Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
KUNG AKO AY IIBIGIN MO

KUNG AKO AY IIBIGIN MO

Dalagita pa lamang ang maganda at matalinong si Helena Montenegro nang maulila siya sa mga magulang. Ganoon pa man, hindi siya pinabayaan ng abuela niya na si Doña Amanda. Itinaguyod siya nito ng buong pagmamahal. Itinuro nito sa kan'ya ang lahat ng aspeto sa buhay kaya naman naging matagumpay si Helena sa halos lahat ng larangan. Isa lang ang hindi niya nagawang pagtagumpayan. Ang usapin ng kan'yang puso, na nalinlang ng lalaking pinagtiwalaan niya. Iniwan siya nitong nagdadalangtao. Pero hindi papayag si Helena na malugmok siya sa kabiguan lalo at magiging dahilan iyon ng kamatayan ng lola niya. Humanap siya ng lalaking mananagot sa kalagayan niya. Kahit bayaran niya ito ng malaking halaga. At iyon ay si Markus Angeles. Isa sa kan'yang ordinaryong empleyado lamang. Si Markus na tinanggap ang alok ni Helena hindi dahil nasilaw siya sa kaginhawahang inalok nito kun'di dahil sa dahilang matagal niya nang minamahal ang babaeng amo. Nagsama sila sa iisang bubong. Hanggang isang araw, natuklasan ni Helena na umiibig na rin pala siya kay Markus lalo at natuklasan niya na hindi siya nagkamali ng pagpili rito. Ngunit hindi nila iyon mabibigyan ng katuparan. May bumalik at dumating na hadlang. Pilit na hahadlang sa kaligayahan nila ang unang pag-ibig ni Helena. At may nakahanda ring sumilo sa puso ni Markus. Sa huli, mananaig ang pag-ibig nila sa bawat isa. At iyon ang magsisilbi nilang kalasag laban sa mga hadlang na pilit pinaglalayo ang kanilang mga puso.
107.7K viewsCompletedAdded to Library 161 Times as tulog na siya
Read
+Library
Love for Rent

Love for Rent

Limang buwan na ang nakalilipas ay ibinenta ni Hanna ang katawan at naiwala niya ang pinakaiingatang puri. Isang malaking pagkakamali ngunit kailangan niya ng pera upang maipagamot ang kapatid. Namasukan siya bilang dyanitres sa pinakamalaking kumpanya sa kanilang bayan. Hindi niya akalain na ang lalaking naka-one night stand at ang CEO, ang bilyonaryong si Charles Ethan Rodriguez ay iisa! Inalok siya nitong magpanggap bilang girlfriend. Pumayag siya dahil bukod sa sobrang gwapo at matipuno nito ay babayaran siya ng malaking halaga. Paano kung sa kasunduan nila ay umibig siya sa mayamang binata? Ngunit parausan lamang ang tingin nito sa kanya habang hinihintay nitong bumalik ang babaeng tunay na minamahal. Hanggang saan siya magtitiis para sa lalaking walang pagtingin sa kanya? Hanapin kaya siya nito kung isang araw ay bigla na lamang siyang maglahong parang bula?
9.91.3M viewsCompletedAdded to Library 35.1K Times as tulog na siya
Show Reviews (105)
Read
+Library
Analyn Bermudez
maganda Ms A Ang book 1.. diko lng alam kung maganda din itong book 2 mo,,KC mukhang Puno Ng sakit at pagdurusa ata Ang mangyayari Kay Hanna...at ano Ang mangyayari sa kanilang mag asawa....Hindi ko na Muna babasahin,ska ko nlng bsahin pag end na hahaha ayuko Muna umiyak Ms A
Maria Bonifacia
Maraming salamat po sa suporta sa Love for Rent. Please try my other books. 1. Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO - new 2. Never Fall Again to the Heartless Billionaire - completed 3. The CEO's Cold Ex-Wife - ongoing 4. Unlove Me Not - completed 5. The Ex-convict Billionaire - completed
Read All Reviews
ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN

