Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

My CEO Best Friend is My Baby Daddy?!

Eyah
Hindi akalain ni Serena na ang simpleng pagtanggi niya na sapilitang maikasal sa kuya ng kanyang best friend ang magiging daan pala para maungkat ang isang rebelasyon tungkol sa pagkatao niya. Iyon din ang naging simula ng isang napakalaking pagbabago sa buhay niya. Mula sa pagiging tagapagmana ng mga Choi ay natagpuan niya na lang ang sarili niya na nasa isang napakahirap na kalagayan. Mula sa naglalakihan at mga bonggang runway platform na nilalakaran niya suot ang iba't-ibang designer items ay naroon siya ngayon sa isang maliit na entabladong nasa gitna ng madilim na club— sumasayaw ng malaswang sayaw habang suot ang maliliit na piraso ng tela na kaunti na lang ay maglalantad na sa kaluluwa niya. Mula sa tingin ng paghanga at sigaw ng admirasyon mula sa mga umiidolo sa kanya ay nauwi siya sa pagsalo ng mga malalagkit na tingin at mahahalay na salita mula sa mga lalaking hindi niya kilala na pawang mga hayok sa laman. Ang magandang katawan na dati niyang iniingat-ingatan, ngayon ay naging parausan na lang ng kung sino man ang may kakayahang magluwal ng pinakamalaking halaga para sa isang gabing impiyerno sa loob ng VIP room ng club. Paanong ang simpleng paghahangad ng kabutihan niya para sa sarili ay naging sanhi ng pagbaliktad ng mundo niya at pagkawala sa kanya ng mga taong mahalaga sa buhay niya? Ngunit sa kabila ng hirap at walang katiyakan ay pinili niya pa ring mabuhay. Kahit alang-alang na lang sa isisilang niyang anak sa lalaking nakasama niya sa isang gabing impiyerno na iyon. Sa lalaking hindi niya man lang nakikilala...
Romance
101.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Haplos Ng Kasalanan [ SPG ]

Nang dahil sa hirap ng buhay walang nagawa si Elyze kundi humingi ng tulong pinansyal sa kaniyang long time boyfriend na si Renz nang lumala ang sakit ng kaniyang ate Hope na asthma at nagkaroon pa ito ng komplikasyon sa puso. Kaya lang nagalit si Renz nang mag usap sila sa labas ng Hospital. Nag away silang dalawa at nauwi sa sumbatan. Naghiwalay sila dahil hindi matanggap ni Elyze na pagsasalitaan siya ng hindi maganda ni Renz. Narinig naman ni Oliverio ang pag uusap nang dalawa at nang tumakbo palayo si Elyze bumangga siya sa nakapaguwapong Bilyonaryo walang iba kundi si Oliverio, na siya ring CEO ng kompanya kung saan nagtatrabaho ang dalaga. Nakilala naman ni Elyze ang Boss kaya mas lalo siyang nahiya dahil naiyak siya nang mga oras na iyon. Hindi naman pinalampas ni Oliverio ang pagkakataon at inalok ng Kontrata tungkol sa kasal ang dalaga kapalit ng pagtulong nito sa problema niya. Dahil walang ibang pagpipilian pumayag si Elyze para maisalba ang kapatid. Ikinasal sila at napagamot ang kaniyang ate. Habang tumatagal nahulog sila sa isa't isa at nanatili silang in denial sa nararamdaman. Hahamakin kaya nila ang lahat para sa pag ibig?
Romance
1021.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Nightly Obsession (SPG)

Nightly Obsession (SPG)

Warning: This Book is not suitable for young readers or sensitive minds. Some parts contains graphic sex scenes, adult languages and situations intented for mature readers only! Ilang taon niyang itinago ang anak sa kanyang ex nang lokohin at saktan siya nito. Ngunit hindi niya akalaing sa kanilang muling pagkikita ay mapapatunayan niya sa kanyang sariling hindi lamang ang anak nila ang itinago niya, itinago niya rin ang hindi mawalang pagmamahal niya dito, kahit pa sa ilang taong hindi sila nag kita ay ibang katauhan na nito ang madadatnan niya, malayong-malayo na ito sa dating buhay nito noong iwan niya. Naibalik man ang dating init ng bawat tagpo at gabi sa pagitan nila, buo pa rin anv pasya niyang huwag ipaalam dito ang tungkol sa anak na itinatago niya. Ngunit nang minsang manganib ang buhay ng kanyang anak, nawalan siya ng ibang pagpipilian kundi ang lapitan ang lalaki at humingi ng tulong dito. He gave her only one option. BE WITH HIM, BACK HOME AND TO HIS BED!
Romance
1029.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Revenge of a Heartless Daughter

