasalimuot niyang mga gabi? Sa pagpapakamartir at paghanap ng karamay, ano bang mas tamang piliin, kung ang pagpapakamartir ay papatay sa'yo at ang pagdamay ay mauuwi sa pangangaliwa? Saan hahantong ang kaniyang pag-ibig? Sa kaligayahan ba, katarungan, o sa bilangguan? [DISCLAIMER* The story contains sensitive themes such as marital rape, physical abuse, and adultery that are not suitable for young readers. The following chapters may trigger one's trauma. Read at your own risk.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Reject his child

Reject his child

"Bakit mo ba sa'kin pinagpipilitan ang ipinagbubuntis mo? Look, niligawan at pinakasalan lang kita para pasakitan si Stephanie at hindi ang inaakala mong pagmamahal! At paano ka nakakasiguro na ako ang ama ng ipinagbubuntis mo?" Nakatatak na sa isip ni Aliah Tawili ang mga katagang binitawan ni Calib Osteja sa kaniya. Salat sa pagmamahal at aruga ng isang magulang si Aliah kaya nang mag krus ang landas nila ni Calib Osteja, Ang play boy at taga pagmana ng mga Osteja ay ginawa niya ang lahat para hindi siya iwan ng binata. Maisasakatuparan pa kaya ni Aliah Tawili ang magkaroon ng buong pamilya ang kaniyang anak? gayon isinisigaw ng binata na hindi siya ang ama ng kaniyang ipinagbubuntis
Romance
1016.5K viewsOngoing
Read
Add to library
ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)

ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)

Narnia Melpomene Alvarez—ang tinaguriang "rebelde" na kakambal ni Urania, ayon sa kaniyang tiyuhin na si Luis Grimaldi. Buong buhay niya, iisa lang ang kanyang layunin: ang makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang, anuman ang kapalit. Sa murang edad pa lamang, buo na ang kanyang loob na ipaglaban ito, kahit sariling buhay ang isugal, lalo na para sa natitira niyang pamilya—ang kakambal niyang si Urania. Kaya’t hindi na nakapagtataka nang sumali siya sa isang lihim na grupo na konektado sa underground society. Alam niyang delikado ito, pero iyon ang tanging paraan para maabot ang matagal niyang pinapangarap. Ngunit isang gabi ang nagbago ng lahat—isang gabing ginulo ng hindi inaasahang estranghero. Ang pagtulong niya kay Zuhair Eros Smith ay tila isang maling hakbang na hinding-hindi niya makakalimutan. Bigla na lang napasok si Eros sa buhay niya—isang lalaking misteryoso, mapang-asar, at puno ng mga lihim. Wala sa plano ni Narnia ang pagbukas ng kanyang puso para sa sinuman, lalo pa’t hindi niya lubos kilala ang lalaking tila may koneksyon sa kanyang madilim na nakaraan. Hanggang saan ang kaya niyang isugal para sa pangako niya sa kanyang pamilya? Paano kung ang taong nagbubukas ng pintuan sa pagmamahal ay isa ring susi sa kasinungalingan? At paano kung ang laban para sa hustisya ay makasira sa pag-ibig na unti-unting namumuo? Ngayong nagbabanggaan ang kanyang puso at prinsipyo, kailangan niyang pumili: ipaglaban ang nakaraan o tanggapin ang pagmamahal na dala ng lalaking hindi niya sigurado kung kaibigan o kalaban.
Mafia
102.6K viewsCompleted
Read
Add to library
My Ex's Uncle Owns Me

My Ex's Uncle Owns Me

Warning (R18) SPG Novel... Akala ni Ranzzel Layaoen, ang pinakamalaking dagok sa buhay niya ay ang pagkawasak ng kanyang pamilya at puso. Pero mas matindi pa pala ang kapalit—isang kasal na walang pagmamahal sa isang billionaire director doctor kilalang coldhearted at nakatali sa wheelchair, si Vincentius Vaughn. Para lang mailigtas ang negosyo ng pamilya, pumayag siyang maging asawa niya… kapalit ng isang kontrata. Ngunit nang matagpuan niya si Vincentius sa dalampasigan—walang malay, may amnesia, at higit sa lahat… nakakalakad—unti-unting nagbago ang lahat. Sa simpleng buhay na malayo sa lungsod, natuklasan niya ang isang bagong Vincentius—maalaga, mapagmahal, at tila matagal na siyang minahal noon pa man. Pero paano kung bumalik ang kanilang nakaraan? Paano kung ang totoong banta sa kanilang buhay ay hindi pa tapos? At paano kung ang akala niyang panandaliang kasunduan ay isa palang pag-ibig na itinadhana?
Romance
105.3K viewsOngoing
Read
Add to library
The Unwanted Wife Of Mr Villareal

The Unwanted Wife Of Mr Villareal

Ikinasal si Luther Villarreal at Eunice Sanchez kahit walang pagmamahal para sa isat-isa magkaroon lamang buong pamilya ang anak niyang si Isaac. Ngunit paano kung nung una palang ay mahal na ni Eunice si Luther, kaya rin kaya siyang mahalin nito? Gayong ang mahal naman nito ay si Monica. Samahan niyo akong umiyak at tumawa sa storya ng buhay ni Eunice Sanchez.
Romance
102.7K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1314151617
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status