ANNULMENT SERVED: Once A Substitute Wife, Turned Into QUEEN

Akala ni Ivory, pag nag-file siya ng annulment kay Levi, matatahimik na ang buhay niya. Pero mali siya. Sa mundo nilang tatlo, siya ang naging kontrabida. Si  Franchesca ang tunay na mahal ng asawa niya at siya ay panakip-butas lamang, substitute noong mga panahong wasak na wasak ang puso ni Levi dahil sa pag-alis ng ex-girlfriend nito. Kung ihahambing niya sa mga kwentong nabasa niya: dapat siyang mabaliw sa selos, apihin ng lahat, at iwan nang luhaan.  Pero sorry sila. Nasa reyalidad siya ngayon.  Hindi siya papayag maging extra sa love story ng iba. Hindi siya ang iiyak sa gilid habang ang asawa niya at ang babae nito ay naghahalikan sa gitna. This time, siya ang magdidikta ng kapalaran niya at sisimulan niya sa annulment. "Baliw ako? Hindi. Nagising lang ako sa katotohanang matagal na akong ginawang tanga."
10319 viewsOngoingAdded to Library 9 Times as tulog na siya
Read
+Library
Owning Her (tagalog)

Owning Her (tagalog)

"Pakakasalan Kita," walang emosyong mababakas sa boses nito. Sa tono nito ay hindi nagtatanong kundi nagsasabi lang na para bang utang na loob niya pa at dapat siyang matuwa. Napatigil siya sa pag-iyak. Marahas na nag-angat siya ng tingin dito. Nababaliw na ito kung iniisip nitong papayag siya sa gusto nitong mangyari. Hindi sa lalaking bumaboy sa kanya. Mapait siyang natawa "Hinding hindi ako magpapakasal sa demonyong katulad mo!" Puno ng pagkamuhi na sigaw niya dito. Ngunit wala siyang nagawa ng kaladkarin siya nito papunta sa isang judge para magpakasal. At mas lalong wala siyang nagawa ng unti-unting nahulog ang loob niya dito at matutunan itong mahalin sa kabila ng mga nangyari.
9.883.6K viewsCompletedAdded to Library 2.3K Times as tulog na siya
Read
+Library
UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO

UNREQUITED LOVE WITH THE COLD CEO

Si Xavier Echiverri ay isang napaka-cold, matangkad, napakagwapong bachelor at perfectionist na CEO ng Heaven Shipping Inc.. Siya ang perpektong halimbawa ng isang CEO na parang refrigerator— ‘di basta-basta lumalambot, kahit sa harap ng mga magagandang empleyada. Para sa kanya, ang pag-ibig? Wala sa business plan! Ngunit ang tahimik niyang opisina ay biglang nagka-brownout sa presensya ng bagong empleyada, si Antonette Pinagpala. Si Antonette ay maganda, sexy, at mabait, ngunit isang certified walking disaster! Palaging may natatapong kape (karaniwan ay kay Xavier pa!), nalalaglag na folders, at minsan, siya mismo ang natutumba! Pero kahit laging epic fail, hindi siya nawawalan ng ngiti o ng lakas ng loob na bumati ng, “Good morning, Sir!” kahit na obvious na bad trip si Xavier sa mga bloopers niya. Ang akala ni Xavier, matutuyot siya sa stress ng mga epic fails ni Antonette. Pero sa bawat engot niyang hakbang, natatawa siya—sa umpisa, pilit na tawa lang; kalaunan, hindi niya na mapigilan ang tawang natural na natural. At unti-unti, nadidiskubre niyang ang “perfectionist” niyang puso ay kayang pakiligin ng isang disaster queen na gaya ni Antonette. Ngunit sa gitna ng kanilang nakakakilig na harutan, biglang lumitaw ang matagal nang nakalimutang bahagi ng buhay ni Xavier—si Isabella Maharlika, ang ex-fiancee niyang iniwan siya sa mismong araw ng kasal! At ngayon, bumalik siya upang kunin ang atensyon at pagmamahal ni Xavier, na tila nais niyang mabawi mula kay Antonette. Kaya ba niyang isantabi ang kanyang prinsipyo na "business-only" para sa masaya at nakakakilig na buhay kasama si Antonette?Pero kung magkakaalaman na ang lahat, sino nga ba ang pipiliin ni Xavier—Si Isabella o Siya?-ang perpektong pagmamahalan na minsan nang nagtapos, o ang bagong love story na puno ng epic fails pero walang kapantay na saya?
103.8K viewsCompletedAdded to Library 145 Times as tulog na siya
Read
+Library
My Introverted Girlfriend