Revenge of a Heartless Daughter

Si Celestine Pearl Quintana, ipinalaki sa mayamang pamilya ngunit hindi naramdamang kabilang siya rito. Mayroon siyang kambal na may sakit sa puso (Heart disease), kaya laging abala sa pag aasikaso ang kaniyang mga magulang, na halos wala ng oras para alalahanin siya simula pagkabata. 'Di kalaunan ay na diagnosed si Celestine sa sakit na Brain Tumor, at isa lang ang pwedeng piliin ng kaniyang mga magulang. Pero hanggang sa pagkakataong ito ay hindi siya iyon. P'wersahan siyang pinatay na kuntawagin ay 'Euthanasia' at naging donor para sa heart transplant ng kaniyang kapatid. Dahil sa masaklap na pangyayari ay binigyan siya ng tadhana ng pangalawang pagkakataon para mabuhay, at bumangon sa kaniyang hukay. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na balang araw ay kakalabanin niya ang kompanya na pinakamamahal ng kaniyang daddy, at papanorin ang pagbagsak nila. Ngunit paano kung matutunan niya sinasabi nilang tunay na pag-ibig at tuluyan itong maunwaan dahil sa isang misteryosong lalake? Mananaig parin ba ang galit, o kakalimutan niya ang lahat.
Mystery/Thriller
106.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Divorced Wife Is Back

The Divorced Wife Is Back

Author Eli
Abot tainga ang ngiti ni Elisa habang naglalakad papunta sa opisina ng kanyang asawa. Pinaglalaruan niya sa isip at ini-imagine ang mga eksena kung paano maaaring mag-react ang asawa niya sa balita tungkol sa kanilang magiging anak. Buntis siya, dalawang buwan na. Habang papalapit siya sa opisina, napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto, sapat na para makita at marinig ang usapan sa loob. “Tama na, Azrael, ang kulit mo talaga!” malakas na hagikgik ng isang babae. "Nakikiliti ako!" Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Elisa, at pakiramdam niya ay dumaloy nang mabilis ang dugo sa buong katawan niya. Hindi siya sigurado sa narinig, kaya napagpasyahan niyang sumilip—ingat na ingat na hindi makita o marinig. Dahan-dahan siyang yumuko at nakita niya si Azrael, ang kanyang asawa, nakayakap sa baywang ng babae at mapusok na hinahalikan ang leeg ng babae. Nanlaki ang mga mata ni Elisa sa nakita, lalo pa nang sakupin ni Azrael ang mga labi ng babae. Parang sinasaksak nang dahan-dahan ang puso niya, hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya rin namalayan na tumutulo na pala ang mga luha niya. "A-Azrael..." nanginginig niyang bulalas, dahilan kung bakit napatingin sa kanya ang asawa.
Romance
10591 viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Neighbor is My Husband

My Billionaire Neighbor is My Husband

Chloe Haynes
May dalawang lalaki ang nanggugulo sa buhay ni Sanaiah. Una ay ang lalaki sa kanyang panaginip na kahit kailan ay hindi pa humaharap sa kanya kaya hindi niya alam ang hitsura. Ganoonpaman, pakiramdam niya ay nagkita na sila ng lalaking iyon dahil lahat ng panaginip niya tungkol dito ay parang totoo. The other man was Klyde Sylvan Imperial, her billionaire neighbor and the man who constantly turns her days into disaster. Palagi na lang kasi nitong sinisira ang araw niya. Kung si Sanaiah ang tatanungin, hinding-hindi siya kailanman makikipaglapit sa lalaki, iyon ay sa kabila ng katotohanan na noon pa siya nito kinukulit para maging nanny ng mga kambal na anak nito. Pero may pasabog ang tadhana, kasabay ng isang trahedyang magiging dahilan para tanggapin niya ang inaalok na trabaho ni Klyde ay ang pagharap ng lalaki sa kanyang panaginip. Si Klyde at ang lalaki sa kanyang panaginip ay iisa. Nagpasya si Sanaiah na maging nanny sa mga anak ni Klyde sa pag-aakalang doon matatahimik ang buhay niya. Ang hindi niya alam, nang dahil sa desisyon niyang iyon ay mas lalo lamang magiging kumplikado ang lahat dahil sa mga lihim ni Klyde na isa-isa niyang matutuklasan.
Romance
5.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me