My Introverted Girlfriend

Si Maria Marites Majarott ay isang introvert na babae, siya ay NBSB at nahihirapang makihalubilo sa mga tao not until Ernist Hemingway 'the boy next door' comes to the rescue. **** Si Maria Marites Majarott 'Mari' ay nagtatrabaho bilang isang manunulat sa isa sa pinakamalaki at pinakasikat na kumpanya ng paglalathala sa bansa. Sa katunayan, isa siya sa pinakamabentang may-akda sa kasalukuyang henerasyon ngunit itinatago niya ang sarili sa pin name na MMM 'Malibog at Maharot na Manunulat'. Siya ay isang Erotikong manunulat. Gayunpaman, kung gaano kalapad at kalawak ang imahinasyon niya patungkol sa kanyang genre ay napakasalungat nito sa totoong personalidad niya. Isa siyang tao na pinangingibawan ang pagtuon sa kanyang sarili. In short introverted and innocent like bullshit. Kaya nang tumuntong siya ng trenta ay naging desperada ang dalaga't gusto niyang maranasan kung ano ba ang pakiramdam ng madidiligan ang bulaklak niya, subalit paano? Wala naman nagpapakilig sa kanya? N'ung halos susuko na siya't handang tanggapin ang madilim na kapalaran ng bulaklak niya. Saka naman may bagong saltang kapitbahay siya na si Ernist Hemingway na mayroon pinakamagandang ngiti na nasilayan niya sa buong buhay niya. Ito naba ang nakatakdang pumitas sa malapit nang malalantang bulaklak niya?
108.1K viewsCompletedAdded to Library 170 Times as tulog na siya
Read
+Library
RAW AND OLDER

RAW AND OLDER

Synopsis: “You don’t have to change yourself in order to be my ideal woman. `Coz you are that woman.” -Captain Lark Adriel Calumpang Kahit na duda kung totoong siya ang ama ng ipinagbubuntis ay napilitan si Captain Lark Adriel Calumpang na pakasalan si Maricel Paligumba dahil namimilegro ang kanyang military career. Sa kanyang edad ay wala pang balak na mag-asawa si Maricel Paligumba. Lalo na sa isang sundalo na thirty five years old na! Pero dahil buntis siya, pinilit niya itong panagutan siya. Pumayag naman ang sundalo pero nagpapirma ito ng kasunduan sa kanya at iniwan siya nitong mag-isa sa honeymoon nila. Walang manners na matanda! Sa galit ay walang salita niya itong nilayasan. For sure hindi siya nito hahanapin dahil naniniwala ito na hindi ito ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.
10769 viewsOngoingAdded to Library 19 Times as tulog na siya
Read
+Library
LOVE AFTER LUST (FILIPINO)

LOVE AFTER LUST (FILIPINO)