Flash Marriage: Mr. Zillionaire Spoiled Me

In a marriage built on convenience, will she finally find the love she’s been denied all her life? *** Si Chloe Lazaro ay isang babaeng walang boses sa sariling pamilya, tinatawag na malas, tinataboy, at walang halaga. Sa bawat araw na kasama ang mga magulang at kapatid, unti-unti niyang nakalimutang karapat-dapat din siyang mahalin. Hanggang sa dumating si Jiro Ramirez . Isang makapangyarihan at mayamang lalaki na kilala sa malamig na ugali at imposibleng lapitan. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na anyo, si Jiro lamang ang unang kumupkop kay Chloe, ang unang humawak ng kanyang kamay, at ang unang nagsabi ng mga salitang hindi niya narinig kailanman: “Don’t be nervous… you’re my wife now.” At sa piling ng isang lalaki na estranghero, matutuklasan ni Chloe na may mga kasal na hindi lang papel ang nagbubuklod… kundi puso.
Romance
105.0K viewsOngoing
Read
Add to library
The Heartless CEO (Tagalog Version)

The Heartless CEO (Tagalog Version)

Wala nang sasakit pa ang itakwil ka ng sarili mong mga magulang dahil mas pinaniniwalaan ng mga ito ang taong itinuring niyang tunay na kaibigan. Ang akala ni Nicole na mapabuti ang buhay sa tulong ni Danica ay kabaliktaran ang nangyari. Ginamit siya nito upang matupad ang ambisyon sa buhay—ang maikasal sa isang arogante at may pusong bato na si Steven. Hindi na nagtaka si Nicole kung bakit nagawa siyang traidurin ng kaibigan dahil sa lalaking ito. Bukod sa milyonaryo na, angkin pa nito ang katangiang kinababaliwan ng kababaihan sa isang lalaki. After six years, babalik si Nicole upang agawin ang bagay na inangkin ni Danica, kasama na ang lalaking nagbitaw ng isang salitang hindi siya karapat-dapat maging ina ng anak nito.
Romance
10199.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Love Beyond Time: The Soldier’s Strange Fiance Has A Secret

Ang unang pagkikita nina Isabelle Reyes at Andres Vargas ay sa isang handaan, kung saan kapansin-pansin ang natatanging kagandahan ng dalaga. Halos lahat ng mga mata ng mga tao ay napako sa kanya. Tanging si Andres lamang na nakasuot ng tuwid na unipormeng militar, may mahigpit na tindig, at tahimik siyang tiningnan na may kalmadong pagkawalang-interes. Ngunit dahil sa kasunduan ng kanilang mga pamilya — ang pamilya Reyes at pamilya Vargas — pinilit ipakasal si Isabelle kay Andres, isang bagay na hindi naman tinutulan ng dalaga. Matapos ang kasal, habang sila ay magkasama sa kanilang higaan, tinanong ni Andres si Isabelle tungkol sa ugnayan nila ng kanyang kapatid na si Marco. Sa pagkakaalam ni Andres, may malalim na pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman, dahil sa pakiwari niya, inagaw niya ang nobya ng kanyang kapatid. Ngunit sa paglipas ng mga araw, unti-unting nahulog ang kanyang damdamin para kay Isabelle at ninais niyang mapasakanya ito ng buo. Ngunit may isang lihim si Isabelle — isang lihim na siya ay muling nabuhay upang iligtas ang buhay ng lalaki mula sa nalalapit nitong kamatayan dulot ng digmaan. Maililigtas kaya niya ito, o magkasama silang mapapahamak?
Romance
10574 viewsOngoing
Read
Add to library
First Birthday Cake

First Birthday Cake

Maya Morenang Mangangatha
Pangarap ni Mavie na makatanggap ng birthday cake, buong-buo at walang bawas ang icing. Mahirap ang kanilang pamilya ngunit nagagawa ng kanilang magulang, kapwa magsasaka, ang patapusin sila sa pag-aaral. Matalik na magkaibigan mula pagkabata sina Hugo at Mavie sa kabila ng magkaiba ang estado ng kanilang buhay. Nag-aaral ng political science si Hugo sa bayan at nangangarap magtrabaho sa gobyerno. Samantala, nag-aaral naman ng engineering si Mavie sa kanilang baryo na nangangarap na maipa-renovate ang kanilang kubo. Isang kalihim ng samahang ARC (Arts with Responsibilities Creatives) si Mavie. Sa tulong ng kanyang kaibigang si Salome, namulat siya sa paglilingkod sa kolehiyo. Ang mga dokumento ng samahan na maingat niyang hinahawakan ang magiging susi ng pagmulat ng kanyang mga mata sa totoong takbo ng kolehiyo, maging ang iba pang organisasyong humaharap sa mala-butas ng karayom sa pagre-request ng budget ng mga gaganaping programa para sa mga kapwa estudyante. Samantala, ang pangarap na birthday cake ni Mavie para sa kanyang sarili ang magiging pinto ng kanyang tadhana upang hanapin ng kanyang puso ang lubos na sinisinta. Ito ay sa kabila ng mga kinakaharap ng mga pagsubok sa gitna ng tagumpay.
105.3K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status