Isang call girl si Frances. Hindi niya iyon ikinahiya sa maraming tao dahil alam niyang doon siya kumukuha ng kaniyang pantustos sa kaniyang araw-araw na pangangailangan. Bagaman sa sex at pera lang din naman ang umiikot ang buhay niya. Pero isang araw na may tumawag sa kaniyang Amerikano na nagngangalang Jony. Para sa isang gabi, paparausan siya nito, isang malaking halaga ang ibabayad nito. Hindi na nagpakipot si Frances. Pera at sex lang ang nasa isip niya at iyon ang kagustuhan niya. Bagaman, hindi niya alam na dahil sa kliyente niyang si Jony, unti-unting nagbago ang kaniyang buhay. Jony is a clingy, sweet, annoying, and wild. Ito rin ang dahilan kung bakit nalilito na siya sa kaniyang sarili dahil ang sabi nito, ito ay ang kaniyang asawa. Gayunpaman, hindi siya naniniwala. Lalo pa ay wala naman siyang naalala na naikasal siya sa isang Jony Guevara.
107.5K viewsCompletedAdded to Library 171 Times as tulog na siya
Read
+Library
Chosen for Pleasure (R18) Slave Market Series 1

Chosen for Pleasure (R18) Slave Market Series 1

Dahil ayaw maghirap ng Mama ni Noella ay kumapit ito sa patalim at siya ang ginamit nito upang hindi mawala ang kayamanang mas pinapahalagahan kaysa sa sariling anak. Ibenenta si Noella ng ina sa isang ilegal at malaking organisasyon na tinatawag na Slave Market, na ibinebenta ang mga babaeng kagaya niya sa mga hindi lang basta mayayaman kundi bilyonaryo na tumatangkilik sa organisasyon na iyon. Hindi alam ni Noella ang kahaharapin lalo pa at wala siyang alam sa kalakaran ng organisasyon na iyon subalit alam niyang may hindi mangyayari sa kaniya lalo pa ang bumili sa kaniya ay isang lalake na sa paningin niya malupit at hindi makakawala rito ng buhay. Si Diego Alejandro Betancourt na kasapi rin sa Mafia organization na humahawak sa slave market na kumuha kay Noella at pinili lang siya ng binata upang maging taga-init ng kama nito at gawin ang nais nito sa kaniya hangga't hindi siya nito pinagsasawaan. Ngunit nalaman ni Noella na hindi rin siya basta pakakawalan ni Diego sa oras na pagsawaan siya nito dahil para kay Diego lahat ng mga pinagsasawaan nitong pag-aari ay hindi na muling mapapakinabangan pa ng iba. Ano kaya ang mangyayari kay Noella sa oras na magsawa sa kaniya si Diego? Paano kapag nalaman niyang may mas malalim pang dahilan si Diego kung bakit ayaw siya nitong pakawalan basta at ang dahilan niyon ay kapalit ng buhay niya? Slave Market Series 1
107.2K viewsOngoingAdded to Library 224 Times as tulog na siya
Read
+Library
Hiding The Billionaire's Son

Hiding The Billionaire's Son

MissBangs001
Highschool buddies, college girlfriend, at number one supporter siya ni Szellous Veron Dela Vega o mas kilala sa screen name nitong Seve.Mayaman ang pamilya ng lalaki kaya kahit nobya na siya, ay di pa rin siya matanggap ng pamilya nito. Nangako ang lalaki na ipaglalaban siya nito sa pamilya niya ngunit ang di niya inaasahan ay ang pakikipagbalikan nito sa dating nobya. Nalaman na lamang niya na ginamit lang pala siya nito para pagselosin ang dating nobya nito.Umalis siya nang Pilipinas para itago ang pinagbubuntis niya sa pamilya ng lalaki, at sa kanyang pagbabalik isa lang ang nais niya. Ang maghiganti sa mga taong umapi at nagbigay ng poot sa kanyang dibdib.---Limang taon ang lumipas at nagkita sila muli, ngayon ay isa na siyang hinahangaan na Solo Artist at CEO sa isa sa pinakamalaking Entertainment Company.'LJ Entertainment were build to compete with Dela Vega's Entertainment company'at gagawin niya ang lahat para bumagsak ang lalaki na dati niyang hinahangaan.
9.7104.8K viewsCompletedAdded to Library 3.8K Times as tulog na siya
Read
+Library
PREV
1
...
2122232425
